The Unwanted Wife (Unwanted D...

By Aimeesshh25

1M 14.7K 1.4K

Siya ay isang babaeng simple, kalog at mapang asar. Lahat nang may kinalaman sa pagkabaliw. Siya na 'yon. Lah... More

THE UNWANTED WIFE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE

CHAPTER 42

12.5K 235 25
By Aimeesshh25

DRAKE RED'S POV

Kanina pa ako pabalik-balik ang tingin sa may labas. Hinihintay kung nariyan na ba ang babae.

Sabi na nga bang sabay na kami eh. Paano kung maligaw pa 'yon?

"What's up, Drake!" natigil ako sa pag iisip nang makita si Darren sa harap ko. Nakangising ipinagmamalaki ang kanyang suot.

"Oh?"

"Kanina ka pa?"

"Yeah." sumilip siya sa may likuran ko at nangunot ang noo.

"Asan ang misis mo?" Kunot noong tanong niya. Napairap ako.

"Papunta na 'yon dito." Walang ganang sagot ko sa kanya.

"Weh? Baka inaway mo na naman ah!"

"Tss. Why would I?" Inis na ani ko.

"Okay. Chill. Ipakilala mo sa'kin ah?" Tumaas pa ang kilay niya.

"Bakit ipapakilala ko pa sa'yo?" Kunot noong tanong ko.

"Dss. Malamang. Dude, pinsan mo ako!" Tinuro niya pa ang sarili. "Ako? Edi matik na 'yong dapat kilala ko ang magiging konektado sa'yo!" Pag iinarte niya.

"Tss. Gusto mong sapakin kita?" Taas kilay na angil ko. Natawa lang siya at agad na umupo sa harap ko.

"Chill! Mas na-excite tuloy akong makilala ang wife mo." Napatitig ako sa sinabi niya.

Bakit naman gustong gusto niyang makilala si Erin? Tss.

Tumawa siya. "Hoy! Ang mukha mo. Don't get me wrong. I am just amazed. Biruin mo, 'yang ugaling meron ka? May nagtagal?"

"Tss. Makilala mo rin siya." Nakangiting ani ko.

Tumango siya at nakangiting umiling.

"Naka move on ka na talaga 'no?"

"Siguro." Tipid kong sagot.

"Nakita ko na kung sino ang magtuturo kung nasaan siya ngayon." sambit niya makalipas  ang ilang sandali. Tumaas ang kilay ko, hindi siya maintindihan. "Malapit na, Drake. Sana tanggapin niya pa ako." Malungkot siyang ngumiti.

"Patay na patay ka sa kanya ah? Napaisip tuloy ako kung anong klaseng tao siya. Pina ibig ka masyado eh." Naiiling kong saad. Natawa siya.

"Kung makilala mo siya, hindi kita masisisi kung mahulog din ang loob mo sa kanya." Ngiting-ngiting aniya. Sa tono ng boses niya ay para bang nakikinita niya ang ex niya na kala mo'y kamukha ni Aphrodite. "Masyado siyang masiyahin. Napapatawa niya ako sa simpleng linyahan niya. Makikita ko lang ang mukha niya, okay na ako. Alam mo ba ang huling ayos niya ang nakikita ko ngayon. Nagliliwanag, kumikinang sa sobrang ganda."

Napailing ako.

"Dyosa ba 'yang ex mo huh?" Nanunuyang tanong ko. Tumingin siya sa'kin at umiling.

"Yon ang sabi niya eh." Kibit balikat niya. Napangiwi ako.

"Oh? Drake?" Sasagot pa sana ako nang marinig ang marahang pagtawag sa pangalan ko.

Nilingon ko ito at nakita ang Mommy at Daddy ni Darren, kasama ang iba ko pang Tita at Tito.

"Tita Rose." Nakangiting baling ko sa Mommy ni Darren. Nakababatang kapatid siya ni Daddy.

"Hijo, Is that you?" Manghang manghang tanong niya.

Tumango naman ako at agad na tumayo. Hinalikan ko sa pisngi ang mga Tita ko at nakipagkamay naman sa mga lalaki.

"Ngayon lang ulit kita nakita." Si Tita Eliza.

"Busy lang po, Tita."

"Aww, you're so handsome. I missed you!" Ani Tita Rose. Nginitian ko lang siya.

"Mom! Bakit hindi niyo 'yan sinabi sa'kin?" Nakangusong singit ni Darren.

"Aww! My baby boy is jealous! Nakikita naman kasi kita, baby." Ngumuso si Tita.

"Dss. Hindi tayo bati, Mom!" Napailing na lang ako. Gusto ko siyang sapakin sa sobrang kaartehan.

Tumawa si Tita Ders. "Stop it na nga!"

"Oh anyway. Where's Clarisse, Drake?" Nagulat ako sa tinanong ni Tita Eliza. Nilingon ko siya at nakatanaw siya sa may likod ko.

Nakamot ko ang batok. "It's been a long time since Clarisse and I broke up, Tita." Sagot ko.

Natigilan sila at napatitig sa'kin.

"Really?" Si Tita Ders.

"How come?" Si Tita Rose.

"Is that so?" Si Tita Eliza. Natawa lang sila Tito sa reaksyon nila.

"Hey, Honey. Masyado kayong gulat. Drake is now a man. He's married already." Natatawang sabi ni Tito Alvin. Daddy ni Darren. Nagulat ako sa sinabi niya.

Alam niya?

"W-What? To whom are you married?" Gulat na gulat si Tita Rose.

"Of course. Babae ang pinakasalan niya." Natatawang biro ni Tito sa kanya. Hinampas ito ni Tita.

"I'm serious, Alvin." nagbabanta ang kanyang boses. Natawa si Darren.

"Mom, ang mahalaga my cousin is here. Ipakikilala niya rin sa inyo ang asawa niya. Hintay-hintay lang."

"No, Baby. My point is.. bakit wala akong alam? Bakit walang nagsabi?" Nanlaki ang mga mata niya. "Oh! Don't tell me...." binitin niya ang sasabihin.

Napalunok ako.

"Was it an arranged marriage?" Nanlalaki ang mga mata niya.

Naalarma ako. "It's okay, Ti-"

"No! that's not fine with me!" Putol niya sa'kin.

"Tita. It's really okay."

"No, Drake. Kaya ba wala na kayo ni Clarisse? Hiniwalayan mo ba siya para rito? At sino naman 'yang napangasawa mo? "

Nagtahimik ako. Tanging mapanuring mga mata nila ang nararamdaman ko.

Gustong-gusto niya kasi para sa'kin si Clarisse, kaya naintindihan ko kung bakit sila ganyan ngayon.

"Mom! Hayaan niyo na si Drake." Si Darren.

"Oh, God! Lagot sa'kin 'yang Daddy mo. Alam naman niya na may girlfriend ka."

"Siguraduhin mo lang Drake na mas better 'yang napangasawa mo kaysa kay Clarisse ah." Singit ni Tita Eliza.

"Hey, tumigil nga kayo. Birthday ng anak natin, Rosalyn. Halika na, magsisimula na ang party. Lalabas na si Krisha." Ani Tito Alvin.

Hinahaplos niya ang likod ni Tita para kumalma. Tumango naman si Tita Rose at tumingin pa muna sa'kin bago nanguna sa paglalakad.

Tumingin si Tito sa'kin at kumindat, tinapik niya pa ang balikat ko.

"Don't mind her. Nabigla lang 'yon. Ikaw ang favorite niyang pamangkin then hindi man lang niya nalamang nagpakasal ka na. Kaya ayan, naging dragon!" Biro niya. Tumawa ako.

"I understand, Tito."

"Alvin! Let's go!" Sigaw ni Tita. Napangiwi si Tito at tinapik ulit ako sa balikat bago magpaalam. Binulungan niya pa si Darren.

"Hayy, si Mommy talaga. Masyadong OA pagdating sa'yo." Napapailing niyang saad.

"Nagkaka edad na eh. Bigyan mo na kaya ng apo." Mayabang na sabi ko. Napangiwi siya.

Napatingin ako sa may pintuan nang may pumasok. Natawa ako.

"Hanep, guwapo natin ah." salubong ni Darren sa kapapasok pa lang na si Luhan. Katabi niya ang ngiting-ngiting si Kate.

"Hey, boys!" Bati ni Kate at agad na humalik sa pisngi ni Darren at sa akin.

"Hey, Drake." Ngumiti ako. Bumaling siya kay Darren. "Woah? Lalong pumogi ah."

"Dss. Hindi ka na nasanay, Kate." nakangising aniya. Tumawa lang ang babae. Bumaling siya kay Luhan. "Oh, dude? Anyare sa mukha mo?" Natatawang puna nito sa nakakunot noong si Luhan. Umiling lang ito at inginuso si Kate.

"Oh? Anong problema?" Nagpipigil ng tawang tanong ni Darren. Inirapan siya ni Luhan.

"Ulul ka. Tsh. Doon ka nga! Tawag ka ng Daddy mo." Tinulak niya si Darren.

Natatawang lumingon sa'kin si Darren at sumenyas na doon na muna siya. Tumango lang ako.

Naiwan kami ni Luhan. Umalis kasi si Kate, hindi ko alam kung nasaan. Bumaling sa'kin si Luhan.

"Asan si Erin?"

"Papunta na siguro 'yon." Kinuha ko sa bulsa ang cellphone at t-in-ext sa kanya ang address.

"Ah. I see." Aniya at umupo.

"Nagkausap ba kayo ni Carla?" I asked. Mabilis siyang nag angat ng tingin sa'kin.

"Bakit naman kami mag uusap?"

"Bakit nga ba?"

"Tsh. Tinatanong nga kita e!" Iritadong aniya.

"Hmm. Ewan. Siguro dahil alam kong namimiss mo na siya." Seryosong saad ko. Nanlaki ang mga mata niya at umiwas ng tingin.

Tss. Tanggi pa.

"At base sa itsura mo ngayon lang, mukhang..." Binitin ko ang sasabihin. Tumingin siya sa'kin at nag abang sa idudugtong ko.

"Mukhang ano?"

"Mukhang..nakausap mo na siya." nagulat na naman siya at napakamot sa tainga. Napangisi ako.

Tama nga ako. Nice.

Magsasalita pa sana siya nang matanawan ko na sa may pintuan si Erin. Dahan-dahan niyang inihahakbang ang mga paa at titig na titig sa bahay. Napangiti ako at agad na tumayo.

Is this my wife? Damn, she's so gorgeous.

Lumapit ako sa kanya.

"Hey. Buti naman, nakapunta ka pa?" Sarkastikong ani ko, ngunit nangingiti naman.

Hindi siya nagsalita at nakangangang nakatingin kung saan. Sinundan ko ang mga titig niya. Nasa bahay iyon.

"Hey, Erin?" Tinapik ko ang likod niya. Nagulat siya at agad na napatitig sa'kin.

"R-Red?" Mabilis ang paghinga niya. Nagtaka ako.

"You, okay?"

"O-Oo, hiningal lang ako." Namumutlang saad niya. Nangunot ang noo ko.

"Are you sure?" Tumango siya.

Inalalayan ko siya papasok ng bahay. Nasa may pintuan pa lang kami ay sumalabong na agad sa amin si Tita at Tito. Naglakad ako papalapit. Nasa likod ko si Erin. Nilingon ko siya at inaayos niya ang kanyang suot.

"Drake, kanina pa kita hinahanap." Ani Tita Rose at agad na napatingin sa likuran ko.

"Sinundo ko lang po, a--" natigilan ako nang lampasan niya ako

What the? Nagsasalita pa ako, Tita.

Sinundan ko siya ng tingin. Gulat na gulat siya habang nakatitig sa likuran ko. Napatingin ako sa mga Tita at Tito ko sa harap, gulat na gulat din sila.

Anong meron?

"OMG! Siya ba 'yan?" Si Tita Eliza.

"Maybe. I don't know." Si Tita Ders.

Lumapit na rin sina Mommy at Daddy, hindi ko napansin na dumating na pala sila. Nakatingin na rin sila sa likuran ko.

Sino bang tinitingnan nila?

"Oh, God? H-Hija?" Agad akong napalingon.

Kumalabog ang puso ko nang makitang nakatayo si Tita Rose kaharap si Erin na ngayon ay nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kaharap.

"G-Gaile?" Tawag ni Tita kay Erin.

Napailing si Erin at agad na iginala ang paningin samin. Hindi niya ako sinulyapan.

Gaile?

"T-Tita Rose. It's been a long time." Pormal niyang sambit kahit na namumutla siya.

"Y-Yeah. K-Kumusta ka?" Nanginginig ang labi ni Tita. Pilit na ngumiti si Erin.

"I-I'm okay po, Tita."

"Lalo kang gumanda. I didn't expect to see you here." Ngumiti si Erin sa kanya.

"Hindi ko rin po inaasahan 'to." Maliit ang boses na sambit ni Erin.

Lumapit si Tito Alvin sa kanila. Sa kanya naman nabaling ang paningin ni Erin. Natawa pa siya nang maglahad ng dalawang braso ang Ginoo.

"Gaile hija asan ang yakap ko?" aniya.

Napailing si Erin pero agad ring yumakap kay Tito.

Naguguluhan ako!

"Ayos na po ba 'yan?" Tanong niya nang magkalas sila sa pagkakayakap. Nakangiting tumango si Tito.

"Ang tagal kong hindi nakatanggap ng yakap sa'yo ah. Namiss kita."

"N-Namiss ko rin po kayo." sagot nito.

"Anyway, narito ka ba para sa birthday ni Krisha? I'm sure matutuwa 'yon!" Singit ni Tita.

Fuck it! Naguguluhan ako! Magkakilala ba sila?

"Magkakilala ba sila?" Tanong ni Luhan sa gilid ko. Inis ko siyang nilingon.

Mukha bang alam ko?!

"Fuck! I don't even know!" Sigaw ko. Nagulat siya.

"Easy. Hindi mo kailangang magmura." Pikong sabi niya. Hindi ko na siya pinansin at binalik na lang ulit sa unahan ang tingin.

Fuck! Anong ginagawa niya?! Sumusulpot na lang basta!

Nang magbalik ako ng tingin sa kanila ay dahan-dahang naglalakad palapit si Darren kay Erin. Tinitigan ko ang pinsan ko, gulat na gulat at titig na titig siya rito na para bang sa ekspresyong pinapakita niya ngayon ay parang matagal na silang magkakilala ng asawa ko. Para bang matagal itong nawala at ngayon ay gulat na gulat silang makita itong nakatayo sa harapan nila.

Lalo pa akong naguluhan nang mapadako ang mga mata ko kay Erin. Nakatitig siya habang papalapit sa kanya si Darren. Huminga siya ng malalim nang makalapit ito. Napasinghap ang lahat nang magtitigan sila sa malapitan.

Iginala ko ang mga mata ko. Halos lahat ng tao ay napatigil sa kanilang ginagawa. Tutok na ang kanilang mga mata sa dalawang taong nasa unahan. Para bang nasa isa kaming pelikula at silang dalawa ang bida!

Nabalik ang atensyon ko sa kanila nang malakas na bumuntong hininga si Darren. Hindii mapakali ang kamay niya, sanhi na kinakabahan siya.

"H-Hi.." paunang sabi niya. Tumingin lang sa kanya si Erin at hindi nagsalita. 

"K-Kumusta?" Pinilit niyang ayusin ang pagsasalita pero hindi nagawa. Pumikit ang asawa ko at nang magmulat ay tumama agad ito sa kanya.

"K-Kumusta ako?" Unang salita niya pa lang ay pumiyok agad siya. Umubo siya kunyari. "T-Tinatanong mo sa'kin kung kumusta ako? siyempre isa lang ang sagot ko na dapat alam mo na." Nakatitig siya sa mga mata ni Darren nang bigkasin niya ang huli.

Pilit na tumawa si Darren. Napayuko siya at ilang sandali ay nag angat ng tingin sa kanya. Malungkot itong ngumiti.

"Nakalimutan ko, ikaw nga pala si Gaile." Nangingiting sabi niya. "Gaile na nakasama ko. Gaile na kaya ang sarili. Gaile na, alam kong malakas. Ikaw ang Gaile na 'yon."

"Pero hindi na ako ang Gaile na 'yon ngayon." Natigilan siya at agad na naglaho ang ngiti nang sambitin iyon ni Erin. Pilit na ngumiti ang babae.

"Sige na, masyado na akong nakakaagaw ng atensyon." akma na siyang tatalikod nang magsalita si Darren.

"B-Bakit hindi mo sinagot ang mga tawag ko? ang mga text messages ko? ang mga emails ko sa'yo?"

Natigilan si Erin. Dahan-dahan siyang lumingon kay Darren na ngayon ay titig na titig sa kaniya. Kumuyom ang kamao ko.

Bakit kailangan mong titigan siya ng ganyan? Damn, akin 'yan.

"Kailangan ko pa ba 'yong gawin?" Mariing tanong niya. Hindi makapaniwalang napatulala sa kanya ang lalaki saka ito tumawa.

"Of course Gaile! Kailangan mo 'yong gawin dahil obligasyon mo 'yon sa'kin." Tumaas ang boses niya. Ikinagulat ko iyon at ng kaharap.

"Anong meron sa kanila?" Rinig ko na namang sabi ni Luhan. Inis ulit akong napalingon sa kanya.

"Sa tingin mo, alam ko?" Inis kong tanong sa kanya. Nagulat siya.

"Oh, inaano kita? Kausap ba kita huh? Kausap kita?" Nanlalaki ang mga mata niya. Umiwas ako ng tingin. "Huh! Pahiya nga! Tsh." Aniya. Inambaan ko lang siya ng suntok para matabunan ang pagkapahiya pero umiwas siya.

Buwisit kang tukmol ka, nahawa na 'to kay Carla. Tss.

Inismiran ko lang siya at binalik ang paningin sa harap.

Hindi makapaniwalang tumitig si Erin dito. "What? Obligasyon ko 'yon?" Sarkastiko pa siyang natawa. "Sige sabihin nating tama ka, pero ikaw na mismo ang pumutol sa koneksyon nating dalawa."

"Hindi ko iyon pinutol. Alam mo 'yan."

"Hindi mo pinutol? Ano lang? Nginatngat mo, ganoon?" Gusto ko siyang batukan dahil nagawa niya pang magbiro sa ganitong sitwasyon. Napailing ang lalaki.

"Umalis ka, hindi ka nagpaalam...hindi mo ako sinabihan. Wala akong alam, Darren!" Nagulat ako sa pagtaas ng boses niya. Ganoon na rin ang iba.

Matagal bago nakasagot ang kaharap.

"Hindi ko iyon sinabi dahil ayaw kong masaktan ka." Malumanay niyang sagot. Ramdam ang sakit sa bawat pagbanggit niya ng mga salita.

Lalo akong naguguluhan.

"Sa tingin mo ba hindi mo ako nasaktan sa ginawa mong 'yon?" Tanong niya. "Nasaktan mo pa rin ako! N-Nasaktan mo ako, D-Darren." pumiyok siya. Tumulo ang luha. Hindi nakapagsalita ang pinsan ko. Walang nagtangkang magsalita. Kahit ako.

May nahihinuha na ako tungkol sa kanilang dalawa. Pero gusto kong sa kanila muna manggaling at sana, mali ang naiisip ko.

"Nasaktan din ako. Akala ko maiintindihan mo. Akala ko susuportahan mo ako kasi, ikaw 'yan eh. Kasi ikaw ang mas higit na nakakakilala sa'kin. Alam mo namang obligasyon kong sundin sila." Napansin ko ang pangingilid ng luha niya habang nagsasalita.

"Obligasyon mo rin bang iwan ako ng walang pasabi? Biglaan? At hindi ko napaghandaan?"Mariing aniya.

"Oo, naintindihan kita. Kaya nga, hindi na ako naghabol diba? Kasi kahit mga magulang mo, hindi masagot ang simpleng tanong ko." Dagdag niya pa.

Napatingin ako kina Tita at Tito. Napatakip ng bibig si Tita Rose at umiyak. Si Tito naman ay inalalayan ang asawa.

"Kung inaakala mong hindi kita sinuportahan, nagkakamali ka. Dahil kahit hindi mo kita o hindi mo naramdaman. Sa loob loob ko sinisigaw nito kung gaano ako ka-proud sa 'yo." Seryosong aniya.

Tumulo ang luha sa pisngi. Gusto kong matuwa sa kanyang sinabi. Nakakataba ng puso ngunit nadidismaya ako kapag nar-realize na hindi iyon para sa'kin.

Tumingin ako kay Erin. Nakayuko siya ngayon habang hawak-hawak ang laylayan ng dress. Ngumiti ako kahit hindi niya nakikita.

Bilib na bilib ako sa'yo. Iba't-ibang Erin ang nakikita ko. Masyado mo akong pinahahanga.

"Anong naramdaman mo nang umalis ako?" Nangunot ang noo ni Erin sa biglaang itinanong ni Darren.

"Anong klaseng tanong 'yan?" Pagsinghal niyang tanong.

"Just answer it."

"Nakakabobo ang tanong mo, Darren. Hindi ko alam na ganito ka na pala mag isip ngayon." Napapailing niyang sabi.

Ang astig kasi ng tanong mo, dude. Tss.

"Naramdaman ko? Siyempre dapat alam mo na 'yon. Tangina! Bobo na lang ang hindi makakaramdam noon!" Aniya. "Nasaktan ako! Nadismaya, nabalewala at siyempre, nanghinayang. Na sa loob ng dalawang taon, nagawa mo akong ipagpalit, na ganito lang pala 'yong h-halaga ko. Kahit kailan naman, hindi ako naging mahalaga. Hanggang n-ngayon kasi nagawa mo akong ipagpalit sa p-pangarap mo."

Tumingala siya saglit para mapigilan ang pagluha. Pero huli na dahil mabilis itong kumawala sa mga mata niya. Bakas ang awa sa mga mata ni Darren nang titigan niya si Erin.

"P-Pangarap ko 'yon, Erin. Matagal ko na 'yong pan--"

"Yeah, I know, I understand. Don't get me wrong. Nais ko lang namang sabihin 'yong naramdaman ko. Tinanong mo ako diba? Sinagot ko lang." Pagpuputol niya rito.

Nagulat ang lahat nang sumulpot ang isang babae sa may pintuan. Pormal na pormal ito. Nagulat siya nang mapagtanto kung anong nangyayari. Napatingin siya sa nasa gitna. Nanlaki ang mga mata. Kilala ko 'to eh. Nalimutan ko lang ang pangalan. Kaibigan siya ni Erin.

"Uh, sorry. Commercial muna." aniya at napapahiyang nag peace sign. Tiningnan siya ni Erin. Umiwas ito ng tingin.

"Abby." tawag niya sa kaibigan pero sumenyas lang ito ng ituloy na nila.

Napapikit si Erin sa inis. Iginala niya ang paningin at ibinalik ang atensyon kay Darren. Napansin kong tumabi sa amin si Abby. Tiningnan ko siya pero tutok siya sa dalawa.

"H-Hinintay mo ba ako? Galit ka pa rin ba?" Nanginginig ang labing tanong ni Darren. Tumingin sa kanya si Erin at ngumiti. Ngiting hindi umabot sa kanyang mga mata.

"A-Ang tagal kitang hinintay. Kahit na hindi ko alam, kung babalik ka pa, kung may balak ka pa ba. Hindi ko alam kung may kasiguraduhan." Nagbabadya na naman ang kanyang mga luha.

"Oo, nagalit ako. Kasi nasaktan mo ako. Sobrang sakit noon. Masyado akong dumepende sa'yo, kaya noong nawala ka, nabasag ako. Kung ikukumpara 'yong sakit na naramdaman ko noon? Try mong pumunta sa gitna ng kalsada at hayaan mo ang sarili mong mabangga. Ganoon kasakit, Darren." Mariing aniya.

"Isinama mo ako sa lahat. Tapos nawala ka, hindi ko alam. Tangina! Wala akong alam." Tumulo ang luha niya.

Nahirapan siyang magsalita. Hinayaan niyang tumulo ang mga luha niya. Hindi nakasagot si Darren at nakatitig lang sa kanya.

"Inangat mo ako sa ere pero iniwan mo rin ako sa huli." pigil ang luhang sabi niya.

Narinig ko ang pagsinghot ng ilang tao rito. Napatingin ako kina Mommy at Daddy na panay ang punas nila sa mukha. Nagulat din ako nang makitang sirang-sira na ang make up ni Krisha sa kaiiyak. Napasulyap ako kay Luhan. Nakatitig lang siya sa unahan. Si Abby naman ay panay ang singhot at kusot sa namumula niyang mata.

"H-Hindi mo alam..kung ano ang naramdaman ko. H-Hindi mo alam kung anong p-pakiramdam ang m-maiwan. Sobrang sakit, sob-"

Kumuyom ang kamao ko sa nasaksihan. Napamura si Luhan. Si Abby naman ay nagulat.

Hindi na natapos ni Erin ang sasabihin dahil natigilan siya nang bigla siyang hilahin ni Darren at ikulong sa kanyang mga bisig. Napasinghap si Erin sa ginawa nito. Marahan niyang isinandal ang ulo nito sa kanyang dibdib at hinaplos ang kanyang buhok. Napapikit si Erin at sunod-sunod ang pagpatak ng luha. Nalaglag ang panga ko nang gumanti ang asawa ko ng yakap sa pinsan ko. Umiwas ako ng tingin.

Hindi ko kayang tingnan. Ngayon, mukhang tama nga ang hinala ko. Nasasaktan ako, baby. Kumalas ka na sa kanya, please.

"I-Im sorry. Shhh, sorry, damn. I missed you so much." Hinalikan niya pa ang ulo nito.

Hindi ko na napigilan at akma na akong lalapit nang mahigpit akong pigilan ng kamay ni Luhan. Inis ko siyang binalingan.

"What?" Umiling siya

"Huwag muna ngayon. Hayaan mo silang mag usap."

"Ano?!" Inis na ani ko.

"Tsh. Bingi talaga! Huwag muna ngayon, hayaan mo silang mag usap." Inis niyang ulit sa sinabi kanina. Inirapan ko siya.

"Damn. Narinig ko!"

"Oh, bakit nagtanong ka pa? Basta hayaan mo muna sila. Seloso!" Aniya at ibinalik ako sa puwesto ko kanina. Wala akong nagawa kundi sundin siya.

Nagkalas na sila sa pagyayakapan. Nakahinga ako ng maluwag. Nagulat pa ako nang magtama ang paningin namin ni Erin. Tumitig siya sa'kin. Kinabahan ako. Nahigit ko pa ang hininga ko nang bawiin niya na ang mga tingin sa'kin. Ngumiti siya kay Darren.

"Mauna na ako." Paalam niya. Pero hindi pa sya nakakatalikod ay hinawakan ni Darren ang braso niya. Tiningnan iyon ni Erin at saka nag-angat sa kanya ng tingin.

"Mahal pa rin kita, Gaile."

Napamaang si Erin at nanlalaki ang mga matang tumitig sa kanya. Nanginig ang kamay ko. Nakita ko ang pagsulyap sa'kin ni Luhan at Abby.

"Mahal pa rin kita, Gaile."

"Mahal pa rin kita, Gaile."

"Mahal pa rin kita, Gaile."

Para akong binuhusan ng tubig na malamig. Nanghina ako bigla. Para akong biglang natalo sa kung anumang laban. Nag paulit ulit iyon sa pandinig ko, mapait akong napangiti.

Ngayon ay kumpirmado na talaga, Si Erin ang ex niya.

Hindi sumagot ang babae at napalunok siya. Bumakas ang takot sa mga mata ng pinsan ko. Hinawakan niya ang kamay nito at hinalikan.

"P-Please, sabihin mong mahal mo pa rin ako. Say it, honey." malambing na aniya.

Fuck! I want to punch his fucking face!

"D-Darren.." nanghihinang sambit nito sa pangalan niya.

"Ako pa rin naman diba? Please? Erin?" bumakas ang luha ng lalaki nang makita ang mukha ni Erin. "Ako pa nga rin ba?" Umaasang tanong niya.

Yumuko si Erin at nanginig ang dalawang balikat. Dahan-dahan ang ginawa niyang pag iling at kasabay noon ang pagtulo ng luha niya. Nabitiwan ni Darren ang kanyang kamay. Natulala, tumulo ang luha at hindi makapaniwala.

"I'm sorry, Darren. Pero iba na hindi na i-ikaw." Umiling ang kausap.

"N-No. Don't say that."

"Pero totoo at hindi ko alam na konektado siya sa'yo." she bit her lower lip.

"S-Sino?" Umiling si Erin.

"D-Darren." Umiling ito.

Nangunot ang noo ko. Damn, woman. Are you ashamed of me?

"Sino, Gaile?" Mas matigas na ngayong tanong niya.

Lihim akong napangisi. Gusto mo akong makilala ah. Alright.

Humakbang ako papalapit sa kanilang puwesto. Napatingin sa'kin ang mga mata ng mga nanunuod. Umiyak si Mommy, si Tita ay nanlalaki ang mga mata. Napalingon sa'kin si Darren. Nangunot ang noo niya sa ginawa kong paglapit.

"D-Drake."

Nginisian ko lang siya.

"Gusto mong makilala ang asawa ko diba?" Tanong ko. Lalo pang kumunot ang noo niya.

"O-Oo, pero sa ibang araw na lang." Aniya, tila naubusan ng lakas.

"No. Gusto ko ngayon na besides, narito na rin naman siya." Naramdaman ko ang paghinga nang malalim ni Erin sa tabi ko.

Nanliit ang mga mata ng pinsan ko nang hawakan ko ang kamay ni Erin. Napasinghap siya.

"What the hell?!" He exclaimed.

Tiningnan ko si Erin, nanginginig ang kanyang kamay. Pinisil ko ito, napatingin siya sa'kin. Pagang-paga na ang mga mata niya. Nginitian ko siya.

"She's Erin." Tumingin ako sa harap. "Erin Gaile Shawn Anderson. My lovely wife, Darren." Nakangiting saad ko.

Nalaglag ang panga niya sa gulat. Napaatras pa siya habang umiiling.

"N-No! That's not true! Tangina! Ex ko siya, Drake at pinsan kita. This is insane. Fuck." Tumulo ang luha niya. Tumingin siya kay Erin. "Magpinsan. Pinsan ko siya, Gaile bakit?"

"This is not her fault. Wala siyang kasalanan." Ani ko

"Uh-huh? Nakalimutan ko nga pala, biglaan ang naging kasal niyo. Ang galing, ang tagal ko siyang hinahanap, nasa 'yo lang pala." Nasapo niya ang noo.

"Hindi ko alam na siya 'yon, Darren." Sabi ko. Hindi siya nagsalita.

Tiningnan ko si Erin. Her hands were shaking. Nakatitig siya kay Darren. Napatingin ako sa kaharap ko at parang nawalan ako ng lakas nang mapansin na nagtititigan sila.

I looked at her, feeling defeated.

Mahal mo pa ba siya? Mayroon ka pa bang nararamdaman para sa kanya?

Ano naman pala kung meron pa nga?

You're just mine Erin.

And Darren? Tss, dream on.

Continue Reading

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
9.8M 293K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...
914K 31.2K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.