BINHI (Munting Handog - Book...

Par AngHulingBaylan

28.9K 1.4K 188

Matapos ang sampong taon ay nagbabalik si DJ sa probinsiya ng kanyang nakatatandang kapatid, hindi upang magb... Plus

Dedication
Prologo
1. Sa Fiesta ng Sto. Rosario (Part 1)
2. Sa Fiesta ng Sto. Rosario (Part 2)
3. Bagong Alaga
4. Bilanggo
5. Ang Dalagang Maggugulay
6. Ate at Bunso
7. Mahiwagang Paru-paro
8. Ang Batang Halaman sa Palengke
9. Ang Kuwento ni Mang Goryo
10. Ang Tinig sa Ilalim ng Tubig
11. Pinagtagpong Muli
12. Ang Puno at ang Singsing
13. Ang Manliligaw
14. Kasunduan
15. Maglako ng Gulay
16. Dayo sa Kaharian
17. Sa Kaingin ng mga Sitaw
18. Weird Guests
19. Pagtakas
20. Ang Oguima at Tahamaling at Talahiang
22. Ang Tibsukan
23. Pagbabati
24. Ang Doktor
25. Dalawang Dayo
26. Ang Supot ng Ginintuang Pulbos at ang Balahibo
27. Ang Lihim na Lagusan
28. Daruanak
29. Kapalit
30. Sirena, Serena
31. Ang Aghoy at Lewenri
32. Saminsadi

21. Sleeptalk

400 30 5
Par AngHulingBaylan

May kung anong lumundag sa sikmura ni DJ na siyang nagpagising sa kanya sa gitna ng kasarapan ng tulog. Bigla siyang napamulat kasabay nang malakas na hiyaw ng pagkagulat.



Sa gilid ng kanyang mga mata ay nahagip niyang lumundag mula sa kanyang kama ang kanyang alagang si Mordecai sa dako ng durungawan. May hinahabol itong insektong kulay dilaw at tuluy-tuloy itong lumukso mula sa bukas na bintana nang buong tapang para lamang maabot yaong hinahabol nito.



Mabilis siyang lumapit sa bintana upang tingnan kung saan nahulog ang kanyang alaga. Hindi niya ito natagpuan at sa halip ay isang lalaki ang kanyang natanaw sa hindi kalayuan na naglalakad palabas ng main gate. Katulad ng kuya ni Serena noong una niyang kita rito ay nakasuot ang lalaki ng kupas ng maong shorts. Wala itong suot na pan-itaas nguni't kapansin-pansin ang katawan nitong tadtad ng asul na mga tattoo, kaiba sa karaniwang tattoo na kulay itim. Mistula itong blue print sa maputla nitong balat.



Kumunot ang kanyang noo at napatanong sa sarili kung sino itong bisitang agarang umaalis. Bago pa man ito nakalabas ng gate ay lumingon pa ito at napatingin sa direkta sa kanya, animo'y naramdaman siya nitong nakatingin. Hindi ito ngumiti nang magtama ang kanilang paningin at tuluyan na itong lumabas. Lalo siyang nagtaka. Minabuti niyang bumaba sa kusina upang magtanong kay Mamang.



Sa bungad pa lamang ay bumati na kaagad siya. "Morning! May dumating na bisita?"



Hindi si Mamang ang nadatnan niya roon na nagluluto kundi ang kanilang kasambahay. "Mukhang maganda yata ang gising ng aking alaga? Kasing ganda nitong umaga."



Nagsalubong ang kanyang mga kilay sa nadatnan. "Sino 'yong pumunta at bakit ikaw ang nagluluto?"



Nabura niyon ang maaliwalas na ngiti ni Marietta. May tampo nitong isinalin sa malinis na plato ang kahahango pa lamang at mainit-init na mga hotdog. "Ang kaaalis lamang ay pinsan ni Serena. Naghatid rito ng in-order na mga gulay. Si Mamang naman ay sumama kay Papang sa boating ng mga guest," tugon nito nang makatalikod sa kanya.



Pinsan ni Serena? tanong niya sa sarili. Saktong dumako ang tingin niya sa dalawang bayong na nakapatong sa hapag. Hindi na niya kailangang hulaan kung ano ang laman ng mga iyon. So, hindi ito nagpunta? Marahil ay nagtatampo pa rin ito. "At si Ate? Ba't hindi s'ya ang sumama?"



Narinig niyang bumuntong-hininga ang kasambahay nang dakutin nito ang dinikdik na mga bawang mula sa chopping board, sabay hulog nito sa naghihintay na kawaling may mainit na mantika na. "Iyon nga ang problema. Hindi ko alam kung anong nangyari sa ate mo at masama raw ang pakiramdam nito."



It must have been the rain, kaagad na saad ng kanyang isipan. "How is she?"



"Ayon, hindi makabangon at masakit raw ang katawan." Nilagay nito ang kaning-lamig sa kawali at sinimulan na ang pagsasangang rito. "Matapos ko rito ay hatdan mo ng almusal ang ate mo, ha. Hindi maaaring magtagal ang kanyang sakit at walang papalit sa kanyang mga trabaho rito."



Tumango siya. "She'll get well soon, I know." Iyon lamang ang kanyang nasabi pero sa loob-loob niya ay may pagdududang umuusbong at unti-unti nag-uugat.



--------



Sa kubli ng isang matayog na punong-kahoy sa gitna ng kasukalan, isang mukha ang sumilip sa anino. Buong suri nitong pinagmasdan ang paligid, tinitiyak na walang anumang kaluluwa ang gumagalaw o nag-aabang sa kanila sa malapit na pampang. Naglakbay ang mga tingin nito sa sapang malayang umaagos at napalunok. Mag-iisang araw na silang nalalakbay at nararamdaman niyang unti-unti nang nawawala ang kanyang lakas. Hindi niya alam kung gaano katagal pa ang nalalabi sa bisa ng kapangyarihang ipinagkaloob sa kanya. Lubha na itong napakahaba at nangangamba siyang anumang oras ay bigla ito mawala.



Sumilip rin sa kabilang bahagi ng puno ang kanyang kasama. "Hindi ko maintindihan kung bakit gayun na lamang ang iyong paniniyak. Malayung-malayo na tayo sa nasasakupan ng kaharian, marahil ay hindi na tayo masusundan ng mga manunusig."



Napalingon sa ikalawa ang nauna. "Hindi ka nakasisiguro riyan. Hangga't hindi tayo nakatatawid sa mundo ng mga mortal, mananatili tayong maging mapagmatyag. Huwag mong kalilimutang nasa loob pa rin tayo ng kaharian ng mga engkantong-gubat, hindi pa tayo ligtas sa kapahamakan"



Napatingin sa malayo ang kanyang kasama, may bahid ng pagtataka sa mga mata. "Ang mga mortal, ano ang mayroon sa kanila at lagi silang bahagi sa mga nangyayari? Hindi ba't sila ang dahilan kung bakit nagkawatak-watak ang mga dakilang kaharian sa sansinukob?"



Pansamantalang napaisip ang nauna sa tinuran ng ikalawa. Ayaw man nitong aminin nguni't may punto ito. Muli nitong iginala ang paningin sa paligid bago nagsalita. "Sapagka't sila ay bahagi rin ng sansinukob. Anumang mga pangyayaring nagaganap sa pagitan ng ating mga daigdig ay may kaugnayan sa kanila, batid man nila o hindi."



Napatango ang ikalawa sa tugon nito. "Paalalahanan lamang kita, upang makatawid sa mundo ng mga mortal, kailangan nating makahanap ang lagusan patawid sa kanilang mundo. Iilan lamang, sa batid ko, ang bukas sa kanila. Ang nalalabi ay sinarhan na nang tuwiran upang hindi na maligaw muli ang mga mortal sa loob ng engkantadong kalupaan nang walang pahintulot. Yaong mga bukas naman ay mahigpit na binabantayan ng mga kawal."



Yamot na napatitig sa kanya ang nauna. "Huwag kang panghinaan ng loob. Makagagawa tayo ng paraan. Parating may paraan sa lahat ng bagay."



"Sinasabi ko lamang," kibit-balikat ng ikalawa.



Sa wakas ay nagkalakas-loob rin lumabas ang nauna sa pinagtataguan nito at naglakad tungo sa masaganang sapa. "Itinadhanang magtagpo tayo. Ang paraan ay darating sa panahong hindi natin lubos na inaakala."



--------



Dahan-dahan ang mga paghakbang na ginawa ni DJ habang naglalakad sa pasilyo. Kung bakit pa kasi siya ang nautusang maghatid ng almusal sa kanyang nakatatandang kapatid. Ingat na ingat siya sa paghawak na tray na may lamang plato ng sinagang na kanin at hotdog, katabi ang isang mug ng mainit-init na gatas.



Pag tapat niya sa silid ng kanyang ate ay nabigla siya nang makitang nakaupo sa labas ng pintuan ang kanyang alaga. Nakatingala ito sa pinto at tila naghihintay na kusa itong magbukas. Napalingon ito sa kanya nang siya ay tumabi rito, hindi malaman kung papaano rin niya bubuksan ang nakasarang pinto gayung may bitbit siyang pagkain.



Sa huli ay pinagbalanse niya ang tray sa isang kamay samantalang pinipihit niya ang doorknob sa kabila. Matapos ang ilang subok ng pag-ikot habang iniiwasang mahulog ang bitbit ay nagawa rin niyang buksan ang pinto.



Naunang pumasok si Mordecai sa kanya. Diri-diretso itong naglakad patungo sa kama at tumalon sa ibabaw nito upang pumunta sa gilid ng unan at doon ay namaluktot.



Marahan niyang isinara ang pinto bago lumapit sa nahihimbing niyang ate. Kaagad niyang inilapag ang tray sa bed side table nito at nag-inat-inat ng brasong nagsisimulang mangalay na.



Inikot niya ng tingin ang simpleng silid. Sa kanang bahagi ng pintuan ay naroon ang bookshelf. Hinati itog sa apat na estante na punung-puno ng mga aklat. Sa ibabaw na bahagi nito ay nakapatong ang tatlong biligang plorerang ng mga handicraft na bulaklak. Ang una ay yari sa niyog, ang ikalawa ay gawa sa ni-recycle na papel at ang panghuli ay gawa sa straw. Napatanong siya sa sarili kung ang mga iyon ay ginawa ba ng kanyang ate, yaman lang rin at mahilig ito sa handicrafts.



Katabi ng bookshelf ay ang tukador nito kung saan nakalagay ang mga beauty products na ginagamit ng kanyang ate. bilang lamang ang mga ito at noon niya pagtantong natural pala talaga ang gandang taglay ng nakatatandang kapatid at hindi asa kung sa anu-anong mga pampaganda. Ang oblong na salamin ng tukador ay napapaligiran ng maliliit na mga buskay sa hugis ng mumunting mga isda.



Sa kanang dingding ay naroon ng pinto ng banyo, katabi ang isa pang side table kung saan nakapatong ang iba't ibang mga larawan ng kanilang pamilya. Mayroon ring mga paso ng succulent plant sa magkabilang bahagi ng side table.



Nakasabit sa katapat na dingding ang malaking underwater painting. Sirenang may puting buntot ang subject nito, na tila, kung susuriin, ay kahitsura ng kanyang ate. Sa nakaangat nitong kamay, isang nilalang na kulay asul ang nakaupo. Mistula itong pinaghalong grey alien dahil sa malalaking mga mata nitong hugis almond, maliit na katawang kawangis ng sirena, maiigsing mga braso at antenna gaya sa mga insekto. Nasa gitna sila ng coral reef at tila naglalaro habang nasa background nila ang malaking anino ng mistulang bundok na may mga tore.



Inaagaw ng pag-ungol ng kanyang ate ang kanyang pansin. Nakakunot ang noo nito, mahigpit na makalapat ang mga labi at kapansin-pansin ang pag-aalalang nakalahad sa mukha nito.



"Nanganganib si Managat, Sadi."



Nagulat siya nang magsalita ito ng mga pangalang kakaiba sa kanyang pandinig, puno ng pangamba ang himig.



"Kailangan ko silang tulungan."



Sa kanyang uluhan, napabangon ang kanyang alagang si Mordecai. Napatitig ito sa kanya at ngumiyaw nang pagkahina-hina, animo'y naiintindihan nito ang mga nangyayari.



Nag-angat siya ng hintuturo at inilapit iyon sa kanyang mga bibig. "Shhh. She's dreaming."



Nguni't hindi na nagsalitang muli ang kanyang ate matapos iyon. Guminhawa muli ang hitsura nito pagkalipas ng ilang segundo. Subali't sapat na iyon upang mag-iwan ito ng karagdagang tanong sa kanyang isipan.



Sino si Managat at Sadi?

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

973K 57.1K 57
Rebirth of an assassin. Birth of the heaven-sent princess. Rise of the supreme goddess. Rise of Dawn. ***
707K 25.8K 70
EDITED "Usually, people think that I'm a strong person. But behind my strong aura they just don't know how much im in pain and almost damn broken."...
466K 20.4K 79
She's heartless person, She can kill you without blinking her eyes. Beg for your life she didn't care, and surely she make ur life living hell..... ...
9.8M 532K 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na k...