It's Complicated

Par AillexSkcy

55.7K 1K 94

Jerk at maattitude ang tawag ng marami kay Kai Alejandro, isang babae na lumaki sa bansang Spain ngunit kinal... Plus

Reminders
Prologue
Chapter 1: Weird
Chapter 2: Café Morina
Chapter 3: Safety first
Chapter 4: Goodluck
Chapter 5: With her
Chapter 6: I miss you and I love you
Chapter 7: Puesta de sol (SUNSET)
Chapter 8: Ex
Chapter 9: Jealous
Chapter 10: Tutor
Chapter 11: Anu Tayo na?
Chapter 12: Earrings
Chapter 13: Goldy Kai
Chapter 14: Can't Wait
Chapter 15: Late
Chapter 16: Perfume
Chapter 17: Ela's Career
Chapter 18: Photoshoot with my EX
Chapter 19: The Kiss
Chapter 21: The Party
Chapter 22: Dalagang Pilipina
Chapter 23: The Meet Up
Chapter 24: EMERGENCY
Chapter 25: I Love You
Chapter 26: Hiccup
Chapter 27: Unforgettable Moment
Chapter 28: Charm
Chapter 29: I still love you
Chapter 30: Love Team
Chapter 31: New Concept
Chapter 32: The International Model Collide
Chapter 33: KAIBIGAN
Chapter 34: Nightmare
Chapter 35: Omelette
Chapter 36: Delicioso
Chapter 37: Confused
Chapter 38: Trending
Chapter 39: Still confused
Chapter 40: Text
:( Chapter 41: I LOVE YOU, GOODBYE :(
Chapter 42: Nonsense Deal
Chapter 43: Safe
Chapter 44: Don't make me worry
Chapter 45:
Chapter 46: Your Lips
Chapter 47: Laura and Abbie
Chapter 48: I am still your best friend and you are still my best friend
Chapter 49: I have something to tell you <3
Chapter 50: Vanilla Lace
Extra Chapter
Epilogue
Book Announcement
Book Two of It's Complicated

Chapter 20:

716 15 0
Par AillexSkcy


Chapter 20:

Kai's POV

Alas otso na ng umaga ng makarating ako sa condominium ni Jane. Ang sabi ng guard hindi pa raw dumating si Jane, kaya hindi muna ako umakyat. Dala ko ang tatlong libro na ginamit ko noong nagrereview din ako for my exam. Habang naghihintay napansin ko ang isang nagmamadaling babae papasakay ng elevator.

Si Jane yun ah. Usal ng isip ko ng mapansin ang babaeng iyon. Dali dali ko siyang sinundan, sasara na sana ang pinto ng elevator ng iharang ko ang kamay ko.

"Kai?" Gulat niyang sambit, tila hindi niya inaasahan ang aking pagdating dahil sa pagkagulat. May dala siyang dalawang supot na humaharang sa kanyang mukha, kaya tinulungan ko siya dahil madami dami din iyon.

"Sorry kakarating ko lang." Pagpapaumanhin niya ng makuha ko ang isang supot na may lamang mga pagkain.

"Okay lang." Nakangiti kong tugon.

.
.
.
.

"Nag almusal ka na ba?" Tanong niya habang abala sa kanyang ginagawa sa kusina.

"Tapos na ako, magluluto ka ba?" Lumapit ako sa kanya para tingnan kung ano ang inihahanda niya.

"After lunch mo ako itutor. Para pati makuha ko na ang perfect na lasa ng recipe kong ito." Sabay turo sa mga specimen.
Tumango tango na lang ako bilang sagot, nakakapanibago ang laki ng ngiti niya. Ano na naman kaya ang nangyari at sagad ang ngiti ng babaeng ito.

"Bakit?" Nagulat ako ng magtanong siya, nakatitig pala ako sa kanya.

"May dumi ba ako sa mukha?"

"Ah wala." Pagpapanggap ko.

"E ano nga?"

"Wala, huwag mo ng pansinin iyon." Bumalik ako sa living room para ihanda ang mga libro at notes na nagamit ko.

Lumipas ang ilang sandali, may naamoy akong mabango na nagmumula sa kitchen. Tumungo ako doon para icheck ang niluluto ni Jane, ngunit walang tao doon. Nagpalinga linga ako sa magkabilang pinto na malapit sa kitchen pero wala akong Jane na nakita. Nilapitan ko ang nakasalang na kaserola, kumukulo na ang niluluto niyang tinola. Pero parang may kulang sa amoy, kaya binuksan ko ang refrigerator, kumuha ako ng dahon ng sili at agad na hinusagasan sabay inilagay sa kumukulong tinola. Muli kong inamoy ang tinola, nakapikit ako ng damhin ang amoy na iyon. Pero agad akong napamulat dahil biglang may yumakap sa akin mula sa likod.

"I miss you so much." Nanlaki ang mata ko ng mabosesan kung sino iyon. Naamoy ko din ang perfume niya. Iniharap niya ako sa kanya, saktong nagtama ang aming mga mata. Ramdam ko ang mainit at mabango niyang hininga, at halos magdikit na ang aming mga labi. Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Ano ba ang ginagawa ng babaeng ito? Tanong ng isip ko habang nakatitig sa mga mata ni Jane. Nakasandal ako sa stove at ramdam ko ang init ng kaserola dahil sa pagkulo nito. Hindi ako makahinga ng ayos habang  ikinulong niya ako sa kanyang braso.

"Yung yung niluluto mo." Pautal utal kong sambit dahil kapag nagkamali ako maaaring maglapat ang aming mga labi. Napakunot ako ng noo ng bigla siyang ngumisi.

"Bakit ka nauutal?" Bigla naman akong napalingon sa nakasalang na kaserola ng marinig ang malakas na pagkulo nito. Ibabalik ko na sana ang tingin kay Jane ng maalala na nakaharap pa rin siya sa akin. Hinawi ko ang braso niya na nakakulong sa akin. Nang makalayo ako sa kanya ay pansin ko ang pag smirk niya. Ano bang nangyayari sa kanya? May sayad ba siya?

Napahinga na lang ako ng maluwag ng bumalik ako sa living room.

"Kumain ka na ba?" Mabilis akong napalingon kay Jane, pero hindi ko sinagot ang tanong niya. Mabuti na lang at hindi siya nakatingin ng lumingon ako sa kanya.

"Bilisan mo diyan, nang makatapos na tayo." Abala ako sa pagsusulat ng biglang may tumapik ng balikat ko. Alam kong si Jane iyon, kaya hindi ako lumingon.

"Tanong ko lang may tayo ba?" Natigilan ako sa narinig ko. Lumingon ako sa likuran ko para makita si Jane, pero sa di inaasahan biglang nagdikit ang mga labi namin. Agad naman akong humiwalay ng maramdaman iyon. Tumayo ako sa kinauupuan ko habang siya naman ay ngiting ngiti habang pabalik ng kusina. Nanlaki ang mata ko sa mga sandaling iyon, pero si Jane nakangiti lang na para bang gustong gusto ang nangyari.

"Sorry, sorry." Paghingi ko ng paumanhin dahil sa aksidente.

"Okay lang." Nakangiti niyang tugon sa paghingi ko ng paumanhin. Napahawak ako sa labi ko at agad pumunas ng kaunti.

"Ngayon ka lang ba nakahalik ng babae?" Napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig ang tanong ni Jane. Anong akala niya sa akin, mahilig manghalik.

"Tapos ka na ba?" Pag iiba ko ng usapan. Napapansin ko na kasi kanina pa siya ganyan.

"Answer me." May pang aakit niyang sambit. Naparoll eyes na lang ako, at muling umupo ng makalayo siya.

Ano bang nasa isip ng babaeng ito? Bakit ba siya nagkakaganyan?

Jane's POV

Hindi ko mapigilang hindi gawin iyon sa harap ni Kai, gusto kong alamin kung ano ba talaga itong nararamdaman ko. Ang saya lang kasi ang sarap niyang pagtripan, pero parang ang sama namang tingnan. Kanina habang pabalik ako dito sa condo, napaisip ako sa ginawa ko sa coffee shop. Tinanong ko ang sarili ko kung bakit ako tumugon sa halik ni Ela. Sa halik na dapat galit ako sa kanya dahil iniwan niya ako. Umalis siya tapos babalik na para bang wala siyang nasaktan, siguro nga namiss ko lang siya kaya ako nadala sa halik niya, pero kakaiba ang labi ni Kai kahit smack lang ang nangyari. Her virgin lips is so sweet, oo virgin kasi halatang first time ni Kai. Pero nakakainis dahil pati siya na walang kaalam alam ay nadadamay ko pa sa problema ko.

Siguro mas mabuti kung umiwas na lang muna ako kay Ela, hindi ko alam ang takbo ng isip niya at hindi ko din alam kung ano na ang magiging next step after that scenario. Maybe I should focus on my review for the upcoming exam and focus for the upcoming Dj collide that are going to held at Australia.

Tinapos ko na ang pagluluto at itinabi muna. Sa lunch na lang namin ni Kai kakainin, tutal nakakain naman na ako ng breakfast. At siguradong nausok na ang ilong ng babaeng iyon, kanina pa kasi siya naghihintay.

.
.
.
.
.

"Pagkatapos mo diyan, tuturuan naman kita sa practical test mo." Grabe nakakaloka ang mga itunuro ni Kai, hindi ko akalain na ganoon pala ang mga tanong na naencounter niya noong kumuha siya ng board exam.

"Hindi mo ba talaga tanda ang mga question?"

"Sa pagkakaalam ko bawat taon iba ang mga tanong at scenarios na ginagamit. Basta ang masasabi ko lang, puro situational ang maeencounter mo." Napasabunot na lang ako sa buhok ko habang sinasabi iyon ni Kai. Wala akong tanging magagawa kundi ang sundin ang lahat ng itinuro ni Kai

.
.
.
.
.

Nakatapos na kami sa lunch namin ng bigla kong naisipang magpalit ng damit. Medyo naiinitan na kasi ako kaya sinubukan kong maghubad ng damit, may sando naman ako kaya hindi naman siguro masama.

"Anong ginagawa mo?" Napatingin ako kay Kai ng magtanong siya, natural maghuhubad. Tutya ng isip ko habang tinatanggal ang suot kong damit. Nakatingin lang ako kay Kai habang siya naman abala sa pagtitig sa katawan ko. May pagkamanyak din pala ang babaeng ito, wagas kung makatitig e.

"Mainit kasi, tsaka okay lang namang magsando. Nga pala may party mamaya sa ground floor imbitado tayo."

"Sorry pero kailangan kong umuwi."

"Diba ang usapan natin akin lahat ng oras mo ngayong araw."

"Wow, pati pa ba yun kasama? Tsaka siguro naman gets mo na lahat ng tinuro ko sayo."

"Oo, kaya nga buong araw."

"Nagpapatawa ka ba?" Natatawa niyang tanong sa akin.

"No I'm not." Napansin kong natigilan sa pagtawa si Kai.

"Seriously?"

"Definitely." Ibinagsak ko ang basahan sa table matapos sabihin iyon, dumiretso ako sa kuwarto at nagsara ng pinto.

Ayaw kong mag assume na susundan niya ako, dahil ano naman ako sa kanya at sino naman ako sa kanya para mag inarte ng ganito. Napamay awang na lang ako habang nakatitig sa litrato na pinakatabi tabi ko pa.

Tok tok tok

May narinig ako katok na nagpalingon sa akin sa direksyon ng pinto.

"Jane!" Sigaw ng boses ni Kai sa harap ng pinto. Ayaw kong buksan ang pintong iyon, naiinis ako sa sarili ko dahil sa mga nangyayari. Ano namang karapatan kong magtampo? E boss niya lang ako, at tutor ko naman siya. Haist hindi ko na alam ang gagawin sa nararamdaman ko.

"Jane! Sorry!" Patuloy siyang kumakatok, ako naman parang bata na nagtampo. Ilang sandali ang lumipas, wala na akong narinig na katok kaya alam kong bumalik na si Kai sa living room. Napagod din siya agad sa pagsuyo sa mala bata kong ugali. Haist mas mabuti pa sigurong magfocus na lang ako sa review ko.

Makalipas ang ilang minuto ay naisipan ko ng lumabas, huminga muna ako ng malalim bago iikot ang door knob. Pagkalabas ko, walang tao. Pumunta ako ng kitchen, banyo at terrace pero wala, ni anino niya di ko mahagilap.

Umuwi na yata sambit ng isip ko habang malungkot na umupo sa sofa.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

2.4M 154K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
7.5K 226 43
University Series #01: Charlotte Grace Reyes & Flair Keyne Ross "She's the girl who own my lips." ©shaitamad Allrightreserved2K21
64.5K 2.7K 80
Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil...
4.4K 109 16
YoungxAdult • GirlxGirl • ShortStory