Montague Series 1: Sold to th...

By RuxAlmo

2M 44.8K 3.7K

Rank # 1 in Romance [06.13.19] Warning: |R-18| Mature Content. Fabio "You broke me, but I still love you." More

Kabanata 1.
Kabanata 2.
Kabanata 3.
Kabanata 4.
Kabanata 5.
Kabanata 6.
Kabanata 7.
Kabanata 8.
Kabanata 9.
Kabanata 10.
Kabanata 11.
Kabanata 12.
Kabanata 13.
Kabanata 14.
Kabanata 15.
Kabanata 16.
Kabanata 17.
Kabanata 18.
Kabanata 20.
Kabanata 21.
Kabanata 22.
Kabanata 23.
Kabanata 24.
Kabanata 25.
Sold to the Montague
Kabanata 26.
Kabanata 27.
Kabanata 28.
Kabanata 29.
Kabanata 30.
Epilogue:
Beauty In Naked
Special Chapter

Kabanata 19.

42.3K 1.1K 58
By RuxAlmo


SOLD TO THE MONTAGUE

THIRD PERSON'S POV

Hindi makapaniwala si Alena sa agarang pag alok sa kanya ni Fabio ng kasal. Saglit itong natahimik dahil sa pagkagulat.

Hinawakan naman ni Fabio ang kanyang magkabilang balikat at nakitaan ito ng pagka seryoso. Gusto niyang makasigurong ang babaeng pakakasalan ay walang iba kundi si Alena. Ang babaeng matagal na niyang minamahal.

Pumatak ang mga luha ng dalaga dahil sa galak.

"Oo Fabio, magpapakasal ako sayo." Kaagad na isinagot ni Alena.

TATLONG ARAW ang lumupas...

Naidaos ng matiwasay ang lihim na pagpapakasal ng dalawa. Walang pag lagyan ang tuwa ni Alena dahil ang lalaking noon pa man ay pinapangarap niya ay abot kamay na niya ngayon.

ALENA:

Masigla akong nag lalaba sa ilalim ng puno ng niyog. Ilang araw mula ng ikasal kami ng lihim ni Fabio sa tulong na rin ng judge na kaibigan nito.

"Hija kakaiba ang ngiti mo ngayon parang may kakaiba sayo." Ani ni Ka Tonyang ang nakatatanda dito sa rancho. Nginitian ko ang matanda, hindi ko din alam pero ang gaan lang ng pakiramdam ko at maaliwalas.

"Masaya lang po ako Ka Tonyang. Tignan niyo ang ganda ng sikat ng araw ngayon. Tiyak na matutuyo ang lahat ng labahan natin nito." Malaki ang pagkakaguhit ng ngiti ko sa labi. Ngumiti at sumang ayon naman ang matanda sa akin.

"Eh matanong ko lang hija, gaano na ba kayo katagal na nagsasama ng asawa mo?" Nag angat ako dito ng tingin. Hindi din kasi ako pala kwento ng tungkol sa amin ni Fabio.

"Halos bago pa lang ho Ka Tonyang." Lingid sa kanilang kaalaman na talagang bago pa lang kaming mag asawa ni Fabio. Hindi naman na ito nag usisa pa. Matapos kong mag sampay ay gumawi na ako sa bahay at gumayak. Nakapag usap na rin kami ni Fabio na maaari akong bumalik sa hacienda kung gugustuhin ko. Nakakahiya naman kasi sa heneral dahil ito na mismo ang nag alok sa amin ng trabaho.

Maaga palang ay naglakad na ako. Mas gugustuhin ko pa kasi ang mag lakad kesa sumakay ng bisekleta. Hindi naman ganoon kalayo ang hacienda ng mga Acosta.

Kaagad akong pinapasok ng dalawang gwardiya sa malaking gate. Nang makapasok na ay kaagad akong nag tungo sa kuwadra. Nakita ko naman ang mga kabayo na naroon kung kaya ay inihanda ko na ang kanilang makakain.

"Maganda ang panahon ngayon. Gusto niyo bang mamasyal sa bukid?" Kinakausap ko ang mga ito. Dalawa silang nasa loob. Isang puti at kulay itim ang mismong kabayo ni Damian. Kahit hayop ay hindi ganoon ang turing ko sa kanila.

Kinuha ko na ang brush at sinuklay ang balahibo ng mga ito habang sila naman ay abala sa pag kain. Napangiti akong makitang nasa mabuting kalagayan ang mga ito. Saglit ko silang iniwan dahil kailangan ko ring pakainin ang mga kabayo sa kabilang kuwadra.

Pagkalabas ko ay may nakita akong babae. Pamilyar ito sa aking paningin. Hindi maganda ang tingin na ipinupukol nito ngayon sa akin habang sakay ng kabayo.

Nanlaki ang mga mata ko ng maalala kung sino ito. Walang iba kundi ang Senyorita Margarita. Kaagad akong tumabi upang makadaan ito. Naramdaman ko naman ang kanyang pag baba sa kabayo suot suot pa ang damit pangkabayo na huhubog sa ganda ng pangangatawan nito.

Lumapit siya sa akin kaya't napaangat ako ng tingin. May katangkaran ito na para bang isang modelo. Kahit balangkinitan ang pangangatawan ay kapansin pansin ang hubog at alindog nito. Morena ang kanyang balat at makinis. Maliit ang mukha at may pagka singkit na mga mata. Maliit din at matangos ang kanyang ilong at manipis na mga labi. Masasabi kong isa siyang buhay na manika.

Nag taas ito ng kilay sa akin. Pinasadahan ako ng tingin mula sa ulo hanggang sa paa. Matapos ng pagsusuri nito ay lumapit ng kaunti sa gawi ko. Napaagat naman ako ng tingin dahil hanggang tainga lang niya ako.

"Senyorita Margarita ano pong kailangan niyo?" Tanong ko. Pakiramdam ko kasi ay hindi ako gusto nito. Wala naman akong ginagawang masama na makakapagpagalit sa kanya.

Tinitgan lang nito ang kalahatan ng aking mukha na tila naghahanap ng maaaring ilait. Napayuko naman ako sa asiwa. Iba ang tensiyon sa pagitan naming dalawa.

"Wala naman akong kailangan sayo." Napaangat muli ako ng tingin dito. Kakaiba talaga ang kanyang kinikilos.

"Pero sa asawa mo meron." Napakunot noo ako. Anong kailangan nito kay Fabio?

"Paumanhin Senyorita pero hindi ko kayo maintindihan." Naningkit ang aking mga mata dahil sa gulong gulo ako.

Natawa naman ito na siyang ikinainis ko. Anong nakakatawa sa pinag uusapan naming dalawa?

"Sorry baka mamaya niyan mag selos ka ah. Magpapasama lang sana akong mag shopping sa mall sa bayan." Ngiting tagumpay ito. Obligasyon ba ng asawa kong samahan siya?

"Sa bayan? Alam ko po ang bagong mall na itinayo sa bayan. Maaari ko kayong samahan." Presinta ko. Bigla namang nangunot ang noo nito. Ang kanina lamang na nakangiti niyang aura ay napalitan ng pagsimangot.

"Ipinagdadamot mo ba ang asawa mo?" Kaagad na tanong. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang lumalabas sa tabas ng dila nito. Hindi ko iyon nagugustuhan.

"Bakit ho kasing kailangan pa ang asawa ko ang sumama sainyo? Hindi naman body guard ang trabaho niya dito. Obligasiyon niya ang panatilihing ligtas ang heneral sa darating na eleksyon." Hindi ako nakapag pigil at nakapagsalita ng hindi maganda. Kumulo bigla ang dugo ko sa babaeng nasa harapan ko.

"How dare you to say that? Alam mo bang kaya kitang tanggalan ng trabaho?" Tumingin muli mula ulo hanggang paa. Hindi naman na ako natatakot sa pananakot nito. Handa naman akong mawalan ng trabaho ano mang oras.

"Pasensiya na po Senyorita, pero hindi ko babawiin ang sinabi ko." Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kanyang kokote. Tinalikuran ako nito at sumakay sa kabayo. Nagulat na lang ako sa mga susunod pang nangyare.

Napaupo ako sa sahig ng kamuntikang madaganan ng kabayo. Sinisindak niya ako sa takot. Tama nga ang sabi ng ilan dito. Siya ang pinakasutil na anak ng heneral.

Tumawa ito ng malakas at tuwang tuwang makita na halos mahimatay ako sa takot. Nasa harapan ko ang kabayo habang nakaupo sa lupa. Hindi ko lubos maisip kung ano nga ba talaga ang tumatakbo sa isip nito. Isang babaeng sutil ang nakikita ko. Ganito ba ang pagpapalaki sa kanya?

"Ano Alena namumutla ka ata?" Nagulat ako ng banggitin nito ang pangalan ko. Kilala niya ako?

Kaagad akong nakabawi at nagpagpag ng sarili. Hindi ko ito pwedeng patulan dahil hindi naman ako pinalaking ganoon. Masasabi kong maganda ang pagpapalaki sa akin ng papa at mama, dahil pinalaki nila akong may respeto sa kapwa kahit ano pang estado nito sa buhay at pinalaking may awa sa Diyos.

Huminga ako ng malalim. Mas kailangan kong pag tuunan ng pansin ang trabaho ko dito kaya naman ay nilagpasan ko na lamang ito. Marahil ay nabigla siya sa aking ginawa dahil natahimik ito. Pumasok na ako sa loob ng isa pang kuwadra para pakainin ang ilang mga kabayo.

Hindi ko hahayaang masira lamang ang araw ko sa babaeng iyon. Hindi siya ang taong makakasira ng magandang araw ko.

Hapon ng matapos ako sa lahat ng gawain. Nakatanaw lang ako sa malawak na bukirin at plantasiyon ng mga ubas. Walang humpay ang mga trabahador ng mga Acosta sa pag tatrabaho. Nakikitaan ko naman ng saya ang mga ito at alam kong mahal nila ang heneral. Mabait naman kasi at maganda ang pakikitungo ni Heneral Gregorio sa kanyang mga nasasakupan. Iyon nga lang, hindi ko parin lubusang maunawaan kung bakit kakambal nito ang kamatayan.

Tulad ng pamilya namin ay nasa bingit din ng panganib ang mga Acosta.

"Oh hija narito ka pala." Napukaw ang atensiyon ko ng makita ang matandang babae na tumulong sa akin nang panahong nadisgrasiya ako sa kabayo ni Margarita. Ito ang matandang babaeng nag abot sa akin ng tubig na maiinom.

Ngumiti ako sa matanda.

"Nay hindi pa ba kayo magpapahinga? Madidilim na po ah." Pag aalala ko. Inalalayan ko naman itong maupo sa manggahan, sa mismong ilalim ng puno. Nananakit na kasi ang kanyang tadyang at hirap itong maglakad.

"Aba'y eto na at magpapahinga na sawakas." Natatawang ani nito. Ilang sandali lang kaming nakapag usap dahil tinawag na siya ng kanyang asawa. Nakilala ko naman ang dalawang mag asawa at napag alamang matagal na silang naninilbihan sa mga Acosta.

Naiwan akong mag isa sa ilalim ng puno. Nagmumuni muni hanggang sa magulat ako sa nagsalita.

"Anong ginagawa mo diyan?" Kaagad na kumabog ang puso ko dahil sa pamilyar nitong boses. Ini-angat ko ang aking tingin at nakita si Fabio na seryoso ang mukha at nakapamulsa pa. Napangiti na lamang ako. Hindi talaga ako magsasawang titigan ang maamo nitong mukha.

"Alena?" Napukaw ang lumilipad kong utak. Nanlaki ang mga mata ko at nakita ko itong salubong na ang kilay. Natawa ako bigla dahil hindi parin ito nag babago. Swerte mo na kapag nakita mo siyang nakangiti dahil madalang lamang ito. Kilala si Fabio dahil sa araw araw na nakabusangot ang mukha o kadalasang walang ekspresyon. Malamig, wala ka ng ibang ihahambing dito kundi lamig na parang yelo.

Hinila ko ito na siya namang ikinabigla niya. "Halika dito panoorin natin ang pag lubog ng araw." Kinikilig ko pang sabi. Hindi naman siya tumutol at pinagmasdan ang magandang tanawin. Nakangiti ako habang pinapasadahan ng tingin ang maamo niyang mukha kahit na salubong pa ang kilay.

Gustong gusto ko ang salubong niyang kilay. Mas lalo kasing nakakadagdag sa kanyang kagwapuhan.

"Let's go home." Aya niya nang mag umpisa ng mag dilim. Tumango naman ako bilang pag sang ayon at kumapit na sa braso nito at sabay na naglakad.

Pagkarating ng rancho ay naupo na agad ito sa malambot na sofa. Mukhang pagod sa maghapong trabaho. Ipinatong naman niya ang mga paa sa maliit na mesa kaya tinanggal ko ang magkabilang sapatos nito.

Ngumiti naman siya sa ginawa ko at hinila ako sa tabi nito.

"Fabio sandali lang, mag luluto na muna ako hindi pa tayo nag hahapunan." Ani ko dahil sinisimulan nanaman nitong tanggalin ang mga saplot ko.

"Mamaya na yan." Ani niya habang hinahalikan ako sa aking leeg paibaba sa aking dibdib.

"Ahhh Fabio.." Hindi ko mapigilang hindi mapaungol. Mainit ang mga halik niyang 'yon na kumikiliti sa aking pagkababae.

Hindi nagtagal ay parehas na kaming walang anumang saplot at nakaibabaw na ito sa akin. Napapikit ako habang dinadama ang kanyang pagpasok sa loob ko at mabilisang pag galaw. Napahigpit ang hawak ko sa kanyang likuran at inipit ko ang dalawang hita sa kanyang bewang habang ito naman ay walang tigil sa pag galaw sa ibabaw ko.

Nabigla ako nang magsalita ito at nangakong hindi ko magagawang makalakad ng maayos bukas dahil sa gagawin niya.

Hindi ko na napigilan ang pag ungol ng malakas. Tanging pangalan niya ang sinasambit ko habang parehas kaming hinihingal. Napakagat ako sa aking mga labi ng idiin niya pa ang kahabaan sa aking loob. Hindi ko na kayang pigilan at may kung ano sa akin ang gusto ng kumawala.

Nang maabot ko ang sukdulan ay naramdaman ko ang mainit na likido sa aking loob. Parehas kaming hinihingal ngunit hindi pa nito tinatanggal ang kanya sa akin at galit na galit pa ito. Pagod na pagod ako dahil sa kanyang ginawa sa akin ngunit siya naman ay tila nag uumpisa pa lamang.

Napangisi ito nang muling gumalaw ng dahan dahan sa aking ibabaw. Napapikit sa sobrang sarap at dinadama ang kahabaan at laki nitong taglay. Damang dama 'yon dahil sa
tigas na tigas ito. Itinaas niya ang kanang binti ko at ipinatong sa kanyang balikat. Mabagal lamang ang kanyang pag pasok at damang dama ko iyon.

Napaunat ako sa sarap at hindi maiwasang romesponde sa kanyang ginagawang pag bayo kung kaya't mas lumaki ang pagkakaguhit ng ngisi nito sa mga labi. Ang kanina lamang na mabagal ay unti unti ng bumilis. Pabilis ito ng pabilis hanggang sa hawakan niya ang magkabilang dibdib ko dahil sa pag yugyog ng mga ito.

"Alena." Bulong nito sa pangalan ko na may gigil. Gigil na gigil maging ang kanyang pag bayo. Mas lumakas at bumilis pa iyon na halos ikabaliw ko. Hindi nagtagal ay naramdaman ko muli ang aking sukdulan habang patuloy parin ito sa pag galaw. Ipinatong na rin niya ang kaliwang paa ko sa kanyang balikat at mas pinag igihan ang pag galaw hanggang sa maramdaman ko muli ang mainit na likido sa aking loob.

Matapos ang mainit na kaganapan sa amin ay parang hinigop ang lakas ko. Napahiga siya sa aking dibdib at parehas kaming kapos sa hangin. Parehas kaming nakatulog ng gabing iyon.

Kinaumagahan ay naramdaman ko ang init ng sikat ng araw. May kumot ng nakapatong sa hubad kong katawan at wala na si Fabio. Hinanap ko ito at akmang tatayo na sana nang bigla na lamang maupo muli sa sofa.

Napailing na lamang ako. Talagang tinotoo ni Fabio ang pangako niya dahil hindi ako makalakad ng maayos.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

196K 4.9K 37
Their marriage was arranged, but their desire was not... WARNING: MATURED (R-18) AHEAD Ⓒ︎2022
2.5M 41.3K 46
Zachary Martinez I'm a English Professor and at the same time I handle our family business at night so I have no time for serious relationships like...
22.4K 407 8
I'm coming with you, Damien. Wait for me. Love, Tashierra COMPLETED
31.7K 681 54
A life full of obstacles Catherine still raising. Her Grandmother raised her as well. But then, the twin billionaire came into her life that change h...