Dahan-dahang iminulat ni Zafira ang bilugang mata. Sumalubong sa kaniya ang nakasisilaw na liwanag mula sa bintang nakagilid ang mga kurtina.
"Mahal na prinsesa." Napalingon siya sa taga-silbi na nasa gilid ng kama niya. Hindi niya man lang ito napansin. "Pinapunta po ako ng hari dito para gisingin kayo at sabihin na rin na hinihintay nila kayo sa baba para kumain."
Nginitian niya lang ito.
Pilit niyang inaalala ang nangyai kagabi. Binasbasan siya ng mga Dyosa ng apat na element pagkatapos ay nawalan na siya ng malay. She gasped.
Hindi kaya...
"Ah, Miriam tama ba?" Tanong niya sa naalalang pangalan ng taga-silbi. Tumango ito. "Maaari ka nang lumabas. Susunod ako, pakisabi sa aking ama."
"Masusunod po mahal na prinsesa." Yumuko ito bago lumabas.
Nang masigurong wala na ito nagconcentrate siya at nagpakawala ng hangin sa kaniyang kamay at nagawa niya nga.
Sinunod niya naman ang apoy, may lumabas din sa kaniyang kamay. Nakamamangha!
Sunod naman ay ang tubig, bumuo siya ng maliliit na bilog na parang sumasayaw sa hangin.
Sunod naman ay ang lupa. Mga maliliit na bato ang napalabas niya at nakisabay iyon sa tubig na animo'y nagsasayaw din.
Masaya niyang nilalaro ang mga elemento nang biglang may kumatok sa pinto. Kasabay no'n ang paglaho ng mga elemento. Siguro dahil nawala siya sa konsentrasyon.
"Mahal na prinsesa hindi pa po ba kayo bababa? Kakain na daw po." Tawag ng nasa labas.
"Sige, saglit lang."
Agad siyang naligo at inayos ang sarili. Habang nagpapatuyo ng buhok napansin niya ang papel sa lamesa sa gilid ng kama niya.
'Prinsesa, sana maging sikreto lang sa pagitan nating dalawa ang pagpunta ko sa palasyo.' --Master Haurvat
Huh? Bakit ayaw niyang ipasabi sa iba na dumalaw ito? Nagkibit balikat na lang siya. May magandang dahilan naman siguro si Master Haurvat.
Bumaba na siya papunta sa hapag kainan at nandoon nga silang lahat nakaupo na.
"Bakit ang tagal mo Zafira?" Bulong sa kaniya ni Isabella dahil sa tabi siya nito umupo.
"Huh? Ah, medyo tinamad lang ako maligo."
Isang "Ah" lang ang sinagot nito at nagpatuloy na sa pagkain.
Napabuntong hininga siya. Buti na lang hindi na ito nagtanong. Ang saya pala gamitin ng lahat ng elemento.
"Zafira, hindi kita masyadong nakita kahapon." Panimula ni Flint.
"Ha? Ah, naging busy kasi kami sa training ni Jennicah." Tumingin siya kay Jennicah. "Diba?"
"Oo nga." Gatong naman ni Jennicah.
Aiden scoffed. Napansin niya iyon.
Problema nito?
Naging tahimik na uli ang hapag. Walang nagsasalita. Nang matapos silang kumain ay dumiretso na siya sa training.
"Kamusta yung training mo kagabi?" Ani Jennicah.
"Ok naman." Ang naging tanging tugon niya.
"Sige nga let's try. Make your own weapon."
She concentrated and there she make a bow and arrow. Hindi kagaya kahapon na hirap na hirap siya sa paghulma pa lang ng armas.
"Wow! It is even stronger now!" Namamanghang sabi ni Jennicah.
Totoo ang sinasabi nito.
"Let's try?" Tanong nito.
"Anong let's try?"
"Laban tayo?" Paghahamon pa nito.
"No way!" Agad siyang napaatras palayo dito. "Mas nakocontrol mo na ang hangin at ako... kasisimula ko pa lang."
"Bilis na!"
"Ayaw."
Nagpakawala si Jennicah ng air beams.
"Aer Fortress Nebulae!" Gumawa naman siya ng shield para protektahan ang sarili.
"Jennicah!" Naiinis na aniya pero tinawanan lang siya nito.
"What?"
"Ayoko nga."
"Okay!"
Pero pinagpatuloy pa rin nito ang pagtira. Ngayon ay gumawa naman ito ng ipo ipo. Nanlaki ang kaniyang mga mata.
What?! Anong gagawin ko? Fire...no. Water... Earth... Air na lang din kaya?
Hindi niya alam kung anong gagawin.
Ginaya niya na lang si Jennicah at gumawa din ng ipo ipo.
Nagbanggaan ang mga ipo ipo nila.
"Paano ba yan Zafira?"
"Madaya ka! Mas marami kang experience kesa sakin e!"
"Di naman yan base sa kung gaano katagal ka na gumagamit ng kapangyarihan. If you believe in yourself you can win against me."
She's right I must believe in myself.
She chanted, "Ignus!"
Umapoy ung ipo-ipo. Bali isa na iyong apoy na ipo-ipo.
"P-paano?" Nagtatakang sabi ni Jennicah. "I don't know how did you summon the fire element pero di mo ko madadala diyan Zafira." Nginisian siya nito.
Tumira muli ito ng air beams habang nagbabanggaan ang mga ipo ipo nila.
"Aer Fortress Nebulae!"
Habang naka-shield at ang isang kamay ay kinokontrol ang ipo-ipo gumawa pa ulit siya ng isa pang ipo-ipo gawa naman sa tubig at itinapon kay Jennicah. Hinarang iyon ni Jennicah, dahil doon nawala ito sa konsentrasyon at naglaho ang ipo ipo. Nawala na din ang ipo ipong ginawa niya.
Napahiga siya sa lupa dahil sa pagod at medyo nahihilo siya.
"Hoy!! Zafira grabe ka na--Zafira!" Nag-aalalang nilapitan siya ni Jennicah.
"O-ok lang ako Jennicah medyo nahilo lang." Nasapo niya ang pumipintig na sentido.
Inabot ni Jennica hang kamay nito sa kaniya para alalayan siyan tumayo.
"Ano ba kasing nangyari sa'yo? Pa'no mo... Pa'no mo nagamit ang apat na elemento?"
Hindi nya masagot ang tanong nito at baka madamay si Master Haurvat. Anong sasabihin niya?
"Zafira!" Sabay silang napalingon sa tumawag. Nice! Sakto ang dating ni Flint para maiwasan niya ang tanong ni Jennicah.
"May kailangan ka?" Tanong niya nang makalapit ito.
"Wala naman, tapos na ba kayong mag-ensayo?"
Sasagot pa lang siya ng unahan siya ni Jennicah.
"Oo naman, baka nga di-advahdjadkajdjhd" Tinakluban niya na ang bibig ni Jennicah baka may masabi pa itong kung ano.
"Ahm... siguro, bakit?" Nginitian niya ang binata.
"Ah, yayayain sana kitang mamasyal." Napakamot ito sa ulo. "Sa wizards' market tutal hindi ka pa naman ata nakakapunta dun."
Papayag na sana siya ng may magsalita na naman.
"Hindi siya sasama sa'yo." Bumaling siya sa bagong dating na si Aiden o baka kanina pa nila ito kasama at hindi niya lang napansin.
Bakit na naman nandito ang lalaking ito?
"Bakit naman? Tapos na silang mag-ensayo kaya wala na siyang gagawin." Matigas na sabi ni Flint.
"May pupuntahan kami." Sabi ni Aiden bago siya hilahin palayo. Problema nitong lalaking 'to? At saan sila pupunta? Wala naman silang usapan.
"Hoy! Aiden!" Binaliwala lang siya ng binata. "Hoy!"
Aba't di man lang ako pinansin.
"Hoy!" Mas malakas na sigaw niya dahil nasa labas na sila ng palasyo.
"Aideeeeeeenn!!"
Tumigil ito sa paglalakad. Finally!
"Ano ba?!" Bakas ang iritasyon sa boses nito.
"Eh saan mo ba ko dadalhin? Ha?!" Syempre hindi siya magpapatalo. Siya dapat ang galit dahil bigla na lang itong sumulpot at pinakialaman siya.
"Maghintay ka lang kasi masyado kang atat e."
"Sa biga bigla mo n--"
*tsup*
Naestatwa siya habang nanlaki ang mata. What did he just do?
"Ingay mo e."
ariathatsme