Sweet Surrender

By KimberlyTorio

103K 2.1K 157

SG: 5th Getting married may be more difficult than completing his mission. Ms.Therapeutic © More

Sweet Surrender
Sypnosis
Prologue
Sweet Surrender: 1
Sweet Surrender: 2
Sweet Surrender: 3
Sweet Surrender: 4
Sweet Surrender: 5
Sweet Surrender: 6
Sweet Surrender: 7
Sweet Surrender: 8
Sweet Surrender: 9
Sweet Surrender: 10
Sweet Surrender: 11
Sweet Surrender: 12
Sweet Surrender: 13
Sweet Surrender: 14
Sweet Surrender: 15
Sweet Surrender: 16
Sweet Surrender: 17
Sweet Surrender: 18
Sweet Surrender: 19
Sweet Surrender: 20
Sweet Surrender: 21
Sweet Surrender: 22
Sweet Surrender: 23
Sweet Surrender: 24
Sweet Surrender: 26
Sweet Surrender: 27
Sweet Surrender: 28
Sweet Surrender: 29
Sweet Surrender: 30

Sweet Surrender: 25

1.7K 52 11
By KimberlyTorio


Aldous

NEVER give up because great things take time. Iyan yung mga salitang hindi ko makakalimutan sa superior ko noong nasa training ako.

Lumabas agad ako ng sasakyan ng makita kong padating ito.

"Aldous? Anong ginagawa mo rito? Kasama mo ba si Anne?" Maaliwalas ang mukha nitong tanong sa akin. Huminto ako ilang dipa mula rito saka umiling.

"I came alone, Mrs. Yuson,"

"Alicia, please, call me Alicia or Ali." Bigla ang pag kulimlim ng mukha nito, banaag ang disgusto sa narinig. Nangunot ang noo ko? Mayroon bang mali sa sinabi ko?

"Matagal ko ng hindi ginagamit ang titulo na iyan, Hijo. Hindi na rin ako sanay..." pinag salikop nito ang mga kamay. Kakaiba ang kilos ng tiyahin ni Hailey ngayon, malayong-malayo sa unang masayahing nakita ko sa biglaang pamamanhikan namin nila mommy.

"I'm sorry, I have no idea." Paumanhin ko. Tumango lang ito sa sinabi ko saka tipid na ngumiti.

"Anything I can do for you, Aldous?" Ako naman ang tumango saka niya ako inanyayahang pumasok sa loob ng villa.

"Pasensiya ka na, hindi ko alam na mag kakabisita ako ngayon. Do you want anything? Juice? Coffee?" Alok nito sa akin.

"Just water, Ali." Halata ngang malungkot ang malaking bahay na ito. Mukhang siya lang din naman at dalawang kasambahay ang naninirahan dito.

Umalis ito sandali para ikuhanan ako ng tubig. Nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan ang buong paligid. Mula sa antigo na mga kasangkapan ng bahay at mga picture frames na naka hanay sa console table – I can say that this was the family house of the Asuncion's. Makaluma ang disenyo pero alam kong naka mintena ang buong kabahayan mag mula sa pintura at modern touches sa ilang parte ng bahay. Asuncion is a fluent family here in El Pueblo. Old money. Their family was one of the first established people here in the province. I did my research well.

Hindi rin nag tagal at dumating na si Alicia dala ang isang basong tubig. Nagpasalamat ako saka naman ito umupo sa pang isahang upuan sa tapat ko.

"Anong maipag lilingkod ko sa iyo, Hijo?" Pag uumpisa nito.

"Hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa Mrs. Yu—Ali. I want to open Harry Asuncion's case." Napasinghap ito sa narinig, "I know what happened, my mom told me the whole story."

"It is not going to be easy—"

"Yes, it is." Putol ko pa sa anu pa mang sasabihin nito, huminga ako ng malalim. Don't you just hate when someone says that you can't do something and then you have to prove them wrong and do what they said you couldn't do?

"Look, this is not about me and my family anymore. This is about you, your brother, it's about Hailey. Malaki ang naging parte ko sa pagkawala ng ama ni Hailey and I want to correct that mistakes, for her sake." Mahaba kong paliwanag dito. I need her to believe me that I'm doing this for them.

"I'm doing my very best to protect Hailey, Alicia. She helps me to forget those who have hurt me in the past and leave them to mess up their own future but if someone will hurt her – I think I can't live by that." Sometimes the things we can't change, end up changing us instead. Iyon ang ginagawa ni Hailey sa akin. Bigla na lamang nitong ginulo ang daloy ng pang araw-araw na buhay ko. Ginulo nito ang sistema ko at gumapang sa kaibuturan ng puso ko. Hindi ko kayang patawarin ang sarili ko sa tuwing iisiping nag durusa ito ng dahil sa mga pag kakamali ko.

"I'm thankful for that, Aldous. For coming to Hailey's life." Ngiti nitong tugon sa akin. Humigit ito ng ilang malalalim na pag hinga, "Harry...he's—he was a very loving father, Aldous. He has a bright future ahead of him – lalo na ng naging matalik na magkaibigan sila ni Naomi. They treat each other as siblings." Panimula ni Alicia na kuwento.

"They were a great team. They are helping each other to build your late Auntie Lexie's business. Malapit si Naomi sa pamilya namin, she's lost in her life. Mabigat ang pinagdaanan ng pamilya ninyo noon...noong mga panahong hindi ka pa man naipanganganak. It all goes back to Lexie...her stepsister, your mother's twin."

"Your family was not a traditional one, Aldous. Those mistakes have its load on her. Pakiramdam niya isa lang siyang palamuti sa pamilya, don't judge her, she loves your mother, but Naomi can't find her bearing in her own family. Ibinuhos nito ang oras sa pag papalago sa Stix, dahil dun lang ito nakakaramdam ng purpose sa buhay. Until she met a man, the man who's going to wrecked her piece by piece."

"The one who fathered her child." Singit ko, nanlaki ang mga mata nito. "I know the story, my mom told me." Tumango naman ito tanda na naiintindihan nito.

"When Lawrence—"

"Wait? Lawrence? Meaning, Lawrence Yuson? Your husband?" Nalilito kong tanong dito.

"Did your mother also told you that it was Lawrence Yuson? He was the man Naomi fell in love with." Malungkot ang mga mata nitong sabi. Mahigpit akong nakahawak sa baso ko ng tubig at halos pigil din ang hininga ko sa susunod pa nitong rebelasyon.

"B-But...how is it possible? He is your husband!?" I can't believe I'm hearing this? Auntie Naomi and Lawrence Yuson? At bakit nadamay ang ama ni Hailey?

"Was, my husband." Pag tatama nito sa akin, "There was a time when my marriage to Lawrence has fallen apart. Humingi ako ng tulong kay Harry para pakiusapan itong ayusin ang pag sasama namin pero—I failed in that department, all because I am sterile. I can't bear him a child. A child he longed for so long..."

"He found Naomi, they got close, she fell in love with him but—" natigil ito sa pag ku-kuwento ng may dumaang mapait na alaala. "We are still married. He didn't see that coming when Naomi get pregnant. She doesn't want him to tell that he was the father of her unborn child but I knew, trough Harry. Kapatid ko ito, at kahit sa anong aspeto mo tignan mas matimbang pa rin ako sa kapatid ko."

"That's why Harry left the business? He left because he choses you." Tumango ito ng mapag tahi-tahi ko ang mga pangyayari.

"I triggered Lawrence. Pinag bantaan ko itong pag sisisihan nito kung hindi nito aalisin sa landas namin si Naomi. You have to understand that I love my husband and I will move heaven and earth just to get him back."

"So, you kidnapped my cousin? My Aunt's child just to get back at her?" Mapait kong tanong rito. Makailang beses ko itong nakitang umiling kasabay ang ilang mga butil ng luhang nalaglag mula sa mga mata nito.

"I loved Naomi, I treated her as my own sister. Nasaktan man ako at nasabi ko man ang lahat ng iyon pero hindi ko iyon kayang gawin. It's Lawrence, who I wanted to hurt. Kundi sa kasakiman nito ay hindi ito lahat mangyayari. I still have my brother..." puno ng pag sisisisi nitong sabi.

"Ali," bahagya kong inilapit ang sarili ko rito saka inabot ang nanginginig nitong mga kamay. "Auntie Alicia, can I call you that?" Tumango naman ito sa akin.

"What did he do? What Harry did? Who really killed my Auntie Naomi? Tell me?" Malapit na ako sa katotohanan. May nabubuo na sa isip ko kung sino pero gusto kong marinig mula sa bibig nito.

"Alicia!" Pareho kaming tumingin sa pinto kung saan narinig ang boses na iyon, "Andito pala ang mamanugangin natin?" Turan nito.

"Anong ginagawa mo rito, Lawrence?" Rinig ko sa boses ni Auntie Alicia ang lamig at galit.

"Alicia..."

"Wala kang karapatang pumarito ni sabihin ang pangalan ko kaya umalis ka na bago pa ako makagawa ng hindi maganda sa'yo, Lawrence!" Banta nito sa bagong dating. I can't imagine how broken this family was all because of this bastard standing in front of us. I can feel in the deepest part of my bones that he played a great part in my Aunt's life and so her death.

"Can we talk this like two adults, Alicia. For once? At hindi sa harapan ng mapapangasawa ng pamangkin mo?" Nag badya narin ito ng ka-seryosohan at nakita ko ang takot mula sa mukha ni Auntie Alicia.

"Don't mind me here, Mr. Yuson. Like you said; I am Hailey's fiancé, I'm a family." Hindi ako aalis rito ng basta-basta.

"I'm sorry, Hijo, but this is between me and my estranged wife." Lumapit ito sa amin kaya napatayo ako at humarang sa daraanan nito. Lawrence Yuson is old, yet still big and on his perfect shape. I can't let him hurt Hailey's family, not in front of me.

"She asked you to leave, sir." Matatag kong turan. He can't scare me off. I have a fair share of intimidating people in my life but he's not included on that list. He is just a bully, selfish, and lonely man.

"Aldous!" Lumingon ako ng tawagin ni Auntie Alicia ang pangalan ko.

"I didn't take Naomi's child. Someone did. He's alive and he is here with us." Nag sasalita ito pero nakatingin lamang ito sa dating asawa. Para silang nag tatagisan ng galit para sa isa't-isa.

My cousin is alive!

"You're luck is over, Renz. Hindi na ako mananahimik lamang." Wika nito na ikinatagis ng panga ni Mr. Yuson.

"Alicia!"

"You took away his life and the family he supposed to have, Lawrence! And now he is on the wrong path in life! He needs the guidance that you can't give him! Aldous, you have to listen to me very carefully! Naomi's son is—"

Nagulat na lang ako ng mag bunot si Yuson ng baril. Dala ng reflex ko ay iyon din ang ginawa ko. Mabuti at lagi akong handa. Hindi ako ngayon dehado at kung may bubulagta man sa oras na ito iyon ay hindi magiging ako.

"Put down the gun, Mr. Yuson." Utos ko rito pero para itong walang narinig. Hindi ito natinag at nakatutok parin ang nguso ng baril nito kay Auntie Alicia.

"Wala kang karapatang pangunahan ako, Alicia. Ginagawa ko ang lahat para maitama ang lahat ng pagkakamali ko pero ano ang ginagawa mo? Bakit kailangan mo akong kalabanin ng ganito?!" Sigaw nito kasabay ng pag kasa nito. I am so close on firing my gun but somethings preventing me from doing that...

"Dahil nawala si Naomi at kuya Harry ng dahil sa'yo!"

📖📖📖📖
Ms.Therapeutic*

A/N

Maraming salamat po sa pagiging 19k natin sa loob lang ng tatlong araw! Sobrang laking achievement po nito sa akin ❤️❤️❤️

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
6.8M 346K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...