Against the Heart (Azucarera...

By jonaxx

42.9M 1.4M 953K

Charlotta Yvonna del Real is the queen of Altagracia. Anak ng may-ari ng malaking Azucarera, she has it all... More

Against the Heart (Azucarera Series #1)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 18

771K 29.1K 9.5K
By jonaxx

Kabanata 18

Date

It is true. Sometimes, when it rains, it pours. When something decides to fail, everything will... all at once.

"Saan ka galing?" mahinahon ang boses ni Mommy.

I pretended I was asleep. Kung sa bagay. It's past twelve and no one would think that I went out of my room to watch Mommy's painful waiting for Daddy. Bukas pa kasi dapat ang uwi ni Mommy pero umuwi siya kaninang hapon. She kept calling Daddy but he wouldn't answer.

Nasa barandilya ako ng pangalawang palapag, pilit na itinatago ang sarili sa lumang muwebles para bantayan si Mommy. She looked very pale and thinner than usual. Nakaroba at handa na dapat matulog pero hindi mapakali at pabalik-balik ang lakad kanina nang hindi pa dumadating si Daddy.

"R-Rosario, akala ko ba bukas pa ang dating mo?" halatang-halata ang gulat ni Daddy sa presensya ni Mommy.

"Kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot! At ano ngayon kung bukas pa ang dating ko? Ibig sabihin kapag wala ako rito, ganitong oras ng gabi ka dumadating?"

Natawa si Daddy. "Hindi naman. Nagkatuwaan lang kasama ang mga kaibigan-"

"Kaibigan? Really? When all of our employees are talking about you and your recent mistress!"

"Chayo," I heard a whisper from behind.

Napatalon ako at nilingon si Kuya Levi. Sa itsura niya, mukhang nakatulog na at sadyang nagising. Hinawakan niya ako sa braso.

"Halika na. Matulog ka na."

Umiling ako at ibinalik muli ang tingin sa nag-aaway na mga magulang.

"Alam ko kung saan ka galing at huwag na tayong maglokohang dalawa. Ang tagal mo nang ginagawa ito..." nanginig ang boses ni Mommy.

She paused and covered her face. Nangilid din ang luha ko. Kuya Levi groaned in front of me and immediately hugged me from behind.

"Halika na, Chayo," marahan niyang ulit.

Hinatak niya ako patungo sa aking kuwarto. Nawalan ako ng lakas para magpumiglas o ano pa man. To see my Mom crying silently that way is painful. I felt it to my bones. At muli, pakiramdam ko hindi ako kailanman masasanay sa nangyari.

Kuya Levi tucked me to bed. At siguro gaya ng madalas na nangyayari'y bababa siya para ipaglaban si Mommy. I heard the remnants of the conversation when he opened the door to go out of my room.

"Ikaw rin naman, e! Palagi kang umaalis patungong Bacolod! Malay ko kung ano ang ginagawa mo roon!" Daddy fired.

"Ilang beses kong sinabi sa'yo na nagpapatingin ako-"

Sinarado ni Kuya Levi ang pintuan at inilibing ko na lang ang mukha ko sa aking unan, basang-basa sa mga luha. It was the exam week and I have to study and do well... even with all the emotional turmoil.

And in school, I have to pretend that nothing of that sort is going on. Ang nagtatawanang kaibigan sa paligid, ang mga manliligaw na pumuporma, at ang mga kailangang pag-aralan na mga subject, lahat nang iyon nangangailangan ng buong atensyon.

Minsan, sa gitna ng isang mahabang exam, nauubos ko ang ilang minuto sa pagkakatulala habang may iniisip. Sa huli, nagbubuntong-hininga para pakawalan ang hindi namalayang namumuong sakit.

Pagkatapos ng exams, inihanda ko na ang lahat para sa gagawin para kay Leandro. It was a bittersweet thought to finally put an end to this. The past few weeks had been heavy because of it at siguro ang pagpapakawala sa parteng ito, maiibsan din ang problema at sakit na nararamdaman ko.

"Anong sasakyan mo papunta roon?" tanong ko.

Dahil hindi ko kayang yayain siya na sumakay sa aming sasakyan, for that would only mean he would go back to Altagracia with me, too. Ayaw ko. Gaya ng sabi ko, gusto ko nang itigil ito. Pagkatapos dito... wala na.

"Pupunta rin ang Papa sa Bacolod kaya sasabay ako sa kanya."

"So... ano? Magkita na lang tayo roon?" sabay ngiti ko.

I don't know but I think this is the first time I talked to Leandro in front of many school mates. Nagkasalubong kami sa daanan. Palabas siya at ako'y papuntang kiosk, kung nasaan ang mga kaibigan ko at kung saan din dapat ako maghihintay kay Kuya Levi.

I don't care now. Ako ang naunang nagtanong at sinagot niya lang ako. Tumigil din siya sa paglalakad nang nakita ako. Siguro naman iisipin lang ng mga tao na nagtatanong lang ako tungkol sa aking kapatid. At kung may kakaiba man silang iisipin, parang wala na rin iyon ngayon. Because this is going to be the last time.

"Eleven, right?" I reminded him.

Hindi ko sinabi sa kanya na alas tres pa ang dating ni Keira roon. At least before everything fades, I have him by myself for full three to four hours.

"Maaga ako roon. Alas nuebe. Kung kaya mo... sa ganoong oras ka rin pumunta."

Nagulat ako. I smiled.

"Alright, Leandro. See you!"

Lumakad na ako patungo sa kiosk ng mga kaibigan, naunang umalis para hindi na madugtungan pa ang sasabihin. Nagpatuloy na rin siya sa paglalakad at nang nakalapit ay dumagsa agad ang tanong ng mga kaibigan.

"Anong pinag-usapan n'yo?" si Nan na titig na titig sa akin.

"Ah. Si Kuya..." pagkasabi ko roon ay nandoon na rin si Kuya Levi sa kiosk.

Kuya Levi is looking at the gates, kung nasaan na si Leandro ngayon. Hindi na ako umupo dahil nariyan na naman siya. Marahang nagpaalam sa mga classmates kahit na halata kay Nan na nabitin sa sagot ko. I waved at them.

"Tara na, Kuya..." at lumakad na.

Nang nakaabot si Kuya ay nagtanong pa.

"Kanina habang nasa college building pa ako, nakita ko na nag-usap kayo ni Leandro..." he said with a serious tone.

Bahagya akong sumulyap sa banda niya pero kinalma na lang ang sarili. Dahil ano man ang sasabihin ko, totoo na rin naman ang lahat. Wala nang kailangang itago pa kalaunan.

"Nagtanong lang ako tungkol sa'yo."

He paused. I can almost feel his stare behind me.

"Talaga, Chayo?" mas seryoso niyang tanong.

"Oo, Kuya," seryoso ko ring sagot.

"Noong summer napansin ko ang madalas n'yong pagkakasama at... nitong sem na ito, hindi sumasama si Leandro sa group studies namin dahil abala raw siya sa kung ano..." he trailed off like he wanted to say more.

Nakalabas na ako sa gate. Siguro nakaalis na rin si Leandro. Hindi ko na pinagmasdan ang paligid. Basta't pumasok na lang ako sa SUV.

"At... minsan nakita ko kayo ni Leandro sa kiosk sa soccerfield."

"Ah baka 'yan 'yong may pinatulong ako sa kanya... sa isang subject," palusot ko, hindi pa rin siya sinusulyapan ngayon.

Nasa loob na kaming pareho at umaandar na ang sasakyan. Nakatitig pa rin siya sa akin.

"May problema ka sa isang subject? Bakit hindi ka sa akin nagtatanong kung ganoon? Bakit kay Leandro?"

Hindi ako nakasagot. Nagbuntong-hininga ako at inangat na ang tingin kay Kuya Levi. He looked worried. Maybe because he's his bestfriend and he knows Leandro isn't over Keira. Kung magkakagusto ako sa kaibigan niya, kawawa ako at iyon ang pinakahuling gustong mangyari ni Kuya.

"Sa akin ka magpaturo next time at huwag sa kanya..." he still trailed off.

Ngumiti ako at tinanguan na lang siya.

We both remained silent the whole time. Kahit na tahimik si Kuya, nararamdaman ko ang titig niya sa akin. Nararamdaman ko ang bawat paninimbang sa bawat galaw ko. Funny how he noticed it now... now that I've decided on what to finally do?

Pinili ko sa Ruins sa Talisay ang pagkikita nila ni Leandro. Bukod kasi sa alam kong hanggang La Carlota niya lang nai-date si Keira, maganda rin ang sinisimbolo ng lugar na iyon. I have poured all my heart's content for this... for him... and I couldn't afford for it to fail.

However, my selfish self still thinks it may be the best place because it is far from Altagracia and far from Bacolod, too. Ibig sabihin hindi ko kailangang madaanan iyon palagi, sa buong buhay ko, kung hindi ko naman sasadyain. If I could, I would definitely avoid that place after that.

Hinilig ko sa balikat ni Mommy ang aking ulo. Bumabiyahe na kami ngayon dahil bukas ang date ni Leandro at Keira. She's going to Bacolod to relax but I know that she's just avoiding Daddy. Nitong nakaraang araw, lagi silang nag-aaway dahil lumalala ang mga usap-usapan sa mga kalaguyo ni Daddy.

"I will go to the spa tomorrow. Do you want to come with me? I will be alone, Chayo. Not with friends."

Umiling ako. "May lakad po ako bukas, Mom. Sa Talisay."

"Oh! Sinong kasama mo?"

"Friends po. But... I guess you can reschedule the spa for the next day? I think I would need that."

She chuckled. "Alright."

Pinikit ko ang mga mata ko. Madalas sa biyahe ay nakakatulog ako pero ngayon, hindi ako dinadalaw ng antok. Kahit pa nariyan ang mararahang haplos ni Mommy.

"Chayo, is your life now the life you always wanted?" banayad at parang hangin ang boses ni Mommy.

Dumilat ako, hindi alam kung bakit kinabahan. Siguro dahil nararamdaman kong alam ni Mommy na malupit ang mga naging buwan ko nitong nakaraan.

"I know you're still young to realize what is it you truly want but... I want to know now, what does your young heart want? This early."

Ngumiti ako sa tanong niya. Tuwing summer, nagta-travel naman kami. We have been abroad and to some more places in the country. I have explored more than some girls my age, maybe because of our money and my supportive parents. Bukod pa sa mabababaw na suliranin, wala na akong ibang kumplikadong hangad.

"I'm fine here in Altagracia, Mommy. Just being with my loved ones is perfect for me."

She chuckled again. "Ah. Ganyang-ganyan din ako noon. I didn't like going abroad or going to any bigger city to develop a more professional career. Hindi naman dahil sa mayaman na ang Lolo mo at may mamanahin ako, I'm just really satisfied with the simple life of abundance. With going abroad and places for a vacation every now and then. Iyon lang din ang pangarap ko."

Funny how I think Mommy and I agreed on some things now. Bukod sa pisikal na anyo, may iba rin pala akong minana sa kanya.

"I didn't want to take risks... I'm scared and I'm too content with what I have."

"Hindi naman po siguro masama iyon. Developing a career in the corporate world is not for everyone. Maybe, Mommy, your talent is in farming. Kaya nga lumago nang lumago ang negosyo n'yo ni Daddy, hindi po ba?"

Hinaplos ni Mommy ang aking buhok at banayad na hinalikan ang aking sentido.

"Yes. Thank you, Chayo."

I smiled.

"If you have only a few months to live, do you think you can let yourself remain in your comfortzone, hija?"

I stiffened at the question. Ayaw kong mag-isip ng masama pero bakit parang may naaalala ako?

"If my comfortzone is what makes me happy, Mommy."

"There are many things that makes us happy. And most of the time, they are not on the same place. You live and be content in a place that brings you joy because you expect you have all the time to be in another place. Anong mangyayari kung ubos na pala ang oras mo? What will happen if there is no time to visit that other place that can make you happy?"

Hindi ko maintindihan iyon. O ayaw ko lang talaga sigurong intindihin. Kumalas ako kay Mommy dahil may kakaiba akong nararamdaman. Ngumiti ako, pinilit, para lang lokohin ang sarili ko.

"What do you mean, Mommy?" medyo naaalarma ko nang tanong.

Ngumiti siya. Kanina nang nakasandal ako, hindi ko kita ang mukha niya pero ngayong hinarap ko siya, nakikita ko ang namumula niyang mga mata at ang mga luhang tumutulo.

"A-Ano pong nangyari?"

Umiling siya at ngumiti habang pinapalis ang mga luha.

"I'm just talking riddles, Chayo."

"No, Mommy. May problema ka po ba? A-Ano pong nangyari sa mga check up n'yo sa doktor?"

"All good, hija," napapaos niyang sinabi. "I didn't mean to worry you."

Umiling-iling pa ako dahil hindi na ako naniniwala ngayon. Marahang tumawa si Mommy.

"I'm just thinking if you'd let me be happy somehow, if I'm sick-"

"Of course, I would! May sakit ka po ba?" nag-aalala kong sinabi, determinadong malaman ngayon.

"It's a rhetorical question, hija. But thank you for answering."

"Mommy..."

"Chayo..." tipid siyang ngumiti at marahan akong niyakap at ibinalik sa kanyang balikat. "Maybe I'm just very emotional because of what's happening between me and your Daddy lately."

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Bakit may ibang pakiramdam ako? Malakas ang kalabog ng puso ko.

"I am very much happy for the past years with you and Levi. Wala na akong hihilingin pa sa buhay, Chayo. Despite of my relationship with your Dad, I still think I'm blessed because I have a son and a daughter who both cares for me and my happiness. Thank you, anak. You and your Kuya are my greatest blessing in this life. I will never regret anything, in the past. I never regret marrying your Dad, kahit pa ganito ang relasyon namin ngayon. Dahil sa kanya... nandito kayong dalawa ng Kuya mo."

Nanginginig ang mga kamay kong pinalis ang mga luha.

"I want you to remember that, whatever happens. I want you to know that you are my happiness. You are more than everything for me," she whispered.

Hindi ko alam kung bakit kahit masaya naman ang sinabi ni Mommy ay nalulungkot ako. Siguro dahil may pakiramdam ako sa mga sinasabi niya. Gusto ko siyang kulitin tungkol sa sinabi ng doktor sa kanya pero hindi ko ginawa. She was enjoying the peace between us and I am enjoying her whisper of love and assurances.

Pagdating namin sa Bacolod, mabilis kong tinipa ang mensahe para kay Kuya. I'm so worried for Mommy that I suddenly want to miss Leandro's date for tomorrow. I want to be with her. Lalo pa dahil sinabi ko rin kay Julius na magkikita kami nang alas tres. I will expect him to pick me up on Ruins and we'll date, for the first time, in Bacolod. Three onwards.

Ako:

Kuya, is Mommy okay? May sakit ba siya?

Kuya Levi got worried with my question na tinawagan niya ako. Binantaan niya pa ako na huwag magsalita ng mga ganoong bagay dahil hindi maganda. Hindi ko naman maikuwento sa kanya ng mabuti ang usapan namin. Lalo pa dahil kasama ko si Mommy sa dinner ng gabing iyon.

But of course it was the perfect timing, while this is the end for me and Leandro, I will be busy with Julius... and more importantly, I will direct my attention to my mother. Aalamin ko kung ano talaga ang nakatago sa mga sinabi niya sa akin. May kakaiba talaga akong pakiramdam kahit pa tama si Kuya at hindi nga maganda na nag-iisip ako ng ganito.

Inilipat nga ni Mommy ang kanyang pagpapa-spa dahil sa pakiusap ko. Sa sumunod na araw, magsho-shopping siya. I was up early while she's still in her robes. She will go to the mall later at one in the afternoon to shop while I will see Leandro, nine in the morning. Like what he said.

Ibinilin ko sa kanya na huwag kalilimutan ang pagtext kay Keira, reminding her that they will see each other today. I just don't know if he did.

Kaharap ko ang sarili ko sa salamin. I did my own soft make up, put my accessories on, and brushed my long hair. I'm wearing a short mustard yellow sleeveless dress, paired with a yellow satchel, and black sandals. I let my long hair down but wore a big black teardrop earrings.

"Sinong kaibigan ito, Chayo?" medyo naningkit ang mga mata ni Mommy habang pinagmamasdan niya ang pag-aayos ko.

I only smiled. I'm torn between telling her the truth or just tell her I'll be with Julius. Telling her that it's Julius is easier. Lalo na dahil kilalang kilala niya ito, isa rin sa mga may malalaking negosyo malapit sa Altagracia.

"I don't think I remember you so dressed up for something. And... Ruins?"

Tumango ako.

Dahil sa usapan namin ni Mommy kahapon, pakiramdam ko hindi ko kayang magtago sa kanya. I don't think she will be telling Kuya Levi or Daddy about it, anyway. Not that Daddy cares for anything.

"Sino ang kasama mo?" ulit niya, sa seryosong tono na.

"Huwag mo pong sabihin kay Kuya, ha? Secret lang natin, Mommy."

Kumunot ang noo niya at ngayon kumiling sa kabila, habang nakikinig.

Ngumiti ako. "Actually, we won't be alone. He'll be with his girlfriend. I'm just the third wheel eventually. I'm just helping them out."

But I won't actually stay there. I will be gone and I won't let Keira see me.

"Sino nga, hija?"

"Si Leandro po... at 'yong... dating girlfriend niya... si Keira."

Mom's lips opened. Hindi siya nakapagsalita. Sa huli, tumango siya.

"Helping them out?"

"Yes, Mommy. Eventually, I will meet up with Julius. Siya po talaga ang ka-date ko at dito lang po kami."

"W-Well... Uh... invite him for dinner after you have your own date over... snacks probably?"

Tumango ako. "I will, Mommy. Ipapakilala ko po siya sa inyo."

Continue Reading

You'll Also Like

7.2M 183K 29
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
742K 11.8K 56
Collection of K-pop.. Tagalog Ver. & etc. LOLOLOL
889K 33.4K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...
3.7M 125K 39
SAFIARA ACADEMY: RETOLD Being trapped and suffocated was all that Lean felt all those years trapped in a castle. Having found a portal, she enters an...