FATE 2: DESTINY'S HEART - COM...

By WeirdyGurl

100K 5.8K 1.5K

Alyce lived an antagonist life as Allysa's evil twin sister and now, she is trap in a phase where she should... More

Heavenly Prologue
I. Welcome Back Alyce
II. Avoiding Alyce
III. Damnwin To The Rescue
IV. ET & GAGO
V. You're My Precious Moment
VI. Si ET ang BUKO
VII. Destiny's Night
APRIL FOOLS
VIII. Je Te Veux
IX. Sweet Frenemies
XI. The Unseen Faded String
XII. Stuck On You
XIII. Alyce's Feelings
XIV. Let Her Fall
XV. End Is Here
XVI: Alyce's Confession
XVII: Far From Each Other
XVIII: Resisting their love
XIX: Her Hidden Memories
XX. Could I Love You Any More?
XXI. Making Every Moment Precious
XXII. Love Me
XXIII. Orphanage
XXIV: Align of Forever
XXV: Paalam
Destiny's Love Letter
XXVI: Without You
XXVII: The Truth
XXVIII: Darven & Darwin
XXIX: He's Home
XXX: I Choose You
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

X. Knowing Darwin Fate

2.3K 140 39
By WeirdyGurl

"ANO 'to?" naingat ni Alyce ang mukha kay Darwin nang ibigay nito sa kanya ang isang maliit na pink paper bag. May naglalarong pilyong ngiti sa mukha nito. Something is telling her, hindi lang basta paper bag iyon. "Hindi ko naman birthday ah."

"Bakit? Bawal bang magbigay ako ng gift kahit 'di mo birthday?"

"Oo, kasi ang weird nun."

Natawa lang ito. "Just open it ET," pilit nitong pinabuksan sa kanya ang paper bag. "Bagay 'yan sa'yo."

"Ano ba kasi 'to?" pagbukas niya ay bumungad sa kanya ang isang pink devil's horn headband. Inilabas niya 'yon mula sa paper bag saka niya pinaningkitan ng mga mata si Darwin. "Seriously?"

Kinuha nito mula sa kanya ang headband at isinuot 'yon sa ulo niya.

"Bagay na bagay," she punched his right shoulder pero tinawanan lang siya nito. Inilabas nito ang cell phone at maka-ilang beses siyang kinuhaan ng picture. "Oh ngiti ka naman, huwag masyadong nakabusangot, mukha kang badtrip na demonyita," inambaan niya ito ng suntok, "na maganda." Mabilis na dagdag nito.

"Pinagloloko mo na naman ako."

Inayos nito ang bangs niya. "Reward ko sa'yo 'yan."

"Bakit?"

"Because you've been good," he raised a thubms up at her. "Keep it up."

"Tsk," hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sungay na reward niya sa'ken o hindi. It was cute though, pero loko-loko talaga 'tong si Darwin. Lakas mang-alaska, 'di niya tuloy alam kung seryoso ito o hindi. Oh well, ano pa bang makukuha niya rito? Puro kalokohan. "Pero, thank you pa rin dito sa pink na sungay," kinapa niya ang isang sungay sa ulo. "Gusto kong matuwa pero nabu-bwesit ako."

"You're welcome ET," he chuckled, sabay halukipkip. "Ingatan mo lagi ang mga sungay mo. May sentimental value 'yan."

"Wow, ha?"




"HOW'S your classical music concert?"

"Still working on it," may ngiting sagot ni Alyce kay Allysa. Nasa bahay siya ng mga ito, nag-afternoon nap naman sila Wish at Fate. Nasa trabaho naman si Lance. Wala siyang klase ng araw na 'yon kaya binisita niya ang kakambal. "Medyo nahihirapan lang ako sa pagkuha ng mga sponsors but it's still going well."

"I know you'll do great, Alyce. It's what you love the most."

"Just curious, Al."

"Ano 'yon?"

"Why didn't you pursue music? Dahil lang ba 'yon sa akin? Alam ko na, mas magaling ka pa kaysa sa akin. Even papa saw that passion in you."

"I don't know," Allysa shrugged her shoulders. "I love music and I love playing the piano, but I love you and mama more. Hindi ko naman kasi pinangarap na maging sikat na pianist. I just want to play and be free. Gusto ko lang, magkasundo tayo at hindi nag-aaway. But you were too hard to tame, Alyce. Nabwesit talaga ako sa'yo, ha?"

Pareho silang natawa. "Sorry, ang kitid talaga ng utak ko nang mga panahon na 'yon." She don't want to imagine how greedy and selfish she was. Dahil alam niyang madami rin siyang nasaktang tao para lang sa pangarap niya. "I was close minded."

"But I'm happy na nagbago ka, Alyce. Hindi ko inasahan 'yon pero thank you dahil sinusubukan mong magbago at magsimula ulit." Masuyo nitong pinisil ang braso niya. "Time will heal and you'll be back on track again. Just take it slow."

She give her a smile. "I know," napabuntong-hininga siya. Naigala niya ang buong tingin sa sala ni Allysa. Inaamin niyang naiinggit siya rito. Envy that doesn't mean any harm or evil thinking. Envy na gusto niya ring magkaroon ng simpleng buhay pero masaya. "Sana dumating ang araw na, masabi ko sa sarili na, okay na ako. Na masaya na ako sa point na 'to ng buhay ko." Ibinalik niya ang tingin sa kakambal. "I know, I will never have the same happiness and passion that you have, pero sana, matagpuan ko na rin ang totoong saya na para sa akin."

Umisod ito palapit sa kanya at niyakap siya. "Kambal tayo pero feeling ko lagi ako ang ate at ikaw ang bunso." Gumanti siya ng yakap. She can't help but smile. "Your heart will tell you what's good and bad for you. Your mind will give you choices and may give you a hard time to decide. But I always believe that, the heart knows what the brain doesn't understand." Kumalas ito ng yakap sa kanya. "'Yon ay maging tapat sa kung anong mas makagpapaligaya sa'yo."

"Thanks Al,"

"Now, tell me about you and Darwin?"

Mabilis na lumayo siya. "What about us?"

"Echosera nito, huwag mo akong inaartehan diyan Alyce. Sa tingin mo ba, hindi ko napapansin ang pagiging close n'yong dalawa?" she was eyeing her suspiciously.

"Nothing is going on between us," rason pa niya. Unfortunately, wala talaga. Darwin was just being the friendly and sweet Darwin. "Busy ka na raw, so ako na lang daw muna ang papalit sa puwesto mo."

"O, ba't nanghahaba 'yang nguso mo?" sinilip nito ang mukha niya. "Para kang na busted diyan. Gusto mo si Darwin, no?"

"Hindi ah," kaila niya. "He's just a friend. We're just friends -" bigla siya nitong kinurot sa tagiliran. "Ouch! Bakit ba?"

"Sus, friends, halatang-halata ka riyan. Matagal ko nang napapansin 'yang pagtingin mo sa lokong-loko na 'yon. In denial ka lang masyado."

"Wala nga kasi,"

"Tigilan mo ako Alyce, kilala kita."

"Bubuhusan mo na naman ba ako ng juice para magising ako?"

"Hindi, pero isang balding yelo, oo."






RAMDAM na ramdam na sa buong Dolce Fate ang Valentines. Masasabi niyang, 'yon talaga ang buwan ng Dolce Fate. Ang buwan ng mga puso. As usual, tambay na naman siya, Sabado kaya doon siya dumiretso. Dala-dala niya ang maliit na laptop at planner niya. She's still working on with her classical music concert sa May. May ilang promotional videos at flyers na rin silang nailabas.

She was there to work pero bahagya siyang nadismaya nang hindi niya naabutan si Darwin sa café. Wala raw ito at baka sa Lunes pa ang balik. Hindi sigurado sila Mang Kaloy at Chu-Chu kung bakit wala ito sa weekend. Sabi lang daw nito, may pupuntahan itong importante.

Naitigil niya ang ginagawa at inabot ang cell phone. She didn't received any text from him. Ayaw niya ring mag-message rito. No, Alyce, stop yourself. Inilapag niya ulit ang cell phone sa table. Hindi pa siya nakuntento at inilayo pa niya 'yon. Don't chase over a man. Let the man chase you.

Ibinalik na niya ang atensyon sa screen ng laptop niya.

"Mag-isa ka?" mabilis na naingat ni Alyce ang mukha sa nagsalita. It was Strar, Darwin's cousin. May ngiti sa mukha nito. "Okay lang ba na maki-share ako ng table?" well, he was the typical bad boy in any dramas. Kagaya ni Darwin at ni Keeper ay gwapo rin ito. Parang nililok ng artist ang buong kabuoan nito.

"Sure," maikli niyang sagot.

His face is distinct with Darwin and Keeper's. May kanya-kanya kasing kagwapohan ang magpipinsan. Keeper was the complete contrast of Strar. He was the regal type and more like a responsible prince. Strar on the other hand, is ruggedly handsome, lagi itong may pilyong ngiti at kagaya ni Darwin ay parang may kalokohan na gagawin.

He was wearing a black shirt, a faded blue ripped jeans and a black sneakers. He has this messy jet black hair and a piercing on his right ear.

Darwin told her, Strar is 21, but he doesn't look his age, he can be a cute guy and an a dashing bachelor like Darwin and Keeper if he wants to. Wala yatang kapintasan ang magpipinsan na 'to.

Inilapag ng staff ang order nitong iced coffee. "Thanks," anito na may kasamang ngiti. "Alyce, busy ka ba?"

Ibinalik niya ang tingin sa screen ng laptop niya.

"Hindi naman," sagot niya nang hindi ito tinitignan. "Bakit?"

"Magpapatulong sana ako," naitigil niya ang ginagawa. "Malapit na kasi ang birthday ni Kuya Darwin." Naingat niya ang mukha rito. Birthday ni Darwin? "Hindi mo alam?"

Umiling siya. "Hindi, kailan ba birthday niya?"

"Sa February 14," malapit na pala. "And he don't really celebrate his birthday pero ano ba naman 'yong a little change para naman maiba, diba? Baka ko may suggestion ka? How do humans give birthday surprises?" he has this weird way of describing people in his sentences. Madalas ganoon si Darwin.

"Well, depende -"

"Good, then, I'll let you do the planning." Napakurap-kurap siya. Did he just give her a task? "Gusto ko 'yong magugulat at maiiyak siya. 'Yong 'di niya makakalimutan habang buhay." Inilabas ni Strar ang wallet nito, pero mukha 'di naman nito 'yon pitaka dahil may mukha ni Keeper. "Ito ang budget," inilapag nitong ilang isang libo sa mesa. "Ikaw na ang bahala. Kung kulang pa, tawagan mo lang ako." Inabot nito ang cell phone niya at in-save ang numero nito roon. "Done," may malaking ngiti na inilapag nito ulit ang cell phone niya.

"Teka lang,"

"Kaya mo 'yan," tumayo na ito. "Fighting!" dala ang iced coffee nito ay iniwan na lang siya nito nang parang bola.

Napakamot siya sa noo. "Bakit ba ako napapalibutan ng mga weirdong tao?" marahas na napabuntong-hininga siya. Bigla tuloy sumakit ang sentido niya. Surprise birthday party? Gosh. 'Di nga niya 'yon nagawa kay Lance noon. Everything was Allysa's.

How in the world will she do that?

Binuksan niya ang February calendar niya sa planner. She draw a heart on the 14th day of Feb. Okay, Alyce, part of being good, help Strar on this. Iniisip pa lang niya ang planning stage. Nanlulumo na siya. She's not really good in making other people happy. Best of luck Alyce!






"DO you know that staring is rude, Alyce?" ibinaba ni Darwin ang tasa ng kape sa table at pinagpatuloy ang kung anong ginagawa sa tab nito. Alyce only have a week to plan everything. "Alam kong gwapo ako, but huwag masyadong ipahalata." He chuckled.

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. "What's your like and dislike?"

"Ikaw,"

Kumunot ang noo niya. "Anong ako?"

"Next question," hay naku, wala talaga akong mapapala sa isang 'to pagdating sa seryosong usapan.

"Your favorite hobbies?"

"Controlling,"

Wow, ha? Is that even a hobby? "Favorite movies? Favorite celebrities? Favorite color? Food? Drink? Place?" she made a mental note. At sana naman, sagutin na siya nito nang maayos.

"Nagpapa-sign ka ba ng slumbook sa akin ET?" nakataas ang isang kilay na balik tanong nito.

"I'm just curious, syempre, bilang isang kaibigan mo, I should know at least the basic things you hate and love." Bakit kasi 'di mo na lang sagutin ang mga tanong ko para matapos na tayo? Naiinis na ako, ha? This is really hard. He's making it hard for her. "That way, hindi naman ako maging useless friend."

"Well, if you really want to know me better ET," he has this mischievous smile again. "You should at least, exert some effort. Sure, we can do question and answer but know the implication of your convenience because I could always lie."

Napatitig siya sa mga mata nito. Ngayon niya lang napansin na nag-iba ang kulay ng mga mata nito. From light brown ay naging gray 'yon.

"Do you wear contacts?" hindi niya maiwasang tanong. She can't help but stare at his gray eyes. Hindi niya maiwasang punahin na mas bagay rito ang abo na mga mata kaysa sa brown.

He was taken aback pero hindi niya sigurado kung nagulat ba ito o hindi dahil halos wala namang nagbago masyado sa ekspresyon ng mukha nito.

"Those are my real eye color,"

"Really? So, you always wear contact lenses?" may ngiting tumango ito. "Bakit?"

"See your reaction?" inihilig nito ang likod sa back rest ng upuan. "It's very unusual to have an inborn gray eyes for my race. I tried to conceal it, for me not to get too much attention from other people. I just forgot to wear it this time."

"You shouldn't hide it, bagay nga sa'yo e." She give him a genuine smile. "O, baka lumaki na naman 'yang atay mo, but to be honest, you look great in those gray eyes, Darwin."

Natawa ito. "Thanks," pero mabilis rin itong sumeryoso. "But I'm still not gonna tell you information about me."

She groaned in annoyance. "You're impossible." Marahas na naihilig niya ang likod sa back rest ng upuan. "I hate you."

"I always believe ET, that the more you hate, the more you love."

"Whatever," tama na nga muna.

"And whatever is good for your soul, do that."

Lahat na lang ng mga sasabihin ko Darwin ay bibigyan mo ng quotes? Well, ano bang makukuha niya sa isang Darwin Fate? Complicated riddles and life quotes. Ang utak nito ay parang isang malaking escape room.






SA mga sumunod na araw ay lagi nang tambay sa Dolce Fate si Alyce kapag maaga natatapos ang klase niya. She tried looking for Darwin's social media accounts pero wala siyang mahanap. For a man who knows everything, ito ang lang ang kilala niyang walang accounts sa mga social media sites. Google lang ba kilala nito?

Na-e-stress na siya. Pero ayaw niyang mag-give-up. Kaya kapag nasa DF siya ay in-obserbahan niya ang mga kilos nito at kung ano ang madalas na gawin nito. Alam niyang napapansin siya ni Darwin pero hinahayaan lang siya nito at tila nag-e-enjoy pa itong asarin siya dahil para itong kabute. Nawawala tapos biglang nagpapakita.

Inilista na niya lahat ang mga naobserba niya. Kala mo, ha? Si Alyce Alonzo kaya 'to. I will never give up without a fight. Sisiguraduhin niyang, hindi makakalimutan ni Darwin ang birthday surprise niya rito.

Palabas na siya nang maramdaman niya si Darwin sa likod niya. Lumagpas ang isang kamay nito sa isang balikat niya at ito ang nagbukas ng glass door para sa kanya.

Naingat niya ang mukha rito. "Thanks,"

"Uuwi ka na?"

She nodded. "Alas sais na rin," pagtingin niya sa wrist watch niya ay 'di na naman 'yon gumagana. 'Di bale na nga. Sigurado naman siyang alas sais na ng gabi. "Sabi ko kasi kay Manang Arma na sa bahay ako mag-di-dinner. Bye." Tuluyan na siyang lumabas.

Sumunod naman ito at umagapay ng lakad sa kanya. Malapit lang naman ang Dolce Fate sa bahay niya. Malalakad niya lang.

"Ihahatid na kita," namulsa ito. "How was your observation?" may naglarong ngiti sa mukha nito. "Got something?"

"I did," proud niyang sagot. "And that isn't part of your business anymore."

"Sure ka bang tama 'yang mga obserbasyon mo?" paghahamon pa nito.

"Well, I may not be good in making wise decisions but I'm very keen with it comes to details Mr. Darwin Fate."

"Impressive Ms. Alyce Alonzo. When can we test that?"

"When the right time comes,"

"Noted," ilang segundo silang natahimik pareho. "May kasama ka bang mag-dinner sa bahay?"

"Wala, ayaw kasi akong sabayan ni manang."

"Can I join you?"

"Makikikain ka lang e."

Malakas na natawa ito. "Ang hirap mong lokohin talaga. But I will still take that as a yes."

"Ang hilig mo talagang mag-control, Darwin." Tama nga ang sinabi nito. Darwin has this great fascination in controlling the things around him. And he's really good at it dahil mabilis nitong napapasunod ang lahat dito. "Kahit na mag-say no ako, ipipilit mo pa rin ang gusto mo. You make people around you weak."

"Is that a compliment or a bash?"

"A fact,"

"I guess so?" he chuckled. "Maybe because, people are too indecisive. They tend to prolong their agony even if they know already the pros and cons of everything. They have these doubts every time they are put in difficult situations."

"Because it's never easy to decide. Kahit na alam mo na ang pros and cons ng gagawin mo, hindi mo pa rin mapipilit agad ang sarili mo na mag-desisyon agad. And it's fear, Darwin. Takot ang pumpigil. Hindi naman kasi lahat ng tao ay kasing tapang mo. Hindi lahat ng tao ay kayang bumangon mula sa sakit. Katulad ko," ibinaling niya ang mukha rito. "I have so many fears in my heart."

"Is it really hard to get rid of that fear?"

"It's inevitable, kahit na sabihin mo sa sarili mo na kaya mo, na malakas ka, dadating ka pa rin sa point ng buhay mo na guguho lahat ng mga naipon mong lakas ng loob. You will start questioning you worth again." She sighed. Ibinalik niya ang tingin sa daan. "It's really sad. I guess, some human heart is weak."

"I don't think yours is weak, Alyce."

Mapait na ngumiti siya. "You think so?"

"I've always been confident and strong whole my life ET. I have few regrets but I haven't felt that strong sadness that you have in your heart. I can sense it. But for someone like you, you were strong enough to accept all your mistakes. Kahit na mas malaki pa ang pag-aalinlangan mo sa sarili mo, pinipilit mo pa ring baguhin ang sarili mo."

Naibaling niya ang mukha kay Darwin.

May malaking ngiti sa mukha nito. "Ikaw na nga ang may sabi, not everyone can bounce back from pain, but you're trying, and you're doing a good job. So you don't have a weak heart."

"Sige na nga," malaki na ang ngiti niya. "Sa bahay ka na mag-dinner. Dami mo pang sinasabi."

Natawa ito. "Seryoso ako, baliw 'to."

"Salamat," pabagsak niyang sabi.

But I mean it Darwin. Thank you!

"Ikaw pa ang galit. You're welcome, ha?" malakas at may inis na sagot nito sa kanya. Natawa lang siya. "Na appreciate ko talaga ang pasasalamat mo, ha?! Damang-dama e." Loko-loko talaga.






N/A: Thanks for reading! <3

Continue Reading

You'll Also Like

36.2K 832 27
Serano #1 (Completed) The sadness of Bullet It's really for me; I bet Is this what I get? I wish we didn't met Bullet of Pain How can I restart...
67.5K 1.2K 33
Will you still lay your cards just to be fixed? You #2 of You Duology Β© 2016 by Chancymoon
71.2K 3.1K 34
"I will always leave a trace to remember my way back to you."- Kael Valdez [ BOOK PUBLISHED UNDER B&B PRINTING SERVICE ]
969 60 14
"There are better things ahead than any we leave behind" But what if, What if those things we leave behind are the better things? What if they are t...