Gold Digger

By Dj_Elsiebrande

37.4K 590 44

{Fancy Girls Series Part 2 ~ Maryan Lioness ~ } Isang napaka-mayaman na maganda at sexy na dalaga o Rich and... More

Author's note
Prologue
Chap. 1
Chap. 2
Chap. 3
Chap. 4
Chap. 5
Chap. 6
Chap. 7
Chap. 8
Chap. 9
Chap. 10
Chap. 11
Chap. 12
Chap. 13
Chap. 14
Chap. 15
Chap. 16
Chap. 17 (ANG SIMULA)
Chap. 19
Chap. 20
Chap. 21
Chap. 22
Chap. 23
Chap. 24
Chap. 25
Chap. 26
Chap. 27
Chap. 28
Chap. 29
Epilogue
Message from the Author
Join my Fbgroup page

Chap. 18

887 15 2
By Dj_Elsiebrande

Rojz PoV

Agad niyang ipinahawak sa kamay ko ang ballpen at inilapag ang isang kontrata saka ko ito binasa nang malakas. Nakasulat roon at nakalagay na ipapasa ni Laruzzo Lioness a.k.a. Rojz Lakiabs ang kayamanan na mamanahin niya kay Governor Alfonso Lioness papunta kay Maryan Rivero?

"Lagdaan mo na!" sigaw muli ng babaeng naka-burqa.

"Paano kung sabihin kong ayaw ko?" panghahamon ko.

Nagbigay na naman ito ng senyas. "Undress him. Remove everything he wears except his underwear!"

Bigla nila akong hinubaran hanggang sa mapunit ang damit ko at tanging natitira lamang ay ang aking boxer shorts.

"May brief ba 'yan sa loob?" tanong na naman niya.

"Wala! Hindi ako nagbe-brief! Boxer shorts lang talaga ang sinusuot ko!"

Bigla niyang tinitigan ang buong katawan ko. Umikot pa siya sa akin at tiningnan pati likod sabay pinalo ang puwit at binulungan ako. "Nice ass!"

"Pinagloloko mo ba ako? Aminin mo nga sa akin, Miss Burqa! Bakla ka ba?" pagalit kong sigaw dahil pakiramdam kong minomolestiya at pinagnanasaan ako nito.

Mas lalo akong nagulat nang hinawakan niya ang likod ko papunta sa baywang. Ramdam ko ang magaan niyang kamay. Her skin slid beneath my skin, so flawless and smooth. Mahahaba ang kuko. Palagay ko, sosyalin talaga ito. Isa yata ito sa mga nalaro ko sa kama na naniningil ng pikot!

"Bakit may tattoo kang Maryan sa likod?" tanong nito.

"It's none of your business!" matigas kong sagot. May tattoo talaga akong Maryan sa likod ko na ginigitna sa ginuhit na pakpak ng anghel.

"Let him lay in the dentist chair!" utos muli nito sa kanyang mga goon kaya't hinila nila ako at pinahiga doon sa luma at sirang dentist chair.

"Ano? Magsi-signature ka o to-torture-in kita diyan?" sigaw na naman nitong burqa girl. Ewan ko ba kung paano siya nakakahinga sa loob.

"Ipakita mo muna ang mukha mo!" Bigla siyang nagbigay ng senyas dahil napikon siya sa sagot ko.

Bigla akong tinalian ng mga goon niya. Kamay ko'y itinali roon sa armrest ng dentist chair at pati na rin ang mga paa ko. Hanggang sa tuluyan niya akong kiniliti na ikinahalakhak ko nang sobra.

Kiniliti nila nang sobra ang dibdib ko, katawan ko, at lalo na ang kili-kili at ang paa.

"Hahaha! Tama na, please! Hahaha!" nagmamakaawa akong tumatawa.

"Sige, stop it!" Agad na namang tumigil ang mga goon niyang yakuza sa pagkiliti sa akin.

"Nagbago na ba ang isip mo?"

"Hindi pa rin! Ikaw ba? Magbabago ba ang isip mong tanggalin ang suot mong burqa?"

Agad na naman nila akong kiniliti hanggang sa nagmakaawa na ako habang naiiyak sa kakatawa.

"Siguro, transgender ka talaga, hahaha! Aminin mo na, hahaha! Kasi ayaw mong ipakita ang pagmumukha mo bwahahaha!"

Sa sobrang inis niya ay muli siyang nagsenyas na itigil na ng mga goon ang pangingiliti sa akin.

"Hindi mo ba alam na isang sampal sa mukha ko kapag sinasabihan akong transgender? Boys! Tie him! FASTER!" Itinali muli ako ng mga goon niya dahil napikon itong baliw na babaeng naka-burqa.

"Anak naman ng pating. What are you doing?" sigaw nito sa isa sa mga goon niyang tila may pinagkakaabalahan.

"I am cutting my nails."

"Lintik na! Nakikita mo nang busy kami rito! Ngayon ka pa nag-nail cut? Give me that, you idiota!" Inagaw at itinapon niya ang nail cutter. Ngunit di nila napansing nasalo ito ng aking mga kamay.

Matapos akong igapos ng hapon niyang goons, nagulat ako nang itinaas nila ako patiwarik. Sa ibaba ang ulo ko at may taling bumubuhat sa aking mga paa sa ere.

Yung mga sinita niyang hapon na goons ay may kinuha. Isa itong baldeng ng tubig na may lamang ice.

"Ano? Lalagdaan mo pa ba 'yang contract, Mister Rojz Lakiabs?"

"Hindi pa rin!"

Bigla na lang nilang inilubog ang ulo ko roon sa drum ng maraming ice habang nakabaliktad ako at nakatali ang mga kamay ko sa likod.

Hindi na ako makahinga habang nasa loob ako at nakababad sa nagyeyelong tubig. Hanggang sa itinaas na naman nila ang tali sa paa ko kaya't nakahinga na naman ako.

"Ayaw mo pa rin ba? You're just struggling yourself, sweetheart!"

"Oo, ayaw ko pa rin!" Pagmamatigas ko kaya't nilubog na naman nila ang ulo ko roon sa nagyeyelong tubig at mas pinatagal nila na tipong gusto nila akong mawalan ng hininga at tuluyan nang ilunod. Itinaas muli nila ang ulo ko.

Paulit-ulit na lang nila iyong ginagawa sa loob ng tatlumpung minuto. Nahirapan ako. Torture nga ang ginagawa nila sa akin para lang lagdaan ko yung pinakita ng babaeng naka-burqa.

Hanggang sa tinigilan na nila ako. Napagod na yata sila.

"I shall return, Rojz Lioness, kaya siguraduhin mong magbabago na ang isip mong lagdaan ito!" anang babaeng naka-burqa at iniwan na nila akong mag-isa sa torture room.

Buti na lang, hindi ko nabitiwan ang nail cutter.

***

Agad ginamit ni Rojz ang nailcutter na may kutsilyo para makawala sa tali ang mga kamay. Kahit mahirap ay kinakaya niya para lang makatakas. Naiinis siya dahil para siyang baboy na ibinitin na patiwarik ang posisyon.

Iniangat niya ang kanyang likod gaya ng ginagawa niya sa gym para lang maabot sa itaas ang mga paa niyang nakatali sa lubid. Saka niya ito nilaslas gamit ang kutsilyo hanggang sa bumagsak siya roon sa drum ng yelo. Nauntog pa nang sobra ang kanyang likod na ikinasakit ng buong katawan niya.

"Araaay! Bullshit! I swear I'm gonna find and kill you! You bastard lady in burqa!" galit na sinabi ni Rojz.

Agad siyang lumabas at dinahan-dahan ang kilos. May nakita siyang isang goon na paparating kaya hinintay niyang mawala ang mga ito. Nagulat siya nang biglang may sumugod sa kanya pagtalikod niya ngunit nailagan niya ito at nasaksak pa niya ito ng kutsilyong ginamit.

Binalikan muli niya ang torture room kung saan siya nanggaling buhat-buhat ang katawan ng nasaksak niyang goon. Tinakpan niya ang CCTV camera at kinuha niya mga damit nito saka isinuot kasama ang baril.

Lumabas muli siya at kunwaring isinuot ang salaming gamit galing doon sa goon.

Naglakad-lakad na tila hindi niya alam kung saan siya papunta. Pero isa lang ang alam niya, nasa isang lumang barko na pinag-iwanan ang lugar na pinagtaguan sa kanya dahil sa mga bintana nitong pabilog at pulos kalawangin ang dingding at papag.

Biglang tumunog ang intruder alarm kaya't biglang may nakahalata sa kanya kaya nang sugurin siya ay binaril niya ang mga ito. Tumakbo agad siya papunta sa kalawanging hagdan ngunit may nakaabang na namang limang goons na yakuza roon. Nang gagamitin ni Rojz ang kanyang baril ay mukhang naubusan na ito ng bala.

Buti na lang at black belter siya ng Muay Thai kaya't noong susugurin na siya ng limang goons ay tila nasa isang action movie siya at inubos niya silang lahat gamit ang mga suntok at sipa. Kahit isang bahid ng tama sa kanyang mukha at katawan ay wala.

Tumakbo ulit siya at nakita niyang ma-co-corner na siya dahil may paparating na dalawampung katao—yakuza goons na aatake ulit sa kanya magkabilaan.

Agad siyang tumakbo at may napasukang isang lumang kuwarto na kinakalawang at bahain. Nakahinga si Rojz nang malalim dahil sa akala'y natakasan niya sila. Iyon pala ay hindi.

"Akala mo, di ko alam? I am watching you in the cam. You're brilliant in Muay Thai, huh?" Nagulat at napatingin si Rojz kung saan nanggaling ang boses. Ito yung boses ng naka-burqa-ng babae. Bigla itong nagpakita sa kanya saka inilabas ang isang matalas at mahabang katana.

"Kung magaling ka sa Muay Thai, ako naman ay sa katana!" Bigla nitong sinugod si Rojz at dumepensa muli ng galaw si Rojz na tila nahihirapan. Matindi ang kanilang bakbakan ng babae. Napuruhan siya ng hiwa sa katawan at nahubaran nang kaunti si Rojz.

Akala niya, ganoon kadali itong kalabanin dahil babae ito ngunit nagkamali siya dahil tila dadaan muna ito sa talas ng katana ng dalaga.

Buti na lang at nahawakan niya itong isang metal pipe pang depensa. Para lang din hindi matamaan.

Ngunit di-kalaunan ay tila siya pa rin ang nagtagumpay dahil naagaw niya ang samurai ng dalaga pagkatapos nitong maitilapon dahil tinamaan ng malakas na puwersa ng tubong hawak niya.

"You tortured me so much! Sa birthday ko pa. Kaya patay ka sa akin ngayon!" nakangising sinabi ni Rojz habang hingal na hingal sa laban nila ng samurai burqa girl.

Ginaya niya ang Zoro senaryo nina Alejandro at Elena. Agad niyang ginamit ang napakatulis na katana para lang mahubaran ng burqa ang dalaga.

Hanggang sa natulala siya pagkatapos malaglag ang burqa nito. Si Maryan ito, isang babaeng mala-diyosa ang ganda at mala-bote ng Coke ang katawan sa kaseksihan. Isang babaeng saksakan ng sex appeal at nahalata rin ni Rojz ang buhok nitong kulay lupa na wavy kasama ang mga hikaw nito sa tainga.

"Tama nga ang hinala ko. Ikaw yung babaeng nagpanggap na Japayuki. Alam ko, hindi ka Japayuki! Pero tangina! Pinahirapan mo ako! Wooh! Muntikan na akong mamatay! Kung hindi ka lang maganda, matagal na kitang sinaksak. Pero parang iba ang isasaksak ko sa 'yo ngayon!" ngising manyakis ni Rojz.

Nang gagalaw na si Maryan ay bigla muling nagsalita ang binata. "Ooops! Di pa tayo tapos. Binitin mo kasi ako sa birthday ko, eh! Masyado mo akong in-easy-easy!" Sabay tingin nito sa suot ng dalaga. Ginalaw-galaw niya ang espada ng samurai na hawak niya hanggang sa nahubaran muli si Maryan at natira lang ay ang bra at panty nito.

"What the fuck! You perverted chicken shit! Ano'ng ginagawa mo sa akin? Bakit mo ako hinuhubaran gamit ang katana ko!" sigaw ni Maryan na tila nag-aapoy na sa galit.

Ngumisi muli ang binata at ginalaw na naman ang kanyang katana at ayaw tantanan ang dalaga hanggang sa pati panty at bra nito nito ay hindi niya tinira.

Pagkatapos mahubaran si Maryan ay naghanap agad ito ng pantakip.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7K 238 27
Si Jonathan Darius Moxford ay takda nang ikasal kay Natashia Nathalia Reyes. Lahat ng preparasyon ay ayos na, mula sa pinakamaliit na souvenir para s...
17.3K 1.1K 35
WARNING! (R18) COMPLETED NOBELISTA SERIES 1 Mala-santo ang pangalan, tumira ng mahigit isang taon sa loob ng kumbento ngunit sa isang iglap ay naging...
7.4K 326 50
Azallo Sinon Lekarpon a pilot, never expected himself to fell in love with Ziella Marie Kalperon who happens to be his one night stand partner and a...
70.8K 1.8K 33
This story is not suitable for young readers. Plagiarism is a crime. Be unique PS: Credit to 🪐⛈🦕 for the photo. Not edited