The Fifth Son

By Drei_Esquivel

79.1K 2.2K 1.8K

"When you care so much for the expectations of others, you will lose your own identity. But when you decided... More

Author's Note
Introduction
Ichi
Ni
San
Yon
Go
Roku
Hachi
Kyu
Jyu
Jyuichi
Jyuni
Jyusan
Jyuyon
Jyugo
Jyuroku
Jyunana
Jyuhachi
Jyukyu
Nijyu
Nijyuichi
Nijyuni
Nijyusan
Nijyuyon
Nijyugo
Nijyuroku
Nijyunana
Nijyuhachi
Nijyukyu
Sanjyu
Sanjyuichi
Sanjyuni
Sanjyusan
Sanjyuyon
Sanjyugo

Nana

2K 77 31
By Drei_Esquivel

Nana

~7~

Nang magising ulit ako, nakaupo na ako sa, I think, back seat ng sasakyan. May nakaupo sa magkabilang gilid ko. Nakabusal pa rin ang bibig ko at nakapiring ang mga mata. I tried to move and break free but to no avail. Hinigpitan pa nila lalo ang pagkakahawak sa akin.

‘Hey! Let go of me!’ I tried to say but all I managed to do was some broken syllables and grunts.

“Wag ka n’gang malikot!” bulyaw sa akin ng isang manipis na boses ng lalaki mula sa gawing kaliwa ko. 

Hindi pa rin ako nagpaawat. Gumalaw pa rin ako nang gumalaw until a punch landed on my stomach. Halos himatayin ako sa suntok na yun but I was able to get a hold of my consciousness. Yun nga lang, inubo ako ng husto.

Then it hit me- an idea.

After prolonging my coughs, I began to act as if I am gasping for air. At first medyo mahina lang para mas natural at convincing then, gradually, I made my movements more obvious until naging full-blown gasping na s’ya. Sana gumana ang pagpapanggap ko na hindi makahinga. Please, Kami-sama!

“Anyare sayo?” medyo nabiglang tanong ng may matinis na boses.

“Anong nangyari d’yan? Bakit mo kasi sinikmuraan?! Ang bobo mo talaga!” bulyaw ng isang may normal na boses.

“Malikot eh!” the one with a high-pitched voice reasoned out.

Tinuro ko ang telang nakabusal sa bibig ko, signalling tanggalin nila ito.

“Tanggalin n’yo. Baka nahihirapang huminga dahil d’yan!” utos ni normal-voiced guy. Agad namang ginagawa yun ng mga nakaupo sa magkabilang gilid ko.

After ma-remove ang telang nakabusal sa bibig ko, I stopped pretending to be gasping for air. Hindi naman nila tinanggal ang piring ko sa mga mata. Madali naman palang maloko ang mga kolokoy na to. 

“Ah. That’s better,” I said rather calmly then exhaled some air that I had hold back. “Tell me, why are you kidnapping me?” Since hindi ko naman sila nakikita, iniimagine ko nalang na apat sila sa loob ng sasakyan- dalawa ang nakaupo sa magkabilang side ko at dalawa naman sa harap.

“Wag mo kaming ini-english-english, babae ka!” naiinis na utos sa akin ng may matinis na boses.

Gad. Ang pangit ko pa namang magtagalog tsaka nahihirapan akong magsalita ng pure tagalog. Mas okay pa nga if nasa isip nalang ako nagsasalita ng tagalog eh kesa sa sinasabi talaga.

Nabubulol kasi ako. “Aw. Sorry. So, bakit n’yo nga ako kinidnap? Money? Hindi kami mayaman. Wala kayong makukuha sa akin.” I made a small chuckle but was immediately silenced by the voice of the one with a typical voice.

“Kami wala pero ang nagpakidnap sayo, meron. Mukhang malakas ang tama nun sayo eh. Pakipot ka pa.”

Napailing ako sa sinabi n’ya. “Sino naman daw yang nagpakidnap sa akin? As far as I know wala akong utang sa kahit kanino at wala naman rin akong kagalit.” Ay teka. Did he just said na malakas ang tama nung nagpakidnap sa akin? Ibig bang sabihin nun, babae ang nag-utos sa kanila?

Actually, hindi na ako takot sa kanila now that alam ko na may tao behind them. Sabi nga nila may nagpakidnap sa akin, that means, hindi nila ako pwedeng saktan or patayin hanggang hindi pa ako nadadala sa taong yun. I’m safe for the time being. May time pa ako para mag-isip ng paraan upang makatakas.

“Si Mr. Cheng. Apo n’ya ang may gusto sayo. Pakipot ka pa kasing haponesa ka kaya tuloy pinakidnap ka,” sagot ni typical-voiced guy na sa rinig ko ay nakaupo sa passenger seat according sa direction na pinanggagalingan ng boses n’ya.

“ Wala akong kilalang Cheng.” Teka. Wala nga ba? Parang wala naman. Wala akong matandaang kakilala na Cheng ang apelyido. “Anong haponesa? Get your grammar correct, kuya. Lalaki kaya ako kaya wag mo akong tawaging haponesa. Basic.”

“Anong lalaki. Eh ikaw tong nasa picture o. Pinaglololoko mo pa ako ah. Makakatikim ka sa’kin makikita mo,” inis n’yang sabi. “Akala mo mauuto mo ako ah.” Wheeh? Nauto ka na nga ng mukha ko.

Pahamak talaga tong pagmumukha ko. Nakisama pa ang boses kong hindi pa inaabutan ng puberty kaya hindi pa nagde-deepen. Come at me, puberty! Ngayon na!

“Ayaw pang maniwala eh. Touch my chest,” utos ko sa kanya sabay forward ng chest ko para mapatunayan kong lalaki talaga ako.

“Ano daw?” tanong ng may manipis na boses. Hindi naintindihan ang English ko. “Anong tat’s may tsist?”

“Gad. Hawakan n’yo dibdib ko at nang mapatunayan kong lalaki ako. Tingnan natin if may makapa kayo.” Kainis. Simpleng English lang, hindi pa maintindihan.

“Ano boss?” tanong ng may isang mala-kalabaw na boses sa may kanan ko.

“Ako na ang hahawak,” said the one with the typical voice. S’ya pala ang leader ng mga bopols na to.

Ilang sandali pa eh may naramdaman akong may kumakapana sa dibdib ko. Bakit ganun? Pakiramdam ko nababastos ako, eh lalaki naman kami pareho. Parang something na masama kasi sa hawak n’ya tsaka nakakadiri sila. Kung may choice lang ako, ayokong magpahawak sa mga kumag na ito. Ako na ang maarte. Walang kokontra.

“Tang ina! Lalaki ka talaga!” bulalas ng disgusting creature na humawak sa dibdib ko.

“Dah. Yun nga ang sinabi ko,” I taunted, implying na nabobobohan ako sa kanila.

Walang anu-ano’y naramdaman ko nalang na may sumira sa damit ko, exposing my undershirt.

“Hoy! Rape yan! Get your hands off me you filthy trash!” agad kong react, trying to move away from him.

“Wag mo nga akong ma-english-english tangna kang bakla ka!” bulyaw ng tinatawag nilang boss sa akin.

Although, I was slightly shaken by the intensity of his voice, I was able to keep my composure.

“I’m not gay, you pig!”

“Anong gagawin natin dito, boss? Nagkamali tayo,” tanong ng carabao-voiced guy.

“Todasin na natin to,” suggest ng isa sa gawing kaliwa ko.

Todasin? No way! I need to think of a strategy para ma convince sila na palayain ako. “Wait.

Sandali. Hindi ba mas mabuting pakawalan n’yo nalang ako?” I butted in. “Kasi kung papatayin n’yo ako, hassle sa inyo yun. Madadagdagan pa ang mga kasalanan n’yo.”

“Pakawalan? Asa ka pa,” said the thin-voiced man.

I sighed and calmed myself in order to explain convincingly. “Okay, dumdums, listen. If papatayin n’yo ako, siguradong hindi kayo makakatakas since sigurado ako na nakita ng kaibigan ko kanina ang plate number ng sasakyan na to at siguradong ayaw n’yong mangyari yun.” I made a confident smile before continuing my explanation. “At ayaw n’yo ring tawagan ng kaibigan ko ang tatay n’ya.”

“Bakit, ano pala ang tatay n’ya?” tanong ni kidnapper-with-a-normal voice.

“General ng Armed Forces of the Philippines.” Kinumpleto ko pa talaga ang meaning ng AFP para matakot talaga sila. Siguro naman alam nila kung ano ang Armed forces of the Philippines.

“General ng army,” I supplied. Maninigurado na akong maintindihan nila.

“Weh. Pinagloloko mo talaga kami no?” pang-e-epal ng kidnapper na may matinis na boses na kanina kontra ng kontra sa akin. Napipikon na ako sa boses daga na to ah.

“Edi i-google n’yo ang pangalan na General Paul Sanchez nang makita n’yo ang hinahanap n’yo.”

“Edi kapag pinakawalan ka namin, mahuhuli rin kami,” sabi ng may boses-kalabaw. Minsan lang sumabat to kaya pagbigyan na natin.

“Paano naman kayo mahuhuli if hindi ko naman nakikita ang mga pagmumukha n’yo? At isa pa, if pakakawalan n’yo ako, pwede kong kausapin ang kaibigan ko na wag nalang magsumbong at kalimutan nalang ang nangyari. Let’s make a deal.”

“Wag ka ngang mag-english. Tang-en naman oh,” reklamo mula kay normal-voiced guy.

“Okay. Fine. Ang hirap namang kausapin ang mga taong to,” I said mostly to myself. “Ganito ah. Kapag pinakawalan n’yo ako, hindi ako magsusumbong. Parang walang nangyari. Magpapatuloy ako sa buhay ko at kayo naman, eh pwede nang mangidnap ng kung sino mang magustuhan n’yo.”

Silence ang namayani sa loob ng kotse. Pinag-iisipan yata nila. Nag-iisip din pala ang mga to? Akala ko pa naman may nadiscover na akong mga tao na nabubuhay na walang utak.

“Ano pa bang assurance ang kailangan n’yo? Hindi ko naman kayo nakikita kaya hindi ko kayo maituturo. Kung tutuusin, wala talaga akong masasabi sa mga police na identity n’yo. Kung yung kaibigan ko naman ang pinuproblema n’yo, pwede ko s’yang kausapin at patahimikin. Ano? Deal or no deal?”

Ang tagal kasi mag-isip.

“Ano, Boss?” tanong ng may mala-kalabaw na boses sa amo nila which was yung may normal na voice.

After ng ilang minutong pananahimik, he voiced his decision. “Sige. Ibababa ka naming sa walang tao. Ipangako mong wala kang pagsasabihan nito, kung hindi, totodasin ka talaga namin. Idadamay pa namin ang kaibigan mo at ang pamilya n’yo. Maliwanag?” He said those words with a clear tune of threat only that, I don’t feel threatened at all.

“Sure, why not. Swear,” assurance ko.

Ibinaba nila ako sa isang tahimik na lugar makalipas ang minutong drive. Hindi na nila tinanggal ang blindfold ko pero niluwagan naman nila ang pagkakatali sa akin kaya madali ko itong natanggal nang hindi ko na marinig ang tunog ng sasakyan ng mga kidnappers. Pati bag ko tinapon rin nila malapit sa akin. Ang bait naman nila- with sarcasm yan ah. 

Naniwala naman silang official ng army ang tatay ni Paolo. The truth is hindi ko talaga kilala ang parents ni Paolo. I lied. Haha. It’s not like I have a choice but to do so, right? Pero natakot din ako at baka hindi kagatin ng mga kumag na to ang tiny, white lie ko. Lagot ako kapag nagkataong hindi nila kinagat yun.

Nakaupo ako sa tabi ng daan, pinupulutan ng mga lamok habang naghihintay ng dadaang sasakyan nang maalala ko ang cell phone ko. Hindi ko kasi ito nilalagay sa bulsa ko. Usually sa bag ko talaga nilalagay yun. I reached for my phone sa secret compartment ng bag ko and was surprised. Boom! 70 missed calls, 39 messages, and they all came from Paolo and Kuya Kei. What the freak? Ang OA naman ng mga lalaking ito pero at least, nag-alala sila sa akin. Now I’m gonna cry. Kidding. 

I checked the messages na puro same ang messages: ‘Sand, nasaan ka?’ Parang GM pero ako lang ang recipient ng lahat ng messages. Pati si Kuya Kei ganun din ang messages. As I was reading, biglang tumawag si Paolo. Sinagot ko naman agad ang tawag.

“He-“

“Sand! Sand, nasan ka? Sinaktan ka ba nila?! Wag kang mag-alala, tatawag na ako ng pulis para mailigtas ka! Natawagan ko na rin si Kuya Kei.” bulalas ng lalaki sa kabilang linya.

Ma-troll nga si Paolo. Hehe.

Pinalaki ko ang boses ko na kahit na anong gawin ko eh matinis pa rin. “Nasa amin ang kaibigan mo. Papakawalan namin s’ya sa halagang ten million pesos,”sabi ko, trying to sound like a tough guy.

“Ha? Sige. Ibibigay ko sa inyo ang pera. Wag n’yo s’yang sasaktan.” Mukhang nag-aalala nga talaga si Paolo.

“Wheeh. Di nga, Paolo? May ten million ka talaga?” I blurted out then followed it with a suppressed laugh.

“Sand, ikaw ba yan?” may pagdududang tanong n’ya. Na-gets agad. Magaling, Paolo. Clap. Clap.

I can’t suppress my laugh anymore. Naging full-blown tawa na talaga.

“Wag kang tumawa!” may inis sa boses n’ya. “Alalang-alala ako sayo kung alam mo lang!”

“Fine. Fine. I won’t laugh,” sabi ko pero natatawa pa rin.

“Nasaan ka ba?”

Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala akong nakita kundi mga damo at ang view ng city lights. “I don’t know but I’m sure na nasa isang elevated place ako. Nakikita ko kasi ang city mula rito. Subukan mo nalang alamin through GPS.”

“Sige. Teka lang. Maghintay ka nalang diyan o hindi kaya eh maghanap ka ng bahay at nang may mapagtanungan ka at para mas ligtas ka rin.”

“Right-o,” maikli kong sagot habang nakatingin sa city below. Ang ganda. They looked like fireflies.

“Hintayin mo ako. Ililigtas kita.” Keso. Ang dramatic talaga ng mokong na to.

“Oo na. Bilisan mo baka ma-anemic ako dahil sa mga lamok dito,” I demanded. Pinapapak na kasi ako ng mga lamok eh. Baka magkadengue pa ako. Mahirap na.

Maya’t maya kung tumawag si Paolo, checking if I am okay. Kalalaking tao pero ang OA. 

Tumagal ng thirty minutes to an hour ang paghihintay ko bago nakarating si Paolo sa kinaroroonan ko. Feeling ko puro kagat na ng lamok ang balat ko. Ginawa yata akong eat-all-you-can ng mga lamok. Ang kati na.

“Sand!” agad na tawag ni Paolo mula sa kabilang side ng kalsada nang makalabas na sya ng sasakyan n’ya.

I sighed and made my way towards him pero walang anu-ano’y may sobrang maliwanag na ilaw ang napanasin ko sa gawing kanan ko habang papatawid ako sa kalsada. The light was accompanied by the sounds of two speeding cars. I looked towards the direction of the sound but it’s too late.

Two cars were fast approaching me as their lights blinded my eyes, forcing me to close them. My limbs won’t move. I felt like I froze and can’t decide what to do.

‘Is this the way I’m going die?’ I asked myself.

I am sure that I’m going to be hit but the collision never came. Instead, a pair of hands pushed me out of the way, making me fall on the side of the road as the cars passed. Narinig ko nalang na may kalabog at tunog ng biglang pagtigil ng kotse. The smell of burnt tires was evident in the air.

I opened my eyes, only to find Paolo unconscious as he laid on the concrete road. My jaw dropped as my eyes widened in disbelief.

No. This can’t be happening.

“Paolo!” I boomed and ran towards him. “Pao! Paolo!”

Nag-aalangan akong hawakan s’ya baka kasi mas mabalian pa sya ng buto.

I heard several footsteps closing in.

“H-hindi ko sinasadya,” sabi ng isang boses which I assume was owned by the driver ng nakabanggang kotse.

“Damn you!” sigaw ko sa kanya. I was angry beyond my own understanding.

Bakit ba sobrang galit ko? Paolo was not a close friend. He’s actually one of my most hated people pero sa moment nay un, wala akong gustong gawin kundi ang suntukin ang driver pero alam ko rin na hindi yun makakatulong kay Paolo.

“S-sorry,” paumanhin ng diver na mukhang nasa mga nineteen palang.

“Get him to the hospital now!” pasigaw na utos ko sa kanya. Wala na akong time para igalang s’ya.

Bumalik naman yung isa pang kotse at pinagtulungan ng dalawang drivers na buhatin ng marahan si Paolo papunta sa kotse ng nakabangga para madala na si Paolo sa pinakamalapit na hospital.

“Bilisan mo! Kapag namatay si Paolo, papatayin kita pati pamilya mo!” I threatened him. Ewan ko kung naniwala s’ya pero agad n’yang inistart ang sasakyan and sped.

Habang nasa byahe, hindi ko maiwasang maluha. Kainis na luha to. Nagpapadala rin sa gravity. Bakit ko ba iniiyakan tong si Paolo? Hindi pa naman s’ya patay.

Wala lang. Kahit na lagi akong inaasar nitong si Paolo, malulungkot pa rin ako kapag may masamang mangyayari sa kanya. I mean, he’s still part of my life kahit na kontrabida ang role n’ya.

“Um. Matanong ko, kaanu-ano mo s’ya?” tanong ng driver habang nasa backseat ako kasama si Paolo. Inaalalayan ko na wag masyadong magalaw ang biktima or mahulog sa seat.

“Classmate ko,” sagot ko habang pinupunasan ang dugong lumabas mula sa bibig ni Paolo.

“Ah. Akala ko kasi ano-“

“Ano?” I shoot at him.

“Ah wala.” Alam ko na ang sasabihin n’ya kaya kahit na hindi n’ya itinuloy ang gusto n’yang sabihin eh gets ko na.

“Magdrive ka nalang nga! Bilisan mo!”

Hindi nalang nagsalita ang lalaki na mukhang chinoy. Pinabilis nalang n’ya ang takbo ng sasakyan.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa emergency room ng isang maliit na hospital. Agad akong lumabas ng kotse upang humingi ng tulong. 

“Nurse! Nurse! Somebody, help me!” tawag ko. Agad naman akong nilapitan ng ilang nurse.

We immediately placed Paolo in a stretcher upang masimulan na ang procedures sa kanya. Nanlalamig ang buong katawan ko. Nanginginig rin ang mga muscles ko. Daig ko pa ang nag-ice bucket challenge.

“Excuse me, Sir. May ipapafill-up lang po kami sa inyo.” The nurse handed some sort of a form on which questions about the patient were printed.

Name of patient: James Paolo Sanchez

Age: err. Hindi ko alam. Magkasing edad lang naman siguro kami.

Birthday: I don’t know either!

Narealize ko that moment na halos wala akong alam about kay Paolo. Oo, classmates kami since nagstart ako mag-aral but I hardly know anything about him. Or I was too busy hating him to even care about his age and birthday. 

“Ayos ka lang? Heto,” the driver handed me a bottle of water. “Don’t worry. I’ll take responsibility. Ako na ang magbabayad sa lahat. Just don't report me to the police. Papatayin ako ng Daddy ko.”

“Do you really think it’s that easy?” I asked, not even looking at him. "You're dad doesn't have to kill you. I'll kill you with my own hands if Paolo dies, you idiot!"

“I know it’s not easy but-“

“Of course, it’s not easy!” I nearly shouted at him. Nakakainis kasi. Ang dami pang sinasabi just to comfort me. I don’t need that. “Wag mo nga akong kausapin! Kapag may nangyaring masama sa kanya, pababagsakin kita! I swear!”

It’s not an empty threat. At that moment, I am as sure as hell that I’ll do what I said. My words surprised me. Why would I go so far just for Paolo? All I know was I am angry and utterly worried.

Sa sobrang pag-aalala ko rin, nakalimutan ko na pwede ko palang tawagan si Kuya Kei. Naalala ko lang nang marinig kong may tumatawag sa phone ko. It was Kuya Kei.

“Oh Sand. Saan na kayo? Sinabihan na ako ni Paolo na susunduin ka na raw n’ya. Pauwi na kayo?” Sunud-sunod na tanong ni Kuya Kei naang masagot ko na ang phone.

“Kuya,” mangiyak-ngiyak kong sagot. Yun lang ang sabi ko. “Kuya, punta ka dito please. Hindi ko alam ang gagawin ko.” I burst into tears.

Naiinis na talaga ako sa sarili ko. Bakit ba ako umiiyak na parang babae? I should have more control of my emotions. Akala ko pa naman na hindi ako madaling umiyak.

“Anong nangyari? Sand, ayos ka lang? Bakit ka umiiyak?” naramdaman kong mas tumindi ang pag-aalala ni Kuya. Never pa akong umiyak ng ganito sa kanya. I would often show that I am fine- that I am strong, in front of everyone. Sinabi ko kay Kuya Kei ang pangalan ng hospital and waited for him to arrive.

Agad akong niyakap ni Kuya nang Makita n’ya ako. “Ayos ka lang? Si Paolo? Anong nangyare?”

Sinabi ko sa kanya ang mga pangyayari- kung bakit ako nakidnap hanggang sa pagkabangga kay Paolo.

“Pare, s-sorry. Hindi ko talaga sinasadya. Aksidente ang nangya-“ pag-i-eksplika ng driver habang papalapit sa amin.

I just buried my face on Kuya Kei’s chest. Gusto kong itago ang mukha ko. Ayokong may makakita na umiiyak ako.

“Wag kang lalapit,” Kuya coldly told the driver. “Wag muna habang galit pa s’ya sayo.” I think the word ‘s’ya’ pertained to me. Wag nga syang makalapit sa akin kundi baka masuntok ko pa s’ya. Kanina pa ako nagpipigil na gawin yun.

Hindi na nagsalita ang driver.

Dahil sa adrenaline rush, sobrang pag-aalala tapos dahil na rin sa feeling of security na naramdaman ko nang makarating na dito si Kuya Kei, my eyelids grew heavy until sleep took me.    

Continue Reading

You'll Also Like

5.5M 277K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
53M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1.9M 95.1K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
1.9M 49.5K 45
Fake relationship • devoid of any real love or emotional connection. ------- A bit cliche, but not really a typical love story. Have you heard of fak...