Everything I Want [BOOK 1]

By barbsgalicia

3.5M 89.8K 12.8K

[COMPLETED] Alam niyang bawal, pero hindi pa rin napigilan ni Isabela Santiaguel na magkagusto sa Club DJ at... More

Everything I Want
PROLOGUE
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26.1
Chapter 26.2
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.1
Chapter 30.2
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE
BOOK TWO: Everything I Need

Chapter 06

68.2K 1.9K 124
By barbsgalicia

AUTHOR'S NOTE: This chapter hasn't been edited yet and is written in the third-person POV

**

ARKHE

Matapos kumain sa restaurant ay dumiretso na agad silang dalawa ni Isabela sa mansion nito. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon. Pero mas nangingibabaw ang saya at excitement dahil makikita niya na rin ang tanging bagay na nagpapasaya kay Sab.

"Sa'n bahay mo rito?" Tanong niya agad nang makapasok na sila sa exclusive village kung saan niya ito sinundo kanina.

"Just go straight," sagot nito. "Tapos liko ka diyan sa right street."

Sumunod siya sa direksyon nito hanggang sa makita niya na ang isang napaka-laking bahay na nasa dulo ng nasabing kalye.

Halos manlaki ang mga mata niya. "'Yan?" Tinuro niya. "Diyan ka nakatira?"

"Yeah. Why?"

"Wala. Mansion pala talaga."

Natawa ito nang mahinhin. "Sa daming beses na nabanggit ko sa 'yong sa ganyan ako nakatira, hindi ka pala naniniwala sa kin?"

"Naniniwala naman. Medyo nagulat lang ako na ganyan kalaki."

Pumarada na sila sa tapat ng mansion. Panay pa ang silip niya sa salamin ng kotse niya kasi hindi pa rin talaga siya makapaniwala.

"Let's go?" Alok na ni Sab.

Do'n lang siya natauhan. Pinatay niya ang makina ng kotse at nagtanggal ng seatbelt, tapos ay bumaba na para pagbuksan si Isabela sa kabilang pinto.

Sakto namang bumukas din ang malaking gate ng mansion. May sumalubong na ilang mga bodyguards at mga maids.

"Good afternoon, ma'am," bati ng mga ito at nagsi-yukuan pa.

"Good afternoon," sagot din naman ni Sab sabay lakad na papasok.

Sinenyasan siya nito na maglakad na rin. Para rin tuloy siyang bodyguard na nag-sunod-sunuran kay Sab.

Kung namangha siya sa itsura ng mansion sa labas, mas namangha siya sa itsura nito sa loob. Ang bilis niya ngang natigilan pagka-pasok na pagkapasok sa pinto.

"Okay ka lang?" Biglang tanong ni Sab dahil napansin nitong naiwan na siya sa paglalakad.

"Bahay ba talaga 'to?" sabi niya naman, pinagmamasdan pa rin ang loob ng mansion.

"Oo. Bakit, hindi ba mukhang bahay?"

"Akala ko hotel, e."

Natawa na naman ito. "You're really funny. Come on, let's go upstairs. I'll show you my paintings."

Sumunod na siya at nag-umpisa silang umakyat sa pagkahaba-habang hagdan.

"Hindi ba magsusumbong mga bodyguards mo kay Morris kasi nandito ako?" tanong niya.

"No. H'wag kang mag-alala, I have their loyalty."

Nang makarating sila sa itaas ay tumuro kaagad si Sab sa isang kwarto. "That's my bedroom. Gusto mong makita?"

Ngumisi siya. Bigla siyang may kaberdehang naisip. "H'wag na. Baka kung ano pang mangyari sa loob."

Kumunot ang noo nito. "Ano namang mangyayari?"

"Wala." Nagpipigil siya ng ngisi.

Mukhang doon lang naman na-gets ni Sab. Ngumisi rin ito at umiling-iling. "Boys." Tapos tumuloy na ng lakad.

Siya naman, napahinto na muna para tingnan 'yung nadaanan nilang mga framed family photos na nakasabit sa dingding. Napako ang tingin niya sa malaking portrait na nasa gitna.

"That's us," biglang sabi ni Isabela.

Bumalik ito sa kanya at tinabihan siya para tingnan din ang malaking litrato. "That's mom and dad," tinuro nito. "That's my brother and my sister, Amanda. And that's me."

Napangiti siya. "Maganda ka talaga e, 'no? Maiksi pa buhok mo diyan. Bagay sa 'yo."

"Thank you. Matagal-tagal na rin 'yan. Last family picture namin bago pinatay sila Daddy."

Napalipat agad siya ng tingin dito.

Ngumiti naman ito nang mapait. "They were ambushed — my dad, my mom, and kuya. 'Yan 'yung mga panahong nagalit ako dahil naging Santiaguel pa kami. Sana naging normal na lang kaming pamilya. We were a happy family. Pero dahil lang sa inggit at galit ng mga kalaban namin sa negosyo, pinapatay nila sila Daddy. Sobrang laki ng nawala sa 'kin. Imagine, tatlong importanteng tao ang kinuha sa 'kin sa isang araw lang. The day they were killed, parang nakalimutan ko na rin kung papaano mabuhay. Akala ko nga hindi na ako makaka-move on, eh. I got so depressed to the point na hindi na ako kumakain. Sobrang nangayayat ako at nagkasakit nang sunod-sunod."

Huminga ito nang malalim. Tapos tumingin sa kanya. Ang lungkot ng mga mata nito. "'Yon ang dahilan kung bakit ang dami kong bodyguards at kung bakit todo bantay sila sa 'kin. Natakot ang kapatid ko. Baka raw kasi ako ang sunod na mapagdiskitahan knowing na favorite ako ni Daddy. I had death threats before. Buti nga ngayon medyo tumigil na sila." Bigla na ulit itong ngumiti na para bang natauhan. Nag-ayos ito ng sarili. "I-I'm sorry. Nagdire-diretso ako ng pagki-kwento ko sa 'yo."

"Hindi, ayos lang." Wala siyang ibang masabi.

Parang nalungkot din kasi siya sa nangyari sa pamilya nito. Kaya pala hindi nito sinabi sa kanya ang totoo no'ng una. Masyado nga talagang personal at sensitive ang kwento.

"Oh, look." Biglang kinuha ni Sab ang isang framed picture na nakapatong sa pahabang mesa sa ibaba ng mga nakasabit na portraits sa dingding para siguro ibahin na ang usapan. "Ito ako no'ng 8 years old. Pinicturan ako ni Dad kasama ang first painting ko."

Ngumiti siya sabay abot sa frame. "Bata ka pa lang talaga mahilig ka nang mag-pinta."

"Ang pangit pa nga niyang gawa ko. Tingnan mo naman, parang watercolor lang." Natawa ito. "Pero proud na proud na si Daddy diyan. Ang ganda-ganda raw. Nong lumaki ako tsaka ko lang na-realize na hindi naman pala talaga maganda. Inuto lang ako ni Daddy."

Natawa siya. "Maganda naman. Ang galing mo nga kasi 8 years old ka pa lang pero nakakagawa ka na ng ganito. Ako no'ng 8 ako t*ngina kumupit lang ng barya sa pantalon ng erpat ko ang alam kong gawin e."

Ang sarap ng tawa nito. "Nakakatawa ka talaga." Kinuha na nito ang framed picture mula sa kanya at ibinalik sa table.

Napansin niya naman 'yong isa pang litrato na nasa tabi non. Kinuha niya. "Sino naman 'to?"

"Ah, that's Morris."

Saglit siyang natigilan. "Ba't may picture ka niya rito?"

"Syempre."

"Anong syempre? Hindi mo pa naman siya asawa."

"Do'n na rin naman pupunta 'yon."

Ngumisi siya, tapos tinitigan nang maigi ang itsura ni Morris sa picture. Gwapo naman ito kahit papaano. Halatang mayaman, at halata ring malaki ang agwat ng edad kaysa kay Isabela.

"Ilang taon na 'to?" tanong niya.

"Hmm, 30. I'm 25."

"Ah. Ang laki pala ng tanda niya sa 'yo."

"Yeah. He's so mature. Gano'n ang gusto ko."

"Bakit, mature din naman ako ah?"

Napangiti ito. "Talaga lang, ha."

"Oo nga."

"Okay, sabi mo e." Bigla nitong sinilip ang mukha niya. "So, ano'ng masasabi mo kay Morris? Bagay ba kami na maging mag-asawa?"

"Syempre naman hindi."

Natawa ito sabay palo sa balikat niya.

"Bakit, totoo naman," dagdag niya. "Masyado kang maganda para sa Morris na 'to."

"What? Pero gwapo naman siya ah."

"Tss. Gwapo na ba 'to?" Tinabi niya ang picture ni Morris sa mukha niya. "Sino'ng mas gwapo sa 'min? 'Di ba ako?"

Hindi ito nakapagsalita.

"Ano," sabi niya naman. "'Di ka makasagot kasi totoo, 'no?"

Napa-iling iling na lang si Isabela. "Sige na nga lang." Tumalikod na ito pagkatapos at muling naglakad.

Binalik niya na lang din agad 'yung picture sa table tapos sumunod na siya.

Dumiretso si Isabela sa kasunod na silid at tumapat sa pinto noon. "So . . . this is my art room. You still remember our pinky promise?"

"Oo naman. Hindi ako magja-judge."

Ngumiti ito. "Okay. Let's go." Binuksan na nito ang pinto ng silid.

Pagkapasok niya, halos lumuwa na lang ang mga mata niya sa nakita.

Sobrang daming magagandang paintings! Para siyang pumasok sa museum at hindi lang basta sa isang art room. May mga paintings na nakasabit sa dingding at mayroon din namang mga naka-tayo lang sa sahig. Hindi mo aakalain na hobby lang ni Isabela ang pagpi-pinta dahil mukhang professional ang gumawa ng mga nakikita niya ngayon. Manghang-mangha siya!

"Uhm, so . . ." Sinilip siya ni Sab. "Anong masasabi mo?"

Nilipat niya ang tingin niya rito. "Ba't hindi mo nilalabas 'tong mga 'to? Ang gaganda."

Yumuko lang naman ito na parang nahiya. "Hindi naman maganda."

"Maganda."

"I don't know. They all look average for me."

Hindi na niya nagawang sumagot. Lumapit na siya ro'n sa isang naka-sabit na winter landscape painting sa pader. Marahan niyang hinaplos ang pinturang ginamit.

"Ang galing mo," puri niya sabay balik ng tingin dito. "Dapat hindi ka nahihiya na ipakita 'tong mga 'to sa ibang tao. Sobrang dami na. Kayang-kaya mo nang mag-exhibit."

Umiling-iling ito. "Ayoko. Baka wala lang pumunta."

"Tss, ba't ba ang hina ng loob mo. Sayang galing mo." Bigla niya namang napansin 'yong isa pang painting na nakapatong sa easel malapit sa kanya. Painting ito ng isang ocean sunset. "May ginagawa ka pa pala ngayon?"

"Oo. Tinatapos ko pa nga." Ngumiti ito nang matamis sa kanya. "You wanna watch me paint?"

"Ngayon?"

"Yeah."

Napangisi siya. "Ayaw mo talaga 'kong magkagusto sa 'yo, ah."

"Okay, fine, hindi na nga lang."

"'To naman, binibiro lang e. Sige na, panonoorin kita." Umupo na agad siya ro'n sa sa kalapit na single sofa chair.

Si Sab naman, hinanda na ang mga gagamitin nitong brushes at pintura. Naghubad ito ng cardigan pagkatapos.

Bigla tuloy siyang napatuwid ng upo. Ang seksi naman pala kasi ng suot nitong bistida sa ilalim! Spaghetti-strapped ang istilo kaya kitang-kita niya ang makinis na kutis at braso ni Isabela. Sobrang puti. Sakto pa talaga na nagtali ito ng buhok. Nagpusod ito kaya naman lumatiw na rin ang leeg nito na napaka-kinis din.

Iniwas niya na nga lang agad ang tingin niya. Mahirap na. Silang dalawa lang sa loob ng kwarto at kilala niya ang sarili niya pagdating sa mga ganitong pagkakataon. Ibang klase rin kasi 'tong si Sab, e. Ang galing mang-akit. Effective na effective kahit na alam niyang hindi naman nito sinasadya.

"Are you okay?" bigla naman nitong tanong.

Tsaka lang siya nagbalik ng tingin dito. "Ayos lang. Medyo nainitan lang."

"Ako nga rin, eh. Wait, buksan ko 'yung aircon." Tumalikod ito at kinuha 'yong control para sa aircon. "By the way, Ark, do you want something? Water, juice?"

"Ano?"

Sinilip siya nito. "Tinatanong ko kung may gusto ka bang inumin?"

"Hindi 'yon. Ano 'yong tinawag mo sa 'kin?"

"Oh. 'Ark'. Why, you don't like it?"

Napangiti siya. "Gusto."

Ngumiti lang din ito tapos binalik na ang remote sa pinaglalagyan pagkatapos buhayin ang aircon ng silid.

"Ako pa lang ba ang tumawag sa 'yo ng 'Ark'?" Sumunod pang tanong ni Sab habang papunta naman do'n sa teleponong nakasabit sa dingding malapit sa pintuan.

"Hindi naman," sagot niya rito. "Gano'n din minsan 'yung tawag sa 'kin ni Baron."

"Who's Baron? Your brother?"

"Hindi. 'Yung kaibigan kong pinaglihi sa init ng ulo."

Natawa lang naman ito. Tapos inangat na ang telepono at pumindot ng isang number. Nag-utos ito sa kabilang linya na dalhan sila ng dalawang baso ng juice.

Namangha na lang siya sa loob-loob niya. Parang hotel talaga, ah.

Pagkatapos makipag-usap ni Isabela ay bumalik na rin ito sa tatapusing painting. Pumwesto ito sa tapat. "Okay, game."

Inabot na nito ang brush at naghanda para mag-umpisa sa pagpipinta.

Siya naman, tinungkod ang magkabilang siko niya sa kanyang mga tuhod at tumutok na sa dalaga. Tila nga nag-iba na ang aura nito — biglang sumeryoso. Ganito pala ito kapag nagpipinta. Parang hindi man lang nga ito nakararamdam ng pagkailang kahit na may "audience" ito.

Kung gaano katitig na titig si Isabela sa ginagawa nito, gano'n din naman siya katitig na titig dito. Nilabas niya pa nga ang cellphone niya para panakaw itong kuhanan ng maraming pictures habang busy ito. Ang ganda ng rehistro ni Sab sa camera kahit na naka-sideview.

Korny mang pakinggan, pero pakiramdam niya mas lalo siyang nagkakagusto rito habang pinanonood ito sa pagpipinta. Ang sarap-sarap nitong pagmasdan. Ang gaan ng kamay nito sa tuwing lumalapat ang brush nito sa canvas. Halata ring sanay na sanay ito sa kulay ng mga pintura na dapat gamitin at talagang hindi ito nawawala sa focus.

Sa isip niya tuloy, espesyal talaga 'tong babaeng 'to, eh. Siguro siya na ang pinaka-maswerteng lalaki kung sakaling maging kanya na ito. Tsk, hindi na tuloy siya makapag-hintay. Gusto niya na itong makuha.

"Sab," tawag niya.

Napahinto naman si Isabela sa ginagawa at agad na naglipat ng tingin sa kanya. "Hmm?"

"Pa'no kung bigla kang nainlove sa 'kin tas hindi mo na mapigilan kasi hulog na hulog ka na? Itutuloy mo pa rin 'yong kasal mo?"

Imbis na sumagot ay natawa lang naman ito. "Ano 'yan? Ba't naman bigla kang napatanong nang ganyan habang nanonood sa 'kin? At saka ikaw talaga ang example?"

"Sige, iba na lang. Pa'no kung bigla kang may nakilalang lalaki, tapos nainlove ka sa kanya. Magpapakasal ka pa rin do'n sa Morris na 'yon?"

Tumawa lang ulit ito. Hindi ito sumagot.

"Ano nga?" tanong niya.

"I don't know. Hindi ko pa naman naranasang mainlove talaga so I'm not sure if that feeling is already enough for me to call off the wedding."

"Gusto mo munang subukang mainlove? Tutulungan kita. Pahuhulugin kita sa 'kin."

"Tumigil ka. You're really crazy."

"Seryoso nga. Pero kapag na-inlove ka na sa 'kin, hindi ka na pwedeng tumuloy diyan sa arranged marriage mo na 'yan. Kasi akin ka na."

Ngumisi ito. "Parang ang taas-taas ng confidence mo na mapapa-sa'yo talaga 'ko, ha."

"Hmm, parang gano'n na nga."

Natawa na naman ito at napailing-iling.

"Ano na?" tanong niya ulit. "Payag ka na sa alok ko?"

Bumuntong hininga ito. Nilublob muna nito ang kapit na brush sa tubig at saka muling tumingin sa kanya at nagsalita. "Sige. Dahil mukhang hindi ka naman magpapa-pigil, I'm game. Let's just see kung kaya mo talaga 'kong mapahulog sa 'yo."

TO BE CONTINUED

Love this chapter? Kindly share your thoughts or feedback via Facebook and Twitter! And please don't forget to include #EIW in all your posts/tweets.

Continue Reading

You'll Also Like

38.4K 344 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
194K 5.6K 60
[The Palmer Brothers: DOS] - I was surrounded by roses but I ended up loving the thorn. I forgot that it can give pinpricks and could make me bleed.
128K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
5.4K 161 38
CHASING SERIES #3 Status: Completed. Date: June 16 - June 23, 2020. Grace Miranda. Siya ang tipong mas mahal pa ang libro kase sa kung sino. Well, sh...