The Wrong One (BOS: New World...

By JFstories

10.5M 392K 94.3K

Hendrix Ybarra is your college professor by day, your manager in your part-time job by night, and your gorgeo... More

Prologue
Rix Montenegro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22 [Part 1]
Chapter 22 [Part 2]
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
EPILOGUE
New World

Chapter 19

313K 11.5K 3.3K
By JFstories

TAPOS NA.


Bumaba na rin ang silakbo at ngayon luminaw-linaw na ulit ang isip ko. Nakasiksik ako sa sulok ng aking inuupahang maliit na kuwarto. Yakap ko ang sarili habang pinangingiliran ng luha ang aking mga mata. Nagsisisi ako kung bakit wala akong ginawa. Bakit ang hina-hina ko? Bakit ako nagpadala?!


Bakit hinayaan ko? Bakit ibinigay ko kay Rix ang bagay na pinakaiingatan ko?!


Si Rix naman ay magdamag lang din na nakatitig sa akin. Ilang beses niya akong sinubukang lapitan pero sinisipa ko siya. Galit ako sa kanya at sa sarili ko. Iyak lang ako nang iyak habang nakayuko. Gustuhin man niya akong aluhin ngunit ipinagtutulakan ko siya palayo. Sa huli, naupo na lang siya at binantayan niya ako.


Nang buong magdamag na iyon, wala siyang ginawa kundi ang paypayan ako. Mainit kasi.


Mayamaya ay tumayo na siya. Nakialam siya sa banyo ko. Paglabas niya, may dala na siyang bimpo at planggana. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso. Tinabig ko siya. "Pupunasan lang kita," sabi niya sa mababang boses.


Hindi ko siya kinibo. Masakit ang katawan ko lalo na iyong nasa gitna ko. Mahapdi. Kumikirot. Hindi ko nga alam kung makakatayo pa ako. At kung makapaglakad man ako, malamang ay iika-ika ako. Buwiset siya. Sabi niya kaya ko, pero halos mamatay na yata ako kanina.


"Martina, please? This will ease the pain."


Sumiksik ulit ako sa sulok at niyakap ang aking sarili.


Hinawakan niya ulit ako. "Let me clean you–"


Tinitigan ko siya nang masama.


Napabuga na lang siya ng hangin. "At least least me take you to the hospital. You need to be checked up. You need pain relievers. You also need some medical papers. Magagamit mo 'yon para makasuhan mo ako."


"'Wag ka munang magsalita," walang-buhay na sabi ko. Tumayo ako at pipilay-pilay na naglakad. "'Wag kang aalis diyan at 'wag na 'wag kang titingin. Magbibihis lang ako." Gamit ang aking mga braso ay tinakpan ko ang dibdib ko. Nakahubad pa kasi ako. Nakita niya naman na ang lahat, nahawakan, nahalikan, pero basta, ayokong ipakita ngayon sa kanya.


"I'm not going anywhere, Martina. Susuko ako sa mga pulis katulad ng pangako ko sa 'yo."


Ang hirap lang dahil buong katawan ko yata ay napwersa kanina. Ganoon ba talaga kapag una? O talagang hindi ko lang siya kinaya?


Lumapit siya sa akin. Iyong kanina niya pang hawak na damit ko na kanina niya pa gustong isuot sa akin ay binulatlat niya. "Bibihisan na kita."


Sinuntok ko siya sa matigas na dibdib niya. "Bastos!"


Hinuli niya ang kamay ko. "Please. For one last time, let me take care of you." Pumiyok siya. Sumeryoso lalo ang mukha niya.


Napalunok ako habang nakatingala sa kanya. Pagod ang pakiramdam ko, dagdag pa ang mga nananakit sa aking katawan. O sige, tutal mapilit siya, bahala na siya. Hinayaan ko na siyang bihisan ako, tutal siya naman ang naghubad sa akin kanina.


May maliit na ngiti na sandali kong nakita sa mapupula niyang mga labi nang hindi na ako pumalag pa. "I'll clean you first." Nagmamadali na siya dahil baka biglang magbago ang isip ko at sipain ko na naman siya.


Nilublob niya ulit ang bimpo sa maliit a planggana saka ako maingat na pinunasan sa katawan. Sa aking pisngi, sa leeg, sa balikat. Pati ang mga dibdib ko na may naiwan pang mga markang namumula na ang salarin ay ang mga labi niya.


Matapos sa itaas na bahagi ng katawan ko ay lumuhod si Rix sa harapan ko. Pinunasan niya rin ako pababa. Nang umabot siya sa pagitan ng aking mga hita ay marahang nakagat ko na lang ang aking kamay. Napakaingat ng bawat dampi niya ng pamunas doon sa parte kong iyon. Inabot siguro ng ilang minuto dahil sa sobrang pag-iingat niya. Saka lang ako nakahinga nang maayos nang sa wakas ay makatapos na siya.


Para akong bata na sinuutan niya ng undies. Sumunod niyang isinuot sa akin ang isang shirt at pagkatapos ay pantalon. Nagmistulan akong manikin nang kanya akong damitan. Wala kasi akong kibo at nakatulala lang.


Nang makatapos siya, sinuklayan niya ako. Maingat niya akong hinila at iniharap sa salamin ko na basag na nasa pader. Luma na kasi ito.


Nang mapatingin ako sa salamin, nakita ko ang sarili ko. Nasa likuran ko lang siya na nakatingin din sa akin. Sinusuklayan niya pa rin ako.


"B-bakit, Rix?" Naglandas na naman ang mga luha ko. Sinasampal ako ng katotohanan na mahina ako. Na sa kabila ng lahat, mahina ako sa taong ito na ngayon ay kasama ko sa repleksyon sa salamin. "R-Rix, alam mo ang sitwasyon ko at alam mo rin na galit ako sa 'yo... P-pero bakit mo nagawa sa akin ito?"


Lumamlam ang kanyang bughaw na mga mata. "Sue me. Or you can just kill me if you want."


Napahikbi ako. "M-may nangyari sa atin. Hindi ko naibigay kay Marlon kahit anong makaawa niya, pero nagpadala ako sa 'yo at ibinigay ang bagay na hindi naman dapat para sa 'yo." Kahit wala kami ni Marlon ngayon, hindi pa rin sapat na dahilan iyon. "Rix, hindi ko matanggap, bakit ang hina-hina ko? Rix, paano na ako?"


Niyakap niya ako mula sa likod. "I'm willing to take any punishment. Kahit sa kulungan na ako mamatay, mapagbayaran ko lang ang kasalanan ko."


"Plinano mo talaga ang lahat ng ito, ano?" may piyok man sa boses ay sarkastikong tanong ko. "Alam mo, minsan gusto kong malaman ang tumatakbo sa isip mo."


"My mind is in chaos, Martina. This is the first time I've been like this. Even I do not understand myself. All I know is that I want you so bad. But I'll accept your decision if you want to send me to jail. It's just that I don't know if I can handle being away from you."


Napalunok muna ako bago nagsalita. "Tagalugin mo."


"Why don't you try me, Martina? Subukan mo ako. Iyong nangyari sa atin, pananagutan ko. At huling beses na rin iyon kung gusto mo. Ayos lang sa akin. Basta 'wag ka nang babalik sa kanya. Be with me. Choose me."


"Hindi kita gusto. Hindi kita mahal!" mariin kong sambit. Kahit sa tuwing sasabihin ko ito ay bumibigat ang aking dibdib.


Yumuko ang asul niyang mga mata. "I know. Kaya nga mangangarap na lang ako."


Napamura na lang ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ba parang ako 'yong nasasaktan sa mga sinasabi ko?


Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. "Pengeng pera. Magpapa-medical ako."


Hindi naman talaga ako magpapa-medical. Ano bang makikita sa akin sa medical? Hindi naman ako pinilit ni Rix at mas lalong hindi naman kami nag-acrobatic dito. Wala ako maski baling buto. Siguro nalamog, oo.


Ibinigay niya sa akin ang buong wallet niya. "My cash and cards all there."


Napanguso ako. Talagang ipagkakatiwala niya sa akin ito lahat?


Binuksan ko ang wallet at kumuha lang ako ilang papel na pera. Di ko na nabilang dahil sa hindi ako tumingin. Basata lang ako humugot. Nilunok ko na ang pride ko para lang makaalis kahit saglit sa paningin niya.


"Sige na, bye. Papa-medical na ako." Tinungo ko na ang pinto. Gusto ko lang talaga makalayo muna. Makalanghap ng hangin sa labas dahil sa totoo lang, hindi lang ang hymen ko ang parang nasalanta ng bagyo, pati na rin ang utak ko. Gulong-gulo ako.


Napahakbang siya pasunod sa akin. "Sasamahan na kita–"


"Ayaw kitang kasama!"


Napabuntong-hininga siya. "Here." Humugot siya sa kanyang wallet ng lilibuhin. Inabutan niya rin ako ng card. "This hospital is owned by Conrad Deogracia. He's a doctor. Puwede ka ring lumapit sa kanya. Then call Quiro Saavedra. They'll help you to file a case against me. Hindi nila ako sasantuhin."


"Sa mga pangalan nitong binigay mo, mukhang mga kaibigan mo sila!"


"I don't have friends aside from Black Omega Society. Conrad and Quiro, are part of the Saavedra Damned Phoenixes. Wala silang kinikilangan."


Kinuha ko sa kanya ang card at tiningala siya. "Mukhang handang-handa ka nang magpakulong. Kung ganoon sige, ihanda mo ang sarili mo." Tinakot ko siya kaya lang ay mukhang hindi talaga siya takot. "Bahala ka na nga sa buhay mo! Pagbalik ko may kasama na akong pulis!"


"I know. Hindi ako tatakas." Buong sinseridad siyang tumitig sa akin.



ANG HIRAP DIN PALA MAGPAHANGIN.


Hindi nakatulong ang paglabas ko sa area kung saan ako umuupa. Ang bantot ng nalalanghap kong hangin dahil bandang likuran nga ang lugar ko. Tabi pa ng basurahan. Kundi amoy kanal ay amoy popoo naman ng aso. Imbes tuloy makapag-isip-isip ay ang ending, kandasuka ako.


Ayun, dito ako napadpad sa isang restaurant. Matapang ako na pumasok dito kahit mukhang mamahalin ang menu, dahil nga sa may pera ako. Ang nahugot ko pala sa wallet ni Rix kanina ay limang isang libo. Ang total ay 5K ang natangay ko.


Um-order ako ng pagkain na hindi ko naman makain. 12 oz na classic rib eye steak lang na mga dahon-dahon at dinurog na patatas sa gilid pero ang presyo ay pang kalahating buwan na budget ko na sa bigas at delata. One thousand six hundred plus ang bill ko. Shet, bakit ba kasi dito ko pa naisipang mag-senti? Bakit hindi na lang sa Jollibee?


Pinilit kong kainin kaya lang hindi talaga ako makakain. Marami akong bagay na iniisip. Kung anu-ano. Naputol lang ang malalim na pag-iisip ko nang may biglang naupo at tumabi sa akin. Nagulat ako. Sino kaya ang babaeng ito?


Blonde, naka-shades at matangkad. Mukha siyang modelo. Napatingin agad ako sa bitbit niyang mamahalin na bag. "Hi," bati niya.


"Ha?"


"I'm Loraine. But you can call me Lora. Or puwede ring Lor. Wag lang Lorena."


Ha? Adik ba ito?


Tinanggal niya ang kanyang shades. "How are you, Martina?"


Napatanga ako sa kanya. "Kilala mo ko?"


"Of course." Kinamayan niya ako. "Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa." Sumeryoso ang mukha niya. "Layuan mo si Rix Montenegro."


Nangunot ang noo ko. Anong alam niya?!


May hinugot siya sa bag niya. Mga pictures. Inilatag niya ang mga iyon sa harapan ko. Mga picture iyon ng iba't ibang babae na mga mukhang modelo. "Layuan mo si Rix Montenegro kung ayaw mong matulad sa kanila."


"B-bakit? Ano bang nangyari sa kanila? Mukha naman silang normal."


Itinuro niya ang isang picture. "This is Rose Lockhart. Rich. Model. Pero na-ospital siya after Rix fucked her."


Natutop ko ang aking bibig.


"Ito naman si Marian Thompson. CEO of a cosmetics company. Hindi siya makalakad ng ilang araw after niyang sumama kay Rix sa hotel last year. I had no idea kung anong acrobatic ang ginawa nila para magkandabali-bali ang buto niya."


Nakatitig lang ako sa mga pictures.


"All of them, they are all victims of love." Biglang gumaralgal ang tinig niya. "Including me."


Ano bang ginawa ni Rix sa kanila? Alam ko na masakit pero normal lang naman iyon sa una, di ba? Maingat naman si Rix kahit pa parang hindi niya alam kung paano pagagaanin sa akin ang lahat.


"Ilang araw akong hindi nakalakad dahil nabalian ako ng tadyang. But I'm okay now."


"Pwinersa niya ba kayo?!" namimilog ang mga matang tanong ko.


Nagulat ako nang bigla siyang humalakhak. "Oh my, you're so funny!"


"Anong nakakatawa? Siraulo ka ba?"


"Lahat ng nangyari sa amin, ginusto namin. We are proud na maikama ng kahit isa sa mga member ng Black Omega Society. Lalo na ni Rix, the youngest, the yummiest, and the richest of them all."


Napanganga ako sa kanya. Kung magsalita siya ay parang naabot niya na ang pangarap niya sa buhay.


"You know, Martina? I'm so proud that Rix fucked me. That was already two years ago, but still sariwa pa rin sa puso at isip ko. Kahit pa lasing siya niyon, hinding-hindi ko pa rin makakalimutan. Kaya nga nag-aabang ulit ako kung kailan siya malalasing. Ang kaso, hindi na siya pumupunta sa underground bar ngayon. Mas gusto niya nang maging professor at manager mo!"


Napahampas ako sa mesa. "Iyon ang dahilan kaya pinapalayo mo ako sa kanya?!"


"Not only that, dear. I want to save you. I don't want you to be like us. That apathetic man might look cold and innocent on the outside, but he's a monster in bed."


Monster? Binalikan ko sa isip ang mga nangyari sa pagitan namin ni Rix. Hinanap ko ang mga sinasabi ng babaeng ito pero wala naman akong makita, maliban sa monster iyong nasa baba niya kaya ako nasaktan kanina.


"Don't get me wrong, Martina. I am not saying that Rix is violent when having sex. It's just that he's rough. And you'll see it in his eyes, wala siyang pakiramdam. Wala siyang pakialam kung naliligayahan ka ba, nasasaktan, o kung bitin ka pa. He'll stop when he's done and no matter how you feel, he won't give a damn."


Pero iba si Rix sa akin nang may mangyari sa amin. Gusto kong bulyawan ang babaeng ito. Naiinis na ako sa isiping lahat sila ay nakangkang na rin ni Rix, pero mas naiinis ako sa paninira niya.


Alam ko naman na ugaling alien madalas si Rix. Totoo rin na madalas wala itong emosyon, parang walang pakiramdam, at pakialam. Pero hindi naman ito ganoon kasama. Natigilan ako sa mga naiisip. Sandali, bakit pinagtatanggol ko ang lalaking iyon?!


"Another thing, Martina. A little slut like you can never satisfy that kind of man."


Ipinitik ng babae ang mahahabang daliri na may makikintab na nail polish sa dulo.


"Unlike us, especially me, we are all sexually submissive by nature and we love him so much. Kahit wala siyang pakialam sa amin, kahit hindi niya kami natatandaan, at kahit para siyang machine kung makipag-sex at pagkatapos ay hindi na kami kailangan, hindi kami para magreklamo. Ang kinaiirita ko lang, kasi may mga sumasawsaw pang katulad mo. So please, 'wag ka nang dumagdag sa mga kaagaw ko."


Nang iwan na ako ng babaeng magulo ang pangalan ay bumalik ako sa pag-iisip. At nakatulong ang mga sinabi niya para makabuo ako ng pasya.


....


HUMUGOT muna ako nang malalim na paghinga. Dito ako dumeretso sa bahay nina Marlon kahit alanganing oras na. Mabuti at kauuwi lang din ng kanyang ina mula sa sugalan kaya napagbuksan ako nito ng pinto.


"So ano? Nakapag-isip-isip ka na ba?" Iyon agad ang bungad niya sa akin. "Naisip mo nang hindi mo kayang hiwalay tayo ano?"


Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya.


"'Wag kang mag-resign, iyon lang ang hiling ko sa 'yo, Martina. Sobrang laking bagay ba niyon, ha?"


Humakbang ako palapit sa kanya at huminto lang nang nasa mismong tapat niya na ako. "Marlon, may sasabihin ako. May nangyari sa amin ng boss ko..."


Nabitiwan niya ang hawak niyang cellphone. "A-anong nangyari?" Sa isang iglap, nagbago ang ekspresyon niya.


Lumunok muna ako nang malalim. "Kanina... Pinuntahan niya ako sa inuupahan ko. May nangyari sa amin."


"P-putangina..." usal niya. Bigla siyang napaahon sa kama at nakalimutan na pilay ang isa niyang paa. Napaluhod siya pabalik. "Martina, pinilit ka ba niya?!"


Marahan akong umiling kasabay ng paglandas ng mga luha ko.


Nanlaki ang mga mata niya at nagkulay papel sa pamumutla ang kanyang mukha. "Martina, saglit lang tayo nagkahiwalay. Paano mo nagawa sa akin ito?" puno ng pait na tanong niya. "Martina, ang tagal na natin, paano mo nagawa sa akin ito?!"


"Iyan din ang tanong ko," mababa ang boses na sagot ko. Pagkatapos ay isang maliit na ngiti lang ang aking iniwan sa kanya nang talikuran ko na siya.


Nasa labas na ako ng bahay nila ay naririnig ko pa ang pagwawala at mga sigaw ni Marlon. Para siyang nagising mula sa matagal na pagkakatulog dahil sa isang masamang panaginip. Ang galit at garalgal na boses niya ay tinatawag ako. 


Pero hindi na ako para bumalik pa at suyuin siya. Hindi na...


jfstories

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 24.4K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
7.8M 228K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...