The Unwanted Wife (Unwanted D...

By Aimeesshh25

1M 14.7K 1.4K

Siya ay isang babaeng simple, kalog at mapang asar. Lahat nang may kinalaman sa pagkabaliw. Siya na 'yon. Lah... More

THE UNWANTED WIFE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE

CHAPTER 37

13K 189 6
By Aimeesshh25

ERIN'S POV

"Are you okay now?" Tanong ni Red habang hinahaplos haplos ang likuran ko. Narito kami sa kuwarto ko rito sa Ingrid. Nilngon ko siya at saka nginitian.

Umakyat kami rito pagkatapos kong umiyak kanina. Nakailang tanong sa'kin si Carla kung ayos lang raw ba ako, pati na rin si Luhan. Pero nginitian ko lang sila. Hindi pa nga lalabas si Carla kung hindi lang kinaladkad ni Luhan.

"Hmm, ayos na ako." sagot ko.

"Are you sure?"

"Oo nga!"

"You seem not."

"Ayos lang ako." medyo nauubusan na ng pasensyang sabi ko.

"Sigurado ka?" Tumango lang ako. Hinawakan niya ako sa kamay. "Erin, please tell me."

Punyemas! Ang kulit!

"Okay na nga diba? Pajulit julit lang? Nakailang oo na ako, panay tanong ka pa rin!" Inis kong saad. Sumimangot naman siya.

"I was just asking."

"Nakailang tanong ka e! Gusto mo palit tayo?" Nangunot ang kanyang noo. Tumayo ako at hinila rin siya patayo.

"Ano bang ginagawa mo?" Kunot noong tanong niya.

Hindi ko siya pinansin, pinaupo ko siya sa kinaupuan ko kanina at umupo naman ako sa puwesto niya. Magkaharapan kami pero nagkapalit lang kami ng puwesto. Gets?

"What the hell?!" Asik niya.

"Are you okay now?" I asked. Matindi ang pagkakasalubong ng kanyang kilay. "Answer my question, Red!" I shouted. Nanlaki ang mga mata niya.

Hahaha, ganyan nga Red!

"I'm o-okay." nagtatakang sagot niya.

"Are you sure?" Ulit ko.

"Ahm... Y-yes."

"Parang hindi!"

"Tss. Ayos lang ako! Bakit ba nagtatanong ka?" Naiinis niyang saad na ikinangiti ko.

Ngayon alam mo na?

"Sigurado ka?" Hinawakan ko rin ang kamay niya gaya ng ginawa niya sa'kin kanina. Nagtaka naman siya. "Red, please tell me."

Nang marealize niya ang ginagawa ko ay agad sumama ang tingin niya sa'kin.

"What the hell are you doing?!" Mahinang tinabig niya ang kamay ko at tumayo. Humagalpak ako ng tawa.

"So? Ginagaya mo lang ako?"

"Oh, ngayon ramdam mo na? Hahaha! diba sabi ko palit tayo?"

"Ha ha ha! Funny! Yeah right!" Sarkastiko siyang tumawa saka ako inirapan at tumalikod.

"Hoy! Saan ka pupunta?" Habol ko sa kanya.

Hala! Nagalit yata! Hahahaha!

"Sa baba!"

"Galit ka ba?"

"Hindi."

"Are you sure?"

" Hindi nga." sinundan ko pa rin siya sa hagdan.

"Parang galit ka e!"

"I'm not. Will you shut up?"

Tumawa ako. "Galit talaga!" Napatigil ako sa pagsunod sa kanya nang bigla rin siyang huminto. "Bakit?" He looked at me intently then smiled.

Gosh! Gandang ganda na naman 'to sa'kin!

"Okay ka na nga." aniya.

"Okay naman sadya ako!" Nakangusong sabi ko.

He chuckled. "Alright. Come here." Saka niya ako hinila at inakbayan. Napangiti ako.

Hinapit niya pa ako papalapit sa kanya. Sabay kaming naglakad pababa.

Jusko ang bango bango ng katabi ko!

"Kinikilig ka na naman." napatingin ako sa kanya nang sabihin niya 'yon.

"Gosh! Kapal mo!"

Tumawa lang siya.

"Ano bang problema mo?!" Natigilan kami pareho nang marinig ang sigaw ni Carla sa labas. Dumiretsyo kami roon.

"Oh, inano kita?" Si Luhan.

"Kanina ka pa eh! Lagi mo akong ginugulo!"

"Ha? Talaga? Ang layo ko sa'yo oh!"

"Psh! Whatever!"

"Tsh! Baliw!"

"Anong? Sinong? Ha? Sinong baliw ha!" Nanlalaki ang mga mata ni Carla.

Nag aayos kasi sila ng mga upuan at kung anu-ano pa. Mamayang gabi gaganapin ang birthday party ni Mama. Kaya naghahanda na.

"Nagtanong pa! Malamang ikaw!" Sigaw rin ni Luhan.

"Ha ha ha! Pucha! Nakakatawa!!! Ang sakit ng tiyan ko! Ha ha ha!" Sarkastiko at nakangiwing aniya.

Hindi ko maiwasang hindi matawa. Nakakatawa kasi ang itsura ng gaga.

"Tsh! Bahala ka nga diyan!"

"Sadya! Bahala ako sa buhay ko!"

"Hoy! Ang iingay niyo!" Singit ko.
Napatingin sa'kin silang dalawa. Napailing naman si Luhan.

"E-Erin!" Gulat akong napatingin kay Carla nang bigla niya akong sunggaban ng yakap. "Eriiiiina! Huhuhuhu! "

"Oh, problema mo?"

"Inaway ako ng pangit na lalake diyan!"

"Tsh! Ako? Pangit?" Singit ni Luhan.

Tumawa ako. "Mga baliw!" Ani ko. "Pangit kamo Carla? Pero kinuha mo ang number." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.

Kumunot naman ang noo ni Luhan.

"What do you mean?" Si Luhan.

Napangisi ako. "Hindi mo pala alam 'no?"

Lumapit ako sa kanya. Si Carla naman ay nanlalaki ang mga matang nakatingin sa'kin, pero hindi ko siya pinansin.

"Errrrin!"

"Hahahaha bakit?"

"Subukan mo!" Sigaw niya.

"Hahahaha sige! Madali akong kausap." Pang aasar ko saka ako lumapit pa kay Luhan.

"Ano 'yon?" Takang tanong niya nang makalapit ako.

"Hahahah! Gusto mong malaman?"

"Hahaha! Oo, ano ba 'yon?"

"Kung makatawa naman 'to! Sa akin hindi makatawa ng ganiyan!" Bulong ni Carla pero rinig na rinig naman.

Tumingkayad ako at hinawakan si Luhan sa kanyang balikat. Umalalay ang kamay niya sa likod ko.

"Oh, dahan-dahan.." aniya.

"Lumapit ka kasi." Sabi ko saka ko hinila ang ulo niya palapit sa'kin. Napangiwi siya dala ng sakit.

"Errrrin! Nakakainis ka!"

"Kasi..." Natawa ako. Nangunot ang noo niya. " Ano nasa kanya ang..hahahaha!"

"Tatawa ka na lang ba?" Iritadong aniya.

Nakagat ko ang labi. "Hala, galit?" Ngumuso lang siya saka ngumiti. Lumapit ulit ako. Ibubulong ko na sana..

"Ehem..." Natigilan ako sa akmang pagbulong nang marinig ang tikhim na 'yon. Napangisi naman si Luhan.

"Kailangan ba talaga ganyan kalapit?" Napapikit ako.

Dahan-dahan akong lumayo kay Luhan. Lumingon ako sa lalaking masama ang tingin sa amin. Natatawa naman si Carla sa kanyang gilid.

Narito nga pala si Red.

"Erin? Ano bang sasabihin mo at ganyan ka kalapit?" Tanong niya saka naglakad papalapit sa amin.

"Eh? May ibubulong lang ako." nameke ako ng tawa pero hindi umubra sa masama niyang timpla.

Punyemas.

"May sasabihin ka?' He asked and I nodded. "Next time na lang." Saka niya ako hinila palayo sa kaibigan.

"Katakot naman si Papa Drake!" Natatawang usal ni Luhan.

"Tss. Let's go." Hila-hila niya ako papalayo sa kanila.

"Teka! Wait lang!"

Tumawa si Carla. "Ano ka ngayon, Erina!" Si Carla.

"Masasabi ko rin! Huwag kang pakasaya diyan!" Sigaw ko.

"Nye! Nye! Bahala ka diyan."

"Ah inaasar mo ako." Nilingon ko si Red na nakakunot ang noo. "Wait lang." Bulong ko.

"Tss. Ano na namang gagawin mo?"

I smirked. "Just wait, baby." bulong ko ulit.

Nakita ko naman ang pagsilip ng ngiti niya pero pinigilan niya lang.

Kailangan lang palang i-baby eh.

Humarap ako kay Carla. Nasa likod niya si Luhan.

Tumaas ang kilay ko. "Sino kaya riyan ang palihim na kinuha ang number...ng muntik nang maka..hehe..makabangga sa kaniya? Na na na...La la la!" Kinanta kanta ko pa iyon.

Napanguso naman siya at sumama ang tingin sa'kin. Sinulyapan ko si Luhan at kunot noong nakatingin siya kay Carla na hindi na makalingon sa kanya.

"Sina..lalala! Sinabihan niya pa ito...ng soooobrang gwapo! Lalalala!" Dagdag ko pa.

Halos mamula naman siya sa sobrang pagkapahiya. Napangisi si Luhan nang maintindihan ang pinagkakakanta ko.

"Hmm. Gwapo pala ah." Pang aasar ni Luhan.

"A-Anong guwapo?" Utal na sabi ni Carla.

Humalakhak si Luhan na ikinagiwi naman ng babae.

"Ugh! Nakakainis ka talaga, Erina! Buwisit ka!" Tinawanan ko lang siya habang nakaturo ang aking kamay na para bang inaasar pa siya.

"Tss. You're insane." hinila na ako ni Red palayo sa dalawa. Pumasok kami sa loob. Tumatawa akong nagpatianod sa kanya.

"Nakakatawa kasi sila. Bagay na bagay!"

"Don't do it again!" Nagulat naman ako sa biglaang pagsigaw nito.

"Ang alin?"

"Masyado kang malapit kay Luhan." nakangusong aniya. I laughed.

"Para 'yon lang!"

"Anong nakakatawa roon?"

"Wala lang! Ang cute mo!"

"Tss."

Kinawit ko na lang ang braso ko sa kanya. Dumiretso kami sa kusina.

"Kakain tayo?" Tanong ko.

"Yeah." He answered.

"Maaga pa ah!"

"Tss. Tanghali na. Hindi lang halata."

"Oww. Okay!"

'Yon lang at nagsimula na kaming kumain. At nang matapos ay tumulong na rin kami sa pag aayos ng mga gagamitin sa party. Inaayos na rin ang venue. Marami siguro ang bisita nila ngayon kaya ganito na lang sila maghanda. Darating din yata ang mga magulang ni Red, kinabahan naman ako roon. Huling kita ko pa sa kaniyang Mommy ay 'yong biglaan niyang pagsulpot sa bahay. Remember?

"Erin? Hey!" Natinag ako nang marinig ang boses na 'yon. Nilingon ko siya sa may pintuan.

"Uh? Bakit?"

"Hindi ka nakikinig. Anong iniisip mo?" Naiiling niyang sabi habang palapit sa akin.

"Wala naman. Ano ba 'yon?"

"Nothing." Aniya saka inayos ang buhok ko, at inilagay sa may likod.

Kinilabutan ako nang maramdaman ang kanyang daliri. Pinasadahan niya ako ng tingin habang nakangisi. Nanlaki ang mga mata ko.

"You looked good." He said, mesmerized by my beauty. Hehe. Ako lang 'to.

"Hay nako! Hanga ka na naman sa'kin." nakangiwing sabi ko, nagmamayabang. Napatawa siya.

"Lagi naman." I felt his right hand on my cheek. "Really, you're beautiful." Napamaang ako sa biglaang aniya. He looked at me intently then caressed my face. "Please, please change your clothes, baby." he whispered.

Nagtayuan ang mga balahibo ko sa sinabi niya.

Sarap magpakamatay!! Ang lambing niya! Kinikilig ako! Oo, punyemas.

Hindi ako nakaimik at nanatiling nakanganga habang nakatingin sa kanya. Ngumisi siya.

"Hmm? Speechless?" Hinampas ko siya sa dibdib at bahagyang tinulak.

"Tse! Ipod nga!" Sigaw ko at inayos ang aking suot na dress. I'm wearing a black tube dress na hanggang tuhod lang. Nakakainis!

"Why do you need to wear that kind of dress?" Kunot noong tanong niya. I just rolled my eyes.

"Sa ito ang ipinasuot sa'kin e."

"Puwede ka namang magpalit."

"Anong isusuot ko, aber?"

"Kahit ano! Huwag lang 'yan. Masyadong lantad."

"Ayaw mo nito?"

"Yes po." Nakangusong aniya.

Ngumisi ako at hinawakan ang sa may bandang dibdib nitong dress at umastang ibaba iyon pero agad na kumunot ang noo niya.

"What are you doing?" Alarmang aniya.

"Huhubarin ko!"

"S-Sa harap ko?"

"Baka sa labas?"

"T-Teka! Anong isusuot mo?" Takang tanong niya. Napangisi ako lalo.

"Mag t-two piece na lang ako." nakangising ani ko.

"What the fvck? Are you really that stupid?" Napatayo pa siya at agad na pinamaywangan ako.

Matindi ang pagkakasalubong ng mga kilay niya habang habol habol ang hininga.

"Oh anong masama roon?"

"Are you serious?" Tumaas ang tono ng boses niya.

Napayuko ako para mapigilan ang pagtawa. Pero nabigo ako.

"Anong nakakatawa?" Inis niyang tanong.

"Biro lang naman 'yon e." Inayos ko ang aking suot at buhok. "Tara na nga. Umiinit na naman 'yong ulo mo." Malisosyang sambit ko. Nangunot ang noo niya. Hindi naintindihan.

Tumawa ako. "Tara na. Bobo naman."

"Ang pangit ng biro mo." Inis niyang sabi. Tumawa lang ako at saka siya kinaladkad papuntang garden. "Hindi ka na magpapalit?"

Ngumuso ako. "Maganda naman ang suot ko eh. Bagay pati sa akin."

He let out a huge sigh. "Alright. Ako na lang ang bahala."

Nang makarating kami ay marami na ang tao. May kanya-kanya na silang mundo. Napatingin ako sa ginawang stage sa may unahan. Ang ganda, nagawa nila iyong ayos na gustong-gusto ni Mama. Binalik ko na ang tingin ko sa mga bisita nang matanawan ko sina Carla at Luhan sa may pagitnang table. Lumapit kami roon.

"Hey." Bati ni Red. Nagyakap pa sila at nagtapikan.

"Oh, Ang tagal niyo yata?" Si Luhan.

"Nag inarte pa 'to eh." Singit ko sa kanila sabay turo kay Red. Sininghalan niya lang ako. Bumaling naman ako kay Carla saka naupo.

"Oh, tahimik ka riyan?" Lumingon siya sa'kin at malungkot na ngumiti. Nagtaka ako. "Anong problema mo?"

"Hmm, wala."

"Weh? Bakit ganiyan ang itsura mo?"

"Wala nga."

"Yong totoo?"

"Psh! Fine!!" Saka siya tumingin sa'kin at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam pero kinabahan ako. Bumuntong hininga siya.

"Hay! I'm just worried. Paano kung may mangyari na naman. Paano kung may gawin na naman si Tita. Lalo na at maraming tao ngayon. May lakas ng loob siyang ipahiya ka." bakas ang pag aalala sa kanyang mukha. Napangiti ako.

"Huwag kang mag aalala. Hindi iyon mangyayari. Sa palagay mo hahayaan ko 'yon?" Natatawang sabi ko.

"Paano nga? Huhuhu! Nakakainis naman e."

"Gosh! Ang OA nito! Tama na 'yan! Mag enjoy na lang tayo." Pagtatapos ko sa usapan.

Sumimangot siya at tumahimik na lang din. Palihim ko pa siyang tiningnan. Napangiti ako. Kahit ako kinakabahan din sa posibleng mangyari. Pero stay positive! Hehe.

"Erin, my parents are already here." Nabalik ako sa wisyo dahil sa sinabi ni Red.

Napalingon ako sa kanya at nakatayo na siya sa gilid ko. Tumango ako at tumayo.

Inalalayan niya ako sa paglalakad na parang nalumpo. Natanawan ko agad ang parents niya, nakikipag usap ito sa aking mga magulang habang nakangiti. Napasulyap sa'kin si Tita at agad na kumaway.

"Oh my! Erin? Come here!" Sigaw niya. Natawa ako.

"Tss. Si mommy talaga." Bulong ni Red. Agad akong niyakap ni Tita nang makalapit kami.

Gosh! Gulat ko roon ah!

"Oh my God! You looked good in your dress, Erin." Puri niya.

"Thank you Tita!" Nakangiting sabi ko. Sumimangot siya.

"Mommy na lang!"

"A-Ay! Hehe. Sige po, Mommy Dane." Nahihiyang sabi ko.

"Good."

"Hello, hija!" Nakangiting baling sa'kin ni Tito. Daddy ni Red.

"Good evening po, Tito Roland!" Saka ako bumeso. Bumaling siya kina Papa.

"Ang bait talaga nitong anak niyo." Nakangiting aniya.

Tumawa si Papa. "Siyempre naman."

"Tama talagang ipinakasal namin siya kay Drake." Natatawang sabi pa ni Tito.

"Hmm. I think hindi siniwerte si Drake." Napatingin ako sa nagsalita. Nakangiti siya pero halatang pilit. Napayuko ako.

"What do you mean, Elaine?" Takang tanong naman ni Mommy Dane sa kanya.

"Elaine...please." rinig kong bulong ni Papa kay Mama.

"Wala, Dane." Saka siya tumingin sa'kin at ngumisi.

"Hmm. Tara na." basag ni papa. Napangiwi na lang ako.

Ina ko ba talaga 'to? Hay! Lagi na lang.

"It's okay. Let's go?" Bulong ni Red. I just smiled and nodded.

Marami ang nangyari, nagsimula na sa pagkain ang lahat at sinimulan na rin ang programa. Samu't-saring batian at bigayan ng regalo. May banda pang kumakanta. Enggrande talaga. Napatingin ako sa babaeng nakaupo katabi ni papa. Nakangiti siya. Masayang masaya siya sa mga nagaganap. Napangiti rin ako.

Kung masaya ka, masaya na rin ako, Mama. Happy birthday!

Hindi ko pa siya nababati kasi baka hindi niya lang ako pansinin. Mapahiya lang ako. Tinitigan ko pa siya. Nakangiti siya habang pinapalakpakan ang mga bumabati sa kaniya.

Bakit kaya naging ganyan ang pakikitungo niyo sa'kin? Bakit bigla kayong nagbago? Kahit noon pa man ay mataray na kayo, pero bakit mas lumala? Dahil lang ba talaga to sa nangyari, o may iba pang dahilan?

Nanghihinang yumuko ako. Napapagod na ko. Gusto kong magkaayos na kami. Pero paano?

"OMG! What the hell?" Agad akong nabalik sa wisyo nang marinig ang sigaw nang nasa harapan ko. Napatingin ako sa kanya at masama ang tingin niya sa'kin. Sa sobrang pag iisip ko ay hindi ko namalayang natapon ko sa kaharap ko ngayon ang bitbit kong pagkain.

"Gosh! Miss, I'm sorry!" Agad ko siyang dinaluhan pero tinabig niya ang kamay ko.

"Err! Stop that! Don't touch me!" Sigaw ng kasing edad kong babae.

"I'm sorry! Miss, Are you okay?" Hinawakan ko siya sa braso pero tinabig niya lang ang kamay ko.

"Paano ako magiging okay? Ha? Ang dumi na ng suot ko! Ang dumi ko na!" Inis niyang sigaw sa'kin. Nakaagaw agad kami ng atensyon.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya." Paghingi ko ng tawad.

"Hey! Oh God! May daughter! What happened?" May magandang babae ang agad na lumapit sa kaharap ko.

"Err! Siya? Tinapunan niya ako!" Napatingin sa'kin ang bagong dating. Tumaas ang kilay niya.

"Who are you?!!" Nagulat ako sa biglaang pagtaas ng boses niya.

"M-Maam! I'm s--"

"Anong nangyayari rito?" Napatigil ako sa pagsasalita nang sumingit si Mama kasama si Papa at sina Red.

Lumapit agad sa'kin si Red at inalalayan ako. Si Carla naman at si Luhan ay nasa gilid ko. Nagharap si Mama at 'yong nanay yata nitong natapunan ko.

"Oh! Elaine?" 'Yong bagong dating.

"Mrs. Cruz, Anong nangyayari rito?" She asked.

"Ito kasing babaeng 'to, tinapunan ang aking anak. Look at her dress! Ang dumi na." reklamo ng babae.

Malungkot na tumingin si Mama roon. "Oh, I'm sorry to hear that. Pero alam mo ba kung ano talagang nangyari?" Si mama.

"Hindi! Pero, Elaine! Halatang sinadya niya!" Sabay turo niya sa'kin. Nagsipagtayuan ang mga bisita para makiusyoso.

"Are you sure?" Bumaling si Mama sa babaeng natapunan ko. "What happened?" Tinarayan muna ako ng babae bago sumagot.

"Naglalakad lang ako para hanapin ang comfort room, when someone blocked my way! Nakailang salita ako but mukhang wala siyang naririnig! And then naglakad siya at ayon! Natapon sa'kin!" Inis niyang saad. Napamaang ako. Hindi ko alam! Masyado akong lutang kanina.

"Oh, Is that so? Pero sana ay ikaw ang umiwas, right?" Natulala ako sa sinabing 'yon ni Mama. Natigilan din ang dalawang nasa harapan pati na ang iba. "Alam mo naman palang mukhang wala siya sa sarili, dapat ikaw na ang umiwas! Estupida!" Mas nagulat pa ang lahat. Kahit ako.

Pinagtatanggol niya ba ako?

"Mrs. Shawn! Don't talk to my daughter like that!" Sigaw ng nanay ng babae.

Punyemas! Kasalanan ko 'to!

"I'm sorry, Mrs. Cruz, Pero totoo naman!" Bumaling siya sa'kin. Agad na ginapangan ang katawan ko ng kaba. "Explain!" Sigaw niya. Napalunok ako.

"H-Hindi ko po talaga alam masyado po a-akong lunod sa pag iisip kaya hindi ko siya n---" napatigil ako sa pagsasalita nang lumapat ang kamay niya sa pisngi ko.

Napasinghap ang mga nanunuod. Humigpit ang hawak sa'kin ni Red. Si Carla naman ay napasigaw pa.

Akala ko...akala ko may pakialam na siya..akala ko pinagtatanggol niya ako. Hindi pala.

"Goodness. Stupid reason!" Sigaw niya sa harapan ko.

"Elaine! Please stop!" Si Papa pero hindi siya nito pinansin.

"You know what? Wala ka nang ginawang tama!" Ramdam kong galit siya ngayon. "Nice! May nasira ka na naman!" Inayos niya ang buhok. "Ito ba? Ito ba ang regalo mo sa'kin? Ang mag eskandalo!"

"Elaine!" Si papa.

"W-Wait! Do you know her, Mrs. Shawn?" Singit ng babae. Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko. "Do you know her?" Ulit niya pa.
Napatingin ako kay mama.

"No." Sagot nito na nagpatulo ng luha ko.

Mukhang tama yata si Carla ah. May nangyari na naman. Napahiya na naman ako.

Bumaling ako sa mag ina. Huminga ako ng malalim. Palihim kong pinalis ang luha.

"I'm sorry po. Hindi ko po talaga sinasadya." Bumaling ako kay Mama.

"I'm sorry." napalunok ako. "I'm sorry for ruining your special day. I'm sorry Mrs. Shawn." diniinan ko ang huling salita.

Nagulat siya roon.

Tiningnan ko pa siya saglit saka ako naglakad papasok. Napahawak pa ako sa may pintuan dala ng panghihina.

Paakyat na sana ako nang marinig ang mabibilis na yabag. Napapikit ako.

Ano na naman 'to?

"We're not yet done talking!" Sigaw niya. Tamad akong lumingon.

"What do you want?" I asked with a bored tone. Nasa likuran niya sina Papa, Red, Luhan, Carla at parents ni Red.

Great! May audience!

"Masaya ka na?" Kumunot ang noo ko. "Masaya ka nang nasira mo ang birthday ko? Alam ko namang sinadya mo. Sinadya mong gumawa ng eksena! Right?"

"Ha? Anong sinasabi mo?"

"Huwag mo akong paikutin, Erin! Hindi ka man lang nahiya! Hindi mo man lang nirespeto kung anong meron ngayon! Ganyan ka ba talaga? Hindi ka na nagtanda!" Inis niyang sigaw.

"What the hell are you saying? Anong mga kaek-ekan na naman 'yan! Puwede ba? Tigilan mo na ang mga kadramahan mo! Because I don't understand you!" Nagulat silang lahat sa biglaang pagsigaw ko. Kahit ako. Nakakagulat na biglaang nawala ang respeto ko.

Sarkastikong tumawa si Elaine.

Nakakabanas siyang tawaging 'mama'

"See? Oh my goodness!" bumaling siya sa mga magulang ni Red. "Ganyan siya! Nakita niyo na? Ang akala nyong mabait ay nuknukan ng kademonyohan!"

"Elaine! Pakiusap, tama na." Awat ulit ni Papa. Napatingin ako kay Red na diretsong nakatingin sa'kin.

"Hindi mo man lang ako nirespeto! Ipinahiya mo ako!"

"Ako ba nirespeto mo?" Natigilan siya. "Ipinahiya mo rin naman ako ah. Ilang beses pa nga. So kwits lang tayo at isa pa, hindi ako ang nagpahiya sa 'yo. Sarili mo mismo." Hindi ko alam kung saan nagmumula 'tong mga pinagsasabi ko. Nagkukusa e.

Nag igting ang panga niya. Kumuyom ang kanyang kamao.

"How dare you?! Watch your words, Erin! I'm still your mother!"

"Then act like one!" Umalingawngaw ang sigaw ko. Natulala sila. "You are still my mother, right? pero bakit hindi ko maramdaman?" Malumanay kong saad. "Bakit pakiramdam ko hindi niyo ako mahal. Bakit ganito?"

Lumapit sa'kin si Carla.

"Erin." Bulong niya pero hindi ko pinansin. Ramdam ko ang simpatya niya.

"D-Dahil kung hindi nawala ang kapatid mo edi sana masaya tayo!" Naiiyak niyang saad.

Nangunot ang noo ko. "Hanggang ngayon, 'yan pa rin ang dahilan? "

"Oo! At hindi nito mababago ang nararamdaman ko hanggang ngayon! Kung hindi dahil sa'yo sana hindi nawala ang ate mo! Kung hindi dahil sa'yo, sana narito siya ngayon! Sana kasama natin siya pero hindi eh. H-Hindi." Nagsimulang tumulo ang luha niya.

Inalalayan siya ni Papa. Ako naman ay napatulala. Natawa ako.

"Ako pala talaga ang sinisisi niyo 'no? Sa'kin pala lahat ng sisi! Nakakatawa!"

"Ikaw ang may kasalanan! Kung hindi mo siya isinama sana narito pa siya. Sa kagustuhan mong masunod ang gusto mo ay napahamak ang ate mo!" Sigaw na naman niya.

"I was five years old that time! Hindi ko alam kung anong mangyayari! Sana kung alam ko lang hindi na ako sumubok." Napasabunot ako sa buhok. "So? Ayos lang pala sa inyong ako 'yong nawala? Diba?"

"Anak, Don't say that!" Si Papa.

"Ako ang sinisisi niyo? 'Yon ang nararamdaman niyo diba? Sana inalam nyo rin 'yong nararamdaman ko! Hindi 'yong puro lang kayo! Kung sinisisi niyo ako! Labis pa roon ang nararamdaman ko! Labis kong kinamumuhian ang sarili ko! Dahil nawala iyong pinakamamahal kong tao, nawala ng dahil sa'kin! Nawala 'yong taong bukod tanging nakakaintindi sa akin. Siguro tama nga sila. Wala akong kuwenta at estupida. D-Dapat ako na lang 'yong n-nawala."

Nagsimulang tumulo ang luha ko. Pinunasan ko ito pero kulang na kulang ang palad ko.

Hanggang sa sunod-sunod na ang pagtulo nito. Natahimik silang lahat at walang nagtangkang magsalita.

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 162K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2M 78.8K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
234K 13.4K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.