Strange Love

By ranneley

184K 5.4K 822

Crescent Park Series #1 Wala na kay Atashka ang lahat. Ang tanging mayroon na lamang siya ay ang pangalan ng... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Crescent Park Series

Kabanata 16

3.8K 111 16
By ranneley

"NAKU! May himala talaga."

Napatingin ako kay Ainie sa sinabi niyang iyon saka nag-angat ng kilay. Ano kaya ang tinutukoy niya?

Ngumiti naman siya sa direksyon ko nang makita akong nakatingin saka ngumuso doon sa may entrance.

Napunta din doon ang tingin ko at nakita kung sino ang bagong dating. Si Sir Axen na ngayon ay nakasuot ng asul na polo shirt.

Tumingin na akong muli kay Ainie, naroon kami sa may harap ng bintana kung saan inaabot yung mga order.

"Bakit himala?" nagtataka kong tanong.

"Pang-apat na araw na 'yang sunod-sunod na pumasok si Sir Axen. Nalampasan niya na 'yung record niyang tatlong beses kung pumunta dito sa loob ng isang buwan," paliwanag ni Ainie saka binigyang muli ng tingin iyong pinag-uusapang naming boss.

Nang ibalik niya sa akin ang tingin ay lumapit pa siya nang kaunti. "Feeling ko talaga napagalitan 'yan ng mga magulang kaya sobrang hands on na ngayon."

"Hoy, hoy, hoy, Ainie! Tama na ang chismisan dyan. Nandito na yung order nung table number 10."

Sabay kaming napalingon ni Ainie kay Mang Nilo na katatapos lang ilagay 'yung tray sa may bintana. Tunay ngang naroon na iyong mga burgers at dalawang plato ng pasta.

Nang iangat ko ang tignin ay nakita pang inilingan kaming dalawa ni Mang Nilo. Nahihiya naman akong napatungo. Baka isipin nito'y kabago-bago ko pa lang ay ang hilig ko na sa chismis.

Napansin 'ata ni Ainie ang naging reaksyon ko. Mahina niya akong siniko at napunta ang tingin ko sa nakangiti niya nang mukha ngayon.

"Wag mo nang isipin 'yun, Tash. Ganyan lang talaga si Mang Nilo pero mabait 'yan. Saka ako naman 'yung nangchichismis sa'yo."

Tipid akong ngumiti.

"Siya, dalhin ko na 'yung order. Iwan na kita dito."

Hindi na kami nakapag-usap pang muli ni Ainie. Paano'y sunod-sunod na iyong pagdagsa ng mga tao. Maliban na lang nang dumating ang break at pinalitan namin sina Nico at Yohan. Gaya kahapon, sinabayan kaming muli ni Ms. Dela.

"Ang dami ng tao ngayon, ano?" sabi sa amin ni Ms. Dela nang makaupo kami palibot doon sa bilog na mesa.

"Oo nga po. Hindi na tuloy kami nakapag-usap nitong si Tash," si Ainie ang sumagot.

Magkasunod kaming binigyan ng tingin ni Ms. Dela. "Nagchichismisan kayo habang oras ng trabaho?" ang boses niya'y may himig ng pagtataray kaya't bahagya akong napangiwi. Pero maya-maya'y nagbuga lang siya ng hininga, umiling. "Naku, wag kayong papahuli kay Mang Nilo."

Natawa si Ainie. "Naku, Miss. Nahuli na nga kami kanina. Kaya itong si Tash parang natakot 'ata."

Tumingin sa akin si Ms. Dela at mahinang tinapik ang balikat ko. "Naku, Tash. Wag kang papasindak kay Mang Nilo. Medyo nakakatakot lang 'yun saka palapansin pero mabait naman 'yun." Nalipat kay Ainie ang tingin niya. "Ano ba kasing pinagkukwentuhan niyong dalawa?"

"Ah, Miss, si Sir Axen," sagot ni Ainie sa pabulong na boses. "Nabanggit ko lang dito kay Tash na himalang magkakasunod na araw pumasok si Sir."

Hindi sumagot si Ms. Dela at sinimulan nang bigyan kami ni Ainie ng tig-isang pinggan.

"Salamat po," sabi ko sa kanya na binalik niya lang ng isang ngiti.

Na kay Ainie na naman ang atensyon nang magtanong. "O ano namang meron dun?"

"Miss, kasi diba naman parang himala na napapadalas na ang pagpasok ni Sir Axen. Tapos, nabeat niya pa 'yung record niya na tatlong araw lang kung pumasok."

Nagpatuloy pa si Ainie. "Kaya feeling ko Miss napagalitan talaga siya ng magulang niya kaya gan'un."

"Iyon nga ba talaga ang dahilan?" tanong ni Ms. Dela, may kung anong mahihimigan sa boses niya. Saka marahang tinapunan ako ng tingin. "O baka mayroon pang iba?"

Bahagya namang tumaas ang pareho kong kilay kasabay ng nagtatakang tanong ni Ainie. "Ano pong ibig niyong sabihin, Miss?"

At hindi pa nakakasagot si Ms. Dela nang biglang bumukas ang pinto. Ang mata naming tatlo ay nagawi roon at nakitang pumasok si Sir Axen.

"Hi,"bati nito sa amin hanggang ang mga mata'y tumigil sa akin. "Are you guys already eating?"

Si Ms. Dela na nasa tabi ko ang sumagot. "Paumpisa pa lang po, Sir. May kailangan po kayo?"

Lumipat ang tingin ni Sir Axen kay miss. Tuluyan na itong pumasok sa loob at lumapit sa mesa, ipinatong doon ang dalang brown na paperbag. "I just want to give you this. Medyo marami 'yung napabaon sa akin."

"Ah, thank you, Sir," si Ainie na ang naunang sumagot. Sumunod naman kaming nagpasalamat ni Ms. Dela.

"Sure," ani Sir Axen. "Just leave the tupperware when you're done. Baka hanapin ni Mommy."

Dinig ang pagtawa ni Ainie habang si Ms. Dela ay napangiti naman.

"Sige po, Sir," sagot muli ni Ainie. "Thank you po ulit."

Ngumiti si Sir Axen saka nilipat ang tingin kay Ms. Dela tapos sa akin. Pinanatili ko lang ang ngiti kahit pa napansing medyo napatagal ang pagtagpo ng mga mata namin.

May tumikhim sa tabi. Si Ms. Dela.

Doon na nag-iwas ng tingin si Sir Axen saka iniwan na rin kami doon.

Nadinig ko naman ang boses ni Miss Dela. "Wow, baked salmon pala ito. Tara na't tikman na natin."

Agad namang sumagot si Ainie. Sumunod na rin ako at nag-umpisa na rin kaming kumain.

Matapos ang shift ay sabay na kaming pumunta ni Ainie sa locker room. Nakapagpalit na rin ako ng damit at ngayon nga'y hinubad na iyong suot na itim na sapatos at inilagay iyon sa locker. Kinuha ko naman sa loob iyong sinuot kong rubber shoes pagpunta dito.

"Oy, ang ganda niyang sapatos mo."

Yumuko si Ainie sa tapat ko at mas maigi pang tiningnan iyon. "Hindi mukhang imitation. Original ba 'yan?"

"Ha?" tanging nasambit ko. Sigurado naman akong original itong suot kong sapatos pero sa tono lang kasi ni Ainie ay tila napakamahal noon. At hindi ko alam kung anong isasagot kung sakaling magtanong siya kung paano ko nabili.

Inangat niya na ang tingin sa mukha ko, tinapatan ang aking mga mata. "Sabihin mo nga sa akin ang totoo, rich kid ka 'ano? Siguro yung parents mo gaya 'yung iba na pinagtatrabaho ang mga anak para matutong maging responsable para sa pagmanage ng mga business nila."

Hindi ko napigilan at mahinang natawa. Hindi ko naman kasi alam kung saan pinagkukuha ni Ainie ang mga naiisip. Siguro, kung anong kinahilig ko sa babasahing nakakatakot ay ganoon din ang hilig nito sa mga nobela.

"Hindi ah," sagot ko nan ang taasan niya lang ako ng kilay dahil sa pagtawa. "Hindi mo ba ako nakita nung unang dating ko dito? Saka hindi ba't sayo pa ako nanghiram ng sapatos kahapon?"

Tumango-tango naman siya. "Oo, pero malay ko ba. Baka disguise mo lang 'yun o ano. Saka 'yun na nga. Kahapon, halos wala kang maisuot na sapatos samantalang ngayon, dalawang bago na ang dala mo. At hindi lang basta-basta, mga mamahalin pa."

"Hindi ako gaya ng iniisip mo," iling ko sa kanyang muli. "Saka itong mga sapatos. Hiniram ko lang iyong pambili nung isa samantalang ito..." turo ko sa suot ngayon at piniling sabihin ang totoo. "Bigay lang 'to."

"Bigay?" ulit ni Ainie. "Sino 'yang sponsor mo? Pakilala mo naman ako dyan oh."

Umiling na lang ako kay Ainie. Nasa ganoon kaming ayos nang madatnan kami ni Ms. Dela. May bitbit ito at base sa pamilyar na paperbag ay mukhang alam ko na. Umunat ng tayo si Ainie habang ako naman ay inayos na ang sintas ng sapatos bago tumayo na rin.

"'Yan na po ba 'yung tupperware ni Sir Axen?" si Ainie ang nagtanong. "Tara po, ako na lang ang magbabalik."

"May susunduin ka pa, diba?" balik na tanong ni Ms. Dela.

Tila doon lang naman naalala ni Ainie ang kapatid. Napakamot siya ng ulo. "Kaya naman po kung bibilisan ko lang."

Umiling si Ms. Dela. "Nakung bata ka, unahin mo na 'yang kapatid mo." Sabay tingin sa akin. "Nandito naman si Tash. Siya na lang."

Gulat akong napatingin kay Ms. Dela pero hindi na lang ako nagsalita. Habang si Ainie naman ang sumagot kay Ms. Dela. "Sige na nga po." Mahihimigan ang lungkot sa boses niya. Tumingin na rin siya sa akin. "Bye, Tash. Una na ako."

Ngumiti ako sa kanya bago lumipat ang kanyang tingin kay Ms. Dela. "Bye po, Miss."

"Mag-iingat ka," ani Miss at iniwan na kami ni Ainie doon sa locker.

Bumaling naman sa akin si Ms. Dela pagkatapos. "Okay ka na ba?"

Tumango ako.

"Good. Iabot mo na it okay Sir Axen. Nahugasan na rin 'yan."

Kinuha ko na iyong paperbag. "Sige po, mauna na rin ako. Idaan ko na lang po ito kay Sir Axen."

"Sige, mag-iingat ka rin. Saka huwag mong kalimutang magpasalamat."

"Okay po."

Nang pumasok ako sa opisina ng mga boss ay diretso na ako sa pintuan ng silid ni Sir Axen. Naroon pa sa kaha si Ms. Shey kaya't wala dito ngayon sa loob.

Kumatok ako at nang marinig ang sagot ni Sir ay pumasok na ako sa silid niya. Mayroon siyang ginagawa sa laptop. Tumikhim ako.

"Excuse me po, Sir," sabi ko. Umangat naman ang tingin niya sa akin. Ngumiti ako at lumapit doon sa table, ipinakita iyong dala kong paperbag. "Ibabalik ko lang po ito."

"Just put it down there," turo niya doon sa mesa.

Ginawa ko naman saka sinabi na iyong bilin ni Ms. Dela. "Thank you po ulit sa ulam. Naenjoy po namin."

Tumango lang siya. Saka nagtanong, "Uuwi ka na?"

Tumango naman ako. "Opo."

Napatango rin siya. "I'm sorry, I can't go with you. May mga tinatapos pa kasi ako."

Napaawang ang labi ko. Ako'y napailing. "Naku, Sir. Ayos lang po. Hindi niyo naman po kailangan na sabayan akong umuwi. Kaya ko naman pong maglakad."

Napangiti si Sir Axen. Tipid. Mabilis lang dumampi sa kanyang labi. Halos hindi mahalata ngunit nagisnan ko pa rin.

"I know," sagot niya at nagpatuloy lang sa pagtingin sa akin, tila may nais pang sabihin. Sa huli'y napahugot siya ng hininga saka sinabing, "You take care."

Ngumiti naman ako pabalik. "Salamat po."

Saka nagpaalam na rin. Nang makalabas sa opisina ni Sir Axen ay hindi pa rin mawala sa isipan iyong tingin niya. Iniisip ko pa rin kung ano iyong nais niyang sabihin talaga. Pero sa huli'y itinaboy ko na lang iyon.

Dumaan din ako ng kaha para makapagpaalam kay Ms, Shey at sa iba pang empleyado bago lumabas ng shop at nagsimula ng maglakad pauwi.

Payong. Iyon ang naisip kong sunod na bibilhin habang naglalakad pauwi. Iba ang init kapag ganitong oras ng hapon. Sa umaga ay kaya lang dahil hindi naman ganoon kainit. Pero hindi ko rin masasabi, paano kapag umulan?

Kaya't kailangan ko nang makabili ng payong.

Pinunasan ko ang namuong pawis sa magkabilang gilid ng noo at nakahinga nang maluwag nang matanaw na ang gate ng Crescent Park. Kaunting lakad na lang.

Samantala, mayroong sasakyan ang napansin kong bumagal ang takbo sa aking gilid. Hindi ko na sana papansinin kung hindi lang narinig ang pagbusina noon.

Tumingin ako sa aking gilid at napaangat ang kilay nang makitang pamilyar iyon. Parang nakita ko na sa garahe ng mga Koss.

Unti-unting bumaba iyong bintana saka ko namataan kung sino ang nagmamaneho.

"Sakay ka na," nakangiting alok ni Donovan saka narinig kong tumunog iyong sarado nung pinto.

Hindi naman ako nagdalawang-isip at lumapit sa sasakyan, binuksan iyong pinto at pumasok sa loob.

"Salamat," saad ko kay Donovan bago ikinabit 'yung seatbelt ko.

Ngumiti lang siya ulit at saka nagmanaeho na ulit.

"Galing kang trabaho?"

Napatingin ako sa tanong niyang iyon, medyo nasorpresa. Hindi ko lang inaasahan na magtatanong pa siya. Base sa una naming pagkikita at sa mga sinasabi sa kanya ni Canaan, para kasing napakatahimik niya. Iyong klase ng taong hindi mo inaasahang mangunguna sa pag-uusap.

Matapos ang matagal na pagtingin ay ngumiti na rin akong muli. "Oo. Sa H.A.M.," sagot ko. At hindi na rin napigilang magbalik ng tanong. "Ikaw? Saan ka galing?"

"May binili lang sa mall," agad naman niyang sagot. Tumango lang ako at napuno na kaming muli ng katahimikan.

Akala ko'y mananatili kaming ganoon. Pero nang makalampas kami sa gate ng Crescent Park ay muli na naming nagtanong si Donovan. "Ikaw lang talaga 'yung mag-isa dito? Nasaan 'yung mommy mo?"

Nakangiti na ako nang tumingin sa kanyang muli. At ngayon ay mas naging maagap ang sagot. "'Yung totoo kong nanay ay matagal nang wala. Walong taong gulang ako nung namatay siya sa aksidente. Tapos 'yung nag-alaga sa akin simula noon, si Nana Esme, ay pumanaw na rin ngayong taon. Ang totoo, nitong nakaraang buwan lang dahil sa sakit." Napahinga ako nang malalim nang maalala ang parehong naging ina ng aking buhay saka nagpatuloy. "Kaya ako na lang mag-isa."

Saglit akong tiningnan ni Donovan. May pagkalungkot at pagkaawa sa mga mata niya."I'm sorry to hear that. And condolence for your...Nana Esme."

Tumango ako, ibinalik ang ngiti. "Salamat."

Ibinalik na ni Donovan ang tingin sa daan pero nagsalita siyang muli. "And I hope makuha mo talaga 'yung sagot sa pinunta mo dito."

Nagpasalamat akong muli. Sa isipan ay pareho ang hiling.

Nang makarating kami sa bahay ng mga Koss ay pinauna na ako ni Donovan. Igagarahe pa raw niya iyong sasakyan. Dumiretso na ako sa loob at hindi na kailangan pang magtawag dahil bukas naman iyong front door.

Sino na kaya ang narito?

Nang mabuksan iyon ay agad akong nakarinig ako ng pag-uusap mula sa sala. At walang anu-ano nga'y doon na ang tinungo ko at nagulat sa nakita.

Dalawang pares naman ng mata ang napunta rin agad sa akin na tila ba nadama na ang presensya ko. At hindi nagtagal nang tumayo na ang isa sa kanila.

"Atashka, hija."

Ngumiti ako't lumapit na rin doon. "Manang Karing."

Nagyakap kami ni Manang Karing at nang maghiwalay ay nagbato na ako ng mga tanong. "Manang, kumusta po? Akala ko po'y bukas pa ang balik niyo? Kailan po kayo nakauwi?"

Mahina siyang natawa at napailing. "Hindi naman halatang namiss mo ako, ano? Dami mong tanong na bata ka."

Nahihiya akong napatawa habang sa likuran ni Manang ay natawa-tawa rin si Canaan. "Manang, parang nadagdagan ka po ng anak."

Nilingon ni Manang Karing si Canaan. "Oo nga," sang-ayon niya saka binigyan ako ng tingin. "At kahit sino naman siguro'y gugustuhing maging anak 'tong si Atashka. Napakabait na bata. At usaping mabait, naging mabait ka naman ba, Canaan? O baka naman pinahirapan mo 'tong si Atashka?"

"Manang, naman. Hindi po ah," agad na tanggi ni Canaan. "Alam niyo naman na ako ang pinakamabait sa aming magkakapatid eh."

Napailing si Manang Karing. Lihim naman akong napangiti.

Bumukas ang pinto. At hindi nagtagal ay kasama na namin si Donovan doon. Lumapit it okay Manang Karing para magmano.

"Kaawaan ka ng Diyos," ani Manang Karing.

Ngumiti naman si Donovan sa huli. "Nandito na po pala kayo."

Tumango si Manang. "Oo, kani-kanina lang. Lumabas ka nga raw sabi ni Braeden."

Wala pang sagot si Donovan nang mayroong sunod-sunod na yabag mula sa hagdan. Nagawi ang tingin ko roon at nakita si Braeden na pababa.

"You're all here," saad nito nang makalapit sa amin saka bumaling kay pinakabatang kapatid. "When did you get back?"

"Ngayon lang," sagot ni Donovan. "Actually kasabay ko si Atashka. Nadaanan ko siya habang pauwi siya kanina."

Napunta ang tingin sa akin ni Braeden at ngumiti ako nang magtama ang mga mata namin. Bahagya lang siyang tumango bago ibinalik kay Donovan ang atensyon.

"Since we're all here today, baka pwede mo na po kaming ipagluto Manang Karing?" sabi ni Canaan na agad namang sinang-ayunan ni Manang.

Tumulong ako kay Manang na maghanda at nakakatuwa na hindi na siya tumanggi pa. Kinuha ko na rin ang pagkakataon para magtanong tungkol doon sa anak niya na sa awa ng Diyos ay mabuti na ang lagay.

Kinamusta rin ako ni Manang Karing at masaya kong kinuwento ang mga nangari nitong nagdaang mga araw. Mula sa trabaho, dito sa bahay ng mga Koss. Sa pagdating ng mga iba pang anak ni Ginoong Lander.

"Kumusta naman ang pakikitungo nila sayo?" tanong ni Manang sa akin pabalik pagkatpaos kong mabanggit ang magkakapatid na Koss.

Ngumiti naman ako sa gawi niya. "Ayos naman po sila lahat. Hindi ko po inaasahan pero madali lang naman po silang pakisamahan. Mababait po sila."

"Kahit si Braeden?"

Saglit akong natigilan at tumingin lang kay Manang. Alam kong naiisip niya iyong mga unang pagkakataon na hindi naging maayos ang naging pakikitungo sa akin ni Braeden. Pero marami naman ang naging pagbabago.

Nabalot muli ng ngiti ang labi ko. "Opo, Manang."

Ngumiti na din sa akin si Manang Karing. Hindi na siya nagtanong pa saka nagpatuloy na kaming dalawa sa paghahanda ng pagkain.

Nang mailagay sa mesa iyong mga niluto ay saktong sunod-sunod na dumating ang magkakapatid na Koss. Ito pa lang ang pangalawang beses na makakasama ko sila sa hapag. Nung una ay kasama pa si Via.

"Doon na ako kusina. Kumain kayo nang mabuti," nakangiting sabi ni Manang Karing nang makumpleto na kami saka tumalikod na.

"Manang," habol kong tawag dito. Lumingon naman ito, ngunit para ngumiti lang at nagpatuloy na rin sa paglalakad.

"Manang Karing," nadinig ko ang boses ni Braeden. Muli namang lumingon si Manang Karing, pero ngayon ay kay Braeden na ang tingin. "Sumabay na po kayo sa amin."

Hindi agad nakasagot si Manang, tila nagulat.

"Oo nga po, Manang Karing. Sumama na kayo sa amin," segunda ni Canaan.

"Yes, Manang. Dine with us," at sumunod pa si Donovan.

Palipat-lipat ang tingin ni Manang sa tatlong magkakapatid at bandang huli'y pumayag na rin. Naglakad na papalapit sa amin si Manang at nang magawi ang tingin niya sa akin ay binigyan ko lang siya ng isang napakalaking ngiti.

Naging maayos naman ang pagkain namin. Hindi katulad nung nauna na hindi maawat si Canaan sa pang-aasar sa mga kapatid niya. Marahil siguro'y kasama namin si Manang Karing ngayon.

Nung huli'y nagpasalamat lang sila kay Manang sa hapunan at saka nauna nang umalis sina Caanan at Donovan. Nag-umpisa nang magligpit si Manang Karing at nang mag-alok si Braeden ng tulong ay agad na tumanggi si Manang, sinabing naroon naman ako.

Wala nang nagawa pa si Braeden kundi ang iwan na rin kami doon.

"Ito yung unang pagkakataon na nakasabay ko silang kumain," bahagi ni Manang nang nasa kusina na kami.

Ngumiti ako sa gawi niya. Nagpatuloy naman siya. "Masaya pala sa pakiramdam. Hindi ko lang inaasahan, hija, na mangyayari ito."

Masaya ako para kay Manang Karing at hiling ko lang ay sana'y magtuloy-tuloy ito. Nang matapos kaming makapaghugas ay tumulong din ako sa pagliligpit ng mga pinagkainan. At halos matapos na kami ni Manang nang mayroon kaming narinig na papalapit na mga boses.

"Ah, Manang Karing?"

Lumingon si Manang Karing at awtomatikong napunta rin ang tingin ko sa may harang na naghihiwalay sa dining area at kusina kung saan nakasilip si Canaan.

"Lalabas lang po kami ni Braeden."

"Ah, sige. 'Wag kakalimutan 'yung susi ah," paalala ni Manang. "Mag-iingat kayo."

"Alright, Manang. And don't worry, if we happen to forget to bring it, there's always a lot of hotels outside," sagot ni Canaan kasunod ng isang malutong na tawa.

Pero wala sa amin ni Manang Karing ang natawa doon. Tumigil na rin si Canaan saka nagpaalam na nang tuluyan.

"Sige, hija, umakyat ka na sa kwarto mo't magpahinga. Salamat sa pagtulong mo."

Ngumiti ako kay Manang Karing. "Wala pong anuman, Manang."

Nakapaglinis na ako ng katawan at nakapagpalit na rin ng damit pantulog ngunit hindi ko malaman at hindi pa rin ako dalawin ng antok. Hindi naman nakakapagod ang pagmasid sa puting kisame pero hindi ko alam kung bakit bigla akong nauhaw.

Dahil doon ay bumangon ako't bumaba muna.

Pabalik na dapat ako sa kwarto matapos makainom ng tubig nang biglang may naisip na daanan. Agad na umurong ang paa ko bago pa man makahakbang sa unang baitang nga hagdan at lumiko na, nag-iba ng daan.

Doon sa kinaroroonan ng swimming pool ang tinungo ko. Wala lang. Ilang araw na akong narito pero hindi ko pa nasisilayan nang mabuti iyong pool.

At ilang araw pa lang ako rito ngunit sobra ko nang namimiss ang maliit na bayan ng Del Cuervo.

Inalis ko ang suot na tsinelas, itinabi sa gilid saka umupo doon sa gilid ng pool, at marahan kong inilublob ang aking paa sa tubig. Bahagya akong nanginig sa lamig pero hindi naglaon ay nasanay na rin ang balat ko roon.

Pinagmasdan ko iyong tubig, ang isipan ay naglakbay nung mga panahon na hilig ko ring panoorin ang dagat sa probinsiya.

Napangiti ako kung paanong naging parte na ang malawak na karagatan ng Del Cuervo ng buhay ko. Lalo na sa mga panahong malungkot ako. Ewan ko ba pero ang panonood sa asul na tubig nito, maging kung paano ang mga alon ay humahampas sa dalampasigan ay nagdadala ng kapayapaan sa kalooban ko.

Naroon pa rin ang tingin ko sa tubig nang makarinig ng mabibilis na yabag. Napaangat ang kilay ko, napunta sa direksyon ng kinaroroonan noon at laking gulat ko na lang nang makitang mayroong puti ang patakbo sa direksyon ko.

"Knight," sabi ko nang huminto ito sa tabi ko. Akala ko kasi'y didiretso ito sa akin at baka maitumba ako sa bilis ng takbo nito kanina. Inabot ko ang katawan nito saka hinaplos-haplos. "Bakit ka nakawala?"

Hindi ito sumagot at nilapit lang ang mukha sa kamay ko kaya't ang ulo naman nito ang sunod kong hinaplos.

Hindi rin nagtagal nang may narinig na naman akong tunog. Hindi na yabag, kundi mayroong tumikhim.

Umangat ang tingin ko't nagulat nang makitang naroon na nakatayo malapit sa amin si Braeden.

"Nakawala 'ata si Knight," agad kong paliwanag saka binitawan muna si Knight para makatayo sa pwesto.

Hindi naman siya agad sumagot at nag-uumpisa na akong makadama ng kaba. Huwag naman sana niyang isipin na ako ang nagpakawala kay Knight.

Wala pa rin siyang sinasabi nang makita kong naglakad pa siya papalapit sa amin hanggang sa doon siya huminto sa likuran ni Knight.

Nang matapos kong maisuot ang tsinelas ko'y tumingin akong muli kay Braeden at napakurap nang makitang nakatingin na siya sa akin.

Napansin kong bahagyang kumurba ang labi niya bago nagsalita. "Ako yung naglabas sa kanya sa kulungan. He sometimes wants to play by the pool during the evening."

Napatango naman ako doon. Ah, kaya pala.

"But this is the first time he got this excited to go here," habol ni Braeden na nagpaangat ng kilay ko. Muli na namang gumuhit ang kurba sa gilid ng labi niya. "And now I know why."

Napahigit ako ng hininga doon.

"Tiningnan ko lang pala sandali 'yung pool. Bigla ko kasing namiss yung dagat sa amin," paliwanag ko saka ngumiti kay Braeden.

Pakiramdam ko lang ay kailangan kong sabihin ang dahilan kung bakit ako narito ngayon.

Tumango si Braeden. "It's okay. You can go here whenever you want to."

Tumango rin ako pabalik. "Salamat. Ah, sige. Papasok na rin ako sa loob."

Gusto ko rin malayang makapaglibang sila dito ni Knight.

Nang hindi sumagot si Braeden ay huling beses akong ngumiti sa kanya tapos ay sunod akong bumaling kay Knight at ngumiti rin dito, kumaway.

Humakbang na ako at nang makalampas kay Braeden ay narinig ko ang pagtawag niya. "Atashka."

Natigilan ako't nilingon siya. "Ha?"

Tinitigan niya ako bago sumagot. "Can you stay for a bit?" Tumigil siya, parang hinihintay ang sagot ko. At bago pa ako makapagsalita ay nagpatuloy siya. "Knight seems want to play with you."

Tumango na rin ako saka sumagot, "O sige."

Doon ay muling umangat ang gilid ng labi ni Braeden. Hindi katulad kanina na parang mga anino lang, ngayon ay kitang-kita iyon. At natagpuan ko na lang ang sariling ang mga mata'y nakamasid lang doon.

Continue Reading

You'll Also Like

8.8K 541 39
May 8 2020 - May 21 2020 A strong love story of Carmenia Dela Verde and Ship Montefuerte. After the break up because of the shocking news that Ship h...
10.8K 393 30
Rebecca Andres has been heartbroken before. Kaya naman nang makabangon mula roon ay ipinangako niya muna sa sarili na uunahin niya na muna ang pag-aa...
1.5K 131 44
Adelaide Liana is an the daughter of a wealthy family, her family is an owner of one the largest farm of their province. A kind of humble, generous a...
3.7K 118 44
Beauty, wit, and elegance -- this is Maribelle Pacheco, the queen of Linavio National High School. She can capture the heart of everyone but can also...