THE REBEL SLAM 2: ASER JEZER

By syanajane

122K 2.4K 31

The Rakista Princess, iyon ang tawag ni Aser sa anak ng kaibigan ng mommy niya. Krizhia Ramos is the name, su... More

THE REBEL SLAM 2: ASER JEZER
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY FIVE
CHAPTER THIRTY SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER 40
CHAPTER FORTY-ONE (FINALE)
The Rebel Slam Special Interview with School's Editor, Sean Navarro PART 2

CHAPTER NINE

2.4K 47 1
By syanajane

CHAPTER NINE

"MOM?" tawag ni Aser sa ina nang makauwi galing sa gig nila ng mga kaibigan.

Patay ang ilaw sa buong bahay pero bukas naman ang maindoor. Sigurado siyang nasa loob lang ito.

Kinapa niya ang switch and turn it on. Bumaha ang liwanag sa malaking bahay nila. Ini-lock na niya ang pinto pati na ang mga bintana.

"Mom?" malakas na ang tawag niya ngayon.

"I'm here, Aser," tinig iyon ng kanyang ina na nagmumula sa maliit na bar.

Pinuntahan niya ito. Nagsalubong ang kilay nang makita ang ina na may hawak na baso ng alak at may bote ng alak na malapit nang masaid. Nakaoffice uniform pa ito. Mukhang pagkadating sa bahay ay alak agad ang hinarap.

"Hello, sweetheart. How was your gig?"

"You're drunk, mom. Matulog ka na. Besides, it's already midnight."

Nilapitan niya ito sa kinauupuang stool at ikinawit ang braso nito sa balikat niya. Inalalayan sa pagtayo.

Pinigilan naman siya nito. "Hindi mo man lang ba sasamahang magpakalasing ang mommy mo?" Iniabot nito sa kanya ang baso na may lamang alak.

Kinuha niya naman iyon at muling inilapag sa mesa. Pinilit na niya itong ilayo sa bar.

"You know, son, your father really is a bastard! But I was grateful that he gave you to me," simula ng pagkukwento nito. "Ilang taon niya ba tayong pinabayaan, ha? Ten years? Eleven years? I don't remember. Kung hindi mayaman ang pamilya ko, baka kung saan na tayo pinulot."

He was a product of a broken family. His father got a mistress. Nang malaman iyon ng ina ay pinalayas nito ang ama niya. Ngayon ay ang mistress na ang kinakasama ng daddy niya. May mga step sisters na rin siya.

"And now, bumabalik siya para kunin ka? Hah! Karma na niya kung hindi siya nagkaroon ng anak na lalaki sa babaeng iyon! Hinding-hindi kita ibibigay sa kanya!"

Napakunot ang noo niya.

"Pinuntahan ka ni daddy?"

"Yes! He had the nerve to stormed at my office para sabihing kailangan ka niya para pamahalaan ang negosyo niya balang araw."

Napatiimbagang siya.

After all those years na pinabayaan sila nito, siya. Ngayon ay ito naman ang mangangailangan sa kanya? Napailing siya.

'Great.' Pero mabibigo ito sa kanya.

Patuloy ang pagkukwento ng mommy niya hanggang sa madala niya ito sa kwarto nito. Inihiga niya ito sa kama. Inalis niya ang mga sandals nito at kinumutan ito.

Sa totoo lang ay naaawa siya sa ina. She was miserable hanggang ngayon. She loved his father very much. Kaya napakasakit para dito nang malamang may ibang babae ang asawa.

"Goodnight, mom."

"Goodnight, sweetheart."

Nang pumikit na ito ay ipinasya niya na ring lumabas doon.

Napabuntong hininga siya pagkapinid ng pinto.

Hindi siya ang tipo ng tao na iniisip ang problema. Pero ramdam niya ngayon ang bigat ng dibdib.

Bagaman tanggap niya na ang nangyari sa pamilya nila, hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng galit sa ama. Kahit na kasi hindi na nila ito kasama, patuloy pa rin nitong pinahihirapan ang mommy niya. Like now.

He may be a rebel but he cared for her mother that much. Napakasupportive naman kasi nito sa kanya. Lahat ng gusto niya, ibinibigay nito. Nang malaman nga nito na bumuo sila ng banda ng mga kaibigan ay ibinili agad siya ng bass guitar. Gusto pa sanang magrenta ng studio para sa kanila pero sinabi nilang may music room ang bahay nina Grendle at pwede nilang gawing studio. Halos lahat din ng mga gigs nila ay ito ang umaayos. Nagsilbi itong manager ng The Rebel Slam.

Pagkapasok niya sa sariling kwarto ay inilapag niya ang nakasukbit na bass sa lalagyan niyon. Umupo siya sa gilid ng kama at ibinagsak ang katawan doon.

May isa pang gumugulo sa isipan niya ng mga oras na iyon.

Kanina, nakita niya si Krizhia sa pinuntahan niyang gig. Tumugtog din ang mga ito doon. Pero ang ipinagtataka niya ay ni hindi man lang siya nito pinansin kahit lumapit siya dito at nag-hi. Akala pa naman niya okay na sila matapos noong tumugtog ang Sinner Saints kasama siya. Pero bakit parang lumalayo ito noong makita niya kanina?

Nagalit na naman ba ito sa ginawa niyang paghalik dito nang nakaraang gabi? But he's not sorry in kissing her again. Sa cheeks lang naman.

At bakit na lang naaapektuhan siya ng husto dahil dito?

Hindi kaya...

Napabangon siyang bigla.

'May gusto ako kay Krizhia?'

He felt the excitement on that thought. Napangiti siya. Hinagilap niya ang cellphone sa bulsa. Itetext niya ito ngayon. As usual, mangungulit na naman siya.

Pero natigilan siya nang makitang may mga new messages siya. Lahat iyon, galing kay Irene. Napalis ang ngiti niya.

Ano nga ba'ng nararamdaman niya para dito?

Aaminin niyang protective siya dito. And he likes her. Inalala niya ang naramdaman niya noong nagtapat ito sa kanya. He was shocked. Kahit may idea na siya kung ano'ng nararamdaman nito sa kanya ay nabigla pa rin siya. Wala siyang nakapang tuwa sa dibdib. Mas may dating pa sa kanya sa tuwing minumura siya ni Krizhia.

But he care for Irene.

Isa-isa niyang binuksan ang mga messages nito. Wala namang gaanong nakalagay doon. Nangangamusta lang. Mas minabuti niyang 'wag na lang itong reply-an. Ayaw na niya itong umasa pa sa kanya.

Gumawa na lang siya ng text message para kay Krizhia.

"Goodnight. Sweetdreams... :)" Gusto niya pa sana iyong dagdagan pero nagbago ang isip niya. Iyon na mismo ang ipinadala niya sa dalagita.

Naghintay siya ng ilang minuto sa reply nito pero walang dumating. Napapailing na tumayo na lang siya at naglinis ng katawan.

-----------------

MUNTIK nang madulas si Krizhia sa hagdan nang makita ang lalaking kausap ng mommy niya sa sala.

Si Aser!

Napakunot noo siya. Ano'ng ginagawa ng lalaki doon?

Saka paano siya tatakas ngayong naroon si Aser? Alam niyang alam ni Aser na may gig sila ngayon. Baka ibuko siya nito sa mommy niya.

Pinalis niya iyon sa isip. Hindi naman ito ganoon, di ba? Noong nakaraan nga, tinulungan pa siya nitong magpalusot sa mommy niya.

Hindi niya alam kung bakit bumilis ng ganito ang tibok ng puso niya. Naalala niya 'yong gabing hinalikan siya nito sa pisngi. Lalo lang lumakas ang kabog ng puso niya.

Habang bumababa ay kinalamay niya ang sarili. Hindi dapat siya magpaapekto dito.

Pero nang dumako ang tingin nito sa kanya at ngumiti ito, nagwala na naman ang puso niya. Nalimutan niyang nasa hagdan nga pala siya kaya nabigla siya nang madulas ang isang paa.

"Krizhia!" dweto ng mommy niya at ni Aser.

Mabuti na lang at nakahawak siya sa barandilya ng hagdan kung hindi ay nagtuloy-tuloy na siya sa ibaba.

Naramdaman niya ang pag-alalay ng mga kamay na iyon sa kanya. Iniupo siya nito sa isang baitang ng hagdan.

"Okay ka lang?"

Ang nag-aalalang mukha ni Aser ang nalingunan niya. Natigilan siya. Bakit yata alalang alala ito sa kanya ngayon? Wala ang mapanudyo at pilyong itsura nito. Pag-aalala lang nakabadha sa mukha nito. Ang mga mata nitong katitigan niya ay ganoon din ang ipinapakita.

"Krizhia?"

Natauhan siya nang marinig ang pagtawag ng ina. Saka niya lang napansin na ilang saglit na silang magkatitigan ni Aser. Napalunok siya nang mapansing napakalapit ng mga mukha nila sa isa't isa.

Napakurap siya at ibinaling agad ang paningin sa ibang direksyon. Ito na naman ang nakakalitong pintig ng puso niya.

"I... ah..." Tumikhim siya. "I'm fine."

"Are you sure?" ani Aser.

Tumango lang siya.

Napabuntong-hininga si Alyana. "Next time, titingin kang mabuti sa dinadaanan mo. Hayan tuloy. Sigurado ka ba'ng walang masakit, anak?"

"Yup. I'm fine, mom." Bilang patunay ay tumayo siya. Inalalayan pa siya ni Aser. "Wala 'to. Hindi naman ako natuluyang nalaglag."

Naglakad na siya pababa. Ramdam niya ang pagkirot ng paa niya. Tiniis niya na lang iyon at hindi ipinakita sa dalawa. Mas mahalagang makaiwas siya sa pagkakahawak ni Aser.

Nang makababa ay hinarap niya pa ang mga ito.

"See? I'm fine."

Nakahinga naman ng maluwag si Alyana. Samantalang si Aser ay hindi pa rin maalis sa mukha ang pag-aalala. Hindi niya na lang ito pinansin.

"By the way, mommy, may pupuntahan--"

"It's okay. Nasabi na sa akin ni Aser na may pupuntahan kayo ng mga kaibigan niyo ngayon."

Gulat na napalingon siya kay Aser. Kumindat lang ito sa kanya.

Hindi na pala niya kailangang gumawa ng alibi.

Hindi niya alam kung matutuwa o maiinis sa ginawa ni Aser. Pero deep inside her, thankful siya dito dahil hindi na niya kinakailangang magsinungaling para lang makalabas. Nagi-guilty rin naman siya.

Hindi na lang siya sumagot.

Motorbike ni Aser ang ginamit nila sa pagpunta sa party na tutugtugan nila. Marahil ay tutugtog din doon ang banda nito.

Habang nasa daan ay hindi siya umiimik. Na ikinabahala naman nito.

"You're so quiet, Krizhia. Hindi mo ba ako aawayin?" basag nito sa katahimikan.

"Why should I?"

"Kinakabahan ako kapag ganyang tahimik ka, eh. Hindi mo naman ako pinagbabalakang ihulog sa motor, di ba?"

Hindi niya mapigilang mapangiti.

"Sabi ko na nga ba! May balak kang masama sa akin," palatak nito ng makita ang ngiti niya.

"Pwede ba, Aser? Wala ako'ng mapapala kung isasalvage kita ngayon," nakairap na sabi niya. 'Kawawa naman ang babaeng naghihintay na pansinin mo.'

"Mabuti naman. Mabait ka rin pala sa akin, Krizhia. So, saan tayo magdedate ngayon?"

"Ihulog na kaya kita?"

"Joke lang! Ito naman, di na mabiro." Binuntutan nito iyon ng tawa.

Pero sa pandinig niya ay tila ba hungkag ang tawang iyon.

Hindi niya maiwasang mapatingala sa mukha nito. Wala silang suot na helmet kaya kita niya ang mukha nito.

Ngayon niya lang napagtanto na hindi ganoon kasigla ang itsura nito.

"Okay ka lang, Aser?" huli na para bawiin niya ang mga salitang ito na kusa na lang lumabas sa mga labi niya.

Natigilan ito. Bahagyang lumingon sa gawi niya. Pagkuwa'y pilit na tumawa.

"What do you mean? Ofcoarse, okay lang ako."

"Para kasing..." Hindi na niya itinuloy ang sasabihin. Baka kung ano pa ang isipin nito.

"Parang...?"

'... May problema ka...' Napabuntong-hininga siya. "W-wala. Huwag mo akong intindihin. Bilisan mo na lang at baka malate tayo."

Hindi na ito nag-usisa pa. Tumahimik na rin.

Naninibago talaga siya sa mga ikinikilos nito.

Kung normal ito ngayon ay mangungulit pa ito at dadaldalin siya pero hindi, eh. Nanahimik na lang basta ito.

------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 11.2K 38
Hindi inaasahan ni Abby na makikita niya si Lucas sa isang party ng kanilang barkada.Nine years ago,they fell inlove Pero masyado niyang nasaktan ito...
4.8M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...
186K 4.3K 28
Napakabilis ng mga pangyayari hindi ko inasahan yun kaya napanganga ako para sana magsalita pero wrong move kasi lalo lang naglapat ang mga labi nami...
206K 5.5K 35
Broken hearted si Donita nang aksidenteng mabunggo niya ang bokalista ng bandang pinakapinag uusapan sa campus nila, si Grendle ng The Rebel Slam ban...