Hipon
"Mister , umiyak ka bah?" si Angelica nang makalabas na ako nang opisina nang mommy niya
"Hm?.Hindi , wala 'to.." sambit ko at ngumiti
Agad naman siyang tumitig sakin na para bang binabasa niya yung mata ko.
Agad naman akong lumuhod sa harap niya at kinurot yung pisngi niya..
"Sa susunod , wag ka nang makikinig sa sinasabi nang iba..Mas mabuting maniwala ka sa sarili mo kesa sa mga kasinungalingan nila.." sambit ko
"Bakit ikaw po , nagpapanggap kang wala lang pero kitang kita naman sa mata mo na hindi ka masaya..Ano po bang sinabi ni mama sayo para umiyak ka , mister?" aniya at agad na hinawakan ang pisngi ko
Malungkot naman akong ngumiti sa kanya..
"Hindi mo pa maiintindihan ang lahat sa ngayong , Angelica..Maybe , someday , maiintindihan mo din ang sitwasyon namin ngayon.." sambit ko at agad nang tumayo
"Saan ka pupunta , mister?.Aalis ka na bah agad?"
"May kailangan kasi akong gawin sa ngayon , babalik nalang ako bukas at magdadala nalang ako nang pasalubong sayo..Ano bah yung paborito mong pagkain , baka pwede kitang dalhan?" tanong ko
"Hindi pa po ako nakakakain nang shrimp , pwede ka po bang yun nalang ang dalhin niyo bukas?" aniya na parang gustong gusto niya talagang makatikim noon
"Sige , dadalhan kita kahit na ayaw ko talaga nang shrimp..Bukas hintayin mo ako ah?" sambit ko
"Thank you , mister!.At isa pa po , wag niyo po sabihin kay mama na nagpapabili ako sa inyo..Baka magalit lang siya.." aniya
"Bakit naman?"
"Basta po!.Secret lang po natin yun.." aniya at matamis na ngumiti
Ngumiti naman ako sa kanya at hinalikan nalang ang noo niya para sa pagpapaalam..
"Alis na ako ah , bukas nalang ulit.." sambit ko bago kumaway sa kanya
Kumaway din siya sakin..
Palabas na ako nang restaurant nang makita kong bumukas ang opisina ni Kathlyn at agad din namang nagtagpo ang mga mata namin..
Ngumiti ako sa kanya pero agad din siyang umiwas nang tingin..
Siguro nahihirapan pa siyang pagkatiwalaan ako lalo na't wala siyang naaalala..Bibigyan ko nalang siya nang oras para makapag desisyon..
Pero syempre ipapakita ko sa kanyang worth it yung ibibigay niyang tiwala sakin..
Kinagabihan ay agad kong tinawagan si Cindy para siya nalang ang utusan ko sa pagluluto nang shrimp..Ayaw ko naman kasing bumili sa isa pang restaurant tapos pupunta ako sa restaurant ni Kathlyn?
Ayaw ko nang palipat lipat dahil hindi din naman magandang asal yun..
Kinabukasan ay maagang nakarating si Cindy sa condo kaya maaga din siyang nakapag luto..
Ako naman ay ginagawa ko muna yung trabaho na dapat kong gawin..
"Sir , diba po allergic kayo sa shrimp?.Bakit po kayo nagpapaluto?" takhang tanong ni Cindy habang binabantay ang niluluto niya
Tiningnan ko naman siya at nginitian..
"Hindi naman ako ang kakain niyan eh.."
"Eh , sino po?"
"Anak ni Kathlyn..Si Angelica.." sambit ko at bumalik ulit sa trabaho
"Magkaayos na po kayo ni ma'am Kathlyn , sir?" excited niyang sabi
"Hindi pa..At hindi na rin siguro ako aasa na mangayayari pa yang bagay na yan..Ayos na sakin na pumayag siya sa hiling ko sa kanya bago ako lumayo sa kanila.." malungkot kong sabi
Hindi na nagsalita pa si Cindy hanggang sa matapos niya na ang niluluto niya..
Agad ko na ding tinapos ang trabaho ko at nag ayos para makapunta na sa restaurant..
Iniwan ko na si Cindy sa condo , alam ko din namang aalis na siya pagkatapos niyang ayusin yung mga dapat niyang ayusin doon..
Nang makarating ako sa restaurant ay agad naman akong sinalubong ni Angelica..
"Mister!" masayang tawag niya sakin
Agad naman akong ngumiti sa kanya at ipinakita yung paper bag na dala ko..
"Ano po yan?" takhang tanong niya
"Yung gusto mong matikman.." nakangiting sabi ko
Agad namang lumaki yung mata niya at tumalon-talon pa..
"Thank you , mister!" aniya
Tiningnan ko naman ang paligid kung saan medyo marami pa rin yung mga kumakain..
Masarap talaga siguro yung pagkain dito sa restaurant ni Kathlyn dahil mukhang binabalik balikan nang mga tao..
Agad naman akong hinila ni Angelica papasok sa opisina nang mama niya pero bago makapasok nang tuluyan ay agad ko siyang pinigilan..
"Baka magalit ang mama mo kapag nakita niya ako.." sambit ko
"Mister , wala po dito si mama..May pinuntahan pa po siya.." aniya at hinila ako papasok
Agad niya naman akong pina-upo sa sofa doon at kinuha nag paper bag na dala ko..
Nang makita niya ang laman nito ay dali-dali siyang kumuha nang kutsara at tinikman ang sinigang na hipon..
Pagkatapos tumikim at agad naman siyang nagtatatalon..
"Ang sarap!" aniya at tinikman naman ang adobong hipon
Napangiti ako dahil mukhang sarap na sarap talaga siya..
Titikim pa sana ulit siya nang bigla nalang bumukas ang pinto ay pumasok si Kathlyn..
Noong una ay wala pa sa kanya ang ginagawa ni Angelica pero nang mapansin niya kung ano ang kinakain nito ay agad siyang nataranta.
"Angelica!.Ano yang kinakain mo?!" sigaw nito at agad na hinila si Angelica palayo sa kinakain
"Mama , gusto ko niyan!" si Andelica at babalik pa sana pero hinila ulit siya ni Kathlyn
Masama naman akong tiningnan ni Kathlyn..
"Ikaw bah ang nagdala niyan?!" galit niyang tanong
"Bakit?.Anong problema?" naguguluhan kong tanong
"Shit!" sigaw niya at agad na iniligpit ang pagkain at ibinalik sa paper bag
"Ano bang problema--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla nalang umiyak si Angelica
Natigilan naman kami pareho ni Kathlyn nang makitang hinahawakan na ni Angelica ang dibdib niya at dahan dahang nanghihina..
"Angelica!" sigaw ni Kathlyn at agad na nilapitan ang anak
"Anong nangyayari?.Allergic bah siya sa hipon?" gulat kong tanong
"Oo!.At napaka gago mo para pakainin siya nang pagkain na yun!" galit na sigaw niya
"M-Mama , w-wag mong s-sisihin si m-mister..." si Angelica habang pinipilit na makahinga
"Angelica , bakit ka bah kasi kumain nang hipon?Alam mo namang bawal sayo yun diba?" si Kathlyn at bubuhatin na sana si Angelica pero agad ko siyang inunahan
"Ako na , buksan mo nalang yung pinto at dumiretso ka sa kotse.." sambit ko bago inayos ang pagkakabuhat kay Angelica
Habang naglalakad kami palabas ay nagtaka naman yung mga costumers sa nangyayari pero hindi na namin sila pinansin..
Nang makapasok na si Kathlyn sa kotse ko ay binigay ko naman sa kanya si Angelica at umikot papasok sa driver's seat..
"Bilisan mo , please..Nagmamakaawa ako sayo , E-Ethan.." si Kathlyn na umiiyak na din
Gusto kong magdiwang dahil narinig ko ang pag banggit niya nang pangalan ko pero wala akong panahon sa ngayon.
Agad naman akong tumango sa kanya at binilisan ang takbo nang kotse..
Alam ko kung gaano niya kamahal ang anak niya..
At kung ako siguro ang nasa sitwasyon niya ngayon , baka makapatay ako nang tao dahil sa galit..
Masyado naman kasi akong gago para hindi alamin kung bakit ayaw niyang ipa-sabi sa mama niya na kakain siya nang hipon.
Kung sana mas inalala ko pa yung mangayyari , edi hindi sana magkakaganito..
Pero wala pa akong oras ngayon para sisihin ang sarili ko lalo na't kailangan ko nang magmadali..
Para 'to kay Kathlyn at kay Angelica..
Dahil alam kong mas magagalit si Kathlyn kapag napahamak ang anak niya..