Kasalanan
Nang makarating kami sa bahay nila ay laking gulat pa nang pamilya niya nang makita ulit ako..
Pero si Ethan na ang nagpaliwanag sa lahat..
Natuwa pa nga ako kasi may nakita din akong kambal na lalaki na anak pala ni Nathan sa asawa nitong si Stephanie..
"Tita Kath , may anak na po bah kay ni tito Ethan?" si Anton
Napangiti naman ako dahil naaalala ko sa kanila ang mga anak ko..
"Oo.." nakangiting sabi ko
"Ano pong pangalan nila?" si Aiden
Napatingin naman ako kay Ethan na abala sa phone niya..
Kanina pa siya tawag nang tawag sa mga kilala niya para lang tulungan kami sa paghahanap sa mga bata..
"Si Samantha at Angelica.." sambit ko at tiningnan ang mga bata
"Kambal din po sila?" sabay nilang tanong
Tumango naman ako sa kanila..
Kitang kita sa mga mata nila yung tuwa habang ako naman , pinipigilan nalang umiyak dahil sa pag aalala..
Buong pamilya ni Ethan ang abal ngayon sa paghahanap sa mga anak ko..
May mga koneksyon daw kasi sila lalo na si tito Troy , ang daddy ni Ethan..
"Dad , mom , what's happening here?"
Napalingon kaming lahat sa lalaking nagsalita..
"Kean!" si tita Kyla at agad na niyakap ang anak
"Ano bang nangyayari at pinatawag niyo ako agad dito?.May klase pa ako tapos pinapapunta niyo ako dito.." inis nitong sabi
Napatingin nalang ito bigla sa direksyon ko at mukhang gulat na gulat pa..
"Ate Kathlyn?" lumapit ito sakin at tinitigan ako
"Kean.." ngumiti ako sa kanya
Tiningnan naman niya si Ethan na para bang nagtatanong kung anong ginagawa ko dito..
"Okay na kayong dalawa?" tanong niya
Imbis na sagutin yun ni Ethan ay iba ang tinanong niya..
"Kailangan ko ang tulong mo.." seryosong sabi ni Ethan
"Tulong saan?"
"Alam kong isa ka nang secret agent ngayon , Kean..Kahit anong tago mo sakin , hinding hindi mo magagawang iwasan na malaman ko ang lahat nang tungkol sayo.."
Napakunot naman ang noo ko nang tiningnan ko si Kean..
Secret agent na siya ngayon?.
Diba nag aaral pa lang siya , at 22 years old pang 'to eh!
"Fine , tutulungan kita..Pero sabihin mo muna sakin kung anong nangyayari.." aniya
"Nawawala ang mga anak ko.." diretsong sabi ni Ethan
Kitang kita ko ang pagkakagulat sa reaksyon ni Kean at napatingin sa akin..
"M-May anak na kayo?"
Tumango naman ako sa kanya..
"Paano nangyari yun?."
Magsasalita na sana ako nang bigla akong unahan ni Ethan..
"Wala na tayong oras para mag usap pa nang matagal..Kailangan na nating mahanap sina Samantha at Angelica bago pa may mangyaring masama sa kanila.." si Ethan
Agad naman akong yumuko dahil kasalanan ko ang lahat..
Iniwan ko sila para lang suyuin si Ethan eh pwede namang hintayin ko munang maging maayos ang lahat..
Masyado akong naging selfish sa mga anak ko..
Hindi nagtagal ay nagsimula nang mag hanap ang lahat..
Sasama na nga sana ako pero hindi pumayag si Ethan..
"Kailangan kong makita ang mga anak ko , Ethan..Hindi ako pwedeng manatili lang dito at hintayin na mahanap niyo sila!" naiiyak kong sabi
"Kathlyn , hindi nga pwede..Delikado lalo na't dating grupo ko ang kumuha sa mga anak natin!" aniya
Natigilan pa ako sa sinabi niya..
Parang bumalik lang lahat sa dati..
Kaso , mga anak ko na yung hawak nila..
Mga anak ko na nag mapapahamak sa mga kamay nang mga hayop na yun..
"Ethan , ayaw kong mapahamak ang mga anak natin..Ayaw kong maranasan nila ang mga naranasan ko noon..Ililigtas natin sila..Sasama ako , Ethan.Please wag mo naman akong pigilan.." umiiyak na ako ngayon at halos lumuhod na sa harap niya para lang payagan niya akong sumama
"Kaya nga ayaw kitang ipasama diba?.Dahil ayaw kong ikaw naman ang mapahamak sa oras na mailigtas ko yung mga bata..Kathlyn , isipin mo naman kung gaano kasakit sa akin ang gagawin ko..Kailangan naming mag ingat sa bawat galaw namin lalo na't buhay nang mga bata ang nakasalalay..Gusto mo silang mailigtas pero sa oras na magkamali tayo sa kilos natin , mawawala sila.." aniya at hinawakan ang kamay ko
Napayuko nalang ako dahil sa sinabi niya..
Tama siya..
Mas mapapahamak ang mga bata kapag sumama pa ako..
Wala akong alam kaya hindi ako makakatulong..
"Wag kang mag alala , nandito si Nathan para bantayan ka..Nandito din si Stephanie at may makakasama ka pang mga bata..Wag kang masyadong mag alala..Maililigtas namin sila.." aniya at hinalikan ang noo ko
Napapikit naman ako bago hinayaan si Ethan na umalis..
Nang tuluyan na silang makaalis ay agad nalang akong umupo sa sofa...
Ako nalang mag isa dito sa sala dahil pinapatulog pa ni Stephanie ang mga anak niya..
"Kathlyn.."
Napalingon ako sa bandang hagdanan kung saan nanggaling ang boses ni Nathan..
Agad itong lumapit at umupo sa tabi ko..
"Ayos ka lang?" tanong niya
Malungkot akong ngumiti sa kanya..
Hindi ko naman kasi pwedeng ipagkaila ang nararamdaman ko sa ngayon eh..
"Alam mo , yang nararamdaman mo ngayon , higit pa diyan ang pag aalala ni Ethan.." aniya
Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya..
"Mas sobra ang takot niya sa ngayon lalo na't hindi niya pa gaanong nakakasama ang mga anak niya..Parang noon lang , noong iniwan mo siya at inakala niyang wala ka na.."
Napatulala ako dahil sa mga sinabi ni Nathan..
"Halos buong buhay na niyang inangkin ang mga kasalanang hindi niya naman ginawa..Yung pag patay sa kuya mo na hindi naman niya talaga ginawa..Yung pag kidnap sayo na siya daw ang dahilan..Lahat nang yun siya nag nag dusa..Halos patayin na niya ang sarili niya dahil hindi na niya alam ang gagawin niya..Ganun ka niya kamahal..At ngayong anak niyo naman ang napapahamak , alam kong sisisihin na naman niya ang sarili niya kapag may nangyaring masama sa mga bata.." aniya
Gulat akong napatingin kay Nathan dahil sa mga sinabi niya..
"Anong ibig mong sabihin pinagdusahan niya ang mga kasalanang hindi niya ginawa?" takhang tanong ko
"Hindi siya ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid mo , Kathlyn..Si Eliza..Siya ang bumaril sa kapatid mo.Napatunayan yun ni mommy at daddy nang pina-imbistigahan ni daddy ang lahat.."
Halos hindi ako makagalaw sa kina uupuan ko dahil sa mga narinig ko..
"Sinisi ko siya sa kasalanang hindi niya ginawa..Sinaktan at isinumbat ko sa kanya ang kasalanan nang iba.." naghahalong pagsisisi at pagkakagulat ang reaksyon ko
Hindi ko na alam ang gagawin ko..
Kasalanan ko ang lahat..
Kasalanan ko kung bakit nangayari ang lahat nag ito..
Ipinagkait ko sa kanya ang katotohanan kaya mga anak namin ang napapahamak..
Kasalanan ko 'to..
At ako dapat ang umayos nang lahat bago pa sila mawala sakin..