ZEY'S POV
'Zey hindi ka pwedeng mag-drive alam mong ako yung malalagot at hindi ikaw.'
'Sino ka ba?Bakit hindi ko makita yung mukha mo?Bakit ayaw mong magpakita?'
'Zey itigil mo yung sasakyan..'
'Sino ka ba?!'
'Zey!!!'
*BEEP BEEP*
Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga at hinihingal na nakatingin sa liwanag mula sa bintana
Ano yun?Ano yung nakita ko?Yung mga narinig ko sa panaginip ko?Bahagi ba siya ng nakaraan ko?
Sino yung lalaking kasama ko sa kotse?Yun na ba yung nangyaring aksidente?
"Argh.."
Napahawak ako sa ulo ko at marahang tumayo papunta sa banyo at kinuha ang gamot
Matapos kong mainom yung gamot ay medyo kumalma na ako..
Tumingin ako sa salamin..
"Marunong akong mag-drive?"bulong ko
Pero bakit ayaw akong bigyan ni dad ng kotse?
Napailing na lang ako at naghanda na para pumasok
----
"Zey.."Napalingon ako at nakita si Deil na palapit sakin
"Malapit na pala yung laban..Uhm..Kung gusto mo ng umalis sa banda okay lang naman.Tutal ako din naman nagsabi sa kanila na ipasok ka ako na lang din gagawa ng paraan.."
Napataas ang kilay ko
Oo nga pala yung Battle of the Bands pa tsk.
"Okay lang..Wala na din naman akong magagawa.Mas mahihirapan lang kayo kung maghahanap kayo ng iba."sabi ko sa kanya
Ngumiti naman siya at tumango
Sabay kaming pumasok sa classroom
"Nasan nga pala si Diel?"
"Uhm pinaayos niya lang yung sasakyan tapos pinauna niya na ko kasi baka matagalan.Kaya baka malate na din siya."
Sasakyan.
Tumango na lang ako at dumating na ang teacher namin.
----
"Diel.."nakataas kilay na tumingin sakin si Diel
"Bakit?"
"Can I borrow your car?May pupuntahan lang ako."
"Akala ko ba hindi ka marunong mag-drive?Di ka nga binibigyan ng daddy mo ng kotse diba?"
Nakagat ko ang labi ko
"Haha..May kasama naman akong magda-drive..Siya yung magda-drive.."napakamot ako sa ulo ko dahil kinakabahan ako.Hindi ko alam kung bakit.
"Well...Okay.Here,ingatan mo kakapaayos ko pa lang niyan."
Tumango ako at nagpasalamat sa kanya.
----
LIAM'S POV
Masiyadong napasarap yung tulog ko kaya ayan tuloy tinanghali na ko ng pasok..
Agad kong pinarada ang sasakyan ng makarating ako sa parking lot ng WH..
Sumisipol na bumaba ako ng kotse at kinuha ang bag ko.
Akmang aalis na ko ng makita ko si Zey na parang balisa sa harap ng isang kotse..
Kotse ata ni Diel yun?
Napakunot ang noo ko..
Anong ginagawa ng babaeng to?
Lalapit na sana ako sa kanya ng bigla siyang naglakad at pumasok sa kotse..
San pupunta to?
Pinaandar niya ang kotse at marahang inalis sa pagkakaparking at saka umalis ng school.
Agad akong sumakay sa kotse ko at sinundan siya..
Calling Henz...
"Hello?"
"Henz..Ask Diel kung saan pupunta si Zey or anyone from her friends basta matanong mo lang.."
"Si Deil lang yung kasama ko..Her twin.."
"Whatever.Just ask her."
Narinig kong tinanong ni Henz si Deil at muli na siyang nagsalita sa linya.
Patuloy pa din ako sa pagsunod kay Zey..Mabagal lang ang takbo ng kotse niya kaya madali lang siyang masundan.
"Hindi daw alam ni Deil.Ang alam niya lang magkasama silang dalawa ni Diel."
"But she's using Diel's car at hindi ko alam kung saan siya pupunta.."
"Hindi din daw alam ni Deil na gamit ni Zey ang kotse ng kapatid niya---Hello Liam?"
"Who's this?"
"It's Deil,As far as I know hindi marunong magdrive si Zey so how come na gagamitin niya yung kotse ni Diel?"
Kumunot ang noo ko
Hindi marunong magdrive?
"Hindi marunong?Then who's driving the car?Zey's doppleganger?"
"Ha?Wait here's Diel I'll ask her.."
Hininto ko ang kotse ko ng huminto si Zey sa pagda-drive..
"Liam..She said yes..Hiniram nga daw ni Zey ang kotse ni Diel pero ang sabi niya may kasama siya na magda-drive nung car.."
"The car stopped."
"Ha?"
"Sinusundan ko yung kotse and the car stopped.."
*BEEP* *BEEP*
"In the middle of the road?"tanong ni Deil
"Yeah.."
Ilang minutong ng nakatigil ang sasakyan kaya bumaba na ko at naglakad papunta sa kotse
Kinatok ko ang bintana but she didn't open it.Kinatok ko ulit ng kinatok hanggang sa bumaba na yung bintana..
Her face was in shock ng makita ako..
"B-bakit ka nandito?"
"What do you think your doing?Huminto ka sa gitna ng kalsada?Hindi mo ba alam na nag-cause ka na ng traffic in the middle of nowhere?"nakakunot noo kong sabi sa kanya
Sumilip siya sa likuran ng kotse at sobrang haba na nga ng traffic
"I..."
Sinara niya ang bintana at pinaandar ang kotse.Naiiling na bumalik ako sa kotse ko at sinundan siya..Pinarada niya sa gilid ang kotse at ganun din ang ginawa ko..
Bumaba ako ng kotse at nakita ko rin siyang bumaba habang nakahawak sa ulo niya
"They told me na hindi ka marunong magdrive..How come na nakapunta ka dito using that car?"
"I..don't know.."pabulong niyang sabi at mas hinigpitan pa ang pagsabunot sa buhok niya at napapikit ng mariin.
"You don't know?Ha!Are kidding me?You don't have a license kaya hindi ka dapat basta basta na nagdadrive.."
Umiling lang siya at naglakad ng marahan paalis
Huminga ako ng malalim at tinawagan ulit si Henz..
"Hello Liam?Nasan kayo?"
"Not so far from WH..Tell Diel na kunin yung kotse niya dito.."
Tumingin ako kay Zey na marahan pa ding naglalakad paalis habang nakahawak sa ulo..Napailing ako.
"Where's Zey?"
"Naglakad paalis.."
"We're on our way there..Kasama ko yung kambal."
Tumango ako at sinara ang pinto ng kotse at tumingin ulit kay Zey
"Nasa gilid lang ng daan yung sasakyan.."
Binaba ko na ang tawag at sinundan si Zey pero napahinto ako ng bigla na lang siyang natumba sa daan..
"Yung babae!"sigaw ng isang ale na nakita ang pagbagsak ni Zey
I was so shocked kaya hindi agad ako nakagalaw.
Mabilis akong tumakbo at lumahod..
"Zey..Zey wake up.."tinatapik ko ang mukha niya pero di siya nagigising..
Binuhat ko siya at lakad takbo na isinakay ko siya sa kotse ko..
Mabilis kong pinaandar ang kotse ko at dinala siya sa malapit na ospital..
Really?What's happening to her?