Montague Series 1: Sold to th...

By RuxAlmo

2M 44.7K 3.7K

Rank # 1 in Romance [06.13.19] Warning: |R-18| Mature Content. Fabio "You broke me, but I still love you." More

Kabanata 1.
Kabanata 2.
Kabanata 3.
Kabanata 4.
Kabanata 5.
Kabanata 6.
Kabanata 7.
Kabanata 8.
Kabanata 10.
Kabanata 11.
Kabanata 12.
Kabanata 13.
Kabanata 14.
Kabanata 15.
Kabanata 16.
Kabanata 17.
Kabanata 18.
Kabanata 19.
Kabanata 20.
Kabanata 21.
Kabanata 22.
Kabanata 23.
Kabanata 24.
Kabanata 25.
Sold to the Montague
Kabanata 26.
Kabanata 27.
Kabanata 28.
Kabanata 29.
Kabanata 30.
Epilogue:
Beauty In Naked
Special Chapter

Kabanata 9.

61.4K 1.5K 93
By RuxAlmo


SOLD TO THE MONTAGUE

ALENA:

"Tama na!" Isang malakas na suntok ang iginanti ng Kuya Matias at tumama ito sa gilid ng labi ng Kuya Fabio. Nadagdagan pa ng sunod sunod ito. Napaluhod naman ang Kuya Matias ng sipa sipain siya sa tiyan ng Kuya Fabio. Punit na ang kanang kilay at tumutulo ang dugo sa pisngi. Kailangan kong pigilan ito kundi makakapatay ang Kuya Fabio!

"Kuya Fabio itigil mo na iyan maawa ka sa Kuya Matias! Wala naman siyang kasalanan sayo!" Nagsisisigaw ako sa labas ng mansion. Pero nabigo ako. Parang hangin ang kausap ko at bingi na sa realidad ang Kuya Fabio. Mapapatay niya sa galit ang Kuya Matias kapag hindi kaagad ako nakagawa ng paraan!

Nanginginig na ang dalawang kamay ko at nanlalamig. Hindi ako sanay makita silang nag babasagan ng mukha. Hindi dapat sila nag aaway na dalawa dahil magkapatid sila. Magkapatid kami!

Isang malakas na tadyak ang iginanti ng Kuya Matias at nakabawi ito. Napahiga naman sa damuhan ang Kuya Fabio at pumutok na ang ibabang labi. May mga bahid na rin ng dugo ang kanilang mga suot gawa ng pakikipag suntukan.

Tumakbo ako at niyakap ang Kuya Matias dahil susuntukin pa nito ang Kuya Fabio.

"Tama na please kuya!" Nagkatitigan kaming dalawa. Nagsusumamo ako na sanay makinig ito sa'kin. Pero hindi dahil itinabi lang niya ako at kiwelyuhan ang Kuya Fabio. Susuntok pa sana ito ng maunahan ng Kuya Fabio kung kaya't napahiga na ang Kuya Matias sa damuhan.
Ayaw mag paawat ng dalawa. Mabuti na lamang at dumating si Lolo Tonio at tumulong sa pag awat. Nagsilabasan na rin ang mga gwardiya ng mansion.

Sawakas ay nag hiwalay rin ang mga ito.

"Nako Senyorito tama na ho. Tiyak na malalagot kami kapag nalaman ito ni Don Zalazar." Ani ng isa sa mga mayordoma.

Dumura ng dugo si Kuya Fabio at masamang tinitigan si Kuya Matias. Hindi ko alam ang puno't dulo ng lahat. Bakit sila nag away?

Pasa sa kanang pisngi at sugat sa ilong maging sa gilid ng labi. Ilan ang mga iyan sa natamo nilang dalawa. Pinahiran naman ni Kuya Matias ang dugo sa gilid ng labi. Sugat sugat ang kanilang mga kamao.

"Ano bang problema mo?!" Sigaw ng Kuya Matias sa Kuya Fabio.

Sinamaan lang ito ng tingin ng Kuya Fabio.

"Ano sumagot ka! Anong problema mo!" Galit na galit na ang Kuya Matias. Kitang kita ang ugat nito sa leeg at pamumula ng magkabilang pisngi. Nakahawak ang dalawang gwardiya sa magkabilang braso nilang dalawa.

"Let go of me!" Sigaw ng Kuya Fabio at malakas na hinawi ang dalawang braso sa dalawang gwardiyang nakahawak dito. Ganoon din ang Kuya Matias. Nagkatitigan na lamang ang dalawa.

Pabalang na inayos ng Kuya Fabio ang suot na damit tsaka napasuklay ng buhok gamit ang mga kamay. Pulang pula ang magkabilang tainga nito na para bang nag iinit at gusto ng sumabog.

"Get out!" Sigaw nito sa mga nakaharang at walang lingon lingong pumasok sa loob ng kanyang sasakyan at pinaharurot palabas ng mansion. Pinanood na lamang namin ito habang papalayo na.

Napahawak sa sentido ang Kuya Matias. Halatang sumakit ang ulo dahil sa nangyare. Hindi ko din maintindihan ang Kuya Fabio kung bakit niya biglang sinimulan ang paghahanap ng gulo.

"Senyorita kanina pa po nakauwi ang Senyorito Fabio. Hinahanap ka po niya sa amin at kanina pa po masama ang timpla niya. Hindi namin alam kung bakit po." Nagsalita ang isa sa mga katulong.

Sinaway naman ito ng mayordoma. Napaisip naman ako dahil dito. Sa ilang araw na di namin pagkikita ng Kuya Fabio, ano nanaman ba ang pakay niya?

Hindi na nagsalita ang Kuya Matias tsaka ito nag martsa papasok sa loob. Halatang masama na rin ang timpla nito dahil nagpang abot silang dalawa ng Kuya Fabio.
"Baka pagod lang ang kuya." Nasabi ko na lang ng mahina.

"Tara na po Senyorita at mahamog po dito sa labas." Sumama ako sa loob. Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng isip ng Kuya Fabio. Magulo walang kasiguraduhan.

Kinaumagahan ay nasa garden ako. Kausap ko ang Lolo Tonio natutuwa ako habang pinagmamasdan ang magagandang bulaklak. Para bang kahit papano'y naiibsan ang pagkabagot at pangungulila kila mama at papa.

Nilapitan naman ako ng isa sa mga katulong.

"Senyorita may tawag po." Inabot sa'kin ang telepono. Tinanggap ko ito at sinagot.

Laking tuwa ko ng tumawag ang mama para kamustahin kami. Nakarating na agad sa kanila ang balitang pagpapang-abot ni Kuya Fabio at Kuya Matias. Hindi na ako magtataka palagi silang updated dahil sa mga tao dito sa mansion.

"Ma ayos lang naman kami. Wag na kayong mag alala ng papa diyan. I enjoy niyo na ang kasal okay?" Ayoko na kasing maging alalahanin pa ng mama. Hindi pa naman umuuwi ang Kuya Fabio at hindi pa sila nagkikita ng Kuya Matias. Alam kong nagpapalamig sila parehas dahil sa nangyare kagabi.

Mabuti at napakiusapan ko na ang mama. Ibinaba na ang tawag at inabot ko na ang telepono sa katulong. Nagpaalam na rin ako kay Lolo Tonio na papasok na sa loob.

Ilang oras pa ang nag daan at dumilim na. Kasalukuyan akong nagaayos ng mga gamit ko sa itaas ng kwarto nang biglang makadinig ng ugong ng sasakyan. Kaagad akong napasilip muli sa'king bintana. Walang pag sidlan ang tuwa ng malamang sasakyan 'yon ng Kuya Fabio. Umuwi siya sawakas.

Pero agad ding napawi ang tuwa ng makita si Betina. Kasama nanaman niya ang babaeng 'yon? Napakagat ako sa'king labi. Naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayare. Mukha silang mga nakainom na dalawa.

Kitang kita ko ang pag alalay ni Betina sa kuya. Naka akbay ang kuya dito habang papasok na sa loob. Ganito na lang ba palagi?

Minabuti kong wag na silang panoorin dahil dinudurog lang nito ang puso ko. Isinara ko ang bintana at nahiga na sa kama. Kanina lamang ay nakaramdam ako ng gutom pero ngayon ay nawalan na ako ng ganang kumain.

Mag kukulong na lang ako. Pinilit kong matulog pero silang dalawa ang pumapasok sa isip ko. Ano kayang ginagawa nila? Bakit ko pa ba aalamin halata namang may magaganap.

Tumagilid ako pa kanan. May kung ano sa'kin ang gustong kumawala at 'yon ay luha. Lihim na akong umiiyak at nasasaktan. Siguro nga ay kasama ito sa plano ng Kuya Fabio na pahirapan ako. Pero hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit? Bakit niya ginagawa ang mga bagay na magpapasakit sa kalooban ko.

Tumagilid muli ako sa kaliwa. Hindi talaga ako dinadalaw ng antok. Hindi na rin ako nagugutom dahil nawalan na talaga ng gana. Bakit traydor itong utak ko at sila ang iniisip? Gusto kong malaman kung anong ginagawa nila pero magmumukha nanaman akong tanga.

Sa huli ay napag desisyunan kong itulog na lang ang sakit. Alam kong masososlo ni Betina ang kuya at hindi talaga mawala sa isip ko ang masaktan.

Kahit anong gawin ko ay hindi ako dinadalaw ng antok. Kanina pa ako paikot ikot sa kama. Napabangon na lang ako dahil niloloko ko lang ang sarili ko. Hindi ako makakatulog. Hindi mapapanatag ang loob ko hangga't magkasama sila. Para akong mababaliw na isiping si Betina ang dahilan kung bakit nasasarapan ngayon ang Kuya Fabio.

Hindi ko alam bakit ganito ang takbo ng utak ko. Hindi ko sinasadyang maging mundo ko siya, ang Kuya Fabio.

Binuksan ko ang pinto. Halos mapatalon ako sa gulat ng makita ang Kuya Fabio na nasa tapat lang ng pinto ko. Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba kasama niya si Betina?

Halata din ang pagkagulat dito kahit na mukhang nakainom. Namumula ang kanyang magkabilang pisngi dahil sa epekto ng alak. Maging ang leeg at tainga nito'y mamula mula rin.

"Can I sleep with you?" Diretsahan niyang tanong. Wala na itong pasa kalye pa. Napanganga ako hindi dahil sa ayoko kundi dahil sa gulat na gulat ako. Seryoso ba siya? Tinignan ko muli ito. Hindi pa siya nakakapag bihis at mukhang wala namang naganap sa kanila ni Betina.

"Walang nangyare sa'min." Tila ba'y nababasa niya ang nasa isip ko. Ganoon na ba ako ka obvious? Dahan dahan akong umatras at umabante naman ito para makapasok. Isinara niya ang pinto tsaka ito ini lock.

"B-Bakit mo ni lock?" Nauutal na tanong.

"Ayokong mahanap niya ako." Tila si Betina ang tinutukoy nito. Gusto kong itanong kung nasan si Betina.

"Naliligo siya." Ani nito. Nagulat ako. Ganon ba siya kagaling mag basa.

"Tsk you're so easy to read." Sabi nito. So ganoon na nga talaga ako ka obvious. Niluwagan na nito ang neck tie. Halatang pagkatapos sa trabaho'y dumiretso na ito sa inuman.

"Dito na ako sa sofa." Hindi pa ako nakakapagsalita ng nahiga na siya sa sofa at ipinikit ang mga mata. Hindi ba siya mahihirapan matulog?

Pumunta na ako sa kama ko. Tapat lang ito mismo ng sofa kung saan natutulog na ang Kuya Fabio. Mukhang ayos naman dito ang tinutulugan dahil hindi naman siya nagrereklamo. Hindi ko maiwasang hindi siya sulyapan ng tingin. Ang disente kasi niyang pag masdan kahit na natutulog ito.

Naka krus ang dalawang braso habang nakapatong ang paa. Mukhang okay naman siya pero sa tangkad niya kumpara sa sofa ko ay baka manakit na ang katawan nito. Lumagpas na kasi ang dalawa nitong mga paa na ipinatong na lang niya.

Marami naman akong unan. Kinuha ko ang isang una at kumot para ibigay dito. Alam ko kasing nilalamig siya sa lakas ng air con. Nakaramdam naman ako ng awa ng mapag masdan ang mapayapa niyang pag tulog. Para bang walang problema. Sobrang amo ng mga mata kapag nakapikit. Kapag nakadilat kasi ito'y matapang tignan na bumabagay sa pasalubong nitong kilay.

"Kuya eto unan at kumot." Ani ko. Nagbabakasakaling gising pa ito. Napahinga naman ako ng malalim dahil nakadinig na ako ng mahinang pag hilik na nagmumula sa kanya. Mukhang pagod na pagod ito sa trabaho at sabayan pa ng alak. Bagsak na bagsak siya ni hindi man lang naisipang tanggalin ang sapatos.

Itinabi ko na ang unan malapit sa kanya. Binuklat ko ang kumot at kinumutan ito dahil sa lamig. Tinanggal ko naman ang dalawang sapatos nito para mas makapag pahinga siya ng maayos.

Bumalik na rin ako sa'king kama. Hindi ko alam pero sobrang tuwa ko ng mga sandaling 'yon. Sobrang sayang isipin na iniiwasan niya si Betina. Kung ano anong maduduming pag iisip lang talaga ang pumapasok sa'kin kanina sa kanilang dalawa. Ngayon ay mapapanatag na ako at makakatulog na ng maayos dahil pakiramdam ko'y ligtas ako kahit sa anumang kapahamakan dahil narito ang tagapag ligtas ko.

Unti unti ng bumibigat ang mga talukap ko at hindi namalayang nakatulog na pala.

Nagising ako nang maramdaman ang mabigat na kamay na nakadagan sa'king tiyan. Nilingon ko ito at laking gulat nang makita ang Kuya Fabio na mahimbing na natutulog. Nakasiksik ang mukha nito sa batok ko at ramdam ang init ng kanyang pag hinga.

Mas humigpit ang yakap niya sa'kin habang magkasalo kami sa iisang kumot.

"Alena." Bulong nito. Mas doble doble pa ang kabog ng puso ko nang banggitin niya ang pangalan ko.

Hindi ako nag salita. Hindi ko kasi alam kung tulog ba ito o gising. Tinangka ko ring tanggalin ng dahan dahan ang kamay niya na nakayakap sa'kin pero nabibigo lang ako. Mas humihigpit pa kasi ito kapag tatangkain kong makawala.

Napabuntong hininga ako. Ano bang ginagawa ko? Oo, gusto ko ito at pabor na pabor sa'kin pero kapag sumasagi sa isip ko kung ano ba talaga ang estado namin sa buhay ay nagi guilty ako. Kapatid, kapatid ko ang Kuya Fabio at hindi dapat namin ginagawa ang mga bagay na gaya na lang nito.

Sumubok muli ako. Kung hindi siya matutulog sa sofa ay ako na lang. Tinangka ko muling tanggalin ang kamay nito ngunit mahirap. Malakas ang kanyang bisig at sobrang mahigpit ang pagkakapulupot ng braso sa buo kong bewang.

Tumaas ang balahibo ko at nakaramdam ng kakaibang sensasiyon ng huminga ito ng malalim at tumama 'yon sa'king batok. Napapikit ako ng mariin. Hanggang kailan ba ako parurusahan ng lalaking to? Bakit ba ang hirap niyang iwasan?

"You're hurting me so bad." Dinig kong sabi nito. Nagulat ako dahil gising siya. Hindi rumihistro sa utak ko ang mga sinabi niya. Paano ko siya nasasaktan?

Nagmura muli ito ng malutong at napalunok naman ako sa nerbyos.

Hindi ko siya maintindihan at hindi ko marinig ang ilang katagang sinabi niya dahil mas isiniksik nito ang mukha sa batok ko.

Itutuloy..

Continue Reading

You'll Also Like

100K 1.5K 27
DOCILE SERIES 1 Ymee Claire Peralejo, a talented florist, harbors a long-standing love for her best friend, Dr. Giveon Baldivia, since their high sc...
216K 4.2K 55
The Teenager Mommy into Aimer La Maman CĂ©libataire. SYPNOSIS Carisha was sixteen when she decided to go in a Bar. She was so careless at that time th...
751K 17.5K 31
Sa angking ganda at alindog na taglay ni Arwena ay walang lalakeng makalapit at humawak man lang. Nagtatrabaho siya sa isang club bilang manager, kay...
33.7K 1K 34
Lark Cervantes-the heir and the world's youngest multi-billionaire who hides his cruel coldness. Lark suffers from severe Ecclesiaphobia because of h...