Montague Series 1: Sold to th...

By RuxAlmo

1.9M 44.7K 3.7K

Rank # 1 in Romance [06.13.19] Warning: |R-18| Mature Content. Fabio "You broke me, but I still love you." More

Kabanata 1.
Kabanata 2.
Kabanata 3.
Kabanata 4.
Kabanata 5.
Kabanata 6.
Kabanata 8.
Kabanata 9.
Kabanata 10.
Kabanata 11.
Kabanata 12.
Kabanata 13.
Kabanata 14.
Kabanata 15.
Kabanata 16.
Kabanata 17.
Kabanata 18.
Kabanata 19.
Kabanata 20.
Kabanata 21.
Kabanata 22.
Kabanata 23.
Kabanata 24.
Kabanata 25.
Sold to the Montague
Kabanata 26.
Kabanata 27.
Kabanata 28.
Kabanata 29.
Kabanata 30.
Epilogue:
Beauty In Naked
Special Chapter

Kabanata 7.

70.7K 1.6K 108
By RuxAlmo


SOLD TO THE MONTAGUE


Ilang araw pa ang nag daan...

Lumipad patungong Manila ang pamilya Montague. Ilang araw nalang rin ang bibilangin bago ang ika labing walong kaarawan ng kanilang ampon na babae. Si Alena.

Minabuti ng mag asawa na hindi banggitin ang lihim ng pamilya. Hindi din biro ang kanilang kinahaharap lalo pa't kilalang pangalan ang Montague. Maraming kalaban ang umaaligid lamang.

ALENA:

"Ma, dito na ba ako magpapatuloy ng kolehiyo?" Ani ko sa mama.

Sinusuklay niya ang aking buhok. Suot ko na ang puting bestida na pantulog. Ilang araw bago mangyare ang kaguluhan na nauwi sa dahas.

"Hindi ka muna papasok hija. Mas mabuting matutukan ka at papalapit na ang kaarawan mo." Napakagat ako sa ibabang labi.

Naiintindihan ko naman ang pag aalala ng mama sa'kin. Nasa mansion kami ng papa dito sa Manila. Mediyo may kalumaan na ito ngunit maganda at malinis parin. Hindi naman kasi napapabayaan ng mga kasambahay na araw araw nag pupunta dito para mag linis. 'Yon daw ang kanilang trabaho at babayaran kada kalahati ng buwan.

Hindi ko maiwasan ang hindi malungkot. Kahit gustong gusto kong magtanong kung bakit ay napapaurong ang dila ko. Hindi ko man maintindihan kung ano nga ba ang totoong pinag dadaanan ng pamilya namin, siguro naman ay sapat na ang nakakatakot na pang yayareng 'yon para makinig ako sa payo ng mama na dumito na muna.

Hindi natuloy ang pag lilipat ng school ng Kuya Matias at nag enroll ulit ito sa dati niyang university. Wala naman ngayon ang papa at Kuya Fabio, nasa trabaho raw ang mga ito.

"Ma? Ano ba ang trabahong pinapasukan ni papa at kuya? Hindi ko kasi alam. Kapag tinatanong ako minsan ng mga kaibigan ko hindi ko naman masagot sagot." Napahinto si mama sa pagsusuklay ng aking buhok. Nagtaka ako kung bakit kaya nilingon ko ito.

Bumakas ang pagkunot ng noo nito. "Ma may problema ba?" tanong ko. Duon lamang siya natauhan at napatingin sa'kin tsaka ngumiti.

"Business man ang tawag sa kanila hija. Marami tayong mga business at sila ang kailangan sa kumpanya."

"Pwede ba akong dumalaw paminsan sa sinasabi niyong kumpanya natin?"

"Hindi." Kaagad na sagot nito na nagpagulat sa'kin. Maging siya ay nagulat sa binitawan niyang salita kaya kaagad niya itong binawi.

"Uhm ang ibig sabihin ng mama hindi pa sa ngayon kasi abala pa ang papa at kuya mo. Wag kang mag alala maybe soon makadalaw tayo." Pilit ang pag ngiti nito.

"Ma I'm sorry kung makulit ako." Malungkot kong sabi. Ayoko naman kasing sumakit ang ulo ng mama sa'kin. Hindi naman na ako bata at mas lalong hindi ako manhid. Alam kong may tinatago sila tungkol sa kumpanya.

Iniisip ko na baka mas mabuti kung hindi ko na ipilit ang kagustuhang malaman. Wala naman ring sigurong mawawala kung hindi ko ito malalaman.

"No hija don't be sorry." Hinaplos ng mama ang pisngi ko. Napangiti ito sa'kin at niyakap ako ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit na tila ayaw akong mawala.

Sumapit na ang gabi. Nakauwi na ang papa at sumunod naman ang Kuya Matias. Hindi pa nakakauwi ang Kuya Fabio dahil abala raw ito sa trabaho. Masaya naman kaming nag salo salo sa hapagkainan. Katabi ko ang Kuya Matias at katapat namin ang mama at papa.

"Kamusta ang araw mo hija?" Tanong sa'kin ng papa. Ngumiti ako tsaka sinagot na ayos lang. Hindi naman kasi ganoon ka boring dahil may mga nagagawa parin naman ako tulad ng pag babasa. Hilig ko kasing mag basa ng iba't ibang libro.

Ang papa naman ang nag kwento tungkol sa araw niya. Mukha namang maayos ang lahat at masaya ito. Ganoon lang ang lagay namin nang biglang dumating ang Kuya Fahio pasado alas nwebe na ng gabi. Katatapos lang rin naming mag gabihan at kwentuhan nalang sa hapagkainan.

Masaya akong makita siya ngunit napalitan rin ito ng matinding sakit. Sakit dahil may kasama siyang babae. Nakasuot naman ito ng pormal na may kaiksian ang pananamit. Balangkinitan ang pangangatawan at maganda ang mukha.

Mas matangkad rin sa'kin ito na para bang modelo. Hindi ba dapat ay sanay na akong paiba iba ito ng babae? Dahil libangan niya 'yon sa sobrang subsob sa trabaho. Pero bakit ganito? Parang pinipiraso piraso lang nito ang puso ko.

"Hijo nandiyan kana pala. Sino siya? Ipakilala mo naman saamin." Masayang ani ng mama. Malaki naman ang pagkakangiti ng babae at siya pa mismo ang gumawi saming kinaroroonan. Hindi ko alam kung bakit pero mas humigpit ang hawak ko sa manipis at babasahing baso.

Sobrang pagkamuhi ang namayani sa'king dibdib. "Hello po good evening, I'm Betina nice to meet you po." Nag beso ito sa mama at papa. Humalik rin sa pisngi ng Kuya Matias at nang pumunta na ito sa gawi ko'y iniwasan ko ang halik nito.

Parang halik lang ni hudas. Tumikhim naman ang mama at tinignan ako nang may pag tatanong. Hindi na ako nag salita pa ngunit hindi parin nawawala ang higpit ng pagkakahawak ko sa manipis at babasaging baso.

"C'mon Betina we have alot of things to do." Sumaksak muli sa puso ko ang mga katagang 'yon ng Kuya Fabio. Sumilay ang kakaibang ngiti at kilig sa mukha ngayon ni Betina. Hindi ko na kaya. Alam kong mali pero nasasaktan ako.

Paalis na sila ng mapasigaw ang mama.

"Hija!" Hindi ko na namalayan ang mga pangyayare dahil sa bilis nito. Nakita ko na lang ang pag tulo ng dugo ko na nanggagaling sa kamay. Nag mantsa na ito sa puting sapin na ginagamit namin sa mesa.

Napatingin ako sa'king kamay. May nakabaong bubog ito na nanggagaling sa baso. Pero wala, wala ng mas sasakit sa ginagawa sa'kin ngayon ng Kuya Fabio.

"Alena!" Gulat maging ang Kuya Matias at lahat sila'y natigilan. Itinaas ko ang kanang kamay at pinag masdan ang malapot na dugong umaagos dito nang maramdaman ko ang kamay na bumuhat sa'kin.

"What the fuck are you thinking! You're such an idiot you know that!" Ang Kuya Fabio ito. Susunod na sana ang mama ng pigilan siya ng papa. Mabilis akong dinala ng kuya sa isang bakanteng silid. Mabilis na kinuha ang first aid kit at alcohol.

"Why'd you do that huh!" Galit ang boses nito. Hindi ako nag salita. Wala akong gustong sabihin sa mga oras na 'yon.

Ibinuhos niya ang alcohol sa buong palad ko. Napapikit ako sa sobrang hapdi. Pag dilat ko'y nakita ko siyang nakatitig sa'kin at lumungkot ang mga mata. Para ba itong nag aalala pero ayokong umasa.

Nilinis niya ang sugat ko at kinuha ang nakabaon na maliit na bubog. Kumuha na ito ng gamit para tahiin ang kaunting hiwa. Ilang stitches rin ang nagawa niya. Hanggang sa matapos ito. Napasandal siya saglit at kinuha ang alak na nakatambay lang sa isang maliit na mesa. Tinungga niya ito at sinabuyan rin ang sugat ko.

Mas masakit ito. Mas matapang sa alcohol na kanina'y ibinuhos niya. Napakagat ako sa'king labi. Ramdam ko ang matinding kirot na bumuhay ng buong sistema ko.

"Alena don't hurt yourself." Nagulat ako sa sinabi nito. Nag angat ako ng tingin dito pero sa ibang bagay siya nakatingin. Sa kamay ko lamang. Binalot na niya ito para hindi magalaw at mabasa.

"Don't ever hurt yourself." Ulit nito at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Nagulat ako dahil doon at hindi maiwasang hindi siya matitigan. Nakatitig na rin ito sa'kin habang nakakunot ang noo. Mukha siyang galit na nag aalala. Gusto kong isiping nag aalala ito kahit doon lang ay mapagaan ang pakiramdam ko.

"You're hurting me." Sawakas ay nabitawan ko din ang nais kong sabihin. Natigilan ito. Nabitawan niya ako at napaupo sa sahig. Ako naman ang tumingin dito.

"Nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil—" Hindi ko alam kung kaya kong sabihin. Nag angat ito ng tingin sa'kin at alam kong hinihintay niya akong mag salita.

"Nasasaktan ako dahil mahal kita." Sawakas ay naamin ko na. Lumabas ang mga luhang kanina pa dapat kumawala. Sobrang sakit ngayon ng puso ko dahil sa maling pagmamahal. Para lang akong sumugal sa wala.

Napangisi ito at napailing. Ayon naman talaga ang dapat kong asahan sakanya. Tanga ka ba Alena? Paano ka mamahalin ng kuya mo? Magkapatid kayo. Hindi tama ang pagmamahal na nararamdaman mo.

"Anong klaseng pagmamahal ba yan?"
Tanong nito. Napakagat ako muli saking labi. Labis na ang hiya ko ng mga oras na 'yon sa sinabi niya. Laking pagsisisi ko na nag bitaw pa ako ng ganoong salita. Alam kong pagtatawanan lang niya ako.

"Wala." Sabi ko at tumayo na. Ayoko na siyang lingunin pa dahil masasaktan lang ako. Baka mas masakit pa ang isasagot nito at hindi ko na hahayaan 'yon.

Wala siyang ginawa hanggang sa makalabas ako ng silid. Nadaanan ko pa ang mama kausap si Betina. Kompleto silang lahat. Nang makita nila ako'y tinawag agad ako nito pero hindi na ako lumingon. Nag tuloy tuloy na kasi ang mga luha ko kung kaya't wala na akong mukha lang maihaharap.

Itinaas ko lang ang kamay kong may benda at sumenyas na ayos lang tsaka ako umakyat ng hagdan. Pagpasok ko palang ay ini lock ko agad ang pinto. Tumakbo ako saking kama at humiga. Ibinuhos ko ang lahat ng sakit na namuo sa puso ko.

Kung hindi ko lang sana siya kapatid marahil ay may lakas pa ako ng loob na maagaw siya kahit na sa kanino pa yan. Ganoon na lang katindi at kalalim ang nararamdaman ko para kay Kuya Fabio. Alam ko naman na kabaliktaran 'yon ng sakanya dahil noon pa man ay hindi ito naging mabuti sa'kin.

Naging miserable nga ang buhay ko sa mga kamay niya tulad ng binitawan niyang salita noon sa'kin. Ni minsa'y hindi niya ako pinakitaan ng kabaitan at labis labis ang pagkamuhi nito. Ngayon pa kaya na alam na niya ang totoong nararamdaman ko. Alam kong mas sasaktan lang niya ako sa mga susunod.

Lumalalim na ang gabi. Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Naisip kong bumaba para kumuha ng malamig na tubig. Natuyuan na kasi ang lalamunan ko dahil na rin siguro sa labis na pag iyak. Wala namang katao tao pagkalabas ko kaya't bumaba na ako.

Natigilan ako nang makarinig ng boses. Dalawang tao ang nag uusap. Sa baba ito ng kusina. Madilim kung kaya't hindi ko maaninag kung sino.

"Talaga bang hindi ako pwedeng matulog sa kwarto mo? C'mon pinapunta mo pa ako dito." Pamilyar sa'kin ang boses ng babae. Hindi ko naman sinasadyang madinig ang pag uusap.

"Umuwi ka nalang." Biglang kumabog ang puso ko dahil kay Kuya Fabio galing ang boses na 'yon.

"What? Akala ko ba may mangyayare satin? Kanina lang tigang ka tapos ngayon ayaw mo na? Ang bilis mo naman atang mag bago ng isip Fabio o baka naman may iba kang gustong makama." Napasandal ako sa pader. Hindi ko alam pero may kung ano sa'kin ang nag tutulak na pakinggan pa ang pag uusap nilang dalawa.

"Hindi ka lang talaga masarap. Maluwag kana Betina." Nadinig ko ang isang sampal sa mukha na alam kong galing kay Betina. Napahawak ako sa'king bibig.

"How dare you to talk like that! I'm leaving." At mabilis na yapak nito ang nadinig ko palabas ng mansion. Kaagad akong naglakad paakyat hindi dapat ako maabutan ng kuya na nandoon.

Napag desisyunan kong antayin na lang ang pag akyat nito sa kwarto niya at saka ako bababa para kumuha ng tubig. Kailangan ko na rin kasing uminom dahil labis na nanunuyot ang lalamunan ko.

Katahimikan lang ang namayani hanggang sa makadinig na ako ng mga yapak at pagsara ng pinto. Naisip ko namang lumabas na at dahan dahang bumaba. Wala ng katao tao sa ibaba kaya't dumiretso ako sa kusina. Amoy nga lang ng sigarilyo ang bumungad sa'kin at alam kong dahil ito sa Kuya Fabio.

Nagsalin na ako ng malamig na tubig at saka uminom. Labis ang pagkauhaw ko kaya't nagsalin ulit ako.

"Why are you still awake?" Huminto ang mundo ko ng madinig ang boses nito. Nagpalingon ako hanggang sa makita ko siyang nakaupo sa sofa at pinatay na ang sigarilyo.

"K-Kanina ka pa diyan?" Hindi ko maituwid ang sasabihin ko. Nakadekwatrong upo pa ito nang biglang tumayo at dahan dahang naglakad patungo sa'kin.

Hindi siya nag salita hanggang sa makalapit ito. Napasandal ako sa counter dahil sa labis na lapit niya. Sleeveless na bestida ang suot kong pantulog at naasiwa ako ng titigan niya ako mula ulo hanggang sa balikat ko paakyat muli sa'king mga labi.

"Does it still hurt?" Hinawakan niya ang sugat ko sa balikat dala ng tama ng baril. Napapikit ako hindi dahil sa sakit kundi sa kiliti ng mainit niyang mga daliri na humahaplos sa aking balat.

Itutuloy...

Abangan ang mga susunod. Please vote and comment for the next update thanks!

Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 100K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
808K 23.8K 49
WARNING: R18+ A/N: Read at your own risk. PSYCHOPATH SERIES #6: Lazarius Zaniel Fournier Sinful Ephemeral DATE START: 01/01/21 DATE FINISHED: JUNE 20...
297K 7.1K 46
Meet Xeldre Samonte, a.k.a the number one model in her country. Mataray sya at talagang sadista kaya walang tumatagal na P.A sa kanya. One day, bigla...