The AIR i Breathe

By walangmagawa1210

1.1M 27.8K 1.7K

Air Alcantara, the most famous rockstar in today's generation. He has this voice to die for and the killer sk... More

the air i breathe
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3 Part 1
Chapter 3 part 2
Chapter 4
Chapter 5 part 1
Chapter 5 part 2
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10 part 1
Chapter 10 part 2
Chapter 10 part 3
Chapter 11
Chapter 12 part 1
Chapter 12 part 2
Chapter 13
chapter 14 part 1
Chapter 14 part 2
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 part 1
Chapter 19 part 2
Chapter 21
Epilogue

Chapter 20

32.3K 961 79
By walangmagawa1210

Date uploaded:sept 3

Chapter 20

Air

Malalim na ang gabi nang kumatok ako sa isang barong barong dito sa Quezon City. Patay na ang ilaw sa loob ng bahay at malamang natutulog na ang mga taong nakatira dito. Alam kong nambubulabog ako, pero ganitong oras lang ako pwedeng pumunta dito, kung hindi, baka dumugin ako ng tao.

"Bossing... Kanina pa tayo kumakatok, hindi mo pa ba gets na ayaw talaga nila tayong pagbuksan? Nambubulahaw na tayo, baka buhusan na nila tayo ng wiwi!! Kakaligo ko lang!"

"Walang gumagawa non. Ikaw, kung ano ano ang iniisip mo."

"Bat yung nanay ko, kapag may nambubulahaw sa madaling araw, ibinibuhos yung wiwi, may libre pang arinola!"

"Tigilan mo nga ako sa kalokohan mo."

"Promise! Ginagawa nya talaga yon!"

"Manahimik ka na nga lang."

May kinuha sya sa bag nya at binuksan nya ang payong nya.

"Anong ginagawa mo? Hindi naman umuulan?"

"Just in case lang bossing, at least may panlaban sa wiwi."

Napailing na lang ako. Talagang minsan lumalabas ang toyo nito sa utak. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkatok. Hindi ako aalis dito hanggang hindi ko nakakausap ang tiyahin ko. This is something that I have to do.

May nagsindi na ng ilaw sa loob at marahas na binuksan ang pinto.

"ANONG KAILANGAN...... MATTHEW!" Si tito Rod and nagbukas ng pinto at gulat na gulat sya ng makilala nya ako.

"Pwede po bang pumasok? Nandyan po ba si Tita Bellen?"

"Aaaa... Oo.. Oo... sige pasok kayo."

Natatarantang inayos ayos ni Tito yung bahay. Yung pinsan kong si dana ay doon sa salas nakahiga. Si Tita Belen naman ay nakahiga sa sahig at dali-daling tumayo at inayos-ayos ang paligid.

"Naku Matthew, hindi namin alam na dadatingka. pasensya ka na, magulo ang bahay." HInakot nya ang pinaghigaan nya at dali-dalingipinasok sa kwarto. Si Tito Rod naman ay kumuha ng mga bangko para paupuin kami ni Gaygie.

Inabot ni Gaygie yung dala naming mga groceries kay Tita Bellen. "Tita, Para po sa inyo." Sabi ni Gaygie. "Peace offering daw po,,, sabi ni Air."

Tinignan ko ng masama si Gaygie at nag peace sign lang sya.

"Naku, nag-abala pa kayo. "

"Naku, tita, bale wala yan, barya lang po ni Air yan."

Lumapit ako kay Gaygie at binulungan ko sya.

"Shut up ok."

"Ok bossing."

Mahabang katahimikan ang pumagitan sa akin at sa Tiyahin ko. Pareho kaming nangangapa.

"Nagpunta po ako dito dahil handa na akong kalimutan ang nakaraan. It's time for me to move on. At hindi ko magagawa yon hanggat hindi ko kayo napapatawad."

Natahimik na ulit kami. I don't know what else to say. Kahit na simple lang ang sinabi ko ay taos ito saa puso ko. I have realized what Kyle wants me to do.

"Matthew, alam kong mabigat ang nagaw naming kasalanan sa 'yo, mas lalo na sa kapatid mo. Pero pinagsisihan na namin ito ng Tito Rod mo."

"Oo Matthew, Mali ang ginawa namin, mas lalo na ako. Hindi ka man gumanti sa amin, pero ang Diyos na ang nagparusa sa amin, at nakita namin ang lahat ng pagkakamali namin." segunda ni Tito Rod.

"Simula noong umalis ka, ay sunod sunod na ang kamalasan sa buhay namin. Naging masyadong mailap ang pera sa amin. Lubog na lubog kami sa utang at halos wala nang mapahiram sa amin. At ang pinkamatindi, ay nagkasakit si Dana ng katulad sa sakit ni Marlon at hindi namin sya maipagamot." Tuluyan nang naiyak si Tita Bellen. "Bumalik sa amin ang mga kasamaan na ginawa namin sa inyong magkapatid."Sana talaga ay mapatad mo na kami. Pinagsisisihan na namin lahat ng ginawa namin sa inyo."

Tuluyan nang nawala ang galit ko sa kanila at labis na awa ngayon ang nararamdaman ko sa kanila.

"Pinapatawad ko na kayo. Kung maaari ay kalimutan na lang natin ang nakaraan. "

Sa pagkakasabi ko non ay parang may isang malaking tinik ang nabunot sa dibdib ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag tunay kang nagpapatawad. parang nakahinga ako ng maluwag.

Napayakap sa akin si Tita Bellen. At nakita ko din na napapaluha si Tito Rod.

"Maraming salamat sa 'yo. Salamat Matthew."

"Air na lang po ang itawag nyo sa kin. Mas palagay ako sa pangalan kong yon. Diba iyon aang tawag sa kin ng nanay ko."

"Oo... Air nga ang tawag sa 'yo."

Pinahid nya ang mga luha nya at napangiti na sya.

Tumayo na ako at nagpaalam na. " Hindi na po kami magtatagal at alam kong nakakaistorbo kami mas lalo na kay Dana. Ipasusundo ko po sya bukas at dadalhin at ipapa-check natin sya. ako na po ang bahala sa lahat."

" hindi mo kailangang gawin ito."

"Kailangan po. Para po ito kay Dana. Gusto ko pong gumaling sya. At alam kong iyan din ang gusto ni Marlon para sa kanya."

Napaiyak na naman sya.

"Maraming salamat, napakabuti mo sa kabila ng mga nagawa namin sa 'yo."

"Wag nyo na pong intindihin yon. Obligasyon ko po na tulungan kayo dahil pamilya tayo."

"Oo nga... Pamilya tayo. Salamat Air. Maraming maraming salamat."

***

"Hey, I've done something wonderful last night." nasa tabi ako ng hospital bed ni Kyle. mahimbing na naman ang tulog nya. Nitong mga nakaraang araw ay palagi syang tulog. They're sedating her dahil matinding sakit daw ang nararamdaman nya. Mas lalo na syang namayat and her face looks ashen. Natatakot na nga akong hawakan sya, because she really looks delicate at baka masaktan ko sya.

Isang linggo pa lang ang nakakaraan nung mag-collapse sya, pero ang laki ng na-deteriorate ng katawan nya. But she still looks beautiful despite the amount of weight that she loss.

Three days ago ay dumating ang mga kasamahan ng magulang ni Kyle,. Noong nakita nila ang kalagayan ni Kyle ay gusto sana nilang dalhin sya sa States dahil mas advance ang mga gamit doon, pero hindi na kakayanin ni Kyle ang biyahe, baka pag-take-off pa lang ay bumigay na ang katawan nya. So they decided to work on her here.

Dahil sa laki ng nai-contribute ni Kyle sa research nila noon, dahil sya ang naging genea pig nila at naging successful ang project nila, kaya pinilit nilang mag-setup ng lab sa ospital na ito. Inilipat nila si Kyle ng kwarto kung saan nakadikit ang laboratary kung saan sila humahanap ng lunas sa sakit ni Kyle. But so far, they are not successful. Lahat ng ibinibigay kay Kyle ay ni-re-reject lang ng katawan nya. Sad thing is, they're running out of time. Pahina na ng pahina ang katawan niya at hindi nila alam kung hanggang saan pa ang itatagal nito.

Pero patuloy pa ding lumalaban si Kyle. Naalala ko yung sinabi ni Lola Madam noong nag-usap kami, nakaka-awa talaga si Kyle, at kung pwede lang ay 'wag mo na talagang tignan.

Pero hindi ko sya pwedeng pabayaan. Sasamahan ko sya sa laban nyang ito. She is fighting for her life. Fighting for another chance to live. Kahit man lang encouragement ay maibigay ko sa kanya, just to keep on fighting.

Ayokong nakikita ng ganito si Kyle. Hindi ko kayang nakikita syang naghihirap ng ganito. All I ever want to do now is break down and cry.

I want to gather her in my arms and tell her that everything is going to be alright.

Pero kabaligtaran ang lahat. She's not alright. She's hanging on to her dear life. Napaka-thin line na lang ng kinakapitan nya at natatakot ako na baka malagot na ito. Narinig ko nga sa na 60/40 na lang ang chance nya and it's more on the negative. But I still have faith that she will make it thru.

Napahinga si Kyle ng malalim at gumalaw ang ulo nya. She's waking up. I have to hide my grief once more. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanya ang totong nararamdaman ko. Maya-maya pa ay dumilat na sya. She looks like sleeping beauty that just got up from her slumber.

"Hey... you're here... " She smiled at me. "Just the right person that I want to see."

Mahinang mahina ang boses nya that reflects how weak she is. " Kanina ka pa ba?"

"Not really, halos kararating ko lang."

"hmmmmmm. Pasensya ka na a, palagi kitang natutulugan. Bigla na lang kasing bumabagsak ang mata ko kahit na anong gawin kong pigil. I hope that you can still bear with me."

I felt another clenching in my heart at sumisikip na naman ang dibdib ko. How can she be so selfless? Na sa halip na sarili nya ang iniisip nya, mas iniisip pa nya ako.

" Of course I will bear with you, mas gusto ko ngang pinanonood kang natutulog. Do you know that you drool?"

She frowned.

"I do not...."

"Sympre hindi mo alam, tulog ka e. and do you know that you snor?"

"Hindi a..." she smiled.

" Ok lang, kahit na aabot hanggang kapitbahay ang hilik mo, I can bear it. Titiisin ko na lang."

"Hmmmm.. kapitbahay? Bakit? Sa amin ka ba titira? Well that will be a thought."

"I'm thinking the other way around.... "

I gently picked up her hand and caress it.

"... At ikaw .....ang lilipat sa bahay ko..."

She giggled.

"Yeah.... as if naman na papayag ang magulang ko.. Wishful thinking na lang tayo. But I like that idea.. Ganda ng house mo. I think I can live there."

"Hindi mo pa nalibot yon, you've only been on one part. You should see my backyard. Nagpagawa ako ng nature pool with waterfalls. Ang if you get better fast, i might add a bed swing just for you."

"Hmmmmmmm...... That'll be nice.... I'll look forward to that..."

She closed her eyes with a smile in her face and I caressed her hand once more. Usually, nakakatulog na sya after a few conversation. Padali ng padali ang oras na gising sya, and I can feel that she is slowly drifting away. But I have to push that negative thought away. Hindi ko pwedeng isipin yon. I have to think positive kahit nawawalan na ng pag-asa ang lahat. I have to stay strong ang wish for the best.

There's still hope, just like what she taught me.

"Guess what. I did it Kyle... Nagpunta ako sa tiyahin ko, at napatawad ko na sila. Tama ka, I need to do that to set me free. Parang ang laki ng bigat na nawala sa dibdib ko. Ganon pala yon. Tama ka rin na hindi ako lubusang magiging masaya kung hindi ako matututong magpatawad. At ng dahil sa 'yo, natuto akong magpatawad... Thank you."

I felt her squeeze my hand. She's still awake?

"I'm glad....that is so good to hear. i'm so happy for you. " sabi nya habang nakapikit pa din ang mata nya.

"Air... I have something for you...."

Idinilat nya ang mata nya. Nagtangka pa syang bumangon. Sobrang importante ba ng ibibigay nya at pinipilit nyang bumangon kahit alam nyang napakahina ng katawan nya? She is using all her strength!

"Stay where you are. What do you want? I can get it for you."

Sa konting pag-exert ng effort nya ay sobra na syang hiningal.

"Paki kuha yung bag ko na pink........ yung pinakuha ko kay ate Ja." Bumalik na sya sa pagkakahiga at muling ipinikit ang mga mata nya at parang hinahabol nya ang hininga nya. Should I get the doctor or something?

Pero kailangan kong makuha yung sinasabi nya. Maybe it's something really important. Hinanap ko sa paligid yung tinutukoy nya and I found it at one of the drawers.

"I got it. Anong gusto mong kunin dito?"

Dumilat sya ulit "may lavender notebook dyan, I want you to keep it."

Binuksan ko ang bag at nakita ko ang diary type na color lavender notebook at inilabas ko to at binuksan.

I can see her neat handwriting. Nakasulat sa first page "The Air I Breathe", with lots of heart doodles around.

"It's the story of us.... Ang galing nga... Pwede nating pagdugtungin ang pangalan natin.... It's like.... We are really meant for each other..... "

"We are meant for each other. Don't you ever doubt that. Don't you think that it's strange on how we met each other? At kahit na magkaiba ang ugali nating dalawa, we liked eachother. We are fated for eachother. "

Hindi ko na napigilan, tumulo na ang luha ko. "Naalala mo noon, sinabi ko sa yo, na kapag natagpuan kitang muli, hinding hindi na kita pakakawalan? I can't let you go Kyle. Not now... Not ever.... We belong with each other. Fate brought us together."

Matagal ulit syang nanahimik at talagang hindi ko na napigilan ang emosyon ko. "Please Kyle... For me... Please hold on....kailangan kita...."

"Air......hindi ko pa natapos.....yung story..... If ever..... Will you finish it for me?"

I put my hand in my forehead. Hindi ko matanggap na nakapagsasalita sya ng ganon! Ayokong marinig ang ganong mga klaseng salita,,, na para bang.... Nagpapaalam na sya! NOOO! I'm not going to accept this. KAILANGANG LUMABAN SYA!

"Wag kang magsalita ng ganyan... You can still finish it... And it's going to be a happy ending....you and me.... We will be together...... Forever..... "

She tried to reach out for my face... Kinuha ko ang kamay nya at inilapat ko sa pisngi ko.

"I love you Air...."

"And I love you..... "

Parang hiningal sya at hinabol nya ang hininga nya...pumikit ang mga nya and her body went limp. Nag-beep ang ilang mga monitor...

"WHAT's GOING ON!!!!!!!"

Biglang dumagsa ang mga doktor sa loob ng kwarto at nagkagulo ang mga ito.

"NOOOO!!!!! KYLEEEEE!!!!! LUMABAN KA!!!!!! You can't leave me!!!!! Remember our future!!!! KYLLLEEEE!!!!"

"Get him out of here!!! " sabi ng isang foreigner na doktor at tatlong lalakeng nurse ang nagtulong tulong para akayin ako palabas.

"PLEASE DOCTOR. DO SOMETHING!!! "

The last thing I saw, is they've injected her with a very long and nasty needle straight in her heart.

Nakapalibot sa labas ng kwarto ang buong pamilya ni Kyle at lahat sila ay umiiyak.

Niyakap ako ni Lola Madam, who is also crying.

"Why? Bakit kailangang mangyari ito? Lola... Parang hindi ko kaya....."

"Stay strong... May dahilan ang Diyos kung bakit nangyayari ang lahat ng ito."

Nagbukas sarado ang pinto, lbas pasok ang mga doktor at mga nurse.

"I can't take this...." Naglakad ako papalayo at namalayan ko na lang na tumatakbo na ako.... I don't know where I'm going, but I don't care!!!!! Wala na akong pakialam!!! Have you ever felt sooo helpless in your life? That's what I'm feeling right now. Gusto kong magwala dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Nakalabas na ako sa ospital, but still, I ran and ran. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Until I've reached a small chapel.

Dahan dahan akong pumasok. Hindi ko pa nga alam kung anong gagawin ko dito. But I felt the peace that surrounds the place and it had attracted me to go at the altar. Somehow, I felt relieved na walang tao doon.

With a very heavy heart, napaluhod ako. Wala akong natandaan na nanalangin ako sa buong buhay ko. Hindi nga ako marunong non. But somehow, I feel the need to pour my heart out.

"Hindi ko alam kung totoo ka. Hindi ko alam kung naririnig mo ako. Sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay, pwede akong maniwalang walang Diyos. Bakit kailangan mong kunin ang lahat ng mahal ko? Ang magulang ko..... Ang kapatid ko.... Ngayon naman si Kyle? Ang kaisa-isang babae na minahal ko ng todo. Bakit kung kelan ako natutong magmahal....... Doon mo naman sya kukunin......"

Napahagulgol na ako. "Why is it soooo unfair?.....why????"

Sinuntok-suntok ko ang sahig. Ibinuhos ko lahat ng galit at sakit na nararamdaman ko hanggang magdugo na ang kamay ko.

Hindi ko alam kung ilang oras akong naglalabas ng saloobin ko, parang napakatagal kong nandon. Nang pakiramdam ko ay wala na akong luha ay naupo ako sa isang bench.

"Sabi nila na kayo ang may hawak ng lahat ng bagay. May naring din ako na alam nyo ang lahat ng makakabuti sa amin. Marami akong hindi naiintindihan, pero sabi nila na kayo ang nakakaalam ng lahat ng bagay. That you know what is best for us. I'm sorry for not believing in you for I don't have any reasons to... Until now. "

Tumulo na naman ang mga luha ko.

"Now, I am trusting you. I am entrusting you the woman that I love. Alam nyo kung gaano syang kabuting tao. She deserves to live. I am asking you, please let her live!!!!!!!.... PLEASE?" I broke down again..."Pero katulad nga ng sinabi ko kanina... Alam nyo ang lahat ng bagay. If you will let her live, i will be the happiest man alive... But if you decided to take her....... Then.... Help me try to understand that she's going to be in a better place, and she is going to be happy.... With you....."

And with that prayer being said.... I felt peace in my heart.

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 76.8K 35
Warren experienced his most unforgettable frustration in the hands of his first love, Lena. The unbearable pain pushed him to change himself to becom...
190K 3.2K 16
Dahil sa kagustuhan ni Alexander na makabalik sa America ay naisip nyang gumawa ng hakbang para maipakita sa mama nya na mas makabubuti sa kanya ang...
2.1M 60.7K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
9K 107 38
(BOOK 2) Halos isang taon na ang nakalipas since the famous band Double J and the Music Cuties started and made its debut in the music industry. And...