I Heart Kuya (Completed, 2019)

By forgottenglimmer

9.3M 166K 35.5K

Language: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback... More

Prologue (June 25, 2018)
Chapter 01 - He's Coming Back (June 26, 2018)
Chapter 02 - What Did I Do to Deserve You? (June 27, 2018)
Chapter 03 - Why do you care? (June 28, 2018)
Chapter 04 - Del Verde (June 29, 2018)
Chapter 05 - Memories (June 30, 2018)
Chapter 06 - Catching Up (July 01, 2018)
Chapter 07 - The Bachelorette Party (July 03, 2018)
Chapter 08 - Red Light Special (July 05, 2018)
Chapter 09 - Look Who's Calling (July 07, 2018)
Chapter 10 - The Phone (July 08, 2018)
Chapter 11 - The Entourage (July 10, 2018)
Chapter 12 - The girl who wears her heart on her face (July 12, 2018)
Chapter 13 - The Wedding (July 14, 2018)
Chapter 14 - Naughty Games (July 17, 2018)
Chapter 15 - The Rainy Wedding Party (July 19, 2018)
Chapter 16 - With a smile (July 21, 2018)
Chapter 17 - Please don't make a scene (July 24, 2018)
Chapter 18 - Where is she? (July 26, 2018)
Chapter 19 - Red Wine (July 28, 2018)
Chapter 20 - What really happened (July 31, 2018)
Chapter 21 - Three Hours (August 07, 2018)
Chapter 22 - Family Matters (August 09, 2018)
Chapter 23 - Caught in the Act (August 11, 2018)
Chapter 24 - Insensitive One (August 14, 2018)
Chapter 25 - A much due apology (August 16, 2018)
Chapter 26 - Drink's on me (August 18, 2018)
Chapter 27 - Boyfriend (August 21, 2018)
Chapter 28 - Why is he here? (August 23, 2018)
Chapter 29 - He deserves all the happiness in the world (August 25, 2018)
Chapter 30 - Meet the parents (August 28, 2018)
Chapter 31 - Always in a compromising position (August 30, 2018)
Chapter 32 - Moving In (September 01, 2018)
Chapter 33 - Disillusion (September 04, 2018)
Chapter 34 - Tom's Incident (September 06, 2018)
Chapter 35 - I Thought this was what you wanted (September 08, 2018)
Chapter 36 - Just Like the Old Times (September 11, 2018)
Chapter 37 - Dangling a carrot (September 13, 2018)
Chapter 38 - I'm sorry that you've met me (September 15, 2018)
Chapter 39 - Sinfully Sweet, Fatally Loved (September 18, 2018)
Chapter 40 - Bite (September 21, 2018)
Chapter 41 - Minor Inconvenience (September 22, 2018)
Chapter 42 - Undressed (September 25, 2018)
Chapter 43 - Miyaw (September 27, 2018)
Chapter 44 - It doesn't have to be difficult for it to be real (Sep 29, 2018)
Chapter 45 - Catch You (October 02, 2018)
Chapter 46 - Request (October 4, 2018)
Chapter 47 - Not for him (October 7, 2018)
Chapter 48 - Ebb and Flow (October 16, 2018)
IHK now published into Paperback! (October 26, 2018)
Chapter 49 - Choices (October 29, 2018)
Chapter 50 - Honesty Hour (October 31, 2018)
Chapter 51 - Doctor, Doctor (November 3, 2018)
Chapter 52 - I want to love you (November 6, 2018)
Chapter 53 - Maybe we're not (November 8, 2018)
Chapter 54 - Everybody leaves (November 10, 2018)
Chapter 55 - Properly, this time (November 13, 2018)
Chapter 56 - Friends? (November 15, 2018)
Chapter 57 - Happy birthday (November 17, 2018)
Chapter 58 - Gentle (November 20, 2018)
Chapter 59 - Suprise (November 22, 2018)
Chapter 60 - Melee (November 24, 2018)
Chapter 61 - Passionately (November 27, 2018)
Chapter 62 - Cope (November 29, 2018)
Chapter 63 - As long as you're happy (December 01, 2018)
Chapter 64 - Gone (December 4, 2018)
Chapter 65 - It's okay (December 06, 2018)
Chapter 66 - It's gonna be me (December 8, 2018)
Chapter 67 - Dread (December 11, 2018)
Chapter 68 - Back (December 13, 2018)
Chapter 69 - Angel (December 17, 2018)
Chapter 70 - Damaged Goods (December 31, 2018)
Chapter 71 - Sliding Doors (December 31, 2018)
Chapter 72 - Crazy (December 31, 2018)
Chapter 73 - Concerned Citizen (December 31, 2018)
Chapter 74 - Out (March 14, 2019)
Chapter 75 - Up high or down low (March 14, 2019)
Chapter 77 - Closed (March 16, 2019)
Chapter 78 - Mending (March 17, 2019)
Chapter 79 - Yellow (March 17, 2019)
Chapter 80 - First Love (March 17, 2019)
Chapter 81 - Always a family (March 17, 2019)
Chapter 82 - Perils (March 17, 2019)
Chapter 83 - Reluctance (March 17, 2019)
Final Chapter - Full circle (March 17, 2019)
Epilogue (March 17, 2019)
Final Author's Note (March 17, 2019)

Chapter 76 - Distant (March 15, 2019)

10.9K 324 16
By forgottenglimmer

#IHK76

Miala clutched her phone so hard her hands hurt. Nakasakay siya sa bus pero hindi niya rin alam kung tamang desisyon ba na nagtipid siya at hindi nagtaxi papunta sa apartment na pupuntahan. Alam niyang malaki ang isang libo, pero hindi niya alam kung hanggang saan siya aabot sa paghahanap na ito. Handa siyang mahirapan sa paghahanap na ito, but she still hoped that he would find him easily this time.

"Lord..." Aniya habang binubuhay mula ang cellphone na isinara niya noong isang gabi.

For the longest time, ayaw niya na lang itong buksan. Hindi na naman kasi niya alam kung paano iha-handle ang stress sa pag-iisip kung ano na bang puwede pang masamang mangyari eh. She knows at one point or another, she really would need to face everything head on. Pero hindi niya alam kung bakit for the past few days, parang gusto niya na lang tumakas.

Sobrang daming texts at missed calls ang nandoon mula sa iba't-ibang tao, pero most of them are from Andres. Tumaas na naman ang stress levels niya when she opened her phone again. Para siyang tanga because part of herself wanted to immediately explain everything. Pero hindi niya rin alam kung anong puwedeng sabihin. She knows she doesn't have the right words to say.

And the truth of the matter is, she's afraid. Very much.

Afraid to read all of Andres' messages. Afraid to know what he felt after hearing everything. Na hindi pa nanggaling sa kanya. Afraid to think what he has thought of her dahil man lang siya nagreply o nagbigay ng kahit na anong paliwanag dito.

Kaya higit sa lahat, ngayon, mas takot siya na wala na lang at hindi niya na lang 'to mahanap. That this will just end here.

Na basta, basta na lang. Just—- fleeting.

For a minutes, she was resolute. Tinawagan niya si Andres. Ramdam na ramdam niya ang tibok ng puso niya hanggang sa tenga, constructing pool of words into her mind. Kung saan-saan na tumalon ang utak niya sa kung anong puwedeng sabihing matino sa oras na sagutin ni Andres ang tawag.

But he didn't.

Ni hindi man lang nag-ring ang telepono nito. It was just, off.

Off.

Kaya tuloy mas lalong nawalan ng pag-asa si Miala. Pero alam niyang hindi na siya puwedeng bumalik at sumuko pa. Kung hindi niya man ma-contact ang telepono nito, that means she really need to be there. To find him, and tell him directly what she wanted to say.

Bahala na kung ano man.

On the way, she also tried to construct a few good messages. May mga mahahaba. May mga simpleng pagbati lang— but she just ended up deleting most of them. In the end, she just asked where he is and waited.

And of course, there were no replies.

Talagang kailangang-kailangan niya ngang mahanap ang lugar ng mga ito.

It took her a couple of hours bago niya nahanap 'yung apartment ng McDodo. Bumaba siya sa landmark na pinakanatatandaan niya sa bayan na 'yun at saka nagsimulang maglakad. Bawat kanto sinuyod niya. Hindi naman kasi siya masyadong nagpe-pay attention sa mga direksyon at kung nasaan na sila noong pumunta sila doon noon habang naka-angkas siya kay Andres dati. Kaya ilang beses pa siyang naligaw, dahil kahit nga tamang address meron siya eh. Kaya hindi niya rin kayang ipagtanong.

She hasn't exhausted her memory like this before. Talagang pinilit niyang pagkatandaan lahat. Every nooks and crannies in her brain that day and fortunately, kahit tumagal pa, nahanap niya rin.

Para tuloy siyang isang uhaw na uhaw na camel na nakakita ng oasis nang makita niya ang makulay na apartment na 'yun. Doon niya lang niya yata naramdaman lahat ng pagod. Every energy she had on her knees were drained na talagang kinakailangan niya pang umupo sa bangketa to stabilize herself.

Doon na lang din siya nakaramdam ng uhaw. Kaya nang makabawi ng lakas, halos takbuhin niya rin papasok ng apartment.

Sa may pintuan pa lang, nakita niya na agad si Caroline na nakahubad baro pa habang nakatambay sa may pintuan at sumisipra ng kung anong chords sa gitara nito. Agad itong napatayo nang makita ang humahangos na itsura ni Mia.

"Miyaw?" Binaba nito ang gitara at kinuha ang twalyang nakasabit sa makeshift na sampayan sa tapat. "Anong nangyari sa'yo? Para kang tumakbo."

Miala tried to smile to hide her tired faculties.

"H-hindi ko kasi mahanap 'to eh. Medyo naligaw ako."

"Ha? Bakit 'di mo tinanong kay Andy?" Napakamot si Caroline. "Teka. Bakit ka nga ba nandito ngayon?"

Miala blinked twice. Sa paraan kasi ng pagsasalita ni Carolino, parang wala itong alam— kanina. But now that she has showed up like this, para tuloy itong nagkaroon ng hint.

Hindi nakasagot si Mia. Kaya naman, the issue has become more overt. That she and Andres are going through some things.

"Uhm... Wala si Andy dito eh." Caroline volunteered to divulge.

"N-nasaan?"

"Sabi niya kasi hindi muna siya uwi dito sa apartment kasi may kailangan siyang bantayang aso."

"Sinong aso?"

Umiling si Caroline.

"Hindi ko alam Mia eh."

"Siguro sa shelter no? Or baka sa clinic niya siya natutulog? Anong sa tingin mo?"

"'Di ko talaga alam Miyaw eh. Wala lang din kasi kaming gig ngayon kasi nagbabakasyon si Jude kaya hindi din siguro siya uuwi dito ngayong gabi."

"Ahh. Sige." Ani Mia at akmang aalis na.

"Gusto mo ba samahan kita?" Caroline offered.

"Hindi, okay lang."

"Are you sure?"

"Oo. Salamat ah."

"Uhm, ayaw mo ba ng tubig? Inom ka muna dito?"

Lumingon si Miala at napalunok. Nauuhaw nga pala siya. She realized that in times of stress and difficulties like this, you'll really forget the basic things that you need. At sa muli, she has empathized to Lenard and what he has been through. Dahil mahirap. Napakahirap gumawa ng tamang desisyon sa oras na hindi matino ang pagiisip mo.

Seeing this, hindi na naghintay pa si Caroline at hinila si Miala sa loob ng unit.

"Maupo ka nga muna." Halos ipagtulakan nito si Mia sa sofa bago tumakbo ulit sa kusina para kumuha ng tubig. "Bakit kasi hindi mo ako tinext muna bago ka nagpunta dito?"

Doon lang ulit naalala ni Miala na nagka-text na nga pala sila ni Caroline noon para sa birthday ni Andres. Bakit ba tatanga-tanga siya ngayon at hindi niya naisip 'yun. Eh 'di sana, hindi na sana siya nagpagod pa sa kahahanap ng bahay na ito at dumiretso na lang sa ibang lugar. Mas nakatipid pa sana siya ng oras.

"N-nakalimutan ko eh." Miala said admittedly habang inaabot sa kanya ang baso ng tubig.

"Nakalimutan?! Hala. Dahan-dahan sa ino—" Paalala sana ni Caroline pero hindi na nito napigilan si Mia na halos isahang nilunok ang laman ng baso. Ganoon na pala kagrabe ang uhaw nito.

"Ano ba? Ganiyan na ba kalala away niyo?" Hindi tuloy napigilang tanong nito.

"H-ha?" Hindi makapaniwala si Miala na diretsong tinatanong ng lalaki.

"Hindi naman nagtatanim ng malalim na galit si Andy. So I'm sure, you're okay." He tried to reassure, Miala.

"Pero hindi... Not this time."

"You really messed up, huh?"

"I did." Miala felt her facial muscles constricting again na parang gusto niya na namang umiyak. Pero pinigilan niya. She needed her sane self sa puwede niyang harapin ngayong araw. So she tried to keep her sentiments at bay.

"Okay lang 'yan. Everything will be okay."

Miala wanted to punch Caroline in the face. She didn't know where that wicked thought came from. Siya na nga sinasabihan ng maganda eh. And she knows he is just coming from a place of care. Pero nakakainis palang sabihan ng magiging okay din ang lahat sa taong wala namang alam sa pangyayari kasi deep inside, she knew it's not that easy.

Napayuko na lang siya at palihim na pinagalitan ang sarili. She thought she really is very vile. Ano pa bang pinagkaiba niya sa mga taong kinaiinisan niya.

Then she started to question if this pursuit is worth it. Dahil ano nga bang halaga niya bilang tao para gawin 'to. She didn't know that a simple seed of idea can push her train of thought like this na naisip niya, kaya ba hindi rin bumalik si Lenard noon because he has been in this emotional route.

"Miyaw." Ani Caroline na nagpatigil sa kung ano pang ibang iniisip niya.

"H-ha?"

"Alam mo... Andy doesn't get mad..."

"Eh ano?" Sagot ni Miala na naghihintay ng clincher and if and buts na idudugtong ni Caroline. "He doesn't get made, he gets even?" She continued to ask.

"Ha?" Napaatras ang lalaki. almost bewildered na sinabi 'yun ni Mia.

"Eh ano nga kasi?"

"He doesn't get mad. He doesn't get even. He gets distant."

Miala stayed quiet for a while.

"Hayaan mo lang." Dugtong. ni Caroline when she didn't speak up.

But Mia isn't sure kung magandang idea nga na hayaan niya na nga lang ito muna. Because they weren't able to talk after everything. Kaya 'pag alis niya ng apartment ng McDodo, she knew she wouldn't stay idle.

Dumiretso siya sa university kung saan nagtuturo si Andres ng ilang units at napansin ang guard na napagtanungan niya rin noon when she was trying to surprise Andes— which failed by the way.

She bitterly smiled on that thought dahil naalala niya na hindi man naging successful ang pag-surprise ni Andres at least he came.

"He came..." She involuntarily says it again. In as whisper, bago siya pumunta sa may guard. The same security guard na pinagtanungan niya rin noon.

"Kuya, itatanong ko lang kung pumasok ba ngayon si Sir Andres Dale Saavedra?"

"Ah, ikaw din 'yung dati 'di ba?" Sagot ng guard na parang naalala naman siya. "'Yung nag-aantay dito dati?"

"Ah..." Napakamot si Mia, not knowing if this is a good thing or not. "Ah opo. Ako nga 'yun."

"Hindi ko pa kasi masyado kilala si doc noon kasi 'di naman siya regular na pumapasok."

"Ah, so kilala niyo na po ngayon?" Tumaas ang pitch ng boses ni Miala. Getting nervous and excited at the same time.

"Pagkatapos mo maghintay 'nung araw na 'yun, nakilala ko na rin siya. Trabaho din naman din naming kilalanin lahat ng pumapasok dito." Sagot ng guard, a bit oversharing.

"P-pero nandiyan po ba siya ngayon?"

"Hindi ko pa siya nakita pumasok ngayong araw."

"Talaga po?" Bumagsak ang mga balikat ni Miala. She knew this wouldn't be an easy task, and since earlier, she has been readying herself for the worst. Pero totoo ngang nothing can prepare you from the raw feeling of disappointment.

"Kung gusto mo itatawag ko sa faculty?"

"Sige po..." But Miala don't want to get her hopes high again. So she kept her cool. Dahil minsan ang hirap ding mag-expect, dahil ikaw lang din naman lalagapak sa lupa ng ganoon-ganoon na lang.

"Anong pangalan mo?"

"Miala po. Miala Montes."

And true enough, 'pagkatapos tumawag ng guard, hindi nga pumasok si Andres sa school at may ibang substitute ang magtuturo ng vetmed units nito ngayong araw. In fact, naka-indefinite leave pa nga daw ang lalaki.

Nagpasalamat siya sa guard at umalis. And this time she's really lost. Hindi niya alam kung saan siya pupunta ngayon.

Na ultimo sa bar kung saan sila pangalawang nagkita, pinuntahan niya na. She looked a little lost, pero nag-antay pa rin siya ng kaunti, kahit na hindi pa naman talaga open ang bar na 'yun. At alam niyang walang dahilan para magpunta ito doon dahil wala namn silang gig ng McDodo.

She sat there, right outside the bar, in silence habang iniisip kung ano pa ba ang pwede niyang gawin at kung may magagawa pa nga ba siya. Pero nang may magtanong sa kanya sa kung anong oras na, doon lang siya natauhan na kailangan niya na nga palang umalis.

"5:30 na po." Sabi niya sa lalaking nagtanong habang mabilis na naglakad sa papunta sa kalsada. Dahil alam niyang mahuhuli na siya. Bakit ba hindi man lang siya nag-alarm man lang para sa sarili niya. She knew her mom is going to come and get her at the end of the day pero nagsayang pa siya ng oras sa labas ng isang hindi pa nagbubukas na bar.

She tried to hail a cab, pero walang pumapara sa kanya na kahit na ano. Simula na din kasi ng rush hour kaya ilang minuto din siyang nakatayo doon. In the end, she found herself riding a bus, at saka niya lang nareceive muli ang tawag ni Riley.

(Nasaan ka na?!")

"Pauwi na. Pauwi na ako."

("I told you, Just be here in time 'di ba? Paano kung dumating na mama mo?")

"I'm sorry. Eto na. Pauwi na talaga ako! Sige na. Bye."

Hindi na naman niya alam ang gagawin niya. Everything is just not falling in its place. She is anxious, and sad, and mad at herself for not being able to do what she needs to do today. Tumakas na nga lang siya pero siya pa 'tong hindi makauwi ng maaga.

Halos maubos ang kuko niya sa kakakagat hanggang makababa siya ng bus at makasakay ng jeep na malapit sa university.

She wanted to beat the time.

She wanted to be there before her mom.

But everything can go wrong, will really go wrong.

Dahil 'pag dating niya doon, she can already see Riley's sorry face. At si Mindy na galit na galit habang inaabangan siyang makalapit.

*later*

>>Next Chapter: Chapter 77 - Closed

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 36K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
4.1M 241K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
129K 424 159
compilation of the best stories- a must read on wattpad add this to ur libraries! ------- highest ranking- #1 in bestwattpadstories ❤️
252K 2.9K 73
It is another story of a man who loves to play girls. *2013*