Clash Between Campus Royaltie...

By wonrangkei

374K 9.3K 1K

Cold vs Hot Play Girl vs Snobber Bully vs Cranky Childish vs Casanova War-freak vs Troublemaker They have a c... More

Characters and Prologue:
Author's NOTEU: 📝
• Chapter 1 •
• Chapter 2 •
• Chapter 3 •
• Chapter 4 •
• Chapter 5 •
• Chapter 6 •
• Chapter 7 •
• Chapter 8 •
• Chapter 9 •
• Chapter 10 •
• Chapter 11 •
• Chapter 12 •
• Chapter 13 •
• Chapter 14 •
• Chapter 15 •
• Chapter 16 •
• Chapter 17 •
• Chapter 18 •
• Chapter 19 •
• Chapter 20 •
• Chapter 21 •
• Chapter 22 •
• Chapter 23 •
• Chapter 24 •
• Chapter 25 •
• Chapter 26 •
• Chapter 27 •
• Chapter 28 •
• Chapter 29 •
• Chapter 31 •
• Chapter 32 •
• Chapter 33 •
• Chapter 34 •
• Chapter 35 •
• Chapter 36 •
• Chapter 37 •
• Chapter 38 •
• Chapter 39 •
• Chapter 40 •
Questions for Royalties
Short Announcement
Answers from Royalties

• Chapter 30 •

5.9K 198 10
By wonrangkei

Chapter 30: Unique Way

❄❄❄❄❄

Xana's POV:

Isang linggo, isang linggo na simula nung hindi nagparamdam si Kyle at sa isang linggo na yun, hindi ako umimik.

Hindi ako sanay na wala siya sa paligid, dumaan na ang Sabado't Linggo pero wala pa rin siyang paramdam sakin. Sila Daryl ang madalas niyang tawagan o itext.

Mukhang nasa Australia talaga siya kasama ang kuya niya.

"Uy Xana, salita naman dyan. Nagpapatuyo ka yata ng laway eh" Sabi sakin ni Sav pero hindi ko siya pinansin.

Simula nung umalis siya, naging ganito na ako. Balik sa dati nung wala pa si Xian.

"Ate, ayos ka lang?" Tanong ni Xian pero hindi pa rin ako nagsalita. Kasi wala akong balak.

"Uhhh ganito na lang, punta tayo ng mall para sa regalo natin kay Aries. This week na rin kasi ang birthday niya eh" Suggest ni Leslie kaya agad akong tumayo, kinuha ang susi ng sasakyan ko at naglakad palabas para kunin ang kotse ko.

"Uy Ate, wait lang!" Sabi ni Xian at sumunod sakin. Ako na ang driver nila ngayon kahit nag-aalangan sila kanina na sumakay sa kotse, si Xian ang nasa passenger's seat tapos yung apat naman ay nasa middle seat.

"Ano nga ulit branch ng kotse mo, Xa?" Tanong ni Zia, para magsalita ako.

"Hyundai Palisade" Walang gana kong saad, oo nagsuccess ang pagtatanong niya pero hindi yun sapat para magsalita ako ng sobra.

"Anong ireregalo niyo kay Kuya Aries? Balak ko kasi siyang regaluhan ng Spalding NBA Official Game Ball" Sabi ni Xian.

"Versace Perfume" Sabi ni Leslie.

"Casio G-Shock Gold-Tone" Sabi ni Yisa.

"Nike Air Max Axis" Sabi ni Zia.

"Louis Vuitton Josh Backpack" Sabi ni Sav. Ramdam ko naman ang pagtingin nila sakin kaya tumingin ako sa kanila gamit ang rear view mirror.

"What?" I asked, coldly and look on the road.

"Anong regalo mo kay Aries?" Tanong ni Leslie.

"A dog" Tipid kong sagot. Noon pa man ay gusto na magkaroon ng aso si Aries, pero natakot siyang mag-alaga dahil baka daw mamatay. Tss!

"What kind of breed?" Tanong ni Xian.

"Corgi" Tipid kong sagot kaya hiyawan sila. Ang cute daw kasi ng corgi. Tss!

"Lalake o babae?" Tanong ni Yisa.

"Boy"

"Kailan mo kukunin?" Si Zia.

"Before the party"

"Maliit pa lang ba siya?" Si Sav.

"Yes, he's still a puppy"

"Bakit aso ang ireregalo mo?" Si Les.

"Because that's what Aries wanted to have, so shut the fuck up and stop asking me some shitty questions!" Bulyaw ko kaya nanahimik sila. Tss! Buti naman.

Maya-maya, habang bumabyahe biglang kumulimlim.

"Oh my! Looks like it will rain any minute now" Sabi ni Leslie habang nakatingin sa bintana.

"Okay lang yan, di naman tayo mababas--"

"Rein! Si Rein!" Hindi natapos ni Zia ang sasabihin niya nang biglang sumigaw si Xian.

"Rain? Anong meron sa ulan?" Takang tanong ni Yisa.

"Hindi ulan, Ate Yisa. Si Rein, yung bestfriend ko" Sabi ni Xian.

"Oh? Anong meron sa espren mo?" Tanong ni Sav.

"Magkikita kami ngayon sa starbucks eh" Sabi ni Xian.

"Yung starbucks sa Megamall?" Tanong ni Zia.

"Yup, e-eh magkikita nga kasi kami ngayon pero bibili tayo ng ireregalo natin kay Kuya Aries" Sabi ni Xian at nagkamot ng ulo.

"Call her" Walang gana kong utos.

"Huh? Bakit?" Tanong niya.

"Tell her to meet you inside the mall" Sabi ko para mapakunot ang noo niya.

"Pero bakit?" Tanong pa niya.

"Para makilala na namin yang espren slash future girlfriend mo" Sabi ni Leslie kaya tumawa yung tatlo.

"A-Ah! Hehehe, O-O sige" Sabi ni Xian at kinuha ang phone niya saka dinial number ang kaibigan niya.

"Hello, Rein... Saan ka?... Uhhh, napag-isipan ko kasi na sa mismong mall na lang tayo magkita, ayos lang ba?... Kasama ko kasi ate ko pati yung mga kaibigan niya... Ay ganun ba hahaha, wala pala tayong kawala nyan ngayon... Sige-sige, kita tayo mamaya. Ingat ah! Pakisabi kay Kuya Ranz wag magmadali hahahaha!... Bye!" Napabored-look na lang ako dahil mukhang may kasama rin ang Rein na yun.

"Ayieeeeee! Lapad ng ngiti ahhh! Hahahahaha!" Pang-aasar ni Zia kaya kinatyaw ang kapatid ko.

"O-Oy hindi ah" Pagdedeny ni Xian.

"Geh deny pa! Look at you ears, it's already red" Sabi ni Leslie kaya nagtawanan sila.

"Could you please shut your fucking mouth?" Seryosong kong tanong kaya nanahimik sila, nagtakip pa nga ng bibig si Xian eh. Tss!

Narating namin ang mall nang tahimik, naluluha na nga si Yisa nung bumaba sila ng kotse eh. Hindi ko na lang pinansin.

Tss!

"U-Uh, dito na lang tayo maghintay. Tatawagan ko lang ulit si Rein" Ninenerbyos na saad ni Xian, mukhang di pa rin makaget-over sa pag-saway ko kanina.

"Sige lang, Xian" Sabi ni Leslie kaya tinawagan na ng kapatid ko ang espren niya.

Habang naghihintay kami dito sa loob ng mall sa tapat ng isang boutique, hindi ko maiwasang mapatingin sa mag-kasintahang nag-aaway yata.

"What is wrong with you?!"

"Hindi maganda ang biro mo, bahala ka dyan!"

"Bullsh't!" Mahina kong kumento sa pag-aaway ng nasa harap ko. May mga tao na ring napapatingin sa kanila eh. Kapag ako nayamot, dahil makapal mukha ko sisigawan ko sila.

"My god! Pati joke sineseryoso mo? Oscar please! It's just a joke!"

"I don't care, Carrie. Get lost"

"Oscar naman! Masyado kang seryoso eh"

"That's not a good joke, Carrie. That joke is a bull--"

"Could you please stop?!" Inis kong bulyaw sa kanilang dalawa para matigilan sila, medyo dumadami na rin ang tao na nakikiusyoso at may lumapit na staff ng mall.

"Ma'am, ano pong nangyayare dito?" Tanong ng guard pero hindi ko siya pinansin at tiningnan ng masama ang dalawang nag-aaway.

"Kung mag-aaway kayo, wag dito sa loob ng mall kasi nakakaistorbo kayo. Holy--! Nag-aaway kayo dahil sa hindi magandang joke?! Napakababaw! Pwede niyo nang pag-usapan yan ng masisinsinan ah! Kaya kung mag-aaway lang kayo, doon kayo sa labas!" Hingal kong hiyaw, kinakalma na nga ako nila Leslie eh. Pero hindi ko na hinintay ang tugon nila at pumunta sa cr para kalmahin ang sarili ko.

Nakakainis, sobra! Dahil sa masamang biro nag-away sila? Pero mas nakakainis dahil
parehas kami ng pinag-awayan, dahil sa hindi magandang biro nag-away kami ni Kyle.

Tss!

**

Sav's POV:

Hindi kami nakaimik sa biglaang pagsabat ni Xana sa nag-aaway na magkasintahan. Hindi kasi namin ineexpect yun.

Pucha! Mukhang nagalit talaga si Xana kanina eh.

"What just happened?" Hindi makapaniwalang tanong ni Leslie.

"Ganon ba talaga si Ate?" Tanong ni Xian.

"Hindi namin alam, Xian. Maski ang pagsabat niya hindi namin ineexpect" Sabi ni Zia.

"Hindi pa rin kasi siya okay, kasi wala pa rin si Kyle" Sabi ko.

"Nasaan na ba kasi si Kyle?" Tanong ni Yisa.

"Sa Australia" Sabi ni Leslie pero napa-irap na lang ako.

Sa Australia ba talaga?

"Sila Rein, nandito na sa loob ng mall" Pag-iiba ng topic ni Xian.

"Nasaan na raw?" Tanong ni Zia.

"Nandito na nga sa loob ng mall" Sarkastikong sagot ni Leslie.

"Tsk! Hindi, I mean saang banda?" Tanong niya ulit.

"Sinabi ko sa kanila na nandito tayo sa tapat ng Bench" Sabi ni Xian habang nakatingin sa screen ng phone niya.

"Edi hintayin natin sila, pati na rin si Xana" Sabi ko kaya tumango sila.

"Ano bang itsura ni Rein?" Tanong ni Yisa.

"Basta, Ate Yisa makikita mo rin mamaya" Sabi ni Xian at nginitian si Yisa.

Habang nag-uusap lang kami dito, biglang sumigaw si Xian.

"Ayun sila oh!" Sabi niya samin at tinawag ang kanina pa niya hinihintay. "Rein! Kuya Ranz! Kuya Ryan!" Tawag niya kaya agad silang lumingon.

Napataas nalang ako ng kanang kilay ng makitang may kasama nga ang espren niya, at mukhang malalapit lang ang edad namin.

"What's up, Braces?" Natatawang bati ng kaibigan niya, si Rein.

"Yow, Brainy" Ayos ng tawagan ah. -,-

"Ehem" Pagbibigay pansin naming apat sa kanila kaya napatingin sila samin.

"Ay oo nga pala, hahaha! Rein, Kuya Ranz and Kuya Ryan, sila nga po pala sina Ate Leslie, Ate Zianna, Ate Yisabella at Ate Savannah. Mga ate, siya po si Rein at eto naman po si Kuya Ranz and Kuya Ryan" Sabi ni Xian kaya nagtanguan kami.

"Nice to meet you" Sabi namin sa isa't isa.

At aaminin ko sa ngayon na, maganda naman si Rein. At bagay sila ni Xian, letse lagot ako kay Xana nito.

"Teka Brace, nasaan yung ate mo?" Tanong ni Rein.

"Ha? A-Ah e-eh bad mood si Ate ngayon, nag-cr siya saglit" Alanganing sagot ni Xian at bahagya pang nagkamot ng sintido.

"Ganun ba talaga ang ate mo?" Tanong nung Ryan.

"Yes, and beware of that lady dahil wala talaga siyang sa mood ngayon" Sambit ni Leslie at nag-ayos ng buhok.

"Lagi naman siyang walang sa mood eh" Kumento ni Yisa at ngumuso pa.

"Ano yun? Kabaligtaran ng ugali ni Xian?" Tanong nung Ranz.

"Oo, magkamukha pero magkaiba ng ugali" Sabi ko kaya nagulat sila.

"Magkamukha?" Sabay-sabay na tanong nung magkakapatid.

"Yup--"

"A big big bullsh't for you, Mister Short-tempered. Nagalit dahil sa biro? Masyadong sineryoso, fucking hell? Ang babaw! Too big deal jerk, nakakayamot sobr--"

"Uy Ate!" Napabalikwas si Xana nang bigla siyang tawagin ni Xian, nakalagpas na kasi siya sa pwesto namin habang may binubulong pero rinig namin.

"What?!" Inis na tanong ni Xana.

"Your brother's friend is here, together with her brothers" Sabi ni Leslie sa kanya kaya inis niyang nilingon ang magkakapatid.

"You must be Rein, and these two are your brothers" Walang emosyong saad ni Xana, pansin ko naman ang pagkapit ni Rein sa braso ng kuya niya. Sa lamig ba naman ng pagsasalita ni Xana, sinong hindi matatakot? Di bale na lang kung parehas sila ng ugali ni Xana.

"U-Uh yes, Ate Xana. I'm Rein, and these are my Kuya Ranz and Kuya Ryan" Ninenerbyos na pakilala ni Rein.

"Xana Melendez, Xian's sister. Let's go" Walang ganang saad ni Xana at nauna nang maglakad. Napabuntong hininga na lang kaming apat dahil mukhang hindi komportable si Rein tuwing kaharap si Xana.

Sino ba namang hindi? Tsk!

**

Nang makauwi na kami, bad mood pa rin si Xana. Hindi na talaga madalas umimik, dalawa lang ang rason niya eh.

Una, dahil nabwiset siya sa dalawang magsyota na nagbabangayan mismo sa harap niya.

At pangalawa, dahil hindi pa rin nagpaparamdam sa kanya si Kyle.

Anyare na kaya sa gagong yun?

"Nasaan si Xana?" Tanong ko sa apat, nandito kami ngayon sa sala. Kakarating lang kasi namin, mga alas syete ng gabi kami nakarating.

"Nasa room niya, ayaw lumabas" Sagot ni Yisa habang nagtatali ng buhok, braid style.

"Anong sabi ni Kyle?" Tanong ko kay Leslie.

"Makakarating daw siya sa birthday celebration ni Aries" Sagot ni Leslie.

"Ang dami naman kasing alam ni Kyle eh" Sabi ni Zia, hindi kami tinatapunan ng tingin dahil busy sa laptop.

"Eh sabi ni Clyde, unique way of confessing eh. Edi yun yung plano niya" Sabi ni Yisa at tinapos na ang pagtatali ng buhok.

"Pero infairness ha, nakaisip bebe mo ng ganung plano" Sabi ni Leslie habang naglalagay ng nail polish.

"Eh yun daw kasi ang lesson nila last week sa English" Sabi ni Yisa at napangiti nang makita ang itsura niya mula sa salamin.

"Kinginang Poetry yan! Pinagawa kami ng ganun nung Thursday, halos magkanda-ugaga kami sa pag-gawa kasi 30 minutes lang kami pinapagawa tapos ang masaklap, babasahin pa naman sa harapan ng malakas. Pucha! Akala ko ampanget nung akin, pero nagustuhan nila hahahaha!" Sabi ko at tumawa ng malakas.

"Hambog" Natigilan kaming lahat nang ikumento iyon ni Xana habang pababa siya ng hagdan.

"Oy grabe ah! Pero oo, nagmukha akong hambog dun" Sabi ko kaya tumawa sila.

Hindi na ulit umakyat si Xana dahil nagstay na siya dito syempre, mukhang nabored.

Pero kahit nandito siya, hindi siya nagsasalita. Walang balak, kahit ganun ay ayos lang basta nandyan siya sa single sofa, nakaupo at nakatuon ang pansin samin.

*Three days later*

"Kailangan talaga ganyan ang damit?" Nabubwiset kong tanong. Hapon na at mamaya na ang celebration ng birthday ni Aries.

Yung damit kasi, kailangang party outfits. Tsk!

"Eto na lang suotin mo, Sav" Sabi sakin ni Leslie at pinakita ang isang purple short sleeves wrap dress.

"Tapos ano? Pagtitinginan ako ng mga manyak na yun? Naku! Wag na" Sabi ko.

"Bagay naman sayo yan, Ate Sav eh" Sabi ni Xian.

"Pero ayo--"

"We have no choice, Sav" Biglang sambit ni Xana na nakasuot ng dark blue off-shoulder A-line dress. Naka-ayos na ang buhok nya, messy bun is enough daw. Psh!

"Hasyt! Sige na nga" Inis kong saad at kinuha mula sa kamay ni Leslie ang damit.

Pumunta ako sa kwarto at sinuot na yun, halos mahulog ko naman ang hawak kong phone dahil sa biglaang pagsulpot ni Xana sa kwarto ko.

"Papatayin mo ba 'ko, Xana?" Tanong ko pero nagkibit-balikat kang siya.

"Sit in front of your dressing table, I'll style you hair" Sabi niya kaya umupo ako sa tapat ng dressing table ko.

Hindi nagtagal ay natapos na siya sa pag-aayos, kaya bumaba na kami.

Si Leslie, Zia, Yisa at Xian ay nasa sala. Mukhang hinihintay kami, maaayos ang suot nila. Katulad ng sakin kaya napasimangot ako.

"Tara na" Sabi ni Xian.

"Kaninong sasakyan ang gagamitin?" Tanong ni Zia.

"Yung kay Clyde, susunduin nila tayo eh" Sabi ni Yisa kaya napa-irap ako.

Iba talaga kapag may jowa eh, letse!

Pagkatapos ng ilang minuto, dumating na ang apat na gunggong. Syempre apat lang, wala si Kyle. Ayaw pang magpakita.

"Let's go, ladies" Sabi ni Adrian at pinagbuksan kami ng pinto. Nagkasya kaming sampu sa kotse niya, malay ko kung paano. Laki rin kasi ng sasakyan.

Narating namin ang bahay nila Aries, may mga disco lights na rin at marami-rami na rin ang tao. Halos lahat sila, kilala namin.

"Puro taga-Presly ah" Sabi ni Edward.

"Hindi naman, kay Xian pa lang halata ng hindi puro taga-Presly" Sarkastiko kong sambit sa kanya kaya napanguso siya. Akala mo cute! Hindi naman, Psh!

Sinalubong kami ni Aries, halatang masaya. Buti nga hindi namin nakalimutan ang mag regalo namin eh.

"Happy Birthday, Aries!" Bati namin sa kanya.

"Salamat, pakilagay na lang yung mga regalo niyo doon oh" Sabi niya kaya tumango kami at tumungo sa pwesto kung saan nakalagay ang mga regalo para kay Aries. Syempre yung kay Xana, nandito rin. Tuta pa naman yung Corgi kaya hindi maingay, tulog nga yata eh.

Dumeretso kami sa isang table, at oo nagkasya kaming sampu sa iisang table. May sobra pa ngang isa eh, Psh!

Hindi nagtagal, nagsimula na ang party.

"Welcome, everyone. We are here to celebrate the 19th birthday of our very own Mr. Aries Santiago, please give him a round of applause" Sabi ng MC at naglakad papunta sa pinakastage si Aries habang pinapalakpakan namin.

"Uhh thank you so much for celebrating my birthday with me tonight. And I hope you enjoy this night, that's all and let's get the party started" Sabi ni Aries kaya naghiyawan ang lahat.

Tulad ng nakasanayan, may sayawan at kantahan ang nagaganap. May mga games din na halos ikamatay namin sa kakatawa.

After nun, kumain na ng dinner habang pinapakita sa screen projector ang kabataan ni Aries, syempre kasama kami.

May mga videos din na binabati si Aries, yung mga kamag-anak na hindi nakapunta o nasa ibang bansa ganun. Meron din namang mga nakakalokang videos noong bata si Aries, kadalasan kasama si Xana at Xian.

Pagkatapos nun, bigayan na ng regalo.

"Yung bubuksan na regalo ni Aries ay ang mga regalo galing sa family, relatives and close friends niya muna" Sabi ng MC kaya isa-isang binuksan ni Aries ang mga regalo.

Panay thank you niya syempre, lalo na kay Xian at Xana. Eh yun daw yung gusto niya eh, pati rin kila Tita Sheena at Tito Franco.

Pagkatapos ay sayawan ulit, pero ngayon tumugtog ang slow music.

Akala namin ganito na lang for the whole time, pero kaming walo ay napatingin sa isa't isa at nagsitanguan sabay tingin kay Aries.

It's time, Xana. It's time.

**

Xana's POV:

Walang gana akong umupo sa tapat ng table namin, halos lahat sila ay nagsasayawan. Tss! Wala akong sa mood.

Dapat pala hindi na ako um-attend. Tss!

Nandito ang pamilya ni Kyle, napakunot nga ako ng noo nang makitang nandito si Kuya Klode at siya lang ang wala. Gusto ko sana silang puntahan kaso tinatamad ako, bahala na nga. Tss!

Napatingin na lang ako kay Aries nang umakyat sa muli sa stage at kinuha ang mic.

"Everyone, alam naman natin na para sakin ang celebration na ito. But I just wanted to ask my cousin to stand up and go to the dance floor" Napataas ako ng kilay ng sabihin iyon ni Aries.

"Ate, tumayo ka raw" Sabi ni Xian kaya dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa gitna ng dancs floor mag-isa. Nagsi-alisan naman ang mga tao doon kaya napakunot ako ng noo.

Ano na naman bang kalokohan 'to? Tss!

"Uhmm, Xana insan. Alam kong badtrip ka pa rin hanggang ngayon at nagtataka kung bakit kita pinapunta sa gitna ng dance floor. At sa totoo lang, napag-utusan lang ako eh hehe! Pero seryoso, sana maging worth it ang efforts niya para sayo" Sabi niya sakin kaya lalo akong nainis.

Mga pakulo niyo, tang'na niyo! Tss!

"Everyone, let's witness the most unique way of confessing by the Mayor's son to my very own cousin, Xana. Please welcome, Mr. Kyle Jayson Fellar Verdez!" Literal akong na-estatwa dahil sa sinabi ni Aries.

Hindi ako makagalaw, para akong dumikit sa lupang inaapakan ko. Gulat akong napatingin sa stage at doon, lumabas ang taong pinakahihintay ko.

"Hi, Xana! Hehe, halatang gulat ka ah. Ang cute lang" Hindi ako maka-imik. Kinatyaw naman siya ng mga tao.

"Alam kong nainis ka dahil sa biglaang pagkawala ko ng ilang araw, pero kinakailangan eh para sa mangyayare ngayon. Hindi ko na patatagalin pa, Xana.

Etong short poetry na ginawa ko ay dedicated sayo, inspired sayo at para sayo kaya sana magustuhan mo. Kayo rin pala, guys hehe! So uumpisahan ko na" Sabi niya at huminga ng malalim.

Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan dahil hindi pa rin ako makapaniwala. All this time akala ko ayaw na niya sakin, galit na siya sakin at iniwan na niya ako. Pero hindi pala, ginawa niya lang yun para ipakita sakin ang gagawin niya ngayon.

"Para sayo. Written by: Kyle Verdez
Nung una kitang makilala
Sa pagkakataon mang hindi maganda
Alam ko sa sarili ko na ikaw na talaga
Ikaw na talaga ang taong magpapasaya
Sa buhay kong hindi gaano kaganda

Pero sa hindi inaasahang kaganapan
Ako ay nahulog ng biglaan
At dahil sa pangyayaring hindi inaasahan
Pinilit kong itago mula sayo ang pagmamahal na aking nararamdaman"

Hindi ako nakaimik lalo, dahil base sa binibigkas niya ay sincere ito, napaka-sincere. Alam mong galing sa puso ang bawat salitang binabanggit niya.

At alam kong siya lang ang nakakagawa sakin nito, sa puso kong ito. Panay kabog ng dibdib ko, dahil sa kabang nararamdaman ko. Sana, sana mali ang hinala ko.

"Ngunit alam kong kailangan mo pa rin malaman
Dahil iyon ang kanilang kagustuhan
Kaya sana'y ako'y iyong pakinggan
Upang ang aking sinasabi ay iyong maunawaan

Xana, gusto ko lang sabihin sayo
Na napakaimportante mo sa buhay ko
Gumuho man ang mundo at magkaroon man ng malakas na bagyo, ikaw lang ang mahal ko
At gusto ko lang sanang itanong sayo,
Kung pwede ba akong maging nobyo mo?"

Hindi ako makahinga ng maayos, wala akong marinig kundi ang tibok ng puso ko dahil sa laba. Napatingin ako kila Leslie, halatang kinikilig sila dahil sa wagas na pag-ngiti nila.

Totoo ba 'to? Kasi kung hindi, gisingin niyo na ako dahil ayoko siyang masaktan.

Binalingan ko si Kyle, na sa ngayon ay papalapit sakin.

"Hey, My Cold Queen. Miss me?" Nakangiti niya saad.

"Hindi" Malamig kong sagot para mawala ang ngiti niya. Rinig ng lahat ang pinag-uusapan namin dahil may hawak siyang mic at abot ako.

"Hala, bakit naman?" Kunot-noo niyang tanong.

"Gago ka eh" Wala ko namang ganang sagot kaya napangiti siya ulit, nagtawanan naman ang mga bisita.

"Ehhh, miss mo lang ako eh. Kasi ikaw, namiss ko ng sobra" Alam ko, ramdam ko ang pamumula ng tenga ko pero shet! Tama na!

"Pero hindi kita miss" Sabi ko.

"Hay! Sige ganito na lang, balik tayo sa pag-amin ko sayo" Sabi niya at huminga ng malalim.

"Sige, tuloy mo lang" Y'all know, na nagpapanggap lang akong walang sa mood pero sa loob-loob ko gusto ko siyang sapakin.

"Laro tayo, bato bato pick" Sabi niya.

"Tss! Masyado na tayong malaki para sa larong yan" Sabi ko kaya nagtawanan sila.

"Pero may twist, para malaman ko kung ano ang sagot mo sa tanong ko. Kasi gusto ko na talagang malaman, sobra. Kasi mahal kita, mas mahal kita kesa sa inakala mo. Kaya kailangan kong malaman ang magiging sagot mo, dahil desperado ako" Saad niya kaya hindi ako nagsalita.

"Ganito, ako ang unang babagsak. Kung panalo ka, magiging boyfriend mo 'ko. Pero kapag nanalo ako, hanggang friends lang tayo" Sabi niya at huminga ng malalim bago magbagsak ng kamay sa harap ko. Nakabuka, papel ang tinira niya.

Hindi ako gumalaw, tiningnan ko lang ang kamay niyang nakabuka. Pero dahan-dahan kong inangat ang kamay kong na nakaclose fist.

Halatang nagulat si Kyle sa tugon ko. Eh panalo siya eh, ibig sabihin friends lang kami.




















Pasensya na, Kyle. I'm really really sorry.








































































TSS! PERO YUN ANG AKALA NILANG LAHAT! LETSE!

Dahan-dahan kong nilabas ang hintuturo ko na sinundan naman ng middle finger, halatang hindi makapaniwala si Kyle sa tinugon ko, yung totoong tugon.

Rinig ko ang hiyawan at katyawan ng lahat, automatic namang napalitan ng ngiti ang kaninang nakabukang bibig ni Kyle. Nginisian ko lang siya at hinawakan ang kamay niya.

"Yan, edi boyfriend na kita. Walang bawian yan" Sabi ko sa kanya kaya bigla niya akong niyakap, ng mahigpit. Tumugon naman ako sa yakap niya kaya lalong naghiyawan ang mga tao.

Aaminin ko na manhid ako, pero hindi porque ganun akong tao ay hindi ko na kayang magmahal.

Wala sa plano ko ang umamin kay Kyle, kasi nga akala ko ibang babae yung nagugustuhan niya.

Tss! Kahit kailan talaga, may pagkamisteryoso ang lalaking 'to.

Di bale, ayos naman ang ginawa niya eh.

What a unique way of confessing, no?

This dimwit is really into something different.

Nah~! But I know, that he is the guy.

The hot guy who melts my cold heart.

Tss!

******

To Be Continued...

__________________________

Ayos ba? Hehe! Sensya na kung ngayon lang, sana nagustuhan niyo. Kinilig ba kayo? Kasi ako, oo malamang HAHAHA!

That's all!

Jal ga, Yeoreobun!

PS: MARSHMELLOWWW!! HAKHAK

Dedicated to: JENNIEKIM888

Continue Reading

You'll Also Like

15.5K 1.9K 35
"It's not about how she changed my bad attitude but she gave me a reason to changed myself into good." -Whyrhus Alcomendras A/N: Places, and Scenario...
Lucent By ads ❀

Teen Fiction

329K 7.5K 27
lucent (adj); softly bright or radiant ✿ ✿ ✿ My brother's hand traces the cut on my right cheek for some minutes. I have no idea how a cut can b...
7.6K 680 42
How can you find true love now that you are surrounded by cheaters.?
186K 5.1K 95
not you're average mafia brothers and sister story.. This is the story of Natasha Clark, an assassin, mafia boss, and most of all the long lost siste...