CHAPTER TWELVE

2.3K 60 0
                                    

CHAPTER TWELVE

"GRENDLE!"

Halatang nasorpresa si Donita nang bumungad sila sa restaurant ng mga ito. Agad na nilapitan nito ang nobyo.

"Good evening, girlfriend." Hinalikan ito ni Grendle sa pisngi.

"Ano'ng ginagawa niyo dito?" Nagpalipat-lipat ang paningin nito sa kanilang lima.

"Parang ayaw mong makita ang boyfriend mo, ah!"

"Hindi naman sa ganoon, Clyde. Nabigla lang ako." Bumaling ito kay Grendle. "Sabi mo may gig kayo?"

"Yup--"

"Hanggang dito lang ba kami pwedeng pumasok sa resto niyo? Nangangalay na ako," reklamo ni Kyle.

Kita niya ang pagsimangot ni Donita. Pagkuwa'y pilit na ngumiti nang bumaling sa nobyo.

"Dito tayo."

Iginiya sila nito sa bakanteng mesang pang-animan.

"Krizhia, buti nakaladkad ka ng mga lokong 'to dito?"

"Ah, oo--"

"Donita, may yelo ba kayo d'yan? Kailangan namin para ipang-first aid sa pasa ni Krizhia," agad ni Aser sa pansin nito. Ipinakita nito ang braso niya sa dalagita.

"My gosh! Ano'ng nangyari d'yan? Okay, kukuha lang ako ng yelo. Sandali lang."

"Paano ang orders namin?"

"Manahimik ka nga muna d'yan, antuking wirdong Kyle."

Mukhang nahahawa na sa pagsasalita niya si Donita, ah. Pinameywangan pa nito ang lalaki.

"Ako na lang ang kukuha ng orders nila, girlfriend. Ikuha mo na lang ng yelo si Krizhia." Kinuha ni Grendle sa nobya ang menu.

"Okay." Ngumiti muna ito sa nobyo bago nagmamadaling pumunta sa kusina.

"Hay, pag-ibig nga naman. Lagi na lang inaamag sa paligid kapag nasasama sina 'tol Grendle at Donita."

Walang pumansin sa buntong-hininga ni Clyde. Busy ang lahat. Si Grendle ay busy sa pagsunod ng mata kay Donita sa kusina. Ang antuking wirdo na si Kyle ay busy sa pagtingin sa menu. At si Aser naman... well, heto busy sa pagtitig sa kanya. At siya, busy sa pagdedecode at pagfeel ng mga nararamdaman niya habang hindi makatingin ng diretso dito.

"Ah, Aser?" hindi na siya nakapagpigil pa. Masyado na kasi siyang nakoconcious sa titig nito. "M-may dumi ba ang mukha ko?"

"Wala."

"Bakit ganyan ka makatitig? At saka bakit ang tahimik mo yata?"

"Problemado 'yang si Aser, Krizhia baby. Sa akin ka na lang makipag-usap."

"Shut up, Clyde. Don't call her baby."

"Whoa! 'Tol, hinahigh-blood ka na naman." At binuntutan iyon ng tawa.

Napailing na lang si Aser.

Siya naman ay na-curious sa sinabi ni Clyde.

May problema si Aser? Hmm, kanina niya pa nga napapansin iyon. Pero ano naman kaya iyon?

Bago pa siya makapagtanong ay dumating na si Donita dala ang yelo sa mangkok at bimpo. Kinuha iyon ni Aser. Hindi siya nakatanggi nang hilahin nito ang braso niya at dampian ang pasa ng bimpong may yelo.

Hindi niya maiwasang tumingin sa mukha nito habang ginagawa nito iyon. Parang gusto niyang haplusin ang makinis na pisngi nito hanggang sa bumalik ang dating kislap ng mga mata nito.

THE REBEL SLAM 2: ASER JEZERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon