BHO CAMP #2: The Rockstar's P...

By MsButterfly

5.8M 110K 10K

Lucas Darryl King; he's loud, he's an easy go lucky person and he's a rock star. Me? I'm Freezale Night. I'm... More

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal Assistant
CHAPTER 1 ~ Captain and Lady ~
CHAPTER 2 ~ Personal Assistant ~
CHAPTER 3 ~ Freezale's Rules ~
CHAPTER 4 ~ Clandestine ~
CHAPTER 5 ~ King ~
CHAPTER 6 ~ Addiction ~
CHAPTER 7 ~ Love ~
CHAPTER 8 ~ Flirty King ~
CHAPTER 9 ~ Ang Dalawang Takas ~
CHAPTER 10 ~ Too Late ~
CHAPTER 11 ~ Dilemma ~
IMPORTANT ANNOUNCEMENT
CHAPTER 12 ~ Jealous ~
CHAPTER 13 ~ Grumpy King ~
CHAPTER 14 ~ I Don't Know ~
CHAPTER 15 ~ Falling In Love With A Rockstar ~
CHAPTER 16 ~ Breaking ~
CHAPTER 17 ~ Nightmare ~
CHAPTER 18 ~ My King ~
CHAPTER 19 ~ Come Back ~
CHAPTER 20 ~ Sorry ~
CHAPTER 21 ~ Done ~
CHAPTER 22 ~ Ashia King ~
CHAPTER 23 ~ On The Run ~
CHAPTER 25 ~ Revealed ~
CHAPTER 26 ~ Friend ~
CHAPTER 27 ~ Mr. and Mrs. King ~
CHAPTER 28 ~ Our Night ~
CHAPTER 29 ~ Affiliate ~
EPILOGUE
Up Next

CHAPTER 24 ~ Lady ~

164K 3.1K 161
By MsButterfly

CHAPTER 24

FREEZALE'S POV

"Kailangan nating huminto sa susunod na gasoline station."

Nagising ako nang marinig ko ang boses ni Dawn. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Nakatulog na pala ako. Kumunot ang noo ko ng maramdaman ko na may nakapalibot sa akin. And...and it's not a seatbelt.

Nag-angat ako ng tingin at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si King na tulog na tulog at mahigpit ang pagkakayakap sa akin.

"Sinubukan ko siyang pabalikin sa bunk niya pero hindi siya nagpaawat." sabi ni Dawn.

Sinubukan kong alisin ang pagkakayakap niya sa akin pero lalo lang humigpit iyon. Kumunot din ang noo niya na parang may iniinda. Naalala ko ang sugat na natamo niya. Malamang ay kumikirot iyon.

"A little help?" I asked Dawn.

"I should hate him for what he did. I hated him, actually. Hindi ko lang alam kung bakit hindi ko na magawang magalit sa kaniya ngayon."

"Dawn. Just help me."

Tumayo siya at tinulungan ako na matanggal ang mga braso ni King sa pagkakapalibot sa akin. Kasabay ng paglayo ko ay ang pagmulat ng mga mata ni King. "You're awake."

"Obviously." I said.

He smiled slightly. "I saw you sleeping when I went out of the partition. You look uncomfortable so..."

"You don't need to bother."

"You're not a bother. I like you using me as a pillow."

Nag-iwas ako ng tingin at inayos ko ang damit na ipinalit ko sa CBS. Ibinaling ko ang atensyon ko sa monitor. Kung titignan ay wala namang sumusunod sa amin. But I know better. May kung ano ako na pinindot at lumabas sa screen ang ilang kulay pula na mga bilog. It's a detector for guns.

Tatlong sasakyan ang mayroong mga baril sa loob. Maaring normal na mamamayan lang ang nag mamay-ari at para sa self defense lang but we won't take our chance. Mabuti ng mabantayan ang tatlong iyon.

Napatingin ako sa unahan ng bus ng inihinto sa gasolinahan ni Triton na siya namang nagmamaneho ng bus. Tinawag ni Dawn si kuya Thunder at sabay silang bumaba. Pumunta sila sa loob ng isang convenience store at paglabas nila roon pagkaraan ng ilang minuto ay may dala na silang mga bag.

Mukhang nadrop na ni Hera at Athena ang gamit ng Royalty. Mayroon pa na guitara na isinama.

Pumasok na ng bus ulit sina Dawn at inilagay na nila sa mga compartment ang mga gamit. Sa isang tabi naman ay ipinatong niya ang guitara. Pagkaraan ng ilang sandali ay umandar na ulit ang sasakyan.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko

"My father's new vacation house." sagot ni Dawn.

Naagaw ang atensyon ko ng biglang umilaw ang isang may kalakihang button na tanda na nais kumonekta ng headquarters sa amin. Pinindot ko iyon.

Nagkatinginan kami ni Dawn ng halos wala kaming maintindihan sa kabilang-linya. Parang nagkakagulo. May naririnig din kami na umiiyak. Nilukuban ng kaba ang dibdib ko at sari-saring sinaryo na ang pumasok sa isip ko. Napatayo ako sa kinauupuan ko.

May napahamak ba? Napasok ba ang headquarters? Nalingat ba sandali si Phoenix dahilan para matabunan ng mga mangga si Snow o madapa sa kung saan? May nangyari ba sa mga magulang ko? Sumabog ba ang control room ko?

"Calm down everyone. If you don't shut up, I'll tell Triton to turn this freaking bus around and go back there to kick your asses." I said, my hands tightening into fists.

"Or I'll make Twinkle eat all of you."

Umepekto naman ang sinabi ni Dawn dahil tumahimik na ang mga tao sa kabilang linya. Ngunit naririnig ko parin ang paghikbi. At dahil nabawasan na ang ingay ay nasino ko na ang taong umiiyak dahil narin sa pag-aalo ng boses na walang iba ay sa asawa niyang si Adonis. Si Sky.

Bago pa sila magsalita...alam ko na. Naiintindihan ko na kung bakit sila nagkakagulo. Nagkatinginan kami ni Dawn at bakas sa mukha niya ang pangamba.

"A-Anong nangyari?" tanong ni Dawn.

"Storm's missing again. S-She shut down the system for a few minutes and went off." garalgal ang boses na sagot ni Sky.

"Did someone took her?" I asked, fear gripping my chest. Nawala na siya sa amin at ang dami ng nangyari dahil do'n. Hindi ko na alam kung ano pa ang pwedeng maganap ngayong nawawala na naman siya.

"No. She left. Wala ang mga gamit niya. Pumunta ako sa kwarto niya and Freezale...It almost look like she never existed."

Napamura ako ng mahina. What the hell was she thinking? Bakit ngayon niya pa naisipan na umalis? Bakit kailangan niyang umalis? "You need to calm down, Sky. We'll find her."

"I don't know...I don't know if we'll find her. She doesn't want to be found. She left nothing, not even a note. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa to. Naisip ko na baka dahil sa pag-atake ng Claw, but they're not doing this because of her. I don't know what to think anymore."

"Makikita natin siya."

"Nagpadala ng mga agents si Mommy at Daddy para hanapin siya. I-I just need to tell you this. Incase...incase you run on to her tracker. We tried tracking her but her tracker is off."

"I'll see what I can do, Sky. Storm would be okay. Walang mangyayari sa kaniya dahil kahit si Hulk ay aatras kay Storm. You need to calm down, sleep and take care of Russia and your new baby. Don't make the same mistake I did. Take care of yourself."

"I will."

Tumayo si King mula sa kinauupuan niya. Hindi tumitingin sa akin na tahimik na naglakad siya papunta sa mga bunk. Pero bago iyon ay nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Papa was right...he do regret it. Maybe we will both carry the burden of losing our child forever.

"You know the difference Freezale?" Dawn asked.

"What?"

"You regret loving him too much. While he regret hurting the woman he love, losing her and losing his child that he never thought that he would have."

Pilit pinapaseryoso ang anyo na umupo ako sa puwesto ko. "Ang dami mong alam. Hindi ka pa naman nagkakaron ng boyfriend."

"Sinong may sabi sa iyo?"

Napatingin ako sa kaniya sa sinabi niya. "Nagkaroon ka na ng boyfriend? Bat hindi ko alam iyan? Ka-"

"Kailan pa?!"

Napahawak ako sa arm rest ng biglang nagpreno si Triton. "Damn it, Triton! Are you trying to kill us?"

"Sorry, Freeze." pinaandar na niya ulit ang sasakyan. "Back to the topic. Kailan ka pa nagkaboyfriend Dawn?"

Inirapan siya ni Dawn sa rear view mirror. "Hindi ikaw ang kausap ko." pagkasabi niyon ay tumingin sa akin si Freezale. "Ilan na ang naging boyfriend ko. Hindi iyon nagtatagal dahil duwag sila."

"Duwag? Bakit multo ka ba?" tanong ni Triton.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Tinakot ba ni tito Warren?"

"O ni tita Sophie?" singit na naman ni Triton.

"O baka naman tinakot mo?"

"O ni Twinkle?"

Binigyan ko ng malamig na tingin si Triton sa rear view mirror. Napapakamot sa ulo na binalik niya ang tingin sa dinadaanan namin. "Ah, I just love looking at the view."

Napailing na lang ako ng binato siya ng throw pillow ni Dawn ng makita na ang sinabi niyang 'view' ay ang naghuhumiyaw na cleavege ng isang babae na nakasakay sa passenger seat ng isang sasakyan sa bus na nakasabay namin sa highway.

"Anyway. Duwag ang mga naging boyfriend ko dahil hindi nila kaya ang lakas ko bilang babae."

"Oy, oy anong lakas yan?"

Pareho naming tinignan ng masama si Triton na nakangiwing ibinalik ulit sa daanan ang tingin. Tsismoso kasi.

"Baka tinatarayan mo." sabi ko.

"So? Then they don't have enough balls to break down my defenses."

Tama nga naman siya. Kakailanganin ng ibayong tiyaga ng taong gugustuhing tibagin lahat ng pader sa paligid ni Dawn. She made herself that way. Dahil iyon ang kinakailangan niya para manatiling nakakapit kahit sa dami ng responsibilidad sa mga balikat niya.

Hinayaan ko na siya habang tila nagninilay-nilay din siya at ang monitor ko na lang ang hinarap ko. Ilang oras ang lumipas at ng magising na ang iba pa naming kasama ay huminto muna kami saglit at pinabili sila ng pagkain. Nang makabalik sila ay tahimik na kumain ako at pinabayaan na sila sa pag-uusap nila.

Lumipas ang kaunti pang oras at nakarating din kami sa vacation house na tinutukoy ni Dawn. Pagkakita ko roon sa hindi malamang kadahilanan ay parang may bumundol na kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto kong sabihin na bumalik na lang kami sa BHO CAMP.

Maganda naman ang paligid. Kita ang ganda ng gubat at dagat di kalayuan. Malayo sa ibang lugar ang vacation house ngunit sulit naman ang ganda no'n. Mula sa kinaroroonan namin ay tanaw rin ang mga bangin na paniguradong hindi sasantuhin ang kahit na sinong mahuhulog.

"Kabibili lang ni tito nito?" tanong ko.

"Oo. Hindi pa namin masyadong nalilibot ang lugar pero matatas ang bangin na nandito."

May lamig na nanuot sa akin ng tuluyan ng huminto ang bus sa harapan ng vacation house. Nauna ng bumaba ang mga kasama ko. Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang bag ko at bumaba na din ako.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay hindi magandang ideya ito.

Nanlaki ang mga mata ko ng manlambot ang tuhod ko ng pababa na ako at muntik pa akong mahulog kung hindi lang may mga kamay na umalalay sa akin. Natagpuan ko ang sarili ko na inaalalayan ni Comet...at ni King.

"Are you okay, Freezale?" tanong ni Comet.

"Y-Yes."

"I've got this man."

Tinanguhan ni Comet si King at sumunod na kaila Dawn. Binawi ko ang braso ko kay King. "I'm okay."

Imbis na lumayo ay pinagsalikop niya ang mga kamay namin. Sinubukan kong hilahin iyon pero ayaw niya akong pakawalan. "King."

"I love holding your hand. It feels right."

"King. We can't do this."

"Why not?"

"Paano si Lisette?"

Bumuntong-hininga si King at hindi pinakawalan ang mga kamay ko. "I always thought I love her. But that's not it, Freezale. I can control her...that's why I put up with her. I can just give her everything she wants and she'll do what I say. Hinanap ko siya dahil gusto kong paniwalain ang sarili ko na siya parin ang mahal ko. Dahil natatakot ako para sa nararamdaman ko sa iyo."

"You asked her to marry you."

"No, I didn't. She wanted me to put a ring to her finger. One morning I woke up that I lost quite a fortune and I found out that she bought a ring."

Nagbaba ako ng tingin. "Let's just go inside."

Parang sinasakal ang puso ko ng maramdaman ko na binitawan niya ang kamay ko. Humakbang na ako papasok at napatigil ng marinig ko siya na nagsalita.

"The next time that I'll hold your hand, that will be me putting a ring on your finger."





KUMUNOT ang noo ko habang pinagmamasdan ko si Comet mula sa kinauupuan ko. Kanina pa siya hindi natigil sa pakikipag-usap sa telepono. Ilang beses din siyang humarap sa laptop para magtingin ng kung ano-ano. Naabutan ko pa siya kanina na nagba-browse ng mga bulaklak sa internet.

Marahil ay inaayos na nila ng asawa niya na si Kelly ang problema nila. Kaya siguro busy na busy ngayon si Comet.Nang umupo siya sa tabi ko at nahahapong bumuntong-hininga ay inihagis ko sa kaniya ang isang pakete ng chips na nakuha ko. He smiled at me and muttered his thanks.

"Mukhang busy ka ata ah."

"It's all worth it since it's for my favorite person."

"Siguradong maayos na ang kung ano man ang problema niyo ni Kelly. Walang kahit na sinong babae ang hindi lalambot ang puso sa effort mo."

Saglit na kumunot ang noo niya na parang naguguluhan siya at pagkaraan ay ngumiti siya. "Katulad ng effort ni King para sa iyo?"

"Comet."

"Just risk your heart one more time. You won't regret it."

Nag-iwas ako ng tingin sa sinabi niya. "Hindi ganoong kadali."

Malungkot na ngumiti siya. "Alam ko. Mahirap magpatawad. Lalo na kung ang taong iyon ay sinaktan tayo pagkatapos natin silang mahalin ng lubusan."

Akmang magsasalita ako pero tumunog na naman ang telepono niya. Bumuntong-hininga ako at tumayo na. Lumabas muna ako. Napatigil ako ng may marinig ako na mahinang mga tunog. Sinundan ko ang tunog na iyon.

Tunog ng guitara.

"You stood straight face so serious. You make a man like me too curious. Elegant, sweet and refine. Lady, can you please be mine? Oh baby please be mine...again."

Si King. May notepad sa harapan niya at may nakaipit na lapit sa tenga niya habang nakayuko siya at tumitipa sa guitar. Ngayon ko lang narinig ang kantang ito. Mukhang gumagawa siya ng panibagong kanta. Katulad ng...ng Clandestine, mabagal ang kantang ito.

"You can make a blind man see, a mute man to finally speak. A broken heart, you can ease the pain...you can ease the pain. And you can make a man like me...to love again."

May isinulat siya na kung ano at napahinto ng maramdaman ang tingin ko. Nag-angat siya ng tingin at bumakas ang gulat sa mukha niya. "I'm sorry. Gusto mo ba dito? I'll just go inside-"

"No. Ako na lang ang papasok. Ituloy mo na lang kung ano man ang ginagawa ko."

Akmang aalis na ako pero tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Para akong napako sa kinatatayuan ko ng magtama ang mga mata namin. Hindi ko magawang gumalaw para umalis at lumayo sa kaniya.

"It's for you...that song."

"King."

"Hindi pa siya tapos pero balak ko sanang iparinig sa iyo kapag maayos na. I wanted to name it 'Lady', since that was I used to call you right?"

"King iba na ngayon."

"Alam ko. Alam kong ibang-iba na. Alam ko na sinira ko kung ano man ang meron tayo noon. Kung hindi ako nagpakatanga baka sakaling masaya na tayo ngayon. Baka sakaling kasama natin ang anak natin."

Umiling ako at umatras ngunit pinigilan niya ako sa braso. "I can't talk about this with you."

"Nawalan din ako Freezale. Nasasaktan din ako."

"Stop, please."

"Our first night should made you feel that I love you...pero pinababa ko ang tingin mo sa sarili mo dahil sa ginawa ko. It was all coming back to me and every mistake I had done kills me every second. The only thing that is keeping me here is that I want to erase all that memory. Kung hindi ko man magagawang burahin, kahit mapalitan man lang kapag nagawa kitang pasayahin."

"Stop."

"I love you. You don't how many times that I wish that I realize sooner. Na sana hindi ko nilabanan. And it hurts me most knowing that that's the only thing I can do. To wish that I never messed up. But I did, Freezale. Nagkamali ako. Hindi ko hinihingi na patawarin mo ako. Ang gusto lang sana ay hayaan mo ako na makabawi sa lahat ng nagawa ko."

"Wala ng mababago sa lahat ng nangyari. Gusto ko na pabayaan mo na lang ako."

"I can't."

Sinaklit ko ang damit niya. Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa kaniya. "Kahit ito lang, King. Ibigay mo naman to sakin. Tama na. Pagod na pagod na ako."

"I can't. Because the more I let you take a step away from me, the more you close your heart to everything around you."

"Selfish ka! Puro sarili mo lang ang iniisip mo. Paano naman ako? Paano naman ako, King?!"

Sa pagkabigla ko ay ikinulong niya ako sa mga bisig niya. Nagpumiglas ako ngunit katulad ng ilang beses niya akong hinawakan, lalo lang iyong humigpit na animo sinasabing wala siyang balak bumitaw. "I can make you happy. I will make you happy. I'm sorry, Freezale. Patawarin mo na ako. Mahal na mahal kita. God, please...please love me again."

"Hindi ko to ginagawa para parusahan o pahirapan ka, King. Mahal parin kita pero hindi ko pa kaya na makasama ka."

"Freeze..."

"I'm scared. Scared that if I accept you...that I'll lose myself again. I'm scared that I won't be able to forgive myself. I don't want the time comes that I'll grow to hate you so much that I'll forget that I love you. I don't want the time to come that I'll hate myself for loving you."

Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin. Pinigilan ko ang luha na nais kumawala sa mga mata ko ng makita ko ang sakit sa mga mata niya.

May kinuha siya na kung ano mula sa bulsa niya at sa gulat ko ay isinuot niya iyon sa daliri ko. A ring.

It's made of diamonds and other expensive gems that have the color of the darkest blue up to the lightest color. The center have a six point star and the combination of the colors looks like as if it was frozen. I've never seen a ring like this.

"King..."

"E-Even if we don't end up together...there will be no other woman that will wear that ring. Because no one can replace you to me."

"You two!"

Hinila ko ang kamay ko at nilingon ko si Dawn na humahangos na lumapit sa amin. Hawak niya ang phone niya.

"What...what is it?" tanong ko.

"Tumawag si Sky. Dadalin daw ni Blaze at Stone si Lisette dito."

"What? Why-" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pagdilim ng mukha niya. "Don't tell me...that she has something to do with all of this?"

"She's a suspect."





_______________________End of Chapter 24.

Continue Reading

You'll Also Like

61.8K 1.3K 73
The story is taken place in the Year 2XXX when the year have a extra ordinary power and the world is at it`s vane of dying because of it a single ki...
212K 3.4K 41
"I hide my real identity to determine if you still love me even if I'm living ordinary" - Luke Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE R...
1.7M 41.5K 54
[Obsesiรฒn Amorosa Series #3] "You are my property! No one owns you, except me! Understood?!"- Knight Dawson Lewis [Author's Note: This story is uned...
690K 11.5K 45
"I love seeing you in pain Erin..." - Psalm Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest
Wattpad App - Unlock exclusive features