SI ORANGE (The Pinay Cinderel...

By AmorFilia

69K 1K 386

SI ORANGE (The Pinay Cinderella) - Book 1 (chapters 1-10) SI ORANGE (The Baby Girl Turned Wife) - Book 2 (cha... More

SI ORANGE: Cast of Characters
SI ORANGE (Teaser)
SI ORANGE: PROLOGUE
SI ORANGE: Chapter 1
SI ORANGE: Chapter 2
SI ORANGE: Chapter 3
SI ORANGE: Chapter 4
SI ORANGE: Chapter 5
SI ORANGE: Chapter 6
SI ORANGE: Chapter 7
SI ORANGE: Chapter 8
SI ORANGE: Chapter 9
SI ORANGE: Chapter 11
SI ORANGE: Chapter 12
SI ORANGE: Chapter 13
SI ORANGE: Chapter 14
SI ORANGE: Chapter 15
SI ORANGE: Chapter 16
SI ORANGE: Chapter 17
SI ORANGE: Chapter 18
SI ORANGE: Chapter 19
SI ORANGE: Chapter 20
SI ORANGE (Version 2.0)-Teaser

SI ORANGE: Chapter 10

2.1K 40 8
By AmorFilia

SA HALIP na dumiretso ng uwi ay sa bahay ni Chikki nagtuloy si Anastacia. Hindi niya gustong makita si Carlo sa gabing iyon dahil tiyak na pagsisisihan lang niya ang mga bagay na sasabihin niya rito. Baka bukas ay wala na siyang lakas ng loob na harapin ang lalaki.

Hindi sana siya iiwan nina Mia at Meg pero siya na rin ang nagsabing kailangan niyang magpahinga at mag-isip nang mag-isa.

"Mahal mo ba siya, Bff?" tanong ni Chikki nang makaalis na ang dalawa nilang kaibigan.

"No," tanggi niya rito. Hindi niya gustong isiping iyon ang dahilan ng ipinagkakaganoon niya. "Ayoko lang nang niloloko ako at ginagawang tanga." Ngumiti siya nang mapakla. "Sira-ulong iyon, hindi na lang sabihig nandoon siya at kasama ang girlfriend niya!"

"Baka iniisip niyang magseselos ka—"

"Kapal niya! Bakit niya iyon iisipin gayong alam naman niyang ayos lang sa akin na may Portia siya?"

Napasimangot si Chikki. "Ganoon? Hanga rin naman ako sa setup ninyong dalawa. Magkasama kayo sa iisang bubong at pinalilitaw ninyong nagtanan kayo pero hindi ninyo naisip na may girlfriend siya at malalaman ng babaeng iyon ang tungkol sa inyo?"

Nagkibit siya ng balikat. "Naguguluhan din ako. Ang sabi ni Carlo ay alam ni Portia ang tungkol sa akin."

"I doubt it," tugon nito. "Nakita mo ang hitsura niya kanina? Tiyak na hindi na noon pauuwiin si Carlo."

"Ha?" Napamaang siya.

"Oo naman! Kung ako ang girlfriend at nalaman kong may ibang babaeng kasama sa bahay ang boyfriend ko, hindi ako papayag, 'no! Gagawa ako ng paraan para maitaboy siya!"

"Pero ang sabi ni Carlo ay iba naman ang situwasyon nilang dalawa."

"Gaga! Hindi totoong may ganoong klaseng relasyon! Kahibangan iyon dahil hindi naman sila robot na walang pakiramdam!"

Napaisip siya. Tama nga kaya si Chikki? Kung may namamagitan sa dalawa at magnobyo ang mga ito sa mga mata ng mga nakakakilala rito, hindi nga kaya ginagawa lang niyang gaga ang sarili niya sa pagsusumiksik sa buhay ni Carlo? Baka nga naaawa lang sa kanya ang lalaki at nahihiya lang siyang paalisin nito? Sukat sa naisip ay napahagulgol siya ng iyak sa pagtataka ng nakakunot-noong si Chikki.

"TAMA na, Bff! Matulog na tayo!"

Umiling si Orange at tinungga ang laman ng bote ng beer na hawak. Hindi niya tinigilan si Chikki hangga't hindi siya nito pinapayagang uminom. May apat na bote ng beer sa ref ng mga ito at ayon dito ay sa Tito Danny nito iyon. Nagkataong wala ang tiyuhin at mga magulang nito nang araw na iyon, bumiyahe raw para dumalaw sa mga kamag-anak ng mga ito sa probinsiya kaya pinilit niya ang kaibigan na payagan siyang kunin na ang mga iyon.

"Okay lang ako, Bff. Gusto ko lang i-experience ito. Tama sina Mia at Meg, napakainosente ko nga hindi man napakatanga."

"Huwag mong sabihin iyan, ano ka ba! Pagkatapos ng isang bote na iyan ay tama na at sasabunutan na kitang talaga, Anastacia! Ang bata-bata mo pa, naglalasing ka na!"

Tumango siya. Akma na niyang tutunggain ang laman ng bote nang tumunog ang doorbell. Nagkatinginan silang magkaibigan.

"Bumalik sila?" tanong niyang ang tinutukoy ay ang mga magulang nito.

Kumunot ang noo nito at napailing. "Imposible." Nang muling mag-ingay ang doorbell ay napatayo na ito. Sinundan niya ito ng tingin habang napapangiti. Kanina ay nahimasmasan na siya pero ngayon ay unti-unti na namang umiikot ang kanyang paningin. Palibhasa ay talagang hindi naman siya marunong uminom. Masarap palang mahilo paminsan-minsan. Pakiwari niya ay nakasakay lang siya sa Ferris Wheel – ang gaan ng kanyang pakiramdam.

Sinaid niya ang laman ng hawak na bote at saka iyon ibinaba sa lamesitang kaharap. Nang umingit ang pinto ng silid ni Chikki ay awtomatiko siyang napalingon doon. Napangiti siya nang makita ang tiyuhin ng kaibigan na nakatayo roon.

"Sorry po Tito Danny, k-kinuha ko ang beer ninyo," sabi niya rito habang napapapikit na. "Papalitan ko na lang bukas." Pagak siyan tumawa. Sinikap niyang tumayo pero agad siyang natumba. Madali namang dumalo ang tiyuhin ng kaibigan. Sinalo nito ang kanyang katawan at inalalayan siyang mahiga sa couch.

"Salamat, Tito," aniya ritong nakangiti. Natigilan siya nang mapagmasdan ang lalaki at mapansing guwapo ito. May galit sa anyo nito pero hindi maikakaila ang pag-aalala sa mga mata nitong nakatunghay sa kanya. Hindi niya napigilan ang isang kamay nang kusa iyong tumaas upang haplusin ang pisngi ni Tito Danny.

"Tito...bakit ganoon? Bakit...bakit kamukha mo si Carlo?" Hindi na niya narinig ang paliwanag nito dahil lumaylay na ang isang kamay niya sa alpombradong sahig ng silid. Plastado siyang nakatulog sa couch.

"SIGURADO ka ba, Carlo? Baka kasi...baka kasi ano eh..."

Hindi na pinatapos ni Carlo sa pagsasalita si Chikki at tuluy-tuloy na siyang lumabas ng bahay nito habang pangko ang tulog na tulog na si Anastacia.

"Carlo!" muling sigaw ng dalaga pero hindi niya ito nilingon. "Hoy, ingatan mo ang kaibigan ko ha! Ipangako mo sa akin na iingatan mo siya!"

Noon lang siya lumingon at sinikap na ngumiti rito. "Ako na ang bahala sa kanya," maikli niyang sabi bago tuluyang lumabas sa gate ng bahay ni Chikki. Sa labas naman ay naghihintay si Reid sakay ng kotse nito. Madaling bumaba ang kaibigan at pinagbuksan siya ng pinto ng kotse. Nang maisakay at maiayos sa pagkakahiga sa likurang bahagi ng sasakyan si Anastacia ay saka lang siya nakahinga nang maluwag. Bumaba siya ng kotse at tumabi kay Reid.

"Ang kulit mo, Pare! Sinabi naman sa iyong bukas mo na sunduin ang bebot na iyan eh."

Pinukol niya ng masamang tingin si Reid pero tumawa lang ito.

"Grabe, Pare! Huwag mong sabihin sa akin na tinamaan ka sa babaeng 'yan? She's just a kid!"

Sinulyapan niya ang nahihimbing na dalaga at lihim na naman niyang kinagalitan ang sarili.

"'Nak ng putsa, Pare! Iniwan mo si Portia nang ganoon lang! Para namang hindi mo kilala ang nobya mong iyon! Hindi ako magtataka kung tatawag ka sa akin bukas at sasabihin mong naglaslas na naman ng—"

"Enough, Pare!"

"What?!" ganting sigaw nito sa kabila ng pagmamaneho. "Totoo naman ang sinasabi ko ah! Between Portia and this poor girl, kay Portia baby na ako." Lumingon ito at tinapunan ng tingin ang dalagang nakahiga sa back seat. "Look at your Baby Girl, nakainom lang nang bahagya ay plakda na. Napakarami mo pang ituturo sa batang iyan, maniwala  ka sa akin." Napailing-iling pa si Reid.

Ipinagtaka niya ang emosyong humaplos sa dibdib niya sa sinabi nito. Sa halip na makuha niya ang punto ni Reid ay tila natuwa pa siya sa narinig buhat dito. Ang isiping marami pa siyang bagay na ituturo kay Anastacia ay nakapagpapataba ng puso niya. He felt like he wanted to teach a lot of things to her.

Kanina, akala niya ay magagawa niyang tiisin ang dalaga. Pilit niyang idinidikta sa isip na walang mali sa ginagawa niya. Na oo nga at may kasunduan sila nito pero alam naman nila kapwa ang totoong 'score' sa pagitan nilang dalawa. Sinisikap niyang pagaanin ang dalahin ng konsensiya sa pamamagitan ng pagtatanim sa isip ng tungkol kay Portia.

Si Portia ang nobya niya at hindi si Anastacia. Kung may pagkakamali man siya sa dalaga, siguro ay ang hindi pagsasabi dito ng totoong kinaroroonan niya. But that was not a mortal sin. Maaari naman niyang sabihin sa dalaga na tumuloy lang doon ang grupo matapos magkasiyahan sa bahay ni Reid. He could actually say a lot of things to her. Ang nakapagtataka ay kung bakit hindi niya magawang humabi ng kung anu-anong dahilan dito...at iyon ang bagay na hindi rin niya lubos na maintindihan.

Matapos niyang ihatid si Portia kanina ay agad na siyang nagpaalam sa dalaga na uuwi. Natural na hindi agad pumayag ang nobya. Marami itong mga bagay na sinabi na karamihan ay mga pananakot sa kanya, gaya ng dati nitong ginagawa pero kakatwang hindi siya nakadama ng simpatya rito sa mga sandaling iyon. Ang totoo ay bahagya pa nga siyang nainis dahil pakiwari niya ay pinaiikot lang siya ni Portia. Tila nananadya na lang ito para magawa nito ang mga gusto nito nang walang kahirap-hirap. Sa huli, hindi rin siya nito napigil nang may pagmamadali niyang lisanin ang bahay nito.

Kasama si Reid ay umuwi siya at agad na pinuntahan si Orange pero kahit isa ay walang sindi ng ilaw sa tinutuluyan nitong apartment. Ilang beses din niyang isinigaw ang pangalan nito pero wala talaga ang dalaga. Noon na siya nagpasyang magpasama kay Reid sa bahay ni Chikki at doon nga niya ito dinatnan habang naglalasing.

Agad siyang nakadama ng magkahalong inis sa sarili at awa kay Anastacia nang makita ang ayos nito. Daig pa nito ang binagyo habang sinisikap na idilat ang mga mata upang makainom ng beer. Nang dumako ang paningin nito sa kanya ay nakita niyang napangiti ito kaya bahagya siyang nagtaka pero nasagot ang tanong niya nang magsimula itong magsalita. Hindi pala siya nakilala ng dalaga. Marahil dala ng sobrang kalasingan kaya hindi nag-register sa isip nito kung sino ang kaharap...o malamang ay hindi nito inaasahang makikita siya roon. Sa halip kasing pangalan niya ay pangalan ng tiyuhin ni Chikki ang sinambit nito.

Muli niyang nilingon ang himbing na himbing na dalaga at tulad kanina ay paulit-ulit niyang kinastigo ang sarili dahil sa ginawang panloloko rito.

NAPABANGON mula sa pagkakahiga si Anastacia habang hawak ang sikmura. Pakiramdam niya ay may kung anong iniaakyat sa lalamunan niya na hindi niya magawang ilabas. Nang imulat niya ang namamagang mga mata ay sumalubong sa kanyang paningin ang bulto ng isang lalaking nakangiti sa kanya—si Carlo. Inilibot niya ang paningin sa paligid at noon niya bumalik sa isip niya ang mga nangyari nang nagdaang gabi.

"Tasha, are you all right?" nag-aalala nitong tanong.

Sasagot sana siya pero muli ay may kung anong mapait na umakyat mula sa sikmura niya papanhik sa kanyang lalamunan. Natakpan niya ang sariling bibig kasabay ng pagpipigil. Si Carlo naman ay madaling dumalo sa kanya. Inalalayan siya nitong makatayo at saka iginiya sa banyo. Nang makapasok doon ay saka niya inilabas ang kung anong nagpapahirap sa sikmura niya.

Dama niya ang paghaplos ni Carlo sa kanyang likuran. Noon niya tila ibig pagsisihan ang ginawang pag-inom. Kung nagpapigil siya sa mga kaibigan lalo na kay Chikki ay hindi niya daranasin ang ganoong hirap. Bukod sa masakit ang ulo niya ay sinisikmura na rin yata siya.

"Tasha, ayos ka lang ba?" muling tanong ni Carlo.

Inayos muna niya ang sarili bago umayos sa pagkakatayo at hinarap si Carlo. 'Nakita nang hindi makagulapay, itatanong pa kung ayos lang!'  "I-I'm fine," sa halip ay sagot niya kahit hindi iyon ang idinidikta ng isip niyang sabihin dito.

"Ano'ng masakit sa'yo? Ulo ba? Katawan? Ano?"

Itinaas niya ang isang kamay para pigilan sa pagsasalita si Carlo. "Ayos lang ako. Kailangan ko lang sigurong matulog ulit."

"Iginawa kita ng kape. Pupunasan na nga sana kita pero—"

"Ha?" gulat niyang sabi sabay lingon dito. Sa ginawa niya ay tila muli siyang nahilo. "H-huwag na. Kaya ko naman ang sarili ko," aniya sabay talikod. Sa kabila ng pasuray-suray niyang paglalakad ay nagawa naman niyang makabalik sa kama niya. "Lumipat ka na sa kabila. Kaya ko na." Muli siyang nahiga at saka ibinalot sa kumot ang katawan pero bago niya iyon gawin ay nasulyapan niya ang isang planggana ng tubig na may nakababad na bimpo sa isang sulok.

Na-touch siya sa effort ni Carlo, iyon ang totoo, pero dahil doon ay naalala na naman niya ang totoong dahilan ng kanyang paglalasing. Niloko siya ng lalaking ito. Pinagmukha siya nitong tanga habang siya namang si gaga ay paniwalang-paniwala sa mga pinagsasasabi nito. Marahil ay nagtatawa pa nga ito ngayon sa mga pinaggagagawa niya.

Umalpas ang ilang butil ng luha sa nakapikit niyang mga mata. She was not supposed to be crying like this. Ano ba talaga ang inginangawa niya? Ang pagsisinungaling ni Carlo o ang tagpong nakita niya kanina sa dance floor? Si Carlo habang kasayaw at halos kayakap na ang nobya nitong si Portia? Ah, siguro ay pareho...pareho naman kasing nakasasakit ng loob ang mga iyon.

"Tasha..."

Napadiin ang pagkakapikit niya nang maramdaman ang paglundo ng kabilang side ng kinahihigaan niyang kama.

"Tasha...alam kong gising ka pa. Alam ko rin na...na puwede naman tayong mag-usap bukas. Pero...ano kasi..." Saglit itong tumahimik at saka ibinaba ang kumot na nakatakip sa kanyang ulo. Madali naman niyang itinaas ang isang braso para itakip sa kanyang mukha. "Tasha naman...mag-usap tayo. Gusto kong magkaintindihan tayo bago tayo matulog." Humaplos ang palad nito sa braso niya at lumikha iyon ng mumunting kuryente sa kanyang katawan pero hindi pa rin siya nagpahalata. Patuloy siya sa pagtutulug-tulugan kahit ang totoo ay gusto na niyang bumangon at sikmatan ito. "Tasha..."

Bumiling siya sa pagkakahiga pero lumipat si Carlo sa kabilang side ng kama at lumuhod sa tapat niya. Sinikap nitong hawiin ang braso niya kaya muli sana siyang bibiling pero maagap siya nitong pinigilan. Diniinan nito ang kaliwa niyang kamay habang ang isa naman ay hawak din nito. His face was just an inch away from hers, his breath fanning over her face.

"Carlo..." anas niyang napatitig dito.

"We need to talk. Please let me explain, Tasha..."

Iyon pa lang ang nasasabi nito pero ibig na niyang sumigaw. She felt the need to scream or else, it would break her heart into pieces...and so she cried to ease the pain. Napahagulgol na lang siyang bigla. Daig pa niya ang bata nang tumangis sa harap ni Carlo. Hindi niya iyon gusto pero hindi niya maawat ang sarili. Pakiramdam niya kasi ay naagawan siya ng isang pinakamamahal at pinakaiingatang bagay at talagang masamang-masama ang loob niya dahil doon.

Nang kabigin siya ng lalaki at idaiti sa dibdib nito ang kanyang ulo ay kakatwang lalo pa siyang napaiyak. Bakit ganoon? Nasasaktan pa rin siya sa kabila ng lahat. Akala niya, kapag nagawa niyang maglasing ay malilimutan niya ang hinanakit sa lalaking ito pero bakit tila walang nagbago sa nadarama niya?

Nang maramdaman niya ang pagyuko ni Carlo at paghalik nito sa ibabaw ng kanyang ulo ay lalo na siyang nawala sa sarili. Tumingala siya at sinalubong ang mga titig ng lalaki. Itinaas niya ang mga braso at ipinulupot sa leeg nito at patawarin siya ng Diyos dahil isinusumpa niyang naabot na niya ang langit nang maglapat ang mga labi nila ng lalaki.

MABUTI na lang at nakahiga siya dahil kung hindi, malamang ay kanina pa siya natumba. Bagaman lasing, alam niya ang mga nagaganap. Hinahagkan siya ni Carlo at siya naman ay ubod tamis na tumutugon dito. Bawat kilos nito ay ginagaya niya, tinutumbasan ng kaparehong pagtugon. Magaan lang ang halik na iyon pero damang-dama niya ang kasiyahan na bumabalot sa buo niyang katauhan sa mga sandaling iyon.

Wala siyang ideya kung sino sa kanila ni Carlo ang unang tumigil sa ginagawa. Namalayan na lang niyang magkahinang ang mga titig nila habang ang kanyang mukha ay nakapaloob sa mga kamay nito. Lihim niyang nahiling na sana ay manatili na lamang sila sa ganoong situwasyon.

"Tasha...I'm sorry. Hindi ko sinasadyang...magsinungaling sa'yo," panimula nito habang taas-baba pa rin ang dibdib nito, animo naghahabol ng hininga. Napayuko siya nang maisip ang dahilan niyon pero naging maagap si Carlo at iniangat ang kanyang mukha. "Hindi ko alam kung bakit mas pinili kong magdahilan. Siguro, natatakot akong...masaktan kita."

Marahan siyang umiling. "Bakit naman ako masasaktan? Girlfriend mo si Portia, hindi ba? Isa pa, karapatan mong sabihin kung ano ang gusto mo. Ako ang mali. Hindi ako dapat nag-eskandalo. I-I'm sorry..."

Inalalayan siya ni Carlo na umayos sa pagkakaupo. Ibinaluktot niya ang mga binti at naglagay ng isang unan sa kanyang kandungan. Tumabi naman sa kanya ang lalaki.

"Hindi totoong birthday ni Reid. Nasabi ko lang iyon para...para maging valid ang reason ko sa paglabas. Ang totoo ay talagang naka-sked ang gimik ng barkada...at kasama si Portia, kaya—"

"Kaya hindi mo 'ko magawang isama?" Bahagya siyang ngumiti nang sumulyap dito. Si Carlo naman ang napayuko kasabay ng marahang pag-iling. Hindi niya napigilan ang sarili at inabot ang kamay nito. Pinisil niya iyon para maipadama dito na wala na sa kanya ang mga nangyari. "Huwag mo nang intindihin iyon, okay. Ayos lang sa akin. Nabigla ako, oo, pero hindi ka dapat ma-guilty diyan. I'm fine." Ngumiti siya para gawing makatotohanan ang mga sinasabi.

Hindi agad nagsalita si Carlo pero kumilos ang kamay nitong hawak niya. Ipinaloob nito ang kamay niya sa mga palad nito at saka inilapit sa bibig nito. Hindi siya nakahuma nang hagkan nito iyon.

"Hindi ko sinasadyang saktan ka, Tasha. Sana...sana ay totoong napatawad mo na 'ko." Punung-puno ng emosyon ang mga mata nito at hindi niya magawang salubungin iyon. Isang marahang pagtango ang ginawa niya bilang tugon. "Hindi ka na galit sa akin?"

Ngumiti ulit siya at saka umiling sabay bawi ng kamay pero hindi iyon pinawalan ni Carlo.

"Sigurado ka?" pangungulit nito.

"Oo nga." Umirap siya sabay nguso kaya nagkatawanan na silang dalawa.

"Okay. Kung talagang hindi ka na galit sa akin, patunayan mo."

"Huh?"

"Payagan mo akong matulog dito. Pagod na kasi ako, ayoko nang lumipat." Kinuha nito ang unan na kanina lang ay sinasandalan nito at saka iyon inilapat nang maayos sa kama. Pagkatapos ay prente na itong nahiga habang ang mga braso ay nasa ilalim ng ulo nito.

"Hoy, anong tulog-tulog ang sinasabi mo diyan? Hindi ka puwede dito,'no!" Hinatak niya ang unan nito pero mahigpit nito iyong hinawakan.

"Inaantok na ko, Tasha..." Ipinikit na nito ang mga mata.

"Hindi ka nga puwede dito!"

"At bakit hindi?" Muli itong bumangon at saka humarap sa kanya. "Matutulog lang naman ah! Ikaw babae ka, huwag kang malisyosa diyan ha. I just want to sleep!"

Hinampas niya ito sa braso. "Ako pa ngayon ang malisyosa! Tumigil ka nga diyan, lalaki ka! Bumangon ka at lumipat ka doon sa bahay mo! Dali na!"

Nagulat siya nang ilapit nito ang mukha sa kanya. "A-yo-ko...ayoko!" nang-iinis nitong sabi. Nag-make-face pa ito kaya hindi niya napigilan ang matawa.

"Umuwi ka na sinabi! Hindi ka puwede dito!"

"At bakit nga kasi?"

"Basta!"

"Hindi puwedeng basta! Magbigay ka ng valid reason para umalis ako!"

Akma ulit itong hihiga kaya napilitan na siyang sumigaw. "Hindi ka puwede dito dahil virgin pa 'ko!" aniya sa malakas na tinig.

Napalingon si Carlo habang nakakunot ang noo. Maya-maya ay unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi nito at ilang sandali pa, nauwi na iyon sa malakas na pagtawa.

"O, ano ang nakakatawa? Hindi ka naniniwalang virgin ako?"

Lalong lumakas ang pagtawa ni Carlo at unti-unti na siyang nakadarama ng inis. Baka kaya nagtatawa ito ay dahil hindi kapani-paniwala ang sinabi niya. Ganoon ba siya kababa sa paningin nito para magtawa ito nang ganoon?

"Virgin talaga ako, Carlo! Promise!" Hinampas niya ito ng unan sa braso pero tawa pa rin ito nang tawa.

"Ano ba? Nakakainis ka na ha!" Hindi na niya nagawang mag-isip. Basta bigla na lang niyang kinuha ang isang kamay nito at ipinatong sa kaliwang dibdib niya. "O, i-check mo! Virgin talaga 'ko, kainis ka!"

Noon natigilan sa katatawa si Carlo. Nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya at sa kinaroroonan ng isang kamay nito. Nang magsimula itong magsalita ay nagkandautal-utal pa ito.

"Ah...ano...T-Tasha..."

"Ano? Feel mo na? Boob ng isang virgin, hindi ba?" taas-noo niyang sabi habang nakangiti. Magsasalita pa sana siya pero nang sulyapan niya si Carlo ay madilim na ang anyo nito.

"Tasha, hindi mo iyon dapat ginawa," anito sabay bawi ng kamay nito. "Hindi mo basta dapat ipinahihipo iyan kung kani-kaninong lalaki. Nasisiraan ka na ba ng bait?" Tumayo ito at saka hinagilap sa paanan ng kama ang sapatos nito.

May kung anong kumurot sa puso niya sa sinabi nito. Gusto sana niyang sabihin na hindi naman ito ibang lalaki pero baka lalo lang bumaba ang pagtingin nito sa kanya.

"Ang kulit mo kasi eh..." Napayuko siya dala ng pagkapahiya. "Ayaw mo pang maniwalang ano pa 'ko....virgin pa...kaya ko iyon—"

"Hindi napapatunayan ang virginity sa pamamagitan niyan kaya alisin mo na iyan sa isip mo, ano ka ba!"

"Anong hindi? Puwede rin, 'no! Sabi sa mag na nabasa ko, kapag virgin pa ang isang babae, as in totally virgin, dapat ay erected at ano ang—"

"Shut up, jeeez! What are you talking about, Anastacia?" Tila naeskandalo si Carlo sa sinabi niya kaya minabuti na lang niyang manahimik.

Pumuwesto ito sa harap niya at saka siya hinawakan sa magkabilang balikat. "Anastacia, ipangako mo sa akin na hindi mo na iyan gagawin ulit, okay! Hindi mo iyan gagawin kahit kaninong lalaki, naiintindihan mo?"

"Kahit kanino? Kahit sa'yo?" napapangiti niyang sabi. Saglit na nagliwanag ang anyo ni Carlo, tila ibig ding ngumiti.

"Iba ako, okay. I mean, wala akong malisya kung gumanyan ka man sa akin. You're safe with me...pero paano kung sa iba?"

Hindi niya alam kung bakit na-disappoint siya sa naging tugon nito. Bilang panghuli ay pinisil ni Carlo ang baba niya at saka siya hinagkan sa noo.

"You're so dear to me and I respect you a lot, okay." Pagkasabi niyon ay tumalikod na si Carlo.

Ibig niya sana itong tawagin at linawin ang mga sinabi nito pero naumid na ang kanyang dila hanggang tuluyan na itong makalabas ng kanyang silid.

Nirerespeto raw siya ni Carlo...ang halik na kanila lang ay pinagsaluhan nila, bahagi rin ba ng respetong tinutukoy nito?

End of Book 1

(to be continued)


Dear Readers,

Maraming salamat sa pagtangkilik sa kuwento ni Anastacia aka Orange aka Tasha aka Angge. Ang babaeng ito ang tanging karakter na naisulat ko na pinakamarami ang pangalan. Ito rin ang kuwentong pinakamamahal ko na siguro sa lahat. Why? Of course, I love all my stories at may mga paborito rin akong karakter na binigyan ng buhay sa mga libro ko, pero super favorite ko talaga ang kuwentong ito. Bakit?

Una, wala itong outline at ni walang plano nang isulat ko. Free flowing, kumbaga. Direkta ko itong ginawa sa website ko kaya naman may mga loopholes noong una hehehe. Pangalawa, isip-bata dahil totoo namang bata pa talaga ang bida ko rito. 'Yung mga bagay na hindi ko maisulat sa ibang libro, naisulat ko dito dahil may excuse ako sa sarili ko—bata pa si Baby Girl at inosente to the max. Pangatlo, ang kuwento ng buhay ni Anastacia ay sumasalamin sa kuwentong ng maraming kabataan. Isang bida na may taglay na iba't-ibang ugaling makikita sa mga kabataan ngayon. So asahan na natin ang pagbaha ng marami pang eksena para sa librong ito ni Anastacia. Sa orihinal kong plano ay more or less 100 chapters ito online pero dahil isinalibro na, magiging apat na libro na lang po.

Bantayan natin ang pagdadalaga ni Anastacia hehehe. Alamin kung sa book 2 ay 'mag-asawa' pa rin sila ni Carlo at kung sa book 3 and 4 ay sila pa rin hanggang huli. At dahil special ang librong ito, pati characters na nasa mga sumunod na chapters ay hango sa pangalan ng mga followers ni Angge. Add me on Facebook and give me your names. Malay mo, mapili at makasama sa libro ni Anastacia ang pangalan ninyo.

Add or follow me on Facebook and Twitter, orayt! Present din ako doon sa may tumatakbong rosas na kabayo ^_^  May BONUS CHAPTER si Angge doon so kitakits!

Salamuch at hanggang sa muli!

Amor Filia (Yesha Lee)

yeshafever@gmail.com

Continue Reading

You'll Also Like

247K 4.4K 23
Dice and Madisson
673K 24K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
35.1K 1.7K 18
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...