BHO CAMP #2: The Rockstar's P...

By MsButterfly

5.6M 107K 9.7K

Lucas Darryl King; he's loud, he's an easy go lucky person and he's a rock star. Me? I'm Freezale Night. I'm... More

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal Assistant
CHAPTER 1 ~ Captain and Lady ~
CHAPTER 2 ~ Personal Assistant ~
CHAPTER 3 ~ Freezale's Rules ~
CHAPTER 4 ~ Clandestine ~
CHAPTER 5 ~ King ~
CHAPTER 6 ~ Addiction ~
CHAPTER 7 ~ Love ~
CHAPTER 8 ~ Flirty King ~
CHAPTER 9 ~ Ang Dalawang Takas ~
CHAPTER 10 ~ Too Late ~
CHAPTER 11 ~ Dilemma ~
IMPORTANT ANNOUNCEMENT
CHAPTER 12 ~ Jealous ~
CHAPTER 13 ~ Grumpy King ~
CHAPTER 14 ~ I Don't Know ~
CHAPTER 15 ~ Falling In Love With A Rockstar ~
CHAPTER 16 ~ Breaking ~
CHAPTER 17 ~ Nightmare ~
CHAPTER 18 ~ My King ~
CHAPTER 19 ~ Come Back ~
CHAPTER 20 ~ Sorry ~
CHAPTER 21 ~ Done ~
CHAPTER 23 ~ On The Run ~
CHAPTER 24 ~ Lady ~
CHAPTER 25 ~ Revealed ~
CHAPTER 26 ~ Friend ~
CHAPTER 27 ~ Mr. and Mrs. King ~
CHAPTER 28 ~ Our Night ~
CHAPTER 29 ~ Affiliate ~
EPILOGUE
Up Next

CHAPTER 22 ~ Ashia King ~

162K 3.2K 423
By MsButterfly

CHAPTER 22

KING'S POV

"Ah, here. You see this thing? It's made of old marine wood. Eto namang painting na ito ay gawa pa ng pinakasikat-"

"Poseidon."

"Yes, Bree, my labs, my heart, my sugar, may coffee mate, the jam of my ube, the frame of my picture, the berry of my straw, the liner of my panty-"

"This is not a tour."

Nakangiting tumango ang tinawag na Poseidon. "Yes, I know!"

"Then stop talking about woods and paintings!"

Umiiling na pumalatak ang lalaki at inakbayan ako. "Eto talagang mahal ko. Isang wood at isang painting pa lang naman ang pinag-uusapan natin ah. Maka 's' naman wagas."

Napapitlag ako ng bigla na lang siyang binatukan ng babae at nauna ng naglakad paalis. Inunahan narin kami ng iba pang mga kasamahan niya pati na ni Comet. Nag-iwas ako ng tingin ng magtama ang mga mata namin ng ama ni Freezale.

The man 'Poseidon' spoke as if he's hearing my thoughts, "Hindi ka nila madaling mapapatawad."

"Alam ko po."

Dahil kahit ako...hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa mga nagawa ko.

"Lahat kami ay nagawang saktan ang babaeng mahal namin. Hindi man siguro magkakapantay, pero pananakit parin iyon diba?"

Hindi ako sumagot. Napatingin ako sa kaniya ng imbis na sa dinadaanan ng mga nasa unahan namin kami tumuloy ay lumiko kami. Ngumiti siya. "May ipapakita ako sa iyo. For now, makinig ka muna sa akin."

Nanatili akong walang imik at mukhang kinuha naman niya iyong senyales para magpatuloy sa gusto niyang sabihin. "Si Dale, nasaktan niya si Mishy ng wala siyang ginagawa. Hindi lang magawa ni Mishy noon na hayaang mahalin si Dale dahil sa trabaho namin. Dahil sa takot. Si PJ, sinaktan niya si Kat dahil sa patuloy niyang pagtanggi ng nararamdaman niya, dahil pinipilit niya sa sarili niya na si Mishy lang ang mahal niya. Si Ethan sinaktan niya si Maries ng makipaghiwalay siya dito dahil gusto niyang protektahan si Maries. Si Rain, itinulak niya palayo si Wynter dahil natatakot siya na baka nakasanayan lang ni Wynter ang mga sinasabi ni Wynter na nararamdaman niya para kay Rain. Nasaktan ni Reese si Hurricane dahil sa hindi nila pag amin agad ng nararamdaman nila. Nasaktan ni Warren si Sophie dahil pilit niyang iniignora ang nararamdaman niya dahil itinatak niya sa isip niya na kapatid niya si Sophie. Si Wynd naman nagduda sa pagmamahal niya kay Autumn. Si Ice, nagkamali at nakalimot dahilan para masaktan si Summer. Si Aries naman ay nasaktan si Paige dahil sa pinakita yang labis siyang nasaktan sa ginawa ni Paige. Nasaktan ni Cloak si Fierce ng gumawa ito ng hakbang para palayuin si Fierce. Si Craige naman, nasaktan si Thea dahil hindi niya magawang pakawalan agad ang babaeng minahal niya noon. Nasaktan naman ni Hade si Quin ng makita siya ni Quin sa isang mission kasama ang isang babae. Si Marveige, dahil sa pag gawa niya kaagad ng konklusyon kay Kate. Si Andreige, dahil akala niya ang mahal niya parin ay ang kapatid ni Cassandra. Nasaktan naman ni Yale si Eika dahil sa mas pinanatili niya ang galit niya sa naging sitwasyon nila. Si Adonis, pinili niyang magsinungaling upang magawa ni Sky na mahalin siya."

"Sir-"

"At ako, iniwan ko ang mag-ina ko dahil gusto ko silang protektahan. Ang pagkakaiba namin sa iyo? Akala mo mapoprotektahan mo si Freezale sa sarili mo." Yumuko ako pero tinapik niya lang ako sa balikat. "Denying love will result to one thing. Agonizing pain of the heart."

"I know, sir."

"I'm old now. Kahit na pilit kong tinatanggi." mahina siyang tumawa. "I hate what you did to my grandchild but I don't hate you as a person. It was inevitable. Ang masaktan at makapanakit ay hindi maiiwasan sa laro ng pag-ibig."

"I was wrong, sir. I don't have an excuse. I don't have anything to defend myself. I don't even want to do that. Alam kong mali ako."

"You have your whole life to make it up to her."

"Y-You still want me-"

"Yes." Kumindat siya. "Kung hindi ka niya mahal, ako na mismo ang tatapos sa buhay mo. Pero sa dami ng buhay pag-ibig na nakita ng mga mata ko...alam ko kapag nakakita ako ng totoo. How can she be happy if you're not with her? Paano siya sasaya kung sasaktan ka din namin? Wala na din kami na magiging pagkakaiba sa iyo kung sasaktan din namin siya."

"Sir..."

"She might shield herself from you. You need to do everything to win her back...and after that, never let go."

Tumapat kami sa isang pinto. Sa gulat ko ay may scanner na dumaan sa kaniya. Pagkatapos ay bumukas ang pinto. Tinignan niya ako at pagkatapos ay pumasok na siya sa loob. Tahimik na sumunod ako sa kaniya.

Napapitlag ako ng bigla niya akong hinila at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang malaking ahas sa aquarium.

"Takpan mo dali! GURABE!"sigaw ng kanina ay tila pinatapang ng panahon na lalaki pero ngayon ay parang papanawan ng ulirat.

Nanginginig na hinablot ko ang isang blanket na nakita ko at tinakip ko iyon sa aquarium hanggang sa hindi na namin kita ang ahas.

Nilingon ko si sir Poseidon na ngayon ay nakaupo na sa swivel chair habang nakalapat sa tapat ng puso ang kamay niya.

"Okay lang po kayo?"

"Aatakihin talaga ako sa apo kong si Dawn."

Huminga siya ng malalim at pagkatapos ay itinuro ang upuan sa harapan ng kinauupuan niya. Atubling lumapit ako roon at umupo.

"Ano sa tingin mo ang BHO CAMP?" tanong niya.

"A vacation spot...?" alanganing tanong ko.

"Yes it is. But it's also an agency. We take missions that even the military don't want to dirty their hands into."

Hindi makapaniwang nakatingin lang ako sa kaniya. Pakiramdam ko ay wala akong naiintindihan sa lumalabas mula sa bibig niya. "An agency?"

"Lahat ng nakilala mo dito ay secret agents. Including Thunder...and Freezale."

"What the fuc-"

"Packing tape. Sorry. I'm not into cursing." iwinagayway niya ang kamay niya at nagpatuloy. "As I was saying, we're all secret agents. Kinuha kami ng mga magulang mo at kay Freezale naatang ang mission kung saan kailangan alamin kung sino ang gustong pumatay sa iyo. You don't want a bodyguard right?"

"Yes. And Freezale's my personal assistant-"

"Iyon ang cover niya. Ilang beses na niyang niligtas ang buhay mo. Katulad ng ginawa niya kanina na pagtanggal sa bomba sa kotse mo."

An agent? Anong mundo ang kinagagalawan ko para maging totoo ang mga ganito? "How did you know that?"

Ngumiti siya. "I may be retired but I am still an agent. One of the Original Elite Agents, for that matter. I build this organization from the ashes, child. There's no way I'll let myself miss the important events in my children's life."

Naagaw ng atensyon namin ang isang button na biglang umilaw sa lamesa. Pinindot iyon ni sir Poseidon.

"Yes?"

"Papi Poseidon?"

"Yes. This is Thunder, right? What happened?"

"Papi...Freezale lost the baby."

Kahit kailan, hindi ko hinagad na magkaroon ng isang pamilya. Dahil kuntento na ako sa kung ano ang meron ako. Kayamanan, kasikatan...mga babae. At dahil alam ko din na hindi ko magagawang magkaroon ng sarili kong anak.

Akala ko...puro akala ko.

And a life of a child was lost because of me. Dahil sa katangahan ko. Dahil sa kaduwagan ko. I never thought I would want a baby...but now...but now my heart is breaking for him. For a child that won't even see a glimpse of this world.

Because of me.

Tumingin sa akin si sir Poseidon. Walang galit na nakabalatay sa mga mata niya. Hindi matawarang lungkot lang ang nandoon. "Your payment will start now. Na kahit lahat ng pagmamahal ay ibigay mo kay Freezale, ay hindi mo na magagawang ibalik ang isang buhay na nawala."

"I-I'm sorry...I'm so sorry."

"Talk to her, child. I wish you the best of luck."



KITA ang galit sa mga mata ni Thunder ng makita akong palapit sa kinaroronan niya. Galit na napatayo siya at nagbaba ang mga mata ang itinuon sa akin. Naiintindihan ko ang galit niya. Alam ko kung gaano ako nila dapat kamuhian. "Anong ginagawa ng gagong yan dito?!"

Akmang magsasalita ako para magpaliwanag pero bago ko pa magawa 'yon ay taas ang kilay na lumapit ang babaeng nagngangalang Mishy sa binata."San mo natutunan yang mga salitang 'yan, Thunder Night? Aber?"

"Mommi."

Lumipas ang isang linggo bago ako tinwagan ni sir Poseidon para samahan sa ospital kung saan nandoon si Freezale. Kahit na gustuhin ko na pumunta agad, hindi nila ako hinayaan. Hindi na ako nagpumilit dahil alam kong kailangan ni Freezale ng panahon.

"Pumasok ka na, Lucas." mahinang sabi sa akin ni Ma'am Wynter.

"Momma!"

"Enough, Thunder."

"Siya ang may kasalanan nito!"

Lumapit si sir Rain kay Thunder at tinapik ang balikat ng binata. "I want to punch the hell out of him. Pero alam kong nagawa mo na iyon. Oo, kasalanan niya. But he dind't kill the baby, did he? Alam natin lahat ang naging kasalanan niya at hindi kasama doon ang pagpatay sa bata."

"Papa!"

"They need to talk."

Humakbang ako patungo sa pinto ng may maramdaman akong kirot sa braso ko. Nagbaba ako ng tingin at nakita ko si Snow na kagat-kagat ang braso ko habang galit na nakatingin sa akin.

She looks so much like her. The woman that I love. How easy for me to say that now. Ni hindi ko magawang aminin sa sarili ko noon....kung hindi pa nawala ang bata. Kung hindi ko pa nakita ang nangyari kay Freezale.

"I'm sorry." I whispered.

"I hate you! I hate you!"

"I know. And I hate myself too."

Pagkasabi niyon ay tuluyan na akong pumasok. Nanginginig ang kamay na sinarado ko ang pinto ng makita ko si Freezale na nakapikit at natutulog. Tahimik na lumapit ako sa kinahihigaan niya at naupo sa upuang malapit sa kaniya.

She's sleeping like an angel. She's so peaceful...kahit na alam kong malayo iyon sa nararamdaman niya ngayon.

"I'm sorry. For making you feel that way. For hurting you so many times."

Marahang kinuha ko ang kamay niya...at kasabay ng pagtulo ng mga luha sa mga mata ko ay ang pagdampi ng labi ko sa kamay niya. "I'm so sorry. I'm sorry for not being strong enough for you. For denying you. For waiting this long to realize how much I love you."

"K-King?"

Nag-angat ako ng tingin. Nawala ang kapayapaan sa mukha ni Freezale. Bumalong ang luha sa mga mata niya at hinila ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko. "I lost my baby."

"Kasalanan ko, Freezale. I'm sorry. I'm so sorry..."

"Hindi. Kasalanan ko. Kasi ayoko paring bumitaw. Pero ayoko na King. Sinaktan mo na ako...at dahil sa pilit kong pinaniwala na magagawa mo parin akong mahalin, dahil gusto kong maging masaya kasama mo...nawala sa akin ang anak ko."

"Don't say that, Freeze, please. I love you."

Umiiling na patuloy lang siyang umiyak. "Akala ko wala ng mas sasakit pa ng sinaktan mo ako. Pero mas masakit ito, King. Ang sakit sakit. Para akong paulit ulit na sinasaksak. Ni hindi ko man lang siya nagawang mabigyan ng tsansa na manatili kasama ako o makita niya ang mundo. Kasi mahina ako. Ang hina-hina ko."

"Freezale-"

"Ayoko na! Tama na!" mariing tinakpan niya ang mga tenga niya at sumigaw. "Tama na!"

Bumukas ang pinto at pumasok ang pamilya niya. Itinulak ako ni Thunder at nagmamadaling nilapitan si Freezale para kalmahin. Nakakaunawang tinignan ako ni Ma'am Mishy at iginaya ako palabas ng kwarto.

"Lucas." Nanatili akong walang imik at nakayuko lang habang nakatingin sa mga kamay kong nakakuyom. "Ang pananakit sa taong mahal mo ay para ring pag-atang ng buhay na kinitil mo sa'yong mga kamay. You can never forget. I can still remember all the person that died in my hands. You'll remember this until you're old and gray. But love will make it more bearable. Kaya lumaban ka hanggang sa tingin mo ay nabigay mo na lahat. You may not deserve her, but God knows I will never deserve a pure soul like my Dale has. Maybe we won't ever deserve them. But that doesn't mean we cannot love them."

Kita ko ang pagtulo ng mg aluha na pumatak sa mga kamay ko ngunit natabuan iyon nang hawakan niya ang kamay ko at pinisil 'yon. Nang tuluyan niya akong bitawan at naglakad palayo at saka ko lang hinayaan ang sarili ko namapadausdos sa sahig.

I don't know if I should push this. Dahil buong sistema ko sinasabing lumayo ako at hayaan na siyang maging masaya. Sobra na ang dinala ko sa kaniyang mga pagkakamali at pananakit. Gusto ko na siyang hayaan pero hindi magawang humakbang palayo ng mga paa ko at nanatili ako roon. Naghihintay sa taong nasaktan ko ng lubusan.

FREEZALE'S POV

Kung pwede lang na hindi na ako magising. Na hindi ko na maaalala kung paano nawala sa akin ang anak ko. Na hindi ko man lang siya naramdaman sumipa, na hindi ko siya nahawakan, hindi ko nakita ang unang pagmulat ng mga mata niya. Na hindi ko siya maririnig na tawagin ako. Kung pwede ko lang kalimutan. Kung pwede lang na ibalik ko ang oras.

I don't even know the gender of my child. But in my heart, I named her Ashia. It means life and hope. My baby brought hope to me...but I failed to see it. At dahil doon, pinagkaitan ko siya na mabuhay. I failed my own child. Nawala siya dahil sa akin.

Kasalanan ko.

Masyado akong naging makasarili. Hindi ko man lang inisip ang kapakanan ng anak ko. Dapat lumayo na ako. Dapat nakuntento na ako. Ngayon wala na siya sa akin. Hindi ko man lang siya nakasama ng matagal.

"We need to go, Freeze."

Tumango ako at sumakay na ako sa golf car na dala ni kuya Thunder. Nandito kami sa may kasukalan na parte sa likuran ng headquarters ng BHO CAMP. Dito ako nagpasyang itayo ang puntod ni Ashia. Kahit na wala naman kaming magagawang ilibing. She's been only a few weeks. But I want to have that. I want to grieve my lost.

Pinaandar na ni kuya ang golf car. Nanatili akong nakatingin sa labas...sa kawalan. "I'm sorry." bulong ko sa hangin.

I can't find myself to be angry with anyone but myself. Hindi ako pinilit ni King na mahalin siya. Itinaboy niya ako pero pinili ko na masaktan.

Hindi ko alam kung kaya ko pang humarap sa kaniya na hindi mararamdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung mawawala ang takot ko. Sinabi nyang mahal niya ako...pero hindi ko magawang maging masaya.

Nang makarating kami sa headquarters ay inalalayan ako ni kuya hanggang sa makapasok kami. Napatigil ako ng makarinig ako ng alarm.

"That's...that's a fire alarm."

Nilabas ni kuya ang tablet niya. "Shit. Nasusunog ang original training room."

Bahagya kong nagtaka sa tono ng boses niya. Parang wala siyang pakielam. "Pupunta ako ng control room-"

"No. Ako ng bahala."

"Pero-"

"Tignan mo na lang siguro ang training room at baka may mga agent na nandoon pa."

Tahimik na tumango ako atmabilis na naglakad patungo sa training room. Wala akong agent na nakasalubong. Huminto ako sa tapat ng training room at tinitigan ang pinto.

Wala ding usok na nanggagaling sa loob.

Itinulak ko ang pinto at pumasok. Patay ang ilaw. Napalingon ako sa pintuan ng biglang sumarado iyon. Ibinalik ko ang tingin ko sa harapan ko. Isa-isang bumukas ang maliliit na ilaw mula sa ibat-ibang klase ng lampara sa paligid kasabay ng pagpainlang ng tugtog.

"Muli ay 'yong pagbigyan, ako'y nagkamali. Muli ay 'yong patawarin, ako'y nagsisisi. Alam kong dapat nangakong di na mauulit pa, ako'y nagkamali sa'yo...sana ay patawarin mo."

I know the song. Pagbigyang Muli ni Erik Santos. But I can't focus on that...because it's not the original singer that I can hear singing kung hindi ang pamilyar na boses ng taong hindi ko magawang kalimutan. His own version of the song.

"Ako ba'y 'yong yayakapin? Nakaraa'y kayang limutin? Magtiwalang muli, mahalin mong muli, magbalik ka sa'kin."

Tumulo ang luha sa mga mata ko ng tuluyan kong makita si King na nag-iisang nakaupo sa gitna ng training room at may hawak na guitara. Walang ibang taong naririto maliban sa amin.

" 'Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling, 'di ko kakayanin pag nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin. 'Di kayang mag-isa, gustong kasama kita, sa'yo lang ang pag-ibig ko. Magtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali, pag-ibig ko'y muling tanggapin..."

Nanginginig ang mga kamay na ikinuyom ko ang mga iyon. Hindi ko magawang mag-iwas ng tingin sa mga mata ni King na sumigaw ang pagdadalamhati na nararamdaman niya. Nasasaktan ako sa nakikita ko...nasasaktan ako kasi wala akong magagawa.

"Muli ay 'yong pagbigyan, pag-ibig natin. Sabihin mo sa akin, ang 'yong gusto'y susundin. Magtiwalang 'di sinasadyang maging di' tapat sa'yo. Doo'y nakalimot nga ako, nangyari'y 'di ko ginusto...ako pa ba'y kayang yakapin? Ang init ng halik sa akin, kaya bang inalik? Dama ang bawat saglit ng sakit ngayong wala ka na... 'Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling, 'di ko kakayanin pag nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin. 'Di kayang mag-isa, gustong kasama kita, sa'yo lang ang pag-ibig ko. Magtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali, pag-ibig ko'y muling tanggapin..."

Basta na lang niya binitawan ang guitara sa isang tabi at nilapitan ako. Hinawakan niya ang mga kamay ko at pilit na kumawala ako sa kaniya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa akin at hindi ako pinakawalan.

"Maiintindihan ko kung itataboy mo ako, Freezale. Maiintindihan ko kasi alam ko kung gaano kita sinaktan. Pero babalik at babalik ako. Dahil mahal kita." bulong niya sa akin. "Sorry kasi ang tagal bago ko naintindihan. Sorry na umabot pa sa ganito. Sorry kung ang gago ko. Patawarin mo ko kung ilang beses kong itinanggi lahat."

"King...tama na please..."

"I'm not gonna tell you sugarcoated words. I fucked up big. I broke you. I don't deserve you, Freezale, but I won't stop making it up to you. Even if it takes forever."

"I'm sorry, King...but I'm too scared now. Hinintay kita...gusto kong subukan pa, pero natatakot na ako. Wala ng natira sa akin. Dahil sa pagmamahal ko sayo, nawala ang lahat sa akin. Dahil sa katangahan ko, nawala ang anak ko. King...hindi ko na kaya. Hindi ko pa kaya."

Malungkot na ngumiti siya at pinahid ang luha ko. "I understand. But I won't stop trying. I love you."

I still love you, King. I know I still love you.

But not now. It's too much.

Too much.


___________________End of Chapter 22.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 72.3K 29
I'm Serenity Hunt. A simple woman with a simple life. Or that is what I'm trying to show everyone. Maayos na sana ang lahat, ngunit dumating siya sa...
5.2M 98.1K 32
Now a published book. Available at all Precious Pages branches and other bookstores. I am Skylee Reynolds. I considered myself as the black sheep of...
12.5M 301K 44
One summer night, two souls found their comfort in a bed. #BSS7
2.3M 48K 44
| COMPLETED | 22 August 2016 - 5 October 2016 | Stonehearts Series #2 | Due to her bitter past and her dad's unfortunate marriage, Amorr Amethyst Bue...