Cinde-BAEK-la 2: The Married...

By HahuYeah

233K 7.7K 1.6K

Getting married is just the beginning. Text copyright © 2016 by HahuYeah [Language: FILIPINO] More

The Married Life
Prologue
Married 1
Married 2
Married 3
Married 4
Married 5
Married 6
Married 7
Married 8
Married 9
Married 10
Married 11
Married 12
Married 14
Married 15
Epilogue
letter
SC: Chan Hyun's Chapter
SC: Christmas Special
CBL: The Last Book

Married 13

8.5K 337 106
By HahuYeah




* * * * *



~Park Baekhyun~




Sobrang konti ng tao dito sa mall na pinuntahan namin kaya naman medyo nakaka-panibago. Walang masyadong kotse sa parking lot pero kung meron man, mamahalin lahat. 



Humawak ako sa braso ni Chanyeol habang buhat-buhat niya si Chan Hyun. "Channie, bakit walang masyadong tao dito sa mall ng pinsan mo?" tanong ko habang tumitingin sa paligid. Tama, hindi kami sa mall namin pumunta kasi... trip lang ni Chanyeol. Adik no? 



Napa-shrug siya at ngumiiti. "As you can see my dear Baekhyun, walang masyadong tao dito. Mas private. And lahat kasi dito, branded. So mas masaya mamili." he answered. 



Chan Hyun squirmed at sinabing gusto niyang bumaba. Chanyeol bent down to drop him at agad na pumunta kina Luhan. Haaay. Sayang nga at walang anak ang HunHan eh. Hindi ko alam kung bakit. 



Pumunta kami sa isang boutique at agad na namili sina Kai at Chanyeol ng mga strollers, crib, walkers at kung ano pa. 



"Bat hindi niyo ba gagamitin ulit yung mga ginamit ni Chan Hyun noon?" tanong sakin ni Luhan habang tumitingin ako ng mga damit. 



I shrugged. "Ayaw ni Chanyeol eh. Sabi niya, boys are boys and girls are girls daw. Arte no?" natatawang sagot ko. 



Natawa naman si Luhan. "Sinabi mo pa." sagot niya na nagpatawa sakin. 



Alam kong girl si Baby namin pero sina Kai at Chanyeol ang magaling mamili. Sobrang cute ng mga napili nilang baby stuffs kaya naman, nag-stick nalang ako sa pamimili ng mga damit, laruan, bote at kung ano pang minor na gamit. 



"Baek, samahan ko lang sina Chan Hyun at Ji-eun sa ground floor. May playland pala dun eh." pagpapa-alam ni Sehun habang hawak sa magkabilang kamay ang dalawang bata. 



Tumango ako at tumingin kay Chan Hyun. "Anak, be good ah. And make friends!" masaya ko sabi. Napakamot naman sa ulo niya si Chan pero tumango at lumapit para halikan ako sa pisngi. 



Pinanood ko lang silang lumabas hanggang sa kalabitin ako ni Chanyeol. "Babe, what do you think? Ayos na ba lahat ng yan?" sabay turo sa sobrang daming gamit. 



Nanlaki ang mga mata ko. "Paano natin iuuwi lahat ng iyan?! Hindi yan kasya sa kotse, babe!" gulat na sabi ko. Paano ba naman, lahat na ata ng gamit ng baby, binili na nila!



"We'll call a truck from the office to pick all of these, Baek." sabi ni Chanyeol. "Maybe later. And by the way, nabayaran ko na. Pati yung mga pinili mo." he said then winked. 



I rolled my eyes. "Magkano naman lahat?" 



Chanyeol just shrugged at may binulsang papel sa back pocket ng pants niya. "It's... a secret." 



Tinignan ko siya ng masama. "Chanyeol! Napakamagastos mo talaga!" sita ko sakanya sabay palo sa braso. "Hindi porket mayaman ka pala--" 



WAAAAAAHHHH!!!



PDA! PDA! PDA! 



"See." naka-smirk na sabi niya. "I can make you stop." 



Namumula akong napatingin sa paligid at napansin na umiwas ng tingin yung mga saleslady sa shop. Samantalang ang KaiSoo at si Luhan naman eh nanlalaki ang mga matang tumingin sa amin. 



Kinurot ko sa tagiliran niya sa Chanyeol. "Chanyeol!" sigaw ko. "Tama ba namang halikan mo ako sa harap ng madaming tao?!" 



"Aray ko, babe!" reklamo niya habang natatawa. "Eh kasi ang daldal mo na." natatawang sabi niya. 



Nanlaki ang mga mata ko. 



ANO DAW?! Ako?! Madaldal?! AKO?! HUHUHUHUHU. Hindi kaya!!! HINDEEEE!!! 



"A-ako?!" naluluhang sabi ko. "M-madaldal ako?!" 



Nanlaki ang mga mata ni Chanyeol at agad na napahawak sa balikat ko. "No! No! No!" panicked na sabi niya. "I'm just kidding, babe. I'm just kidding!" 



Umiling-iling ako at naramdaman ang pagtulo ng luha ko. Ihhh! Bat ako umiiyak?! Bakit?!! 



"P-pero sabi mo..." sabi ko at nagpunas ng luha. 



Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at hinalikan ako ng mabilis sa noo. "It was just a joke, babe. A joke, okay?" he cooed. 



Tumango ako at nag-pout. "O-okay." I sniffed. 



He sighed at niyakap nalang ako.



"Damn moodswings." narinig kong sabi ni Kyungsoo habang natatawa. 



"Psh." singit ni Kai habang hawak-hawak ang mga damit na binili niya para kay Ji-eun. "Mas worse ka kaya noon, Kyung." sagot niya na nagpalaki ng mata at ilong ni Kyungsoo. 



"Anong sabi mo?!" sigaw ni Kyungsoo at lumapit kay Kai. 



Agad na napa-atras si Kai at tumama sa isang crib. "Ehehe. Joke lang, baby. Ikaw naman." sabi niya habang namumula ang mukha. "Hindi ka na-- ARAY! KYUNGSOO! BABY! A-ARAY!"



Hinila pa ni Kyungsoo ng mas malakas ang tenga ni Jongin habang sinasabi ang mga katagang, "Ano ha?! Nagrereklamo ka na ngayon?! Matapos mo akong buntisin at lahat-lahat?! Ganyan ka na ba ngayon Kai?!" 



Natawa ako sa eksenang ginagawa ng KaiSoo habang si Luhan naman ay tahimik lang sa isang gilid, naka-cross arms at nangingiti. 



Sobrang under ni Kai kay Kyungsoo eh isa naman siyang General. Tama ang basa niyo! Isang Chief General si Jongin sa army. Astig no? Hay. Ganun eh. Hot daw kasi siya. Anong konek diba? 



Si Kyungsoo, kasosyo ko sa negosyo ko sa restaurant. Kasi nga diba, passion niya ang pagluluto? 



Well si Sehun... waiter sa Bubble Tea shop. 



JOKE! Sakanila na ang Bubble Tea shop. Oo. Binili nila ang shop na yun! Tungunu nga eh. Addiction is the key to success daw. 



"Tama na nga yan." sita sakanila ni Chanyeol at pinulupot ko naman ang braso ko sa bewang niya. "Let's have dinner." 



Tumigil naman si Kyungsoo habang masama parin ang aura. Si Kai naman, nakahawak lang sa tenga niya habang may mapait na expression sa mukha. 












Pumunta kami sa isang fine dining restaurant matapos sunduin sina Ji-eun at Chan Hyun sa playland. Isang mahabang table naman ang binigay sa amin at sa isang private spot pa ng resto. 



Matapos kumain ay sabay-sabay na kaming pumunta sa parking lot. 



Sasakay na sana kami ni Chan Hyun sa kotse nang sumigaw ni Kai. "Baek, wait!" rinig kong sigaw niya at patakbong lumapit sa amin. Hinila niya kami ni Chan Hyun at pinunta kay Chanyeol na medyo malayo palang mula sa amin. 



Nagtataka akong tumingin kay Kai at nakita ko sa mukha niya ang gulat at takot. 



"Move away." bulong niya at sumunod kami agad. 



"Kai." tawag ni Kyungsoo. "Ano bang--"



"Lumayo muna kayo, baby." sabi niya at lumapit sa kotse namin nina Chanyeol. 



Ano bang meron?



Biglang lumuhod si Kai sa may likuran ng kotse at may sinilip sa baba nito. At saka ko lang napansin na may parang nagbi-blink na ilaw sa may ilalim ng sasakyan. Teka, ano yun? 



Hinawakan ito ni Kai at unti-unting hinila. Narinig ko ang pagsinghap ni Kyungsoo sa tabi ko. "Oh god." bulong niya. 



Hindi ko alam kung anong nangyayari kaya napatingin ako kay Chanyeol. Gulat ang expression niya sa mukha at napahawak siya sa amin ni Chan Hyun. 



Maya-maya pa, may hinila si Kai na wire sa bagay na yun at nawala yung blink. Tumingin siya kay Chanyeol na may nag-aalalang mukha at saka tumango. 



Chanyeol breathed a sigh of relief. Ano yun? Anong ginawa ni Kai? 



Nakita kong kinuha ni Kai yung itim na bagay na yun at dinala sa kotse niya. May binulong siya kay Kyungsoo at napahawak ng maigi si Kyungsoo sa anak nila. 



"Papa, what's that?" tanong ni Ji-eun pero umiling lang si Kyungsoo at pinat cheeks ni Ji-eun. 



Pumunta si Kai sa kotse nila at pati sa kotse nina Sehun. May sinilip-silip siya sa mga ilalim ng mga sasakyan. 



Nakaramdam ako ng kaba at naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. 



"Chanyeol," I whispered. "Was that..." 



Tumango si Chanyeol at niyakap ako gamit ang isa niyang braso. "Yes, Baek." bulong niya para hindi marinig ng anak namin. "Someone is trying to kill us." 





* * * * *






Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 281 31
Taong 1997, may nagpakilala kay Tyler Tuazon na isang alien. Siya si Gunther Atienza, ang pinaka weirdo sa klase nila. Nagpapadala siya ng mensahe ga...
199K 1.3K 8
NOW EXCLUSIVE ON DREAME PLS TAKE NOTE: I only posted the first five chapters here. The rest of the chapters are only available on Dreame. *** If it's...
8.7K 1.6K 48
Del Valle High Series # 1 [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE Sa gitna ng walang patid na pagkalungkot sa buhay, kahit isang tap...
28.3K 1.8K 35
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴