Seducing Mr. Pervert 2: Still...

By MShopeless

391K 9.9K 2K

If you thought you totally got over with him, think twice, because maybe you're still into him. © August 2014... More

Still Into Him
Prologue
1: Reminisce.
3: The start.
4: Statistics.
5: Hate you!
6: Probability.
7: Caught.
8: Meet me.
9: You're dead!
10: Silenced.
11: Love-Hate.
12: The Boss (1)
13: The Boss (2)
14: Storm
15: Jealous
16: Jerk
17: Drunk
18: Teased
19: Threat
20: Cliff
Author's Note
21: Regret
22: Locker Room
23: Don
24: Stunned

2: Way back.

23.6K 650 148
By MShopeless

This chapter is dedicated to the greatest ate in the world. Hi ate! Happy birthday! I love youuu! :*

*

 

Sometimes you got to let time to be the answer.

 

 

Chapter 2: Way back.

Naglalakad ako sa corridor, 'di kalayuan sa locker room habang iniisip ang mga pangyayari. Si Storm na sinungitan ako, ang pagkakabangga ko sa dibdib nya, ang pagtilapon ko sa sahig at... OH MY GOD!

"Yung assignment ko sa Engineering Algebra nawawalaaa! Waaah!"

Agad akong bumalik sa locker room, pinuntahan ko 'yong lugar na binagsakan ko. Umiikot ikot pa ako sa paligid at kahit locker na bukas binuksan ko para lang makita 'yung nawawala kong handouts at test paper na may sagot ko—I mean, sagot pala ni Green. Nangopya lang kasi ako sa kanya eh.

"Na saan na ba 'yon?" Napaluhod na ako kakahanap, kulang na lang siguro ay itaob ko na ang mga lockers para lang makita ko 'yon.

Hindi kasi 'yon simpleng assignment lang. Bukod kasi sa pinaghirapan ko 'yun—este ni Green, mataas din ang chance na bumagsak ako dahil wala akong napasa. It's better than 70 than zero. At saka isa pa, 'pag wala kang napasa it's either community service ka or repeat next sem. Shet.

Patay na talaga ako nito. Huhuhu.

Nakaluhod ako habang yu-yuko yuko, kasalukuyan akong naghahanap sa kailaliman at sulok sulok ng mga locker nang bigla na lang may humakbang sa tapat ko. Unti unting napaangat ang tingin ko at boom!

Si Storm!

Agad akong napatayo, nag-ayos ako ng damit saka ako lumayo ng kaunti sa kanya.

"B—bakit?" Hindi ako makapagsalita ng matino, nanginginig kasi ang tuhod at mga kalamnan ko dahil sa mga titig nya.

Heto nanaman sya, heto nanaman ang mga titig nyang nakaka-kaba.

"Ba—bakit?" Tanong kong muli pero instead na sumagot, dahan dahan lang syang lumakad. Lumakad sya palapit sa 'kin kaya napaatras ako.

Oh em. Ano ba ang nasa isip ng taong 'to? Ano nanaman ba ang balak nyang gawin?

Napalunok na lang ako nang napansin kong wala na 'kong maaatrasan dahil tuluyan na akong nasandal sa mga lockers. Seryoso lang ang titig nya sa mata ko, 'yong titig nya na parang nagsasabing humanda ako.

Lunok. Bukod sa pagpikit ng mata at panginginig ay tanging lunok lang ang nagagawa ko. Gusto kong magsalita, kaso pinipigilan ako ng mga titig nya.

Napapikit na lang ako ng unti unti nyang inilapit ang kamay nya sa mukha ko, ewan putcha! Feeling ko kasi hahalikan nya ako kaya siguro napapikit na din ako, kaso feeling ko lang pala kasi...

Oh well. Nakakahiya. Nagulat na lang kasi ako no'ng bigla nya na lang binuksan 'yung locker sa gilid ko, may kukunin lang pala! Argh! Pero seryoso, nakakahiya talagaaa!

"Storm, aalis na ako"

Aalis na sana ako sa harap nya dahil nga naiipit na ako sa pagitan nya at ng locker, kaso itong si Storm hinarang nya 'yung magkabilang gilid ko gamit ng kamay nya. Nakulong nanaman tuloy ako sa mga bisig nyang wow!

Mas lalo tuloy akong kinabahan tapos pakiramdam ko unti unti ng sumisikip 'yung Aorta ko dahil sa sobrang intense ng nararamdaman ko. Shet Storm! Kung 'di mo ako pinapatay sa kaba, pinapatay mo ako sa titig. Shet talaga.

"Ui paalisin mo na ako, may hahanapin pa ako eh. Dali na" Hinawakan ko ang magkabilang kamay nya pero tinabig nya lang iyon.

"Storm, ano ba 'yun? Paalisin mo na kasi ako!"

"No!" Seryosong sabi nya habang nakatitig sa akin ang mga mata. Hindi ko alam pero pakiramdam ko napapaso ako ng mga titig nya.

"Bakit ba?" Napayuko ako pero agad ding napaangat ang tingin ko ng mapansin kong may hawak sya.

Teka! Paano napunta sa kanya ang assignment ko?!

"Akin na 'yan" Sabi ko. Hahablutin ko pa sana sa kanya 'yung papel kaso agad nyang naitaas ang kamay nya kaya hindi ko iyon naabot.

Punyemas. Ano nanaman kayang trip ni Storm?

"Storm, akin na 'yan" Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko kaso oh may gahd talaga! Pang-asar si Storm!

"Ibigay mo na sa 'kin 'yan" Keep calm Hannah, keep calm.

"Akin na Storm"

Itinaas nya pa lalo 'yong papel, nakadikit na 'yon sa locker sa may itaas ng ulo ko pero hindi ko pa din maabot. Imagine-nin nyo na lang kung gaano katangkad si Storm at imagine-nin nyo na lang din kung gaano ka-awkward ang sitwasyon naming dalawa. Super close na ng space namin tapos kung makatitig pa sya parang akala mo nanghuhubad eh.

"Huwag mo nga akong pagtripan, ibigay mo na kasi sa 'kin 'yang hawak mo"

Yung tipong nagmamakaawa na ako para lang ibigay nya 'yung assignment ko pero sya walang reaksyon. Neutral face at wala man lang kibo? Pwedeng magsalita Storm, pwede talaga. -______-

"Storm. Ibigay mo na sa 'kin." Naiinis akong umikot paharap sa lockers, tumango ako at pilit kong inabot 'yung hawak nya kaso err! Ang tangkad!

"Pandak"

"Psh. Marunong naman palang magsalita eh!" Bulong ng utak ko. Pero syempre hindi ako natuwa sa sinabi nyang pandak ako kaya agad akong nag-react.

"What?! Ako pandak?! Ano'ng sabi mo—?!" Kaya lang hindi ko na naituloy ang dapat sana'y sasabihin ko nang sa pagharap ko'y nagtama 'yung ilong naming dalawa.

Opo. Nagtama 'yung ilong naming dalawa. Gulat na gulat ako at halos manlaki talaga 'yung mata ko dahil sa sobrang gulat.

Ang gago kasi! Akalain mo ba namang ilapit ng gano'n ang gwapo nyang mukha? Ayan tuloy!

"Pandak ka" Sabi nya na parang nang-aasar pa. Yung tipong pinagduduldulan nya talaga sa 'kin na maliit ako.

The eff!

"Pandak" Isa pa! Isa pa talaga at uupakan ko na sya!

"Pandak ka" Doon na talaga ako napikon. Kumawala ako sa mga bisig nya at saka ako nagpamaywang.

"Hoy Storm Bryan Drey! Para sabihin ko sa 'yo, hindi ako pandak! Lagpas 5 feet ang height ko! Mataas ako sa karaniwang height ng Filipina, kaya hindi ako pandak!"

"Pandak ka"

"Hindi nga sabi ako pandak! Matangkad ka lang talaga!"

Nagwawala na po ako pero si Storm mukhang nageenjoy sa nakikita nya. Pasensya na, napipikon kasi talaga ako eh. Kainis talaga! Agh! Pero back to my assignment...

"Akin na nga kasi 'yan!" Sinugod ko na sya, pinilit kong abutin 'yung hawak nya kaso iniiwas nya eh. Kainis talaga!

"Storm naiinis na ako!" Sabi ko pero ang walangya 'di man lang pinansin!

"You want this?"

"Oo! Kaya ibigay mo na sa 'kin 'yan!"

"Then, get this" Sabi nya sabay tupi at siksik sa bulsa nya.

"STORM?!!!" Gago talagaaa!!!

Putek ka! Ingat na ingat ako d'yan eh! Ang aga aga kong pumasok para lang makakopya tapos itutupi nya lang?!

"What? You said you need this, right?"

"Oo, kaya sana binibigay mo na 'di ba? Pahirap ka din eh 'no?!"

"If you want to have this, then get this."

"Agh! Nakakainis ka na talaga Stooorm!!!"

So ayun nga, wala na akong nagawa kung 'di ang lumapit at kapain 'yung bulsa nya. Kasalukuyan ko ng kinukuha sa napakalalim nyang bulsa 'yung papel kong tinupi nya nang bigla na lang syang nagsalita.

"Deeper"

Napahinto tuloy ako. Ewan potek! Iba talaga ang nagregister sa utak ko, iba talaga at hindi 'yon maganda.

"Walangya ka talaga Storm! Ang pervert mooo!!!" Sabi ko habang hinahampas hampas ko sya.

Yung mukha nya gulat na gulat, para bang inosente 'yung mukha nya na parang nang-aasar. Alam ko, alam nyang 'yon' na nga ang iniisip ko pero AGGHHH!!! Nakakainis lang talaga!!!

"Napaka-manyakis mo talagaaa!!!"

Hampas ako ng hampas, siguro nainis na din sya kaya biglang sumeryoso ang mukha nya at sinalo ang kamay ko. Natigilan ako kakawala, dahil sa biglaang pagpalit ng mood nya.

"Ibalik mo na sa 'kin ang assignment ko..." Nangangatog ako habang sinasabi ko iyon pero siya, walang reaksyon.

"Gusto mo talagang makuha 'to?" Tumango lang ako bilang sagot.

Akala ko ibibigay nya na kasi agad nya 'yung kinuha sa bulsa nya, pero akala ko lang pala, kasi bigla nya 'yung pinunit. Pinunit nya 'yon sa harapan ko mismo, at wala akong nagawa kung 'di ang matulala habang ginagawa nya iyon.

Ang sama nya. Bakit nya 'yun nagawa?

"Ba—bakit?" Nauutal na tanong ko habang nakatitig sa pirapirasong assignment ko.

"Gaano kaimportante sa 'yo ang bagay na 'yan?"

Wow! Ang lakas pa ng loob nyang magtanong! Wow talaga! Pagkatapos nyang pirapirasuhin ang assignment ko siya pa ang may ganang magtanong ng ganyan?

"Ang sama mo" Ayun lang ang naisagot ko.

"Hindi mo alam kung gaano kaimportante sa 'kin ang papel na 'yan! Alam mo bang pwede akong bumagsak dahil lang sa wala akong assignment, ha? Okay lang sana kung may oras pa eh, kaso wala na! Hindi mo alam kung gaano 'yan ka-importante kasi matalino ka! Anytime pwede mong gawin! Wala kang puso! Ang sama sama mo!"

Naiyak na ako dahil sa sobrang sama ng loob, ang sama sama kasi talaga ng loob ko kay Storm. Grabe siya!

"Kung talagang importante 'yan sayo, hindi mo dapat 'yan hinayaang mawala."

Natigilan ako nang bigla nyang sinabi 'yon, ewan pero para bang may bato na tumama sa ulo ko dahil sapul na sapul ako, sapul na sapul ako ng mga salitang binitiwan nya.

Wala na syang ibang sinabi, basta umalis na lang sya. Grabe talaga siya, iniwan nya na lang ako basta. Iniwan nya na lang akong umiiyak.

Ang hirap hirap gumawa ng assignment tapos pupunitin lang nya, at ang hirap hirap pakalmahin ng puso tapos sasaktan lang nya.

"Ang sama sama mo Storm! Ang sama sama mo!"

Way back to the old times. Let's start again Storm, let us be strangers.

*

Note: This is not the end. This is the beginning! Watch out the next chapter! :D

Nga pala, panoorin nyo yung VIDEO TEASER na gawa ko, judge nyo na lang seducers! Labyu! :*

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...