Montague Series 1: Sold to th...

By RuxAlmo

1.9M 44.7K 3.7K

Rank # 1 in Romance [06.13.19] Warning: |R-18| Mature Content. Fabio "You broke me, but I still love you." More

Kabanata 1.
Kabanata 2.
Kabanata 3.
Kabanata 4.
Kabanata 5.
Kabanata 6.
Kabanata 7.
Kabanata 8.
Kabanata 9.
Kabanata 10.
Kabanata 11.
Kabanata 13.
Kabanata 14.
Kabanata 15.
Kabanata 16.
Kabanata 17.
Kabanata 18.
Kabanata 19.
Kabanata 20.
Kabanata 21.
Kabanata 22.
Kabanata 23.
Kabanata 24.
Kabanata 25.
Sold to the Montague
Kabanata 26.
Kabanata 27.
Kabanata 28.
Kabanata 29.
Kabanata 30.
Epilogue:
Beauty In Naked
Special Chapter

Kabanata 12.

58.9K 1.6K 153
By RuxAlmo


SOLD TO THE MONTAGUE

ALENA:

Panghahawakan ko ang sinabi niya. Hindi ako nananaginip dahil gising na gising ang diwa ko.

"Do you understand me?" Kunot noo nitong tanong na tila naiinis na dahil sa matagal kong pagkatulala. Napangiti ako dito at tumango. Hindi naman na ito nag salita pa at saka ako hinila para yakapin.

Hindi ako nagdalawang isip na gumanti ng yakap dito. Natahimik kaming dalawa habang hinihimas ang aking buhok. Napahikab naman ako nang makaramdam bigla ng antok. Isiniksik ko ang ulo sa kanyang dibidib habang magkahiga kaming dalawa. Gusto kong matulog ng mapayapa kasama siya.

Naalimpungatan ako ng maramdamang wala na ito sa tabi ko. Madilim ang paligid kaya't nabaupo ako at luminga linga.

"Fabio?" Hanap ko ngunit wala ito. Kaagad akong nag tungo sa banyo at nagbaka sakaling naroon siya ngunit bigo ako. Naghilamos na ako at nag mumog. Bumaba ako para tignan ito ngunit bigo pa rin ako. Wala siya sa mansion. Nahagilap ko pa ang Nanang Flora na nag aasikaso ng pagkain.

"Senyorita tamang tama mag kakabihan na." Masayang ani nito. Napangiti na lang ako ngunit ang mga mata'y si Fabio ang hinahanap.

Hindi naman ako nahirapan, may narinig akong nag uusap mismo sa labas ng mansion kaya't lumabas ako para silipin. Nagtago ako sa likod ng malaking pigurang rebulto nang makita ang Kuya Matias na kausap si Fabio.

Seryoso ang kanilang pinag uusapan. Hindi ko man lubos na marinig dahil sa may kalayuan ito'y pansin kong nagkakapikunan muli ang dalawa at maaaring mauwi sa sakitan.

Lalapit na sana ako, ngunit napahinto nang makitang dinuduro ni Fabio si Kuya Matias.
"Stay away from Alena." Gigil na ani nito. Ako ang kanyang tinutukoy. Hindi ko alam kung anong maaaring isipin ng Kuya Matias. Hindi ko kontrolado ang pwede niyang isipin sa binitawang salita ni Fabio.

Bumalik ako sa loob at dumiretso sa kusina. May maliit kasing banyo roon at doon ko napiling mag tungo para huminga. Hindi ako makahinga ng maayos sa paghaharap nila. Para bang anumang oras ay sasabog ito na parang bulkan.

Tinitigan ko muli ang sarili sa salamin. Nanlalamig ang magkabila kong kamay habang nagmumula at nag iinit ang magkabilang pisngi. Ano bang nakain ng isang 'yon? Bakit niya kinausap ng ganoon ang Kuya Matias? Natatakot ako na baka makahalata ito sa kung anong namamagitan sa'min ni Fabio.

Binasa ko ng malamig na tubig ang buong mukha para mahimasmasan. Kailangan kong umaktong normal dahil kung hindi ay tiyak na mabubuko kami.

Dumating ang araw ng pag uwi nila mama at papa. Ang araw na hindi naging madali sa pagtatago namin ni Fabio.

Isang gabi habang kami'y salo salong nag gagabihan ay nag salita ang papa. "May importante tayong pag uusapan Fabio." Natigil ang aking pagkain at nag angat ng tingin. Lumapit naman si Arya at nag abot ng juice na maiinom.

"Salamat." Ani ko at ngumiti ito bago umalis. Ang Kuya Matias ay seryosong kumakain. Ilang araw na ring nag bago ang pag uugali nito. Ilang araw ng hindi kumikibo at seryoso.

"Tungkol ito sa anak ng Duke." Nag tiim bagang bigla si Fabio sa nadinig. Hindi ko maintindihan ang tinutukoy ng papa.

"What? What do you want me to do?" Halata ang pagkairita nito.

"You know what I mean."

"Hon pabigla bigla naman ata. Pabayaan nating makapag isip si Fabio."

"Kailangan ito para sa Black Empire." Wala akong kaalam alam sa mga pinag uusapan nila.

"Hindi ka pa ba nakakapag isip? Paulit ulit na lang ba ako Fabio?" Bakas ang galit sa boses nito.

"What do you want me to do with that silly girl?" Wala ng respetong natira dito.

Pabalang na hinampas ng papa ang malaking mesa.

"You have to marry her." Nanlaki ang mga mata ko. Nabitawan ko ang basong may laman ng orange juice at nag mantsa ito mismo sa bestidang puti na suot ko.

"Hija are you okay?" Ani ng mama at natuon ang atensiyon nila sa'kin maliban kay Fabio na nakatingin ng masama sa papa.

"I-I'm okay ma." Nagsalita naman bigla si Fabio.

"I don't want to." Napatayo ang papa. Galit niya itong hinawakan sa kwelyo ng damit tsaka marahas na itinayo. Nagkatinginan sila ng masama.

"Sino ang nakapagpabago ng isip mo ha? Sino!" Napalunok ako.

Nanginginig ang dalawang kamay ko habang hawak hawak ang isang basong may laman na Juice.

"Ikakasal ka sa anak ng Duke sa ayaw o sa gusto mo!"

Nabitawan ko ang hawak na baso dahilan para mabasag ito. Nanginginig ang buong sistema ko. Hindi ako gaanong makapag isip ng tama.

"Walang kasalang magaganap. I told you J don't want. Sasayangin niyo lang ang mga oras niyo." Galit na saad ni Fabio. Nakatanggap naman ito ng malakas na suntok mula sa papa dahilan para mapaupo sa sahig.

"Kuya!" Kaagad ko siyang nilapitan. Marahas nitong pinunasan muli ang kaunting dugo sa gilid ng labi.

"Zalazar! Wag mong saktan ang anak mo!" Kaagad na tumayo ang mama para umawat. Tumayo na rin ang Kuya Matias ngunit walang nag bago. Pasugod ang papa kay Fabio.

"Umalis ka diyan Alena. Malilintikan ang isang yan sa'kin!" Hindi ako nakinig dito. Tumayo naman si Fabio at sinamaan ng tingin ang papa. Hawak hawak ko ang braso niya. Natatakot ako sa susunod na maaaring mangyare.

"Sumagot ka! Anong nagpabago sa isip mo!" Nanlaki ang mga mata ko nang humugot na ng baril ang papa. Kaagad akong humarang ngunit marahas na hinawakan ng papa ang braso ko at saka ako itinulak.

"Zalazar nasasaktan ang bata!" Sigaw ng mama.

Mas lalong sumama ang pagkakatitig ni Fabio sa papa.

"Sinong nag bigay ng pahintulot sayong itulak siya!" Nagulat ako ng sumigaw ito. Umapila naman ang Kuya Matias at humarang sa dalawa.

"Hudas ka Fabio! Hudas ka kung sagot sagutin mo ang papa!" Ani ng Kuya Matias.

"Wala kang pakialam!" Isang malakas na suntok ang iginanti ni Fabio na tumama sa sikmura ng Kuya Matias. Nanlilisik ang mga mata nitong tumingin muli sa papa.

"Bastardo! Isa kang bastardo!" Sigaw ng papa dito. Pumigil ang mama upang hindi magpang abot ang dalawa.

"Oo bastardo ako! Bastardo!" Sigaw ni Fabio.

"Gago ka Fabio! Anong karapatan mong sumagot ng ganyan!" Sigaw ng Kuya Matias nang makabawi at sinuntok pabalik si Fabio sa sikmura.

"Kuya!" Napasigaw ako nang makitang napaluhod si Fabio sa tindi ng pagkakasuntok. Mas lumala lamang ang pag alala ko nang makita ang isinuka nitong dugo.

"Tama na! Huwag kayong mag patayan! Matias Zalazar! Hindi niyo kalaban si Fabio! Iba ang mga kalaban natin!" Hindi na napigilan ng mama ang pag tulo ng luha.

"Huwag kang makialam Diyana. Tuturuan ko ng leksyon ang bastardo mong anak!" At saka hinampas ng baril si Fabio ng papa sa likuran.

"Papa tama na!" Sigaw ko. Napaluhod lamang muli si Fabio at muling sumuka ng dugo. Marahas na pinunasan ito gamit ang isang kamay at sinamaan muli ng tingin ang papa.

Tumayo ito ng dahan dahan. Kahit halatang masakit ang sikmura dahil sa malakas na suntok na inabot.

"Huwag mong pakikialaman ang buhay ko." Nag salita si Fabio. "Hindi ikaw ang may karapatang mag desisyon kung sino ang pakakasalan ko!"

"Hayop ka!" Isang suntok ang ibinigay ng papa dito. Tatakbo na sana ako para hakapin si Fabio nang utusan naman ng papa ang isang tauhan na hawakan ang magkabilang braso ko. Wala namang magawa ang mama kundi ang umiyak. Umiyak ng umiyak.

"Mas masahod ako sa hayop. Itong hayop na nasa harapan mo," Nanlilisik ang mga mata ni Fabio sa papa bago muling ipinag patuloy ang sasabihin.

"Ay kayang pumatay." Madiin at malalim niyang pagkakasabi.

Saglit na natahimik ang papa sa binitawang salita ni Fabio. Maging ang Kuya Matias ay natigilan din at napatingin dito.

Ilang segundo lang ang lumipas nang bumalik sa ulirat ang papa.

"Wala kang utang na loob! Kung hindi dahil sa'kin patay ka na! Kung hindi kita binihisan ng ganyan, wala ka! Wala ka!" Pag uulit nito. Bigla naman akong naguluhan sa kanyang binitawang salita. Hindi ma absurba ng utak ko iyon. Anong ibig sabihin ng papa?

"Zalazar tama na! Tama na!" Pagsisisigaw ng mama. Saglit na nagkaroon ng katahimikan ang buong mansion. Nanonood lamang ang mga kasambahay at ni isa dito'y takot makialam.

"Hindi ko akalaing isang demonyo pala ang pinalaki ko. Isang demonyo ang binihisan at inaruga ko! Isang demonyo ang pinag aral ko!"

Hindi nag salita si Fabio at tinanggap lang ang masasakit na salita ng papa. Umawat na ang mama, iniiwasang mag pang abot ang dalawa.

"Malas mo binuhay mo pa ang demonyong katulad ko." May talim at diin ang pagkakasabi ni Fabio. Nag pintig ang mga salitang iyon sa tainga mismo ng papa kaya't ikinasa nito ang baril.

"Papa wag! Mapapatay niyo siya!" Buong lakas kong tinanggal ang mga kamay na nakahawak sa magkabilang braso ko. Tumakbo papunta kay Fabio at niyakap ito. Isiniksik ko ang mukha sa kanyang dibdib. Naramdaman ko naman ang isa niyang kamay na nakahawak sa ulo ko bilang proteksiyon.

Umiiyak na ako. Labis labis na ang nasaksihan ko ngayong gabi.

Natigilan ang papa.

"Anong ibig sabihin nito!" Alam kong nakatunog siya.

"Alena?" Tinig ito ng mama na naguguluhan. Napatingin ako sa dako nila. Galit na galit ang ekspresiyon ng papa at mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa'kin ni Fabio habang ang kabilang kamay ay nakahawak sa tagiliran.

"Anong ginagawa niyo!" Sigaw muli ng papa.

Hindi na natapos ang pag bagsak ng mga luha ko. Dumating ang araw na kinatatakutan ko. Ayokong mahiwalay kay Fabio. Ayokong mawala siya sa'kin.

"Sumagot ka! Anong ginawa mo kay Alena!" Itinutok ng papa ang baril.

"Tama na papa! Mahal ko si Fabio. Mahal ko siya. Mahal ko siya hindi bilang isang kapatid!" Ako na mismo ang pumutol ng katanungan ng papa.

"Alena." Mahinang pag banggit ni Fabio sa pangalan ko. Namutla naman ang mama sa natuklasan. Ang papa'y mas lalong nagalit at nag igting ang panga. Galit na galit ito na tila papatay na ng tao.

"Isang kabaliwan! Hindi ba kayo nahihiya sa mga balat ninyo?!" Sigaw ng papa. Wala akong pinag sisisihan. Mas tumindi ang pagmamahal ko para kay Fabio. Wala na akong pakialam kahit na magkapatid kami. Kahit na siya ang legal kong kapatid.

"Mga hangal!" Namumula ang mukha ng papa. Labis na pagkamuhi ang nararamdaman niya sa amin. Naramdaman ko naman na mas humigpit pa ang yakap sa'kin ni Fabio. Wala na rin itong pakialam sa anumang sasabihin ng iba.

Napaupo ang mama na tila naninikip ang dibdib.

"Diyana!" Kaagad na nabitawan ng papa ang hawak na bawil at mabilis na kumuha ng tubig.

"Mama." Umiiyak na sambit ko. Ininom naman ng mama ang tubig at lumuwag ang pakiramdam nito.

"Bakit? Bakit niyo ito nagawa? Magkapatid kayo." Humihikbi na ani nito. Umiiling iling ako. Hindi ko tanggap na kapatid ko si Fabio. Ayoko siyang maging kapatid. Hindi ko iyon kayang tanggapin.

"Mahal ko siya." Nag salita na si Fabio. Mahina lamang at namamaos ang boses.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo!" Sigaw ng papa. Wala na kaming mukhang maihaharap maging sa mga kasambahay ng mansion. Ngunit hindi 'yon naging hadlang. Ipaglalaban ko ang nararamdaman ko kay Fabio.

"Bitawan mo ang kapatid mo." Mababa na ang boses ng papa.

Hindi sumunod si Fabio at mas lalo pang humigpit ang pagkakakapit.

"Walang hiya ka Fabio. Hindi ka marunong tumupad! Bitawan mo ang kapatid mo!" Naguguluhan ako sa mga sinasabi ng papa ngunit mas nangingibabaw ang takot kong paghiwalayin kaming dalawa ni Fabio ng landas.

"She's mine." Ani ni Fabio.

"Mali ang ginagawa mo! Nakakadiri ka!" Sigaw ng papa.

"I don't care! She's mine! Siya ang gusto kong makasama at hindi ang anak ng Duke!"

Huminga ng malalim ang papa. Pilit na ibinabalik ang pagkalma. Niyakap ko ng mahigpit si Fabio. Alam kong anumang oras ay kayang kayang gumawa ng paraan ni papa para paghiwalayin lamang kaming dalawa.

"Bitawan mo si Alena Fabio." Nagsalita na ang Kuya Matias.

Sinamaan ito agad ng tingin ni Fabio.

Napangisi ito sa kuya at nagsalita.

"I'm not stupid Matias. I know your damn secret! Parehas lang tayo. All you want is her! Wag mo akong gaguhin!"

"Anong ibig mong sabihin?" Galit na tanong ng papa.

"Zalazar tama na. Itigil mo na ito. Alena maawa ka sa'kin baka hindi ko kayanin at ikamatay ko ito." Humihikbing saad ng mama.

"Gusto kong malaman ang katotohanan Dinaya. Anong ibig sabihin nito Matias!"

Natahimik ang Kuya Matias. Si Fabio ay nakangisi lamang dito habang masama ang tingin.

Nagpakawala ang Kuya Matias ng malalim na pag hinga bago hinarap ang papa.

"Oo."

Panimula nito.

"Mahal ko si Alena."

Napahawak ako sa'king bibig.

"Mahal ko siya, mahal ko siya at hindi sa paraang tingin niyo! Hindi bilang kapatid!"

"Mahal ko siya bilang babae!"

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

807K 23.8K 49
WARNING: R18+ A/N: Read at your own risk. PSYCHOPATH SERIES #6: Lazarius Zaniel Fournier Sinful Ephemeral DATE START: 01/01/21 DATE FINISHED: JUNE 20...
53.3K 1.2K 39
No one could distract him from following pleasure to hell; not until she came. WARNING: MATURED THEME AHEAD
33.5K 1K 34
Lark Cervantes-the heir and the world's youngest multi-billionaire who hides his cruel coldness. Lark suffers from severe Ecclesiaphobia because of h...
132K 5.6K 32
Sapriya Jayne "Saji" Choi was a wreck when she met Gabriel "Gael" Sanchez who also came from a heartbreak. Can two people with broken heart be toget...