CHAPTER THIRTY SIX

2.4K 50 0
                                    

CHAPTER THIRTY SIX

"ANG galing mo talaga, Krizhia! Kaya nga mahal kita, eh! I love you, Krizhia!!"

Gusto niya sanang magdiwang sa sigaw ni Aser na iyon. Pero nang makita niya ang hapding lumarawan sa mukha ni Irene, nabawasan tuloy ang saya niya. Malamang ay narinig din nito ang sinabi ni Aser na iyon.

Gusto niya ito'ng makausap kaya lang ay nasa stage pa siya noon at kasalukuyang kumakanta. Besides, matapos ang ilang saglit na pagtitig sa gawi ni Aser ay tumalikod na ito at naglakad palabas ng function hall. Kita niya pa ang pagpatak ng luha nito.

Naaawa siya dito. Pero hanggang doon na lang iyon. Hindi na niya hahayaang makaporma ito kay Aser. Kaligayahan niya ang gusto nitong makuha at hindi niya maaaring ipamigay na lang iyon dito ng basta.

'Sorry, Irene... Pero mahal ko rin si Aser...'

Ibinalik niya ang paningin kay Aser at ginantihan ito ng ngiti. Sa ngayon, hindi niya muna hahayaang sirain ni Irene ang kasiyahang nadarama niya. Saka na niya poproblemahin kung sakaling hindi pa rin nito isinusuko si Aser.

------------------------

"MY gulay, Krizhia! Kinikilig ako kay Aser!" ani Hanna sabay hampas sa balikat niya.

"Oo nga, Krizhia. Ang haba ng hair mo, ha? Talagang isinigaw na ni Aser sa buong earth na mahal ka niya!" sabi naman ng kinikilig na si Mia.

Siya man ay kinikilig sa mga aktuwasyon ni Aser. Nang mga oras lang na iyon sila nagkahiwalay ni Aser sa buong party dahil kailangang tumugtog ng The Rebel Slam. Nasa stage na ang mga ito ngayon at nag-aayos ng mga instruments. Pero hindi pa man tumutugtog ang mga ito pero hindi na magkamayaw ang mga schoolmates niya sa paghiyaw.

"Hoy, Krizhia, magkwento ka naman!" untag ni Hanna nang hindi siya sumagot.

"Haay, mga girls talaga. Mas kinikilig pa kaysa sa mismong taong dapat kiligin."

"Hay naku, Bob, kung hindi ka maka-relate, manahimik ka na lang diyan, okey?"

"Ano na, Krizhia? Kayo na ba ni Aser?"

Mula sa stage ay ibinaling niya ang paningin siya mga ito. Ngumiti siya ng matamis.

"Nanliligaw pa lang siya."

"Nanliligaw? Bakit pa?"

"Oo nga naman?"

Hindi niya sinagot ang mga ito. Ibinaling na lamang niya ulit ang paningin sa stage. Tapos na'ng mag-ayos ng instrument ang mga ito. Ngayon ay magsisimula nang tumugtog ang mga ito.

Maya-maya'y may napansin siya. Nilingon niya ang mga kabanda.

"Si Jazmine nga pala?"

"Hindi mo ba nakita? Nasa frontrow siya. Type niya yata iyong dalawang single sa Rebel Slam."

"Hanna, single pa ba si Clyde?"

"Hay naku, Mia. Every week single iyon. At every week din, iba ang girlfriend. Kaya ipagpalagay na rin nating nasa single and available list siya."

"Gano'n? Sabagay, sobrang gwapo naman talaga si Clyde. Hindi na kataka-takang ganoon siya kababaero, ano."

"Ladies and gentlemen, ang pinakahihintay ng lahat na tumutog sa Valentines party natin. Here they are... The Rebel Slam band!"

Lumipad ang paningin nilang lahat sa stage kasabay ng paghihiyawan ng mga manonood.

'Jusme talaga ang mga babaeng ito! Hindi ba nasisira ang mga eardrum ng mga ito sa tili ng bawat isa?' Siya kasi ay parang gusto nang magtakip ng tenga.

THE REBEL SLAM 2: ASER JEZERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon