The Unwanted Wife (Unwanted D...

Oleh Aimeesshh25

1M 14.7K 1.4K

Siya ay isang babaeng simple, kalog at mapang asar. Lahat nang may kinalaman sa pagkabaliw. Siya na 'yon. Lah... Lebih Banyak

THE UNWANTED WIFE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE

CHAPTER 41

12.2K 197 13
Oleh Aimeesshh25

LUHAN'S POV

Kumusta kaya siya? Okay lang ba siya? Gusto ko siyang puntahan, gusto ko siyang damayan sa lahat ng sakit na nararamdaman niya, gusto ko siyang yakapin. Pero alam kung hindi puwede at hindi tama. Meron na kasing aalalay sa kanya, meron nang dadamay sa kanya, meron na at hindi ako 'yon. Kundi ang asawa niya.

Napabuntong hininga ako at sumimsim sa kapeng nasa aking harapan. Nilaro ko ito sa aking mga daliri.

Naiisip ko ang mukha niya nang malaman niyang hindi siya anak ng kinikilalang mama niya. Kita ko ang sakit, panghihinayang at galit. Ang masayahing mukha niya noon, nag iba. Nasasaktan ako nang makita ko ang mga luha na pumatak sa mga mata niya. Masakit. Pero kailangan ko na itong itigil. Gusto ko nang itigil ngunit nakakainis dahil hindi ko alam kung paano.

Naibaba ko ang tasa nang magvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa pagkakapatong sa mesa at sinagot.

"Hello?"

"Dude." natawa ako. Kahit sa cellphone, parang may kaaway e.

"Oh, napatawag ka?" Natatawang tanong ko pa rin.

"Tss. Punta ka ba?" He asked.

"Oo naman. Mamaya pa naman 'yon ah?"

"Yeah. Pinatatanong kasi ni Darren. Tss. Sobrang kulit!"

Tumawa ako. "Katatawag nga lang din niya sa'kin e. Magsama raw ako ng babae. Tsh. Por que, masaya na siya, idadamay pa ako." ani ko. Natawa rin siya sa kabilang linya.

"Masaya nga ang lokong 'yon. Makikita niya na raw ang forever niya. Tss. He sounds like a gay."

"Forever? You mean, his ex?"

"Yeah. Ganoon na nga."

"Tsh. Mukhang hindi pa nakakaahon ang pinsan mo, Drake ah. Paano kung magkita sila kung sakali, tanggapin pa kaya siya noon?"

"I think, hindi na. Iniwan niya eh." He answered.

"Hmm. Malay natin, naeexcite ako ah. Hindi ko pa nakikita 'yong ex niya, ni hindi ko man nga lang nalaman na nagkagirlfriend pala 'yon? " Natatawang ani ko.

"Tss. Kahit ako. Hindi ko pa rin nakikita 'yon and I don't care at all."

Sabi ko nga.

"Uh, okay."

"Sinong kasama mo?" Tanong niya.  Napaisip naman ako. Sino namang isasama ko?

"A-Ah. Si Kate." Wala na akong ibang masabing pangalan. Narinig ko ang pagtawa niya.

Nakakagawian niya na ang pagtawa ah? Hmm, Very good.

"Kate? Seriously?" Natatawang aniya.

"Tsh! Anong masama roon? At ikaw ba, sinong kasama mo?"

"Nagtanong pa, of course it's Erin. "

"Ows? Paano si Macy? Malapit lang ang bahay noon kina Darren at pupunta halos mamaya ang buong angkan mo, Drake." malumanay na sabi ko.

"Anong paano si Macy?" Iritableng tanong niya.

"Diba girlfriend mo 'yon?" Ngumisi ako.

"Tss. Hindi, Luhan."

Tumawa ako. "Okay, nga pala ipapakilala mo ba si Erin?" Tanong ko.

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim.

"Yeah. Ipapakilala ko na rin siya. Walang alam ang iba kong kamag-anak. Tss. Siguro iniisip pa rin nila na kami ni Clarisse."

Nagulat ako. Hindi dahil sa sinabi niya, kundi ang daming lumabas sa bibig niya.

"Sigurado nga 'yan. Iisipin nila na kayo pa rin noon." Tukoy ko kay Clarisse.

"Hmm. Sige na. Gising na si Erin." Natawa ako.

"Sige, kita na lang tayo mamaya." Kinuha ko ang kape at uminom.

"Yeah. Isama mo si Carla."

Naubo ako at nasamid dahil sa pagbanggit niya ng pangalan noon. Naibaba ko ang tasa at inayos ang sarili. Tumawa siya.

"Tsh. Si Kate na lang. Isa pa malayo 'yon dito." inis kong saad.

"Ahh, edi kung hindi siya malayo, siya talaga ang isasama mo?" He chuckled.

"Ha ha ha ha. " Sarkastikong tawa ko. Hindi ko na siya pinagsalita at ibinaba ko na agad ang tawag.

May kutos ako rito mamaya.

Tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ito.

From: Drake

Fuck you! Nagsasalita pa ako.

Natawa ako. Sabi na nga ba! Hindi ko na siya nireplyan. Naalala ko ang pangalang binanggit niya.

Carla.

Maganda naman siya ngunit sobrang daldal, nakakainis at hindi ko talaga gusto ang ugali niya.

Bahagya pa akong napangiti nang maalala ang mukha niya nang sabihin ni Erin na kinuha niya raw ang number ko.

Nakaalis na sina Erin at Drake. Dumako ang mga mata ko sa nasa harap ko. Dinungaw ko ang mukha niya at nakapit ito habang kagat kagat ang labi.

"Hmm guwapo pala ah." Pang aasar ko. Nakita kong kumuyom ang kamao niya. "Kinuha mo raw ang number ko? Tsh. Pasimple." dagdag ko pa.

Gusto ko kasing humarap siya sa'kin at hindi nga ako nagkamali.

"Ha! N-Naniniwala ka talaga kay Erin? " Nauutal niyang tanong.

"Hmm. Sinabi niya eh." Kibit balikat ko.

"Buwisit ka talagang Erina ka." bulong niya pero rinig ko.

Natawa ako. Inilagay ko ang kamay ko sa baba ko tumitig sa kanya.

"Guwapo ba ako?" Nakangising tanong ko. Namula ang pisngi niya at napalunok pa. Hindi niya ako sinagot. Lumapit ako.

"D-Diyan ka lang."

"Hangga't hindii mo sinasagot, mas lalapit ako."  Nakangusong ani ko. "Guwapo ba ako?" Ngumisi ako. Kumuyom lalo ang kamao niya.

"Asa!" Umikot ang mga mata niya. Napanguso ako lalo.

"Hindi talaga ako guwapo?" Iniba ko ang tayo. Inilagay ko ang kamay sa may ulo at kagat labing tumingin sa kanya. Napalunok siya at umiwas ng tingin.  "Ano? Tell me, guwapo na ba?" Tinaas baba ko pa ang mga kilay.

"K-Kapal ng mukha nito! Psh!" Hindi siya makatingin sa'kin.

"Eh, bakit nauutal ka?" Natatawang tanong ko.

"Paano ako hindi mauutal, eh ganyan ang t-tayo mo." hinuhuli ko ang mga niya mata pero kung saan saan lang siya bumabaling. Lalong lumaki ang ngisi ko.

"Ano ba ang tayo ko?"

"B-Basta!" Aniya at tumalikod sa'kin.

"Kinuha mo talaga ang number ko?" Pang aasar ko. Napatigil siya at hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkuyom ng kamao niya.

Manununtok pa yata 'to ah.

Hindi siya lumingon, huminga lang siya ng malalim at nagsimulang maglakad.

"Ikaw naman, puwede mo namang hingiin sa'kin. Hmm, kailan mo kaya 'yon kinuha?" Tumingala pa ako na kunyari'y nag iisip. Inis siyang lumingon sa'kin. "Hmm, siguro noong unang pagkikita natin 'no? " Baling ko sa kanya.

Pumikit siya at umiling.

"Hoookey! Fine!! Kinuha ko nga ang number mo. Kailan? Tama ka! Noong minsang mahawakan ko ang cellphone mo. At wag kang mag isip diyan, dahil kinuha ko lang 'yon...dahil-- " she trailed off. Tinaas ko ang kilay. Inaantay ang isusunod niya pero umiwas siya ng tingin at animo'y nag iisip ng idadagdag.

Lihim akong napangiti.

"Dahil?" Tanong ko, nagpipigil ng ngiti. Matapang siyang tumingin sa'kin at pumitik pa sa ere.

"Dahil siyempre in case na gusto kong m-magpasalamat.. ano tatawagan kita." pikit matang dahilan niya. "O-Oo 'yon nga! Kaya huwag kang feeling diyan!" Dagdag niya matapos magmulat ng mata.

Napatakip ako ng bibig para mapigilan ang magpakawala ng isang tawa.

"Hmm, ganoon? Bakit tatawagan mo pa ako? Puwedeng itext mo na lang." kumunot ang noo niya at maya maya'y umirap sa kawalan.

"Psh! Oh, edi text kung text! Buwisit sa arte!" Aniya at tumalikod. Pero alerto ako at agad na hinabol siya at hinawakan sa braso. Gulat naman siyang napalingon sa'kin. Nanlalaki ang mga mata.

"Hindi mo pa nasasagot ang isang tanong ko eh." nakangusong sambit ko. Kumunot ang noo niya pero bakas pa rin ang pagkabigla.

"A-Ano naman 'yon?" Nauutal niyang tanong.

Inilapit ko ang mukha ko at tumitig sa kanya. Taranta naman siyang lumayo sa'kin pero dahil hawak ko ang braso niya ay napigilan ko. Suminghap siya.

"Hmm, guwapo ba ako?" Ulit ko sa tanong ko kanina.

Gusto kong malaman ang sagot niya e, bat ba?

Umiling siya at hindi makapaniwalang hinarap din ako. Nagtama ang aming paningin.

"Walang katapusang tanong! Psh!" Aniya.

"Sagutin mo na kasi." inilapit ko pa lalo ang mukha. Napailag siya. Ngumisi ako nang makita ang pamumula ng kanyang pisngi.

"Sasagutin mo or hindi?" Tumitig ako sa labi niya, nanlaki ang mga mata niya at tarantang nagsalita.

"O-Oo na! Guwapo ka na." Mabilis niyang saad. "Ayan! Happy?" Sarkastikong aniya.

"Good. Sasabihin din pala, gusto pang mahalikan eh." Sambit ko bago ko siya bitawan at magsimulang maglakad papasok.

Inilagay ko ang mga kamay sa bulsa.

"Hayop na 'yon. Papatayin ako sa kaba." Rinig kong reklamo niya. Natawa ako.

Natigilan ako sa pagbabalik tanaw nang makitang may tumatawag sa cellphone ko...again. Unknown number ito.

"Hello?" Hindi nagsalita ang nasa kabilang linya. "Hello?" Ulit ko pa. Pero wala pa ring imik. Nagtaka ako.

"Pag hindi ka sumagot. Ibaba ko na ito." inis kong saad.

Nataranta ito.

"Wait." natigilan ako. Babae ang boses.

"Who is this?"

Huminga siya ng malalim.

"Uhm. Si C-Carla." nagulat ako. Si Carla? Bakit niya naman ako tatawagan?

Timing talaga ha.

Napangiti ako. "Hmm, bakit napatawag ka?"

"Uh..ano..bakit nga ba ako tumawag?" Rinig kong bulong niya. Kinakausap niya ang sarili.  Natawa ako.

"Hmm. Siguro dahil namimiss mo ako?" Pang-aasar aasar ko.

"Psh! Hindi ah. Gusto ko lang kumustahin si Erin."

"Tsh, bakit hindi siya ang tawagan mo?"

"Hindi niya sinasagot eh. Ano? Ayos lang ba siya?"

"Ahh, sa pagkakaalam ko. Okay naman siya."

"Ganoon ba?" Bumuntong hininga siya.

"Hmm." Tango ko.

"A-Ahh, sige. 'Yon lang naman. Ibaba ko na."

"Kumusta ka na?" Tanong ko. Matagal siya bago sumagot

"A-Ako? Ah. Hahahaha, ayos naman."

"Hmm, good."

"Ikaw?"

"Ayos na, tumawag ka eh." nakangiting sagot ko pero agad ding pilit na natawa nang marealize kung ano ang aking sinagot.

Dapat sa isip ko lang 'yon eh. Tsh!

"Ah hehe. I mean, ayos ako." dagdag ko.

"B-Buti naman." Nakahinga siya ng malalim.

"Nasaan ka?" Tanong ko.

"Ako?"

"Oo, nasaan ka?"

"Nasa amin."

"Wala ka sa Maynila?"

"W-Wala. Teka, ang weird mo ha."

Oo, ang weird ko nga.

"Ah. Tinanong ko lang." Napapahiyang ani ko.

"Ah okay. Sige, baka may ginagawa ka. Ibaba ko na. Bye." nagmamadaling paalam niya. Napanguso ako.

"Hmm, sige. Bye, C-Carla."

Naiilang akong tawagin siya sa pangalan niya.

"Bye L-Luhan." aniya bago nawala ang tawag. Napanguso ako.

Gusto ko pa siyang makausap eh.

Nagulat ako sa sariling naisip.

Teka! Iba na 'tong napasok sa utak ko ah. Dapat na sigurong magpatingin ako. Oo Tama!

Inis akong naglakad papasok sa kuwarto. Maghahanda na ako.

ERIN'S POV

"You sure, mamaya ka pa?" Nakailang tango na ako kay Red sa kanina niya pang tanong.

"Oo nga. Ang kulit mo!"

"Sabay na lang kaya tayo?" Nakangusong tanong niya. Umiling ako.

"Hindi puwede. Kailangan ka nila roon. Malapit na mag seven kaya dapat pumunta ka na. Masakit lang talaga ang tiyan ko pero mawawala rin ito." Nauubusan ng pasensyang paliwanag ko.

"Masakit ang tiyan mo kaya dapat dito muna ako." pagmamatigas niya.

I crossed my arms. I took a deep breath.

"Okay. Mauna ka na. Susunod ako? Okay na?" Umiling siya.

"Ayoko pa rin."

"Ano ba, Red! Susunod ako! Hindi naman ako aalis eh!"

"Oh? Why are you shouting?"

"Ang kulit mo eh!" Lumapit siya sa'kin at niyakap ako.

Lintek ka talaga, dinadaan mo na naman ako sa ganyan!

"Hey. Fine. I just want to assure that you're alright, okay? Don't get mad at me." malambing aniya. Tiningala ko siya.

"Gosh! Eh, nakailang tanong ka na. Susunod naman ako, kaya mauna ka na." Huminga siya ng malalim at tumingin sa'kin.

"Okay. If that's what you want." Nginitian ko siya pero sinimangutan niya lang ako.

"Sige na. Susunod ako. Pahinga lang ako saglit. Ikaw kasi! Ang dami mong pinakain sa'kin kaya sumakit ang tiyan ko." Natatawang ani ko.

"Tss. Okay. It-text ko sa'yo ang address. Bilisan mo. Hihintayin kita." Aniya at hinalikan ako sa noo. Napangiti ako.

"Sige. Ingat ka." He nodded.

Pinanood ko siyang makalabas ng gate. Agad na akong nagtungo sa loob at nagpahinga saglit. Sobrang sakit kasi talaga ng tiyan ko kanina. Langya kasi si Red e, ang daming pinakain sa'kin, eh daig ko pa ang baboy.

Nang medyo hindi na masakit ay nagpasya akong mag ayos na. Sinuot ko ang dress na binili ni Red at naglagay ng kaunting make up. Tumingin ako sa salamin at nang makuntento ay saka ako umalis.

Nasa labas ako ng subdivision at nag aabang ng masasakyan. Tiningnan ko ang oras at 7:30PM na. Hala siya!

Nang may matanawan akong taxi ay agad ko itong pinara. Tumigil naman ito at binaba ang bintana.

"Oh, Hija?" Nagulat ako.

"M-Manong?" Ngumiti siya. Nakilala ko agad siya dahil kalbo at may braces siya.

"Anong ginagawa mo riyan?" Tanong niya. Napairap ako.

"Baka po nagbabasketball ako, Manong. Sige, halika! Laro tayo." Pilosopong sagot ko.

Natawa siya at umiling.

"Nag aabang ka ba ng masasakyan?" Gusto kong iluwa ang utak ko at ibigay sa kanya para sabihing oo.

"Alangan naman po, Manong. Paparahin ko ba kayo kung hindi. Ay nako. Lutang na yata kayo."

Tumawa ako. "Ay s'ya! Sige na! Pasok ka na. Mukhang may lakad tayo ah." Gusto ko pa sana syang barahin pero baka magbuga na ng apoy si Red sa kakahintay sa'kin.

Pumasok na ako at umupo sa may likuran.

"Kumusta ka na, Hija? Tagal nating hindi nagkita." panimula ni Manong nang makaupo ako.

"Ayos lang po. Oo nga 'no? Ilang araw din po kitang hindi nakita ah? Sumama na po ba kayo kay kokey?"

Humalakhak siya. "Ano bang sinasabi mo, Hija? Hmm, hindi lang ako namasada. May kailangan puntahan eh." Aniya. Napatango naman ako.

"Ganoon po ba? " Tumango siya.

"Oh, eh saan ang punta mo? Bihis na bihis ah, mukhang may lakad."

"Alangan naman pong maghubad ako diba? Siyempre po natural lang na magbihis." Ani ko.

Tumawa siya at tumango. "Oo nga naman."

"Oh diba, Manong? pangiti-ngiti lang ako, pero huwag ka, genius 'to?" Mayabang pang sabi ko. Natawa siya.

"Loko ka talaga, hija." tawang tawang saad niya. "Oh, eh saan nga ang punta mo?"

"Ah. Sa pinsan po ng asawa ko."

"Ah ganoon ba? Eh, asan ang asawa mo?"

"Pinauna ko na po."

"I see." sagot niya. Nagulat ako.

Wow! May pa I see, I see pa siya.

Natigilan ako nang magvibrate ang phone ko. Tiningnan ko ito at pangalan ni Red ang nakalagay.

From:  Drakey Reddy, Baby❤️

Hahaha! haba 'no? Ganyan talaga.

Binuksan ko ito.

From: Drakey, Reddy, Baby❤️

Deanwood subdivision. Unang bahay na mamararaanan mo. See you. Take care, wife.

Sent 7:45PM.

Natigilan ako. Matagal akong tumitig sa screen ng cellphone.

Deanwood? Parang nakapunta na ako roon ah? Kailan nga ba? Pamilyar sa'kin ang lugar. Imposible naman ang naiisip ko. Kinabahan ako pero hindi ko na pinansin.

Imposible talaga! Malabo at hindi puwede.

"Ah, Manong sa Deanwood raw po." Tumango siya at ngumiti. Hindi ko na siya pinansin at isinawalang bahala na lang ang naisip.


______

Hi? natutuwa talaga ako sa mga comments niyo. Huhu may mga nagmahal na nitong story ko una pa lang, kahit unedited siya. Alam kong sobrang jeje at nakakaliyo itong basahin kaya thank you so much!

Salamat sa votes and comments!

If you want to read my other stories, just click my profile!❤️

Aimeessh25

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

6.8M 179K 61
Elliana Brielle Delafuente, "the innocent girl" of the Delafuente clan with a plastic attitude will do anything just to fit in with the standard of b...
146K 2.6K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
26.1M 787K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...
249K 13.9K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.