The Devil's Son

By Itst4sha

852K 11.6K 3.3K

"I don't care if I will fall in love with a devil .. as long as that devil will love me the way he loves hell... More

AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE
DO NOT PROCEED
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
BASAHIN NIYO :)
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
I : Ang Anim na Kasalanan
II : Ang Anim na Kasalanan
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
OLD MESSAGES FROM MY READERS
UPDATE
CHAPTER FORTY-NINE
CHAPTER FIFTY
CHAPTER FIFTY-ONE
CHAPTER FIFTY-TWO
CHAPTER FIFTY-THREE
TO ALL THE TDS FANS/READER

CHAPTER THIRTY-TWO

14.8K 254 127
By Itst4sha

[KATHY'S POV]

"Kathy

Kathy ..."

May tumatawag sa pangalan ko mula sa malayo. Nasan ba ako? Bakit mainit? Bakit puro usok? Bakit madilim?

"Kathy ..." Muling tawag sa pangalan ko.

"Sino ka?"

"Hindi na mahalaga kung sino ako ..."

"Anong kailangan mo sakin?"

Nanginginig ang mga tuhod ko sa takot. Nasa impyerno na ba ako? Kung ganun man, bakit? Anong nagawa ko?

"Wag kang matakot ... hindi kita sasaktan." Sabi ng boses.

Babae ang boses na iyon kung hindi ako nagkakamali.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko.

"Gusto ko lang magpasalamat."

Natigilan ako.

Magpasalamat? Magpasalamat saan?

"Salamat dahil ... dahil binago mo ang anak ko."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig iyon. Kung hindi ako nagkakamali, malamang, siya ang ina ni Damon. Pero bakit? Bakit siya nandito sa lugar na 'to?

"N-Nasaan po kayo?" Tanong ko.

Walang sumasagot.

Bahagya akong humakbang.

Nandiyan pa po ba kayo?"

Wala pa rin.

"Maaaring nanalo ka ngayon Kathy ... pero hinding-hindi mo magugustuhan ang kapalit. Dahil hindi ang isang hamak na taong tulad mo ang maaaring humadlang sa mga plano ko!" Laking gulat ko ng isang malagong na boses ang sumagot sa akin.

"SINO KA?!" Nakaramdam ako nang kakaibang takot.

"Ako lang naman ang pinakamakapangyarihang nilalang sa ilalim ng lupa at hndi ko hahayaang maging masaya ang taong tulad mo."

"Ang sama mo!" Pasigaw kong sabi.

"Magkikita tayo ... Malapit na malapit na."

"AHHHHHHHHHHHHHH!" Sigaw ko sabay bangon. Butil-butil ang pawis sa aking noo. Nahihirapan akong huminga. Panaginip lang pala ang lahat. Pero ... pero bakit parang totoo?

Kumirot ang kanang braso ko.

Parang napaso.

Hinawakan ko yun.

Mainit.

Tumayo ako at tinignan ang wall clock sa taas ng pinto ng kwarto ko.

Alas tres ng madaling araw?

Bigla kong naalala yung nangyari sa akin dati, nangyayari ba ulit ngayon? May demonyo na naman na nagawi dito sa kwarto ko?

Dahan-dahan akong pumunta sa kusina para kumuha ng malamig na tubig.

Daig ko pa ang ibinilad sa araw sa sobrang init ng pakiramdam ko. Parang gusto kong maligo at magbabad sa yelo.

Dumiretso ako sa banyo para maghilamos. Bago ako bumalik sa kwarto at muling humiga.

Pinilit kong matulog ulit. Baling doon. Baling dito. Tihaya. Dapa. Pero hindi na ako dinalaw pang muli ng antok.

Binuksan ko ang lampshade sa tabi ko. Hindi kasi ako mapalagay. Iba ang pakiramdam ko. Mainit ang paligid. Nakakapaso ang hangin.

May nangyari bang masama kay Damon?

Yon ang unang pumasok sa isip ko. Pilit kong winaksi iyon dahil ayaw kong mag-alala para sa wala. Alam ko namang kaya ni Damon ang sarili niya. Kakayanin niya ang lahat para sa akin, para sa amin.

Para mawala ang gumugulo sa isipan ko ay kinuha ko ang Diary ko nung high school. Inaliw ko ang sarili ko sa pagbabasa. Unti-unti ... nawala sa isip ko ang katanungan na iyon pati na rin ang masamang panaginip ko kanina.

•••

Dear Diary,

Exam namin ngayon ... sabi ko, kapag nakita ko si Damon ngayong araw na to - ipeperfect ko ang exam. Kaso malas ko, kasi absent siya. Hindi siya pumasok. Nawala tuloy yung mga nireview ko magdamag kagabi. Bakit kaya ganun, ano? Sobrang attached yung puso at isip ko sakanya? Ganun ba talaga kapag in love ka? Lahat-lahat nakadepende sa kanya? O ako lang ang ganito? Ako lang ang na-inlove ng ganito? Abnormal ba ko?

•••

Dear Diary,

2nd day of exam. Nakita ko si Damon kasama si Julia. Nasa court sila. Ang landi nga nilang dalawa eh. Magkahawak sila nang kamay. At tulad ng dati, hanggang tingin lang ako. Nasasaktan mula sa malayo. Para silang malabong TV ... masakit sa mata at ang sarap patayin. How I wish ako na lang si Julia ... ano kayang feeling ng hawak ang kamay niya? Lord, kahit yun lang ... please?

•••

Dear Diary,

Malapit na ang graduation ... ilang weeks na lang. May pag-asa pa kayang pansinin ako ni Damon? Umaasa pa din ako. Patuloy na umaasa. Mahal ko kasi talaga siya eh ... mahal na mahal.

•••

Bahagya akong napangiti sa mga nabasa ko. Sino ba kasi ang mag-aakala na ang kauna-unahang taong minahal ko ay mamahalin ako. Hindi man sa parehong panahon at oras, masayang-masaya pa rin ako. Seven years akong umasa. Seven painful years and it is all worth it.

Thank you Lord, you made it happen.

Maliwanag na nang matapos akong magbasa. Sa halip na umidlip ako ay napagpasyahan ko na lamang na maghanda na sa pagpasok.

Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko habang bumibiyahe patungo sa school.

Iniisip ko lang kasi ang mga bagay na maaring mangyari mamaya, kinikilig na ako. Yun bang hahawakan niya ang kamay ko. O kaya ay sabay kaming kakain ng lunch sa labas. Yung mga bagay na sobrang kinaiinggitan ko kay Julia dati? Sa wakas, mararanasan ko na siya ngayon.

"Chum ..." Tawag ko bestfriend kong ilang araw ko ding hindi nakita. Bumaba ako ng jeep nang lumingon siya sa akin at kumaway.

Sinabayan ko siyang lumakad.

"Oh? Bakit?" Tanong niya ng lapitan ko siya.

"Anong bakit?"

"Bakit ganyan ka makangiti? Daig mo pa ang kinikiliti diyan?"

Lalo kong nilawakan ang pagkakangiti ko. Inirapan ako ni Sthep.

"Loka-Loka!"

Naisip ko kasi bigla na siguro'y kailangan ding malaman ni Sthep yung tungkol kay Damon. Kailangan niyang malaman yung tungkol sa pagkatao nito. Yung tungkol sa amin at sa sitwasyon ko. Paano na lang kung may nangyari sakin? O kay Damon? Paano ko yun ipapaliwanag?

At isa pa, bestfriend ko siya.

May karapatan siyang malaman lahat.

Hinila ko siya malapit sa fountain.

"May sasabihin ka, ano?" Tanong niya.

"Oo. At sana maniwala ka ..."

"Bakit naman hindi ako maniniwala? Tungkol ba saan?"

"Tungkol kay Damon ..." Huminga muna ako ng malalim.

"Wag kang magugulat ah?"

"Ano nga?"

"Si ... si Damon -"

"Ano?"

Yumuko ako saglit at muling tumingin sa kanya.

"Hindi siya tao Chum. Hindi tao si Damon ..."

Natigilan siya saglit.

Tapos ...

... tapos bigla siyang tumawa.

"Alam ko."

"Alam mo?"

Gulat na gulat kong tanong.

"Oo. Alam ko. Ano ka ba!" Sabay tapik niya sakin.

Ako tuloy ang nasurpresa. Paano niya nalaman?

"Alam kong siya ang pinakagwapong hayup sa balat ng lupa para sa'yo. Kaya naman hindi na ako magtataka kung hindi tao ang tingin mo sa kanya."

"Oo, gwapo siya. Pero hindi yon ang ibig kong sabihin." Sabi ko.

"Eh ano?"

"Demonyo si Damon Chum ... demonyo siya."

Bahagya siyang natigilan.

"Joke ba yan? Medyo nakakatawa siya. HAHAHA!" Umandar na naman ang pagiging exaggerated ng kaibigan ko.

"Nakakainis ka naman ... Sana di ko na lang sinabi sa'yo."

"Ok sige. Granted na demonyo siya ... ano namang powers niya? Tumatakbo din ba siya ng matulin tulad ni Edward? O kasing lakas ni Emett?" Tumawa na naman sya.

"Para kang tanga! Hindi ganun yon!"

"Eh ano?"

"Basta! Maniwala ka sakin!"

"Ewan ko sa'yo ... loka-loka ka na Kathy Bernardo."

"Hindi ako naloloka! Totoo sinasabi ko. Si Erick ..."

"Oh anong meron kay Erick?"

"Demonyo din siya. Isa siyang fallen angel. Dati siyang anghel pero naging demonyo dahil ... dahil sa sobrang pagmamahal niya. Basta, mahabang istorya Chum!" Hindi ko na alam kung paano ko ipapaliwanag yun kay Sthep. Tapos bigla kong naalala yung tattoo sa kamay ni Damon. Kailangan niyang makita yon.

"Ewan ko sa'yo Kathy! Nababaliw ka na. Ganyan ba ang epekto ng pagiging maganda?"

"Patutunayan ko sa'yo pag dumating si Damon."

"Sakto. Speaking of the devil ... ayun siya oh."

Sabay turo ni Sthep sa gate.

Lumingon ako.

"Damon!" Tawag ko sa pangalan niya.

Lumingon siya pero hindi siya lumapit sakin. Alam kong medyo malayo ang kinauupuan namin sa kinatatayuan niya. Pero siguro nama'y kilala niya ang boses ko.

"Damon!"

At sa pangalawang pagkakataon, napahiya ako.

Anong nangyari?

Anong problema niya?

"Lapitan mo kaya." Sabi ni Sthep.

Patakbong lakad akong lumapit sa kanya.

Hinawakan ko si Damon sa balikat.

"Ano ba? Kanina pa kita tinatawag ah!" Sabi ko.

"Ha?"

"Anong ha? Tinatawag kita. Ayaw kasi maniwala ni Sthep yung tungkol sa'yo. Sinabi ko na kasi sa kanya yung tungkol doon pero hindi siya naniniwala sakin. Gusto ko sana ipakita mo sa kanya yung devil star mo." Hinawakan ko siya sa kamay. Akmang hihilahin ko na siya nang bigla niya iyong inalis mula sa pagkakahawak ko.

Napatingin ako sa kanya.

Yung tipong, 'Bakit mo tinanggal?'

"G-galit ka ba?"

"Hindi."

"Bakit ganyan ka sakin? Ayaw mo bang sinabi ko sakanya?"

"Hindi."

"Eh bakit nga?!" Napipikon ko nang tanong.

"I'm sorry pero hindi kita kilala. Sino ka ba?"

Bahagya akong ngumiti. Siguro'y isa na naman ito sa mga surprises niya. Alam ko namang naguumapaw sa ideya itong si Damon.

"Wag ka ngang magbiro nang ganyan." Sabay tapik ko sa balikat niya.

"Miss, I'm really sorry pero hindi talaga kita kilala. Pasensiya na pero kailangan ko pang mag-enroll. Hahabol ako bago matapos ang second semester."

Natigilan ako.

Kung biro man 'to ... hindi nakakatuwa.

"Ano bang pinagsasasabi mo diyan? Enrolled ka sa school na 'to. Dito ka pumapasok!" Halos pasigaw ko nang sabi sa kanya. Habang kinakain na ng kaba ang dibdib ko.

"I'm sorry pero di ko alam ang sinasabi mo." Pagkasabi niya noon ay tinalikuran na niya ako.

Saglit akong napatda sa kinatatayuan ko. Anong nangyari?

May nagawa ba ako?

Mali bang sinabi ko kay Sthep lahat?

Nasaktan ko ba siya?

Ano bang dahilan para magkaganon siya?

Hinabol ko si Damon. Siguro nga'y nagalit lang siya sakin. Hindi lang niya nagustuhan ang pagsasabi ko kay Sthep ng totoo.

Hinawakan ko siya sa braso para pigilan siya sa paglakad.

"Damon ano ba! Hindi ito magandang biro. Kung galit ka sakin sabihin mo. Hindi mo kailangang gawin sakin 'to!"

Pero sa halip na kausapin niya ako ng maayos ay tinignan niya lang ako ng masama.

"Ano magtititigan na lang tayo dito?" Puna ko.

Hindi pa rin siya nagsasalita. Hanggang sa nahagip ko ang kanang kamay niya. Naisip ko bigla na tignan ang marka dito.

Hinawakan ko ang laylayan ng jacket ni Damon. Gusto kong makita ang devil star. Pinilit kong ililis yon kahit na ayaw niya ang ginagawa ko.

"Ano ba Miss!"

"Patingin ako!"

Para kaming tangang naghihilahan sa manggas ng jacket niya.

Masyado siyang malakas pero nagawa ko pa ding ililis iyon.

At laking gulat ko nang makita ko ang kanang kamay niya.

"N-nasan na -? Y-yung ..."

"What the hell are you doing?! Listen to me Miss whoever-you-are, stop being paranoid and leave me alone! Hindi kita kilala!" Muli niyang ibinalik yung manggas ng jacket niya.

Wala na ang devil star.

"T-Tao ka na?!" Bulalas ko.

"Bakit? Mukha ba akong hindi tao sa'yo? Tigilan mo na ako!" He shouted angrily before he left.

Naiwan akong tulala. Hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari. Isang araw lang. Isang araw lang ang lumipas. Sa isang araw na yon, kinalimutan ako ni Damon. Nakalimutan niya ako.

Bakit?

Hindi ko namalayan na dahan-dahan na palang tumutulo ang luha ko.

Halu-halong emosyon ang bumabalot sa akin ngayon. Malungkot, masaya, takot at nasasaktan.

Malungkot ako dahil sa lahat nang nangyayaring ito, si Damon ang lubos na nahihirapan. Pinaglalaruan na lamang nila ang pagkatao niya.

Masaya, dahil hindi ko na kinailangan pang hilingin na maging tao siya.

Takot, takot na baka hindi ko makaya na ibalik ang dati. Ang ala-ala niya. Dahil di ko alam paano at saan magsisimula.

Nasasaktan ako dahil pakiramdam ko, kailangan ko ulit magsimula. Kailangan kong ulitin ulit ang lahat.

Nakangiti ako habang umiiyak.

Habang nakatingin kay Damon ... palayo.

"Chum!" Tawag ni Sthep.

Niyakap ko siya.

"Anong nangyari?"

"Hindi ko alam Sthep ..." Umiiyak kong sabi.

Humihingal. Nahihirapang huminga pero pinipilit kong ngumiti para lang kumbinsihin ang sarili ko na masaya ako. Na masayang-masaya ako.

"Bakit ganoon si Damon sa'yo? Bakit parang di ka niya kilala?"

Lalo kong hindi napigil ang sarili ko sa pag-iyak..

Damon, kung ito man ang kapalit sa pagiging tao mo, magiging masaya ako para sa'yo.


[ERICK'S POV]

"Mahal na itim na anino, bakit niyo hinayaang maging tao si Damon? Mas magiging madali ang lahat ng sakanila ni Kathryn! Paano ko pa magagawa ang pinapagawa niyo sakin?" Angal ko habang nakaharap sa salamin.

"Wag kang mag-alala ... hindi ako kasing bobo katulad mo."

Nanahimik ako.

"Inalisan ko ang anak ko ng ala-ala. Inalis ko sa kanya lahat ng bagay na makakapagpaalala sa kanya tungkol sa babaeng yon. Ibig sabihin, wala siyang maalala kundi ikaw, si Julia at ang pangalan niya."

Nanatili akong nakatayo sa harap ng salamin at hiyaan ang itim na anino na magsalita.

"Simula ngayon, doon ka na titira sa malaking bahay. Kailangan mong magpanggap bilang pinsan niya habang ang kanyang kanang kamay na si Kurt naman, ang iyong nakababatang kapatid. At tulad ng dati, si Julia bilang kasintahan niya.

... maliwanag ba?"

Kahit labag sa loob ko ay marahan akong tumango.

"Wag na wag mong sasaktan at hahayaang masaktan si Damon. Tao na siya. Maaari na siyang mamatay ... at kapag nangyari yon hindi siya mapupunta sakin. Hayaan nating si Kathy din ang magturo sa kanya upang maging masama." Kasunod noon ay ang nakakapangilabot nitong pagtawa.

Napatingin ako kay Kurt.

Alam ko, hindi siya sang-ayon sa nangyayari. At alam ko rin na nananaig na ang emosyon niya kaysa sa pagiging demonyo.

Sasamantalahin ko na ang pagkakataong ito para manipulahin si Damon.

Makakalapit na ako kay Kathy ng walang nagbabanta sa akin.

Rerespetuhin ako ni Damon ng naaayon sa kagustuhan ko.

At higit sa lahat, wala nang tututol sa kagustuhan kong isama si Kathy sa impyerno.

Napangiti ako.

"Kurt, lumabas ka at alamin mo kung ano ang mga nangyari." Utos ko.

Tumango naman ang huli bago nilisan ang impyerno..

"Marahil ay alam na niya ..."

Continue Reading

You'll Also Like

172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...