The AIR i Breathe

By walangmagawa1210

1.1M 27.8K 1.7K

Air Alcantara, the most famous rockstar in today's generation. He has this voice to die for and the killer sk... More

the air i breathe
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3 Part 1
Chapter 3 part 2
Chapter 4
Chapter 5 part 1
Chapter 5 part 2
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10 part 1
Chapter 10 part 2
Chapter 10 part 3
Chapter 11
Chapter 12 part 1
Chapter 12 part 2
Chapter 13
chapter 14 part 1
Chapter 14 part 2
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19 part 1
Chapter 19 part 2
Chapter 20
Chapter 21
Epilogue

Chapter 18

28.3K 782 38
By walangmagawa1210

Date uploaded : September 1

HAPPY NEW YEAR! HAHAHAHAHA!

saka ko na i-e-edit ito.. tinatamad na ako... 

Chapter 18

Kyle

Kinakabahan ako. paano kung magbago ang isip ni Mrs. Sandoval? I'm adding my finishing touches to my make-up. Tonight is the premier night of Air's movie. Kahit na masama ang pakiramdam at halos gumapang ako ay kuntodo ayos na ako and ready to go. Uminom na lang ako ng mga energy drink para lumakas-lakas ang katawan ko. 

Si mommy at si daddy ay didiretso na sa movie house from the airport at kasama na rin nila si Lola Madam. Sila ate Ja naman ay kasama si Tito Railey at nagpa-parlor pa. Syempre, big night nya to. Si Air naman ay manggagaling pa sa Davao kung saan ay nagkaroon pa sila ng mini concert. Masyadong Bz-bzhan ang mga tao!

Napapayag ko ang tiyahin ni Air na umattend ng Premier night na  kahit noong una ay ayaw na ayaw nyang pumuta o kahit magpakita kay Air. Hindi naman nya sinabi kung bakit. Ang sabi lang nya ay napakalaki ng galit ni Air sa kanya mas lalo na sa asawa nito. Noong tinatanong ko kung bakit ay itinikom na lang nya ang kanyang bibig at gusto na nga akong palayasin sa bahay nila.

Nakatira sila sa isang squatters area sa Quezon City. May anak siyang inaalagaan na halos kasing tanda ko lang at may malubhang sakit at nakaratay lang sa kama. Wala doon ang asawa nya at nag-t-tricicle lang daw. Ang isang anak naman nya ay pumasok sa pinag-ta-trabahuhang pabrika. Malaki ba ang tampo ni Air sa mga kamag-anak nya kung bakit hindi man lang nya natulungan ang mga ito, kahit yung pinsan man lang nyang may-sakit?

Nakumbinsi ko din si Mrs. Sandoval na makipag-ayos kay Air. Mabait si Air at alam ko na kahit na ano pa ang naging hidwaan nilang magkamag-anak ay tiyak kong patatawarin nya ito. Alam kong hindi ako dapat nakikialam sa kanila pero hindi makaya ng kunsensya ko na ipagwalang bahala na lang ang mga ito.

Susunduin ko si Mrs. Sandoval at doon muna kami tutuloy sa bahay ni Air. Mahirap na kapag doon pa sa premier night sila mag-d-drama. Mas maganda na maayos na silang mag-tyahin na pupunta sa premier. Sinabihan ko si Gaygie tungkol sa mga plano ko at hesitant din sya noong una, dahil nga alam din nya na hindi maganda ang relasyon ni Air sa mga kamag-anak nya at hindi rin alam ni Gaygie kung bakit at kapag bino-brought up nya ang subject ay pinagagalitan na lang sya nito. At dahil matindi din ang malasakit ni Gaygie sa bossing nya at gusto na rin nyang maayos ang relasyon ng magkamag-anak ay itinawag na nya sa mga kasambahay ni Air ang pagpunta namin doon. Sabi naman ni Gaygie ay uuwi daw muna sila bago pumunta sa Premier.

At ngayon todo naman ang kaba ko. Sana lang ay maging maayos ang lahat. For I have soo many plans for tonight, and I want it to be a very memorable one.

"O Iha, aalis ka na ba? bakit parang matamlay ka?" Lumapit sa akin si Nanay flor at kinapa ang noo ko. " AY NAKO BATA KA! E NILALAGNAT KA A!" 

Pinilit kong ngumiti. 

"Hindi po! malamig lang siguro ang kamay nyo, mabasa-basa pa nga kaya akala nyo mainit ako. Sige po.. ma-le-late na ako. Alis na po ako." 

Bago pa makapag-react si Nanay flor ay nakalabas na ako ng bahay at pasakay na ng van. 

"Ay nako! Kyle! Baka kung mapano ka! "  Habol-habol ako ni Nanay Flor, pero isinara ko na yung van. 

"Manong, alis na tayo bilis. "

"Eeee." 

"Sige na po, please... "

Wala ding nagawa si manong kundi sundin ako. 

Napasandal na lang ako sa upuan at ipinikit ang mga mata ko. I need all the energy I can get. Ngayon pa lang ay parang nauupos na akong kandila. Mind over matter lang yan. Kailangan utusan ko ang katawan ko na maging malakas! 

"Manong, doon muna tayo sa pinuntahan natin noon isang linggo. Doon sa Quezon City, may susunduin lang tayo. " Iniabot ko sa kanya ang cellphone ko at ipinikita ko sa kanya ang mapa ng bahay ni Air. Hindi pa din ako nakakapunta don. First time ko lang ito. Ibinigay lang ni Gaygie ang address at nag-serach na lang ako sa internet. " Manong pagkatapos nating masundo si Mrs. Sandoval, dito po tayo didiretso. " Tinignan nya yung cellphone.

"Alam ko na yan, madali lang naman yang puntahan." 

"Sige po, bahala na kayo.. Iidlip lang po ako. " 

Ano ba ito. bakit parang ang hina-hina ng katawan ko. Napaka-importante pa naman nitong araw na ito. Nag-text na sa akin si Gaygie na malapit na lumapag ang aroplano nila kaya kailangang magmadali na kami. I just hope that everything will be fine. 

***

Pinaupo kami sa salas ng kasambahay ni Air at iniligid ko ang paningin ko sa bahay nya. As in wow! this place is awesome! The place is enormous! MOdern ang design ng bahay. Black and white ang theme at halatang lalake ang nagmamay-ari ng bahay na ito. Sa isang parte ng salas ay naka-display ang mga awards na nakuha ni Air. From platinum records to music awards from different award giving bodies, and I can't help but be proud of his achievements. 

"Noon pa man ay napaka-galing na nya sa musika." Napansin pala ni Mrs. Sandoval na nakatingin ako sa mga awards ni Air. "Nagmana sya sa kapatid ko, ang ina ni Matthew na isang music teacher. "

"Kaya pala sya magaling. May pagmamanahan pala." 

"Kung hindi siguro nakapag-asawa ng maaga ang ina ni Matthew, baka isa na rin syang concert pianist." Malungkot na sabi nito. "Si Matthew lang ang nakamana ng galing sa musica ng kapatid ko. Yung kapatid nya ay iba ang hilig." 

Nakaramdam na naman ako ng panghihina at isinandal ko ang katawan ko sa upuan. 

"Kanina pa kita napapansin na parang may sakit ka. Maayos ba ang pakiramdam mo?" 

"Wag nyo po akong alalahanin. Medyo inaantok lang ako. " Tumuwid ako ng kaunti ng upo. "Sana po ay magkasundo na kayo ni Air. " 

"Malaki ang kasalanan naming mag-asawa sa kanya. Susubukan ko lang na makipag-ayos, pero hindi ko masyadong inaasahan ito. Naiintindi ko rin sya kung sakali mang hindi nya maibigay sa amin ang kanyang patawad." 

My curiousity got the better of me again. 

"Ang Diyos nga po marunong magpatawad, tao pa po kaya. " 

Umiling iling sya at medyo napapaluha. 

"Hindi mo alam kung gaano katindin ang nagawa namin sa kanya. "

"Bakit po ba? Ano pa ba yon?"

Magsasalita na sana sya nang bumukas ang pintuan at pumasok si Air. 

Nagulat sya ng makita nya ako at napangiti sya. 

"KYLE! What are you... I mean, what a pleasant surprise." 

Lalapit na sana sya sa akin pero napatigil sya nang makita nya ang taong kasama ko at unti-unting natanggal ang ngiti nya. 

'ANONG GINAGAWA MO DITO!" Marahas na sabi nya at nagulat ako dahil ngayon ko lang nakita si Air na magalit ng ganon!

"Matthew...." 

"Hindi ba't sinabihan na kita noon na wag na wag kang magpapakita sa akin kahit kailan!" 

"Air!" Lumapit ako sa kanya. " Kasama ko sya. diba Tita mo sya?"

"WALA AKONG PAMILYA AT LALONG LALO NG WALA AKONG KAMAG-ANAK NA KASING SAMA NG TAONG YAN!"

Nagulat ako sa walang paggalang na sinasabihin nya ang tiyahin nya. 

"Air, kung ano man ang nagawa nilang kasalanan sa yo, pwede mo bang patawarin na sya? Just forgive and forget. Hindi ka kasi lubusang magiging masaya if you hold any grudges to anyone especially kapag kamag-anak mo pa."

"Matthew, alam kong malaki ang kasalanan namin sa 'yo ng pamilya ko, at maiintindihan ko din kung hindi mo kami patatawarin. Pero gusto kong malaman mo na pinag-sisisihan na namin ang mga nagawa namin sa inyong magkapatid, at pinagbabayaran na rin namin ang mga pagkakamali namin. Gusto ko ng humingi ng tawad sa 'yo." 

He laughed without humor. 

"Patawad?! Naririnig mo ba ang sarili mo ngayon?! Makapal pa rin ba ang mukha mo? O baka naman kailangan mo pa ng pero? Hindi pa ba sapat ang naibigay ko na sa inyo?!"

Tahimik na lang ang Tiyahin nya. Sobrang galit talaga ni Air.

"Air, wag ka namang ganyan. Ako ang pumilit sa kanya na puunta dito. Ayaw nya talaga, pero pinilit ko sya sa kagustuhan kong maging maayos ang pamilya mo."

Tumingin sya ng matalim sa akin at napaatras ako. Kahit kailan ay hindi nya ako tinitignan ng ganyan. 

"Wala kang karapatang panghimasukan ang buhay ko! Hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko!" 

"Tama ka.." Sabi ko ng mahinahon. " Wala akong alam sa buhay mo. Wala ka rin namang nai-ku-kwento kaya nag-research na lang ako. Dahil mas gusto kitang makilala ng lubusan." 

"Gusto mong malaman ang nakaraan ko? Para ano? Alam mo bang pilit kong kinakalimutan ang mga bagay na yon?! May dahilan kung bakit ko hindi sinasabi kung kani-kanino ito!" 

"Air naman, wag ka namang ganyan, nakikiusap na ako sa 'yo. Kawawa naman ang tita mo."

Hinawakan ko sya sa braso, bakasakaling kumalma ng konti. Pero hinawi nya ito na para bang napaso sya. 

"Alam mo ba kung anong ginawa sa akin ng babaeng yan at ng asawa nya?" Tumingin sya ng matalim sa tiyahin nya. " Noong namatay ang magulang mga magulang ko, kinupkop nga nila kami ni Marlon. Pero araw-araw namang ipinamumukha sa amin ang utang na loob ng pagtira namin sa kanila. Kailangan naming pagsilbihan ang pamilya nila. Noong nalaman nilang magaling akong kumanata, tumugtog at mag-compose ay pinatigil na nila ako sa pag-aaral ay isinabak na sa kung saan-saang gig. Noong panahon na yon ay nagkasakit sa lungs si Marlon. Mas lalo nila akong inobligang mag-trabaho, at ako naman, kahit anong gig pinapasukan ko, kahit na menor de edad lang ako. Lahat din ng kanta ko ay ibinenta ko kahit hindi ko na makuha ang rights, magkapera lang pagpapagamot sa kapatid ko. Pero unti-unti syang nanghina, and eventually, he died. "

Huminga sya ng malalim.

"Simpleng sakit, hindi gumaling... lumala! Napag-alaman ko na yung pera na ibinibigay ko sa kanila ay hindi ginamit sa pagpapagamot ng kapatid ko! Kahit gamot ay hindi man lang naibili! Ginamit sa pambili ng bulok na tricicle at pag-inom ng walang kwentang asawa nyang babaeng iyan!!!!" 

"Oh my God... " Napatakip ako sa bibig ko at hindi makapaniwala sa mga narinig ko. Hindi ko na rin mapigilan ang mga luha ko. Pati ang tiyahin ni Air ay humihikbi na rin sa pag-iyak. 

"Ngayon... sabihin mo sa kin Kyle, Makatarungan ba yon? Ang kaisa-isang pamilya ko, nawala nang dahil lang sa kasakiman ng mag-asawang yon!" 

Napakahirap naman ng sitwasyong ito. 

"I'm so sorry Air. Hindi ko alam na napaka-hirap pala ng pinag-daanan mo. " 

Pinilit kong pigilan ang pag-iayk ko. 

"Pero nakaraan na yon. Hindi ba pwedeng mag-move on ka na at patawarin mo na sya? Para parehong matanggal na ang baggage nyo sa isa't isa.You will never be happy hanggat hindi ka nakakapagpatawad." 

He looked at me in disbelief.

"Kinakampihan mo sya?! Matapos kong sabihin sa yo ang lahat ng kalokohan nya.. you're still asking me to forgive her!" Umiling iling sya. " I can't beleive you! Hindi ko ine-expect ito sa yo!" 

"But Air... " 

"NO!" Tumingin sya sa tiyahin nya. " Get out of my house and I don't want to see you ever again." 

"Matthew... I'm so sorry. Sana balang araw ay matutunan mo rin kaming patawarin." Kinuha ni Mrs. Sandoval ang gamit nya at naglakad na palabas ng bahay.

No... hindi ito ang inaasahan kong mangyari. I was hoping for a happy reunion! I was hoping na magkaka-ayos sila at magkakasama kaming pupunta sa Premier. Pero bakit parang nag-back-fire?! Bakit sumabog ang lahat?!

"Air... please... " 

Mas lalong tumigas ang mukha ni Air at nakita ko ang galit na nabaling na sa akin ngayon. 

"I will not let you meddle into my affairs ever again. Hindi pa nga tayo, pinakikialaman mo na ang buhay ko. You have to right to dig into my past. At dinala mo pa ang babaeng kinasusuklaman ko sa pamamahay ko!”

“I’m sorry, I was just trying to help. Concern lang ako—“

“I DON’T NEED YOUR HELP! And I won’t ever need your help! Hindi ko gustong pinakikialaman ang buhay ko! So please Kyle… umalis ka na rin… ”

Natahimik na lang ako. Huminga ako ng malalim at sinubukan kong pigilan ang mga luha na gusto na namang kumawala sa mga mata ko.

“Sige.. Air… I’m so sorry. Hinding hindi na kita pakikialaman kahit kailan. Pero bago ako umalis dito, I want you to know that my intentions are pure and I only wanted you to be happy just as you have made me happy. “

Mabigat ang katawan kong naglakad palabas ng bahay. Sinadya kong bagalan ang paglalakad ko baka sakaling medyo humupa na ang galit nya. Pero hindi sya kumibo. Nasa may pintuan na ako ng bahay ng lingunin ko sya. Nandon pa din sya sa kinatatayuan nya.

Paglabas na paglabas ko ng pintuan ay marahas na isinara ang pinto sa likod ko at doon ako labis na nasaktan.

It was not suppose to happen like this. Alam kong nagpadalos-dalos ako sa desisyon ko. Pero hindi ko inaasahan ang ganitong reaction nya.

“Kyle… Ms. Breathe… “ Nilapitan ako ni Gaygie.

“Ok lang ako Gaygie. Kailangan ko lang muna magpahinga.”

Nasaan na kaya si Mrs. Sandoval?

“Nakita mo ba yung tiyahin ni Air? Ihahatid ko muna sya.”

Pinigilan ko na ang damdamin ko kahit napakasakit sa dibdib. Kumuha ako ng panyo sa bag ko.”

“KYLE!!!! Ang ilong mo!“

“ha! Bakit?”

Kinuha nya ang panyo sa akin at itinakip ito sa ilong ko.

“Nagdudugo!”

No! NO! NO! Not again!

Pero hindi ko pinahalata kay Gaygie na natakot ako.

“Ay wala yan. Medyo nainitan lang ako kanina kaya siguro dumudugo ang ilong ko.”

“Hindi! Hindi! “

Kinapa ni Gaygie ang noo ko.

“Ang taas ng lagnat mo!”

Kahit nararamdaman ko na ang panghihina ng katawan ko ay naglakad na ako papalayo kay Gaygie, pero hindi ko nagawang iwasan sya dahil nag-dadalawa ang paningin ko.

“Ok lang ako. Wag mo akong alalahanin.”

“ANONG OK! BOSSING!!!”

“Wag! Wag mong tawagin si Air, nasaktan ko sya. Hayaan muna natin sya. Sige ihatid mo na lang ako sa van ko.. Kailangan ko lang ipahinga ito.”

“Kyle naman e. Ano bang nangyayari sa yo! Bakit hindi tumitigil ang dugo!”  Nahalata ko na nag-p-panic na sya.

“Wala yan… “ Pero nanghihina na ako at talagang dalawa na ang tingin ko sa paligid. Konti na lang at mararating ko na ang van. Hindi na ako pupunta sa premier. Uuwi na lang ako para ipahinga ito.

“Masyado siguro akong na-tress… pero…. Kaya .. ko.. to.“

“BOSSSINNGG! SI KYLE!”

“Wag mo na sabing tawa----“

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bumigay na ang katawan ko at nagdilim na ang paningin ko.

Continue Reading

You'll Also Like

4.8K 485 15
My name is Simon. I am living in a life that probably everyone will say a sinful. But come on, who will judge me? You? Pathetic. I don't believe in H...
669K 23.9K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
858K 16.4K 41
Almost Perfect Series II Damn that playboy. He asked me to be his girlfriend. I'll never fall for that. I know him so well. I've seen him flirt and d...
9K 107 38
(BOOK 2) Halos isang taon na ang nakalipas since the famous band Double J and the Music Cuties started and made its debut in the music industry. And...