And They Say...

By iDangs

979K 30.5K 14.8K

Melody is a dreamer. Gusto niyang gumawa ng sarili niyang pangalan. Kaya kahit maraming tutol ay sinunod niya... More

And They Say...
Prologue
Track 1: Starting Point
Track 2: Gallery of Stars
Track 3: Mini World
Track 4: Concordia Buzz
Track 5: Are we friends?
Track 6: Time Changes Things
Track 7: Helping Hand
Track 8: Headline
Track 9: Bad Day
Track 10: All Star
Track 11: Resident Chikadora
Track 12: Concordia Royalty
Track 13: Finding Solace in Music
Track 15: Getting Used To
Track 16: Believe in Yourself
Track 17: How Annoying
Track 18: I x D x K
Track 19: Something To Say
Track 20: Me Again
Track 21: What are you scared of?
Track 22: Choose Me
Track 23: People Pleaser
Track 24: Backstabbing
Track 25: Weekend Dinner
Track 26: New List
Track 27: Blind Item #86
Track 28: Wasn't Easy

Track 14: Obviously Jealous

3.2K 228 97
By iDangs


Ingrid's Point of View


Hinihintay ko si Melody sa cafe na pinagtratrabahuhan niya nang may biglang pumalo ng lamesa ko. Hindi ko alam kung kanina pa siya nandito dahil busy ako sa pagkain kaya hindi ko na namalayan ang paligid ko.

"Will you stop eating for a second and pay attention to me?" iritang tanong ni Dex na tiningnan ko sandali. Itinuon ko ulit ang atensyon ko sa pagkain kasi wala ng mas maganda pang tingnan dito kung hindi ang mga pagkain lang sa harap ko. "I've been calling you. Mukhang iniwan mo na naman ang phone mo. Ano pang silbi no'n kung hindi mo naman gagamitin?

"What?" tanong ko para makaalis na siya at makakain na ako nang taimtim.

"Uuwi ako this weekend. How about you?" Sus. Ayun lang pala. He could've texted me and just waited for an answer to save himself the trouble.

"I'm not sure. I'll tell you the day before."

"Mama wants to see you," sabi pa niya at umupo na sa upuan sa tapat ko. "She said she'll cook your favorite food if you'll go."

Ah. Food. Parang nagutom na ako naiisip ko pa lang ang mga pagkain na ihahain sa akin sa weekend. I'm not really choosy with food. Super expensive food or fastfood? I'm fine with that. I'm fine with anything. But nothing beats homemade food.

"I'm going then."

Dex just raised both of his thumb and ruffled my hair before he stood up to go out. At nang tuluyan na siyang makaalis ay saka ko lang napansin na nabawasan ang pasta na kinakain ko. Binawasan niya siguro 'to kanina habang busy ako sa pag-iisip ng mga kakainin ko sa weekend.

Sneaky jerk. I should've protected my food.

Isusubo ko pa lang ang pasta nang may umupo na naman sa harap ko.

I just want to eat in peace. Mahirap ba 'yon? Bakit ba ang istorbo at papansin ng mga tao?

"What's the deal between you and Dex?"

Oops. It's Kelsey.

Nagfocus na lang ulit ako sa pagkain kasi sabi nila masama raw 'yon paghintayin. At mas importante naman 'to ng di hamak sa kahit na sino mang tao ang nandito ngayon.

Habang kumakain ay hindi naman umalis si Kelsey sa harapan ko.

She's really curious, huh? Well, after my findings, hindi na rin nakakapagtaka na ganito siya ka-invested sa kung ano man ang relasyon ko kay Dex.

When I put my fork down, she immediately talked..

"Done?" she asked calmly but I can tell by her tone that she's not in the mood.

Since I'm in a good mood, I wiped my mouth first with the tissue and nodded. "The frappe is too sweet for my liking. Did you change an ingredient or something? It doesn't taste like usual. The pasta is nice though."

"Yet you finished it."

"It's not nice to just throw it away. Bawal ang leftover."

"Thanks for the review then. Now, could you answer my question?"

"You saw him here a while ago, right? Ikaw, tingin mo, anong sagot sa tanong mo?"

"Hindi ako magtatanong kung alam ko ang sagot," irap niya sa akin.

This is nice. Seeing Kelsey lose her mature and level-headed image is nice. At least marunong naman pala siyang mainis. Nakakairita kapag lagi lang siyang kalmado.

Habang nagtatagal ay mas kumukunot ang noo niya. Iritang irita talaga siya sa paghihintay ng magiging sagot ko. So amusing.

"Ano bang mahirap sa tanong ko at hindi mo masagot?"

"Chill," I smirked. "It's just how you see it."

"I can clearly see kung gaano kayo kaclose sa isa't isa."

"May sagot ka naman pala. Bakit nagtatanong ka pa?"

"I need to confirm kung gaano kayo kaclose at kung ano ang meaning ng closeness na 'yon."

I put my elbow on the table and my chin on my hand. I tilted my head to the side and raised an eyebrow at her. "Why are you so insistent on knowing what's the deal between us? Are you sure curious ka lang kay Dex? You should see yourself in the mirror. You're so transparent right now. Tone down the jealousy, Kelsey. Unless pinapahalata mo talaga kung ano ang tinatago mo."

That seems to catch her off guard. Iniwas niya ang tingin sa akin, sumandal sa upuan at pinaglaruan ang tissue na nasa lamesa. "I don't know what you're talking about. I'm not jealous. I'm just really curious. Huwag mong ibahin ang usapan."

I sighed and looked at her. "Whatever's between us is none of your business. Go ask Dex if you're too curious. Bakit ako lang ang tinatanong mo?"

Ah. She's pissing me off. Ganito 'yung mga hindi ko gusto.

Should I cross her out on the list as early as now? She seems serious anyway. I'll be doing her a favor kung gagawin ko 'yon.

Should I tell Dex about this? Hmm.

Nevermind. I don't want to think about unnecessary things. Bahala sila sa buhay nila.

"Nakakakilabot naman ang aura sa side na 'to ng cafe," sulpot ni Venice kasama si Melody. Naglabas pa siya ng panyo at saka 'yon pinagpag para raw tabuyin ang masasamang espiritu na nakapaligid sa lugar na 'to.

Umupo naman si Melody sa tabi ko at indinukdok ang mukha sa lamesa. Pusta ko may nangyari na naman dito. Given na naman 'yon pagkatapos silang makita ni Jarvis sa convenience store at ihinatid pa siya kahapon sa dorm.

Maingay na naman ang mga tao. Palibhasa walang thrill ang mga buhay nila kaya mas nag-eenjoy silang pag-usapan ang buhay ng iba.

Umupo naman si Venice sa tabi ni Kelsey at nagfocus sa phone niya. "Some people's comments aren't so bad. I mean, yeah sure, marami pa rin hate comments," she said to Melody which earned her a scowl. "Pero mas marami naman ang supporters mo this time compared noong first rumor about sa inyo."

"Ah, whatever," iling niya at umayos ng upo. "This is my life. I'll do whatever I want. I won't let other people's choices affect me."

"Nice." Pagtango ko sa kaniya.

"Anyway, change topic. I saw Dex outside kanina. Dito ba siya galing?"

"Yeah. Pinuntahan niya sandali si Ingrid," sagot ni Kelsey na kanina pa nakatahimik.

Napahinto naman si Venice sa pagscroll ng phone niya at saka ako tiningin. "I forgot to ask. Bakit nga ba parang sobrang close niyo ni Dex? You know him even before you enter the academe? Are you really that close?"

"Of course they know each other," sagot para sa akin ni Melody at natatawa pa. "Alam niyo ba once nga noong highschool sa sobrang suplada ni Ingrid may umaway sa kaniya na grupo ng babae to the point na may nagtatago ng P.E. shoes niya at tatapunan ng kalat ang locker and the usual bullying acts bullies do. Hindi naman nagsasalita si Ingrid kasi for some weird reason, wala siyang pakialam. Kaya when I caught those girls in the act, tinawagan ko agad si Dex. Sobrang bilis dumating ni Dex at pinagsabihan ang mga bullies. He's not shouting like the usual. He's just speaking calmly, but seriously. He was rarely serious it's so scary. Even the bullies were scared I can clearly see how their hands are shaking. After noon wala na ni isa man ang umaway kay Ingrid. Dex is that protective and scary when it comes to Ingrid."

"I see," seryosong sagot ni Kelsey.

Not jealous, my ass. She's so obvious. She could've just told the truth.


***


"Masarap kaya 'to?" tanong ni Melody habang tinitingnan ang hawak na cookies.

Hinila niya ako sa supermarket para mamili ng pagkain kasi naubos ko na ang nasa room. Ayaw naman namin umasa lang sa pagkain provided by the dorm. Mas ayos na ang may nakatabi palagi sa kwarto.

"Oh, right. Lahat naman masarap sa 'yo. Huwag ka na sumagot," dagdag pa niya at inilagay ang pagkain sa basket.

Nag-ikot-ikot pa kami. Kuha lang nang kuha si Melody palibhasa alam niyang ako ang magbabayad.

Nasa kalagitnaan kami ng pagtatalo kung bibili pa kami ng ice cream o hindi na. Pinipilit kong bumili ng isang gallon pero sabi niya masasayang lang daw kasi mabilis malusaw at 'yung maliit lang ang ibinibigay sa akin. Hay nako. But at least this is better than nothing.

Tatanggapin ko na sana ang ice cream nang may biglang humablot noon at umakbay sa akin.

"Ooh. Kasya na 'to sa 'yo ngayon?" tukso ni Dex nang makita kung gaano kaliit ang inaabot sa akin ni Melody.

"I gave her that," proud na sabi naman ni Melody.

"And I told her this isn't enough. This is way too small."

"Oo nga. Masyadong maliit para sa kaniya 'to," panig sa akin ni Dex. Minsan talaga may pakinabang din ang lalaking 'to.

"Gusto niya isang gallon! Masasayang lang."

"Kakainin naman," sabay na sagot namin ni Dex.

"Malulusaw," sabay na sagot naman ni Melody at Chord.

O, nandito pala si Chord. Hindi kapansin pansin.

"As if mapanindigan ng mini ref sa room namin i-maintain ang pagiging frozen niya. Pwede pa naman siya bumili ulit kapag naubos na. Hindi dahil may pera kayo, bibili lang nang bibili ng kung ano ang gusto niyo."

"Right," tango ni Chord sa sinabi niya.

Wala na rin kaming nasabi ni Dex kasi dinaan na kami sa pangaral sa buhay. Sige na. Itong maliit na lang muna sa ngayon. Next time ko na lang ipipilit kung ano ang gusto ko.

"Why are you here anyway?" Kung saan saan sumusulpot ang dalawang 'to. Nakakairita na rin makita ang pagmumukha nila.

"Hindi mo pag-aari ang supermarket. Huwag kang masungit." Paggulo na naman ni Dex ng buhok ko.

Apparently, bibili lang pala sila ng alcoholic beverages. Mag-iinuman daw sila ng banda nila. Kung paano nila ipapasok sa academy or sa dorm 'yan, wala na akong pakialam. Mukha namang easy na sa kanila 'to. For sure gawain na nila.

Matapos mamili ay nag-aya pa silang tumambay muna sa convenience store. Mamaya pa naman daw kasi sila mag-iinuman. May isang oras pa naman bago ang curfew kaya pumayag na kami ni Melody.



Nakatambay kami sa labas ng store habang kumakain ng snacks nang mabanggit ko na nagtratrabaho si Melody.

"Bakit? May financial problem kayo?" tanong ni Chord.

Umiling si Melody habang iniinom 'yung chocolate drink niya. "Sila wala. Ako lang," biro niya. Hindi naintindihan ni Chord ang sinabi niya kaya nagpaliwanag na siya. "Hindi sila sang-ayon sa pagpasok ko dito. They want me to take up a 'real' course that will give me a 'real' job. But they paid for this semester naman. After nga lang, it's all on me. Kaya I'm working. But it's fine. At least hinayaan na nila ako to pursue my dream. And that's enough for me."

"Hindi ka pa rin nila sinusuportahan," iling ni Chord. "Nakakapanibago lang. Sobrang supportive ng tatay mo dati sa 'yo."

Natawa si Melody at nagkibit-balikat, "I told you that time changes things... and people. Kaya nga swerte na rin na nalaman ko na open for working students ang cafe nila Kelsey. Kahit papaano nakakaipon ako. Kahit paunti-unti man lang."

"Kaya pala madalas din 'tong si Ingrid doon," tango naman ni Dex.

Speaking of Kelsey...

Alam kong hindi ito ang best place para sa sasabihin ko kaya lang ano bang pakialam ko sa best or worst place? Wala naman.

Besides, I'm quite curious to see Dex's reaction.

"Close kayo ni Kelsey?" tanong ko kay Dex. Nahinto siya sandali sa pagkuha ng chips at saka ako tinaasan ng kilay as if asking kung bakit curious ako at kalian pa ako naging curious tungkol sa buhay ng ibang tao. "She's been asking me about you for some reason."

"We're fine, I guess."

"Midnight Chaser's member and Saving Daylight's manager being fine? It's like one step closer to both bands being fine with each other," Melody said happily and she even clapped.

"Psh. As if." Mabilis naman na pagkontra ni Dex. Mean. He didn't even let Melody believe that dream at least for a minute.

Anyway, I raised my eyebrow at Dex and smiled mockingly. "Right? As if."

Well... this is a bit interesting.


***


Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...