The Jerk is a Ghost

By april_avery

13.6M 607K 135K

Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay... More

The Jerk is a Ghost
The Jerk: One
The Jerk: Two
The Jerk: Three
The Jerk: Four
The Jerk: Five
The Jerk: Seven
The Jerk: Eight
The Jerk: Nine
The Jerk: Ten
The Jerk: Eleven
The Jerk: Twelve
The Jerk: Thirteen
The Jerk: Fourteen
The Jerk: Fifteen
The Jerk: Sixteen
The Jerk: Seventeen
The Jerk: Eighteen
The Jerk: Nineteen
The Jerk: Twenty
The Jerk: Twenty One
The Jerk: Twenty Two
The Jerk: Twenty Three
The Jerk: Twenty Four
The Jerk: Twenty Five
The Jerk: Twenty Six
The Jerk: Twenty Seven
The Jerk: Twenty Eight
The Jerk: Twenty Nine
The Jerk: Epilogue
The Jerk: Special Chapter

The Jerk: Six

389K 18K 2.5K
By april_avery

Six,

Pagkatapos na pagkatapos ng mass, hinila ko agad si Mindy palabas ng simbahan. Pumunta kami gilid nito, sa may fountain, at tinanong ko siya.

"I thought he is dead!" I exclaimed. Tiningnan niya lang ako na para bang hindi niya alam kung ano ang tinutukoy ko.

"Si Ashton Montecillo, hindi ba sinabi mo sa akin na siya yung namatay sa accident?"

Umaliwalas ang mukha niya nang marealize kung sino ang tinutukoy ko. "Ah, oo. Yun din ang akala ko eh. Pero sabi ng pinsan ko hindi pa siya patay. Half lang."

I stared at her, incredulously. "Anong half lang?"

"I heard he is in coma. He is half dead, half alive. Parang ganun yun hindi ba? Walang nakakaalam kung gigising pa siya."

Natigilan ako. Ashton is in comatose?

"Sasabihin ko sana sayo kahapon kaya lang buong araw hawak ni Mama yung phone ko. Alam mo na, medyo strikto siya ngayon dahil sa mga nangyari."

Hindi ako nakasagot. Ashton is in comatose. Yung ang paulit ulit na pumapasok sa isip ko. He is not dead. He is not alive either. Kung ganun ano ang itatawag ko sa nakita ko kagabi? Multo parin ba?

"Hey, are you okay?" tanong ni Mindy sa akin.

Wala sa sarili na tumango ako. Makalipas ng ilang segundo bigla akong nagsalita. "Alam mo ba kung saang Hospital siya naka confined? I-I just have to make sure."

Tiningnan ako ni Mindy na para bang na wi-weirduhan sa kinikilos ko. "He is in Montoya Medical Center." she stared at me as if I was an ill person. "Delia, may sakit ka ba?"

I shook my head and held her hand. "I'm fine. Kailangan ko lang talaga siyang makita. Samahan mo ako, Mindy."

Nagpaalam ako kay Dad na pupunta ako ng bayan. I didn't mention where we would head though. Nagpaalam din kami sa Mama ni Mindy. I have to tell her that we will go to the mall to buy some stuff for a project. My parents told me to be back before dinner. Pinagamit ni Mrs. Melany ang dala niyang sasakyan para hindi na kami mag commute. Sumabay siyang umuwi kina Mama.

Ako ang nagmaneho ng sasakyan. Habang nasa byahe hindi maiwasang magtanong ni Mindy na nasa passenger seat. "Bakit bigla ka atang naging interesado sa kalagayan ni Ashton Montecillo?"

Hindi agad ako nakasagot. Ano bang pwedeng idahilan? Concern ako? Pft. That is the funniest thing I thought so far.

"Concern ka ano?" nakangising sabi ni Mindy. "O baka naman may gusto ka sa kanya kaya concern ka. Kailan pa?"

Kumunot ang noo ko pero nanatiling derecho ang tingin ko sa daan. "Wala akong gusto sa kanya." I said firmly. "I just—" How would I say this?

"Just what?" Mindy probed, teasingly.

"I just want to know what really happened. After all, schoolmate natin siya. Don't I have the right?"

Mindy pondered about that thought. "Sabagay." sagot niya. "Hindi ko kasi naisipang bisitahin siya. Ano nalang ang sasabihin ng mga kaibigan niya kapag nakita ako doon? Pero kahit paano may history naman kami so concern din ako."

Bigla kong naapakan ang preno ng sasakyan. Mindy gasped. "Hey!" sigaw nito nang halos tumama ang ulo niya sa dashboard. "Gusto mo bang magkaroon ng part two ang aksidente?" she shrieked. "Nagbibiro lang naman ako sa history thingy. Ang tinutukoy ko yung dating crush ko sa kanya. You don't have to react that harsh."

Pero hindi yun ang dahilan kaya ako biglang huminto.

Tama si Mindy. Ano ba ang inisip ko? Siguradong doon dederecho ang mga kaibigan ni Ashton after ng mass. Baka nga kasabay na namin sila sa daan ngayon. Tiningnan ko ang side mirror ng kotse.

Another thing, paano kapag nandoon ang mga magulang niya, anong sasabihin kong dahilan? Schoolmate niya ako na nagkataon na hindi niya kilala pero minumulto niya? This is really a bad idea.






Sa huli, at dahil halos ilang metro nalang ang layo namin sa vicinity ng Hospital, nag decide kami na tumuloy nalang. Mindy is right. Ashton, being the Mr. Popular and all, halos hindi naubusan ng bisita sa loob ng private room niya.

Pinagmasdan namin mula sa dulo ng corridor ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kwarto niya. May aalis at may darating. Bumisita doon ang ilang kaibigan niya na galing sa mass, merong mukhang maids na may dalang fresh fruits at bulaklak. Then ang huli, mga taong naka business suit. Pumasok sila sandali, then lumabas din agad kasama ang isang matangkad na lalakeng mukhang nasa early fifties.

Tiningnan ko si Mindy na nakaupo sa bench kasama ko. "Sa tingin mo wala ng tao?" tanong ko.

Naaantok na iniangat niya ang ulo niya. "Hindi ka pa ba gutom, Delia? Ilang oras na tayong naghihintay dito? It's freaking two o'clock in the afternoon."

"Sshh." I hissed. "Wala tayong magagawa. Hindi tayo pwedeng makisabay sa mga tao kanina. Ano nalang sasabihin nila Reese at Micko kapag nakita tayo?"

Mindy rolled her eyes. "What are they doing here?" she imitated Reese's high pitch voice. "Are they stalkers? Did Ashton even know them? Blah blah blah."

I smiled. "Now you get my point. Tara na."

Lumapit kami sa pinto ng Room 087. Huminto kami sandali para pakingan kung may tao parin sa loob. This is really weird. Pakiramdam ko mga secret agents kami. Okay, forget that. I watch too much movies.

"Excuse me, mga Miss?" napalingon kami ng sabay sa likod namin. "Bisita ba kayo ng pasyente?"

Isang babaeng nurse na may hawak na clipboard ang nasa harap namin. Mukhang papasok siya sa loob. Tiningnan niya kami na para bang nag d-decide kung tatawag siya ng mga guards o hindi.

"Ah, ano." si Mindy ang sumagot. "Ex niya. Ex girlfrieds niya kami."

Mindy wear her sweetest smile. Samantalang ako halos manlaki ang mga mata kong napatingin sa kanya. Ako? Ex girlfriend. EX GIRLFRIEND?

Umaliwalas ang mukha ng nurse. "Aah." she answered. "Hindi niyo naman sinabi agad. Sige pasok na."

Mindy winked at me nang pumasok ang nurse sa loob at sumunod kami. I was staring at her, horrified, all the way. Pero nang makapasok kami sa maaliwalas na kwarto I realized her idea is not that bad.

Tama kami ng hinala. Wala ng ibang tao sa loob sa mga oras na ito.

"Sinabihan ako ni Mr. Montecillo na bantayan siya." sabi ng nurse habang isinasara ang puting kurtina ng bintana para takpan ang sobrang liwanag mula sa labas. "Kung alam ko lang na darating kayo dapat nag round muna ako sa kabilang ward."

Malaki ang kwarto at maliwanag. Kompleto ito sa gamit na para bang isang maliit na bahay. May sofa, cabinet, maliit na dining area, may sink kung saan nakalagay ang coffee maker at microwave, meron ding medium size refrigerator. May pinto din na may nakalagay na sign: bathroom.

Puno din ng makukulay na bagay ang kwarto. May mga bulaklak na nakapatong sa isang table, may mga prutas, sa isang parte ng wall may nakalagay na board na puno ng sandamakmak na post it notes at pictures, pati na din get well soon cards and letters. Meron ding bola ng basketball sa isang sulok at RC cars.

"Ang dami naman nito." commented Mindy na linibot ang tingin sa kwarto.

"Actually inuwi na ang iba dyan. Madaming bumibisita sa room na ito. Kadalasan mga babae. Alam niyo bang pang labing anim at labing pito na kayong nagsabi na ex girl friends niya? Hindi din siya playboy ano?" natatawang sabi ng nurse.

Mindy hide a laugh. "Ganyan po talaga siya. Kaya hindi kami nagtagal." sabi niya na enjoy na enjoy ang role ng pagiging ex girlfriend. I mentally groaned.

"Magkaibigan ba kayo?" tanong ng nurse na ngayon naman ay inaayos ang temperature ng air conditioning ng kwarto. "Naging ex niya kayo pareho. Mabuti hindi kayo nag away. Para kasing ginawa kayong fishball. Alam niyo yun?"

I was about to deny na hindi niya talaga ako naging ex girlfriend whatsoever nang muling magsalita si Mindy.

"Our friendship is stronger than any other temporary relationship." proud na sabi nito. She smiled wickedly in my direction and I mentally face palmed yet smiling.

"Ganun ba, good for you." sabi ng nurse.

Pumunta siya sa parte ng kwarto na natatakpan ng pale blue na kurtina. Agad nawala ang ngiti ko. This is it. Makikita ko na si Ashton. Si Ashton na nasa coma. Napalunok ako lalo nang hinawi ng nurse ang isang parte ng kurtina at naging malinaw sa akin ang iba't ibang tunog ng mga medical apparatuses.

"Iba na talaga ang mga kabataan ngayon." sabi ng nurse na tinutukoy si Ashton. "Sayang gwapo pa naman siya."

Iniwan ako ni Mindy at agad sinilip si Ashton. Nanatili akong nakatayo malapit sa sofa. "Delia, halika na." I tried to smile but deep inside my stomach is churning.

Ayoko talaga ng mga tunog na yun. Those are really horrible sounds. Sounds that determined life and dead. Naglakad ako papunta sa hospital bed at unti unting bumungad sa akin ang mukha ni Ashton. Napalunok ako.

My head injury si Ashton, bakas yun sa bendang nasa ulo niya. Pero maliban doon at ilang gasgas sa mukha, maaliwalas ang mukha niya. Para siyang natutulog. Maliban nalang siguro sa oxygen mask na nakalagay sa ilong niya. Kaya pala nasabi ng nurse na gwapo ito, kahit na comatose, bakas parin sa mga features nito kung gaano siya kagwapo.

Naalala ko ang sinabi ni Micko noon sa Cafeteria. Sleeping Beauty. Madalas siyang asarin ng mga kaibigan niya nun dahil lagi siyang natutulog kahit saan niya maisipan. This time he is sleeping again. And nobody knows if he would even wake up soon.

***

Continue Reading

You'll Also Like

21.3K 635 42
Sa pagdalisdis ng damdamin, ito ba'y dapat sundin? Makapangyarihan ang pag-ibig, ika'y ba'y magpapalupig?
1.3M 57.1K 42
Kingdom University Series, Book #4 || Learning from this guy is not as easy as I thought it would be.
31.3M 569K 170
Journal ng babaeng walang lovelife...
134K 5.8K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...