BARAKO SERIES: #6 You and Me...

By coalchamber13

256K 8.5K 484

BARAKO SERIES: #6 Sa mura nilang edad isang pangako ang binitawan nila sa isa't isa. Mapapatunayan ba nito a... More

YOU AND ME
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
WAKAS

Chapter 10

10.1K 408 48
By coalchamber13

HEAVEN

HALOS ilang araw ko ng iniisip kung ano na nangyari kay Noah. Hindi naman nagbigay ng balita ang nasa kampo. Confidential daw kasi.

Ilang araw na din akong walang tigil sa pag-iyak. Maisip ko lang na ang tama ni Noah ay sa puso hindi ko maiwasang mag-isip na delikaso iyon.

"Heaven, may balita ako. Buti kakilalako iyong asawa ng isang sundalo. Naikwento niya sa akin ang nangyari kay Cmdr Noah. Inilipat siya sa Zamboanga Medical Hospital dahil malala ang tama nito sa puso." napaupo ako dahil nanghina ako sa nalaman ko.

Sobrang pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung okay na ba siya.

"Please po Aling Rosa kung may balita pa po sa kalagayan ni Noah sabihin niyo agad sa akin." pakiusap ko sa kapitbahay namin.

Napayakap na lang sa akin si aling Rosa hindi ko na napigilang umiyak ng umiyak. Wala kasi akong magawa.

NOAH

NAGISING ako na nasa ospital ako. Nadatnan ko ang pinsan kong si Isaac na nasa tabi ko. Pareho kasi kaming dito sa Mindanao nakadestino kaso Zamboanga siya nakadestino at ako sa Lanao Del Sur.

"Kumusta ka bro? Ang akala ko magkikita na kayo ni San Pedro sa langit," natatawang biro nito sa akin.

"Gago! Malayo pa mangyari iyon!" singhal ko sa pinsan kong siraulo. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang sakit sa bandang dibdib ko nang gumalaw ako.

"Oh, easy ka lang., kakagaling mo lang sa operasyon naha-highblood ka na."

"Sino naman kasi hindi mahahighblood kung ang mukha mo naman ang bubungad sa paggising ko." Reklamo ko. Naalala ko si Heaven I want to see her. "Para may magawa kang gago ka puntahan mo ang sweetheart kong si Heaven tell her I'm okay" sabi ko sa pinsan ko.

"Tarantado talaga ito utusan ba ako? Sa guwapo at macho kong ito" itinuro pa ang srili nito. Gusto ko sana batukan hindi ko magawa dahil sariwa pa ang operasyon ko sa puso.

Tiningnan ko ito ng masama.

"Sabi ko nga sasabihin ko." sabi nito. 

HEAVEN

Hindi talaga ako mapakali hangga't hindi ko alam ano na ang lalagayan ni Noah.

"Ma'am Heaven, may naghahanap po sa inyong sundalo." bigla akong natayo sa pagkakaupo ko.

"Sino daw po?" tanong ko sa kasama ko dito.

"Cmdr Isaac Dela Costa po Ma'am" bigla akong kinabahan. Kaya pinuntahan ko na si Isaac.

Nakita ko itong nakupo at umiinom ng tubig.

"Isaac!" tawag ko sa kanya.  Napatingin ito sa akin at tumayo ito.

"Hi, Aven," bati nito pero ang lungkot ng mukha niya. 

"Bakit napadalaw ka?" gusting gusto ko ng tanungin si Noah kung ano na ang nangyari sa lalaking iyon. Pero bigla akong natakot.

Tumikhim muna ito bago nagsalita. Napatitig siya sa akin. 

"Aven I am so sorry." napatakip ako sa labi ko. Napaupo ako dahil biglang nanghina ang mga tuhod ko. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Tuluyan na akong napaiyak.

"Anong nangyari kay Noah please tell me." pakiusap ko kay Isaac. 

"Pinagpaalam na kita sa Principal niyo. We were going to Zamboanga Medical Hospital para makita mo si Noah. Sorry Aven sa nangyari sa pinsan ko. Kahit ako hindi ko akalaing ganun ang mangyayari. Napakasakit "malungkot na sabi nito. 

Napaiyak na ako ng tuluyan. Parang hindi akong handa na iwanan ni Noah ngayon pa na okay na kami. Lumapit sa akin si Isaac para hagudin ang likod ko. 

Nakarating kami ng Zamboanga ni Isaac. Sa buong biyahe wala akong ginawa kung hindi umiyak. Hindi ko kasi matanggap na wala na si Noah. Hindi na siya babalik hindi na.

Patingin tingin sa gawi ko si  Isaac na malungkot ang mukha. Hindi ko magawang magsalita dahil sa hinagpis na nararamdaman ko. Parang ayaw kong pumasok ng hospital na para bang mapapaso ako kapag puamsok ako sa loob. Napalingon sa akin si Isaac. Nilahad niya ang palad nito sa akin. Tumango lang ako nagpatuloy ako sa paglalakad.

Habang papalapit sa kinaroroonan ng silid ni Noah hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nang nasa harap na kami ng silid napahinto ako. Binuksan na ni Isaac ang pinto. Ako naman hindi ko na maihakbang ang mga paa ko. 

"Aven, nandito na tayo." malungkot na sabi ni Isaac. Tumulo na naman ang mg aluha ko. Wala na yatang tigil  na pumatak ang luha ko. Para itong gripo na walang patid sa pagtulo.

Nanginginig akong naglakad papasok ng silid. Nakita ko si Noah na nakahiga natanggal na ang mga nakakabit na mga tubo sa katawan. Ano pang silbi ng mga iyon dahil wala na si Noah. Napatakbo ako sa kinahihigaan ni Noah. Tsaka ako sumubsob sa wala ng buhay na katawan ni Noah. Para akong batang iniwanan ng magulang sa sobrang pag-atungal ko. 

"Noah, bakit mo ako iniwan nag-promise ka sa akin na babawi ka?"iyak na sabi ko. Binagbabayo ko ang dibdib ni Noah habang nakasubsob sa tiyan nito. "Sinungaling ka Noah sinungaling ka!!! Paano ko pa masasabi sa iyo na mahal na mahal pa din kita. Pero wala ng silbi kasi wala ka na." sigaw ko sa kanya habang pinagbabayo ko ang katawan nito. Hindi na ako magiging masaya dahil wala na ang taong mahal ko.

NOAH

PINUNTAHAN ni Isaac si Aven para ipaalam na okay na ako. Buti naalis na ang mga nakakabit na tubo sa mga braso ko. Uminom ako ng gamut kaya inaantok na naman ako. Sana paggising ko masilayan ko na ang magandang mukha ni Aven ko. Napangiti ako hindi na ako makapaghintay na mayakap ito at mahagkan. Dahil sa ininom kong gamot hinila na ako ng antok.

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may nakayakap sa akin at umiiyak. Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko dahil nakadagan ang buong bigat ng kung sino man. Ano bang ginagawa nito bakit nakasubsob sa katawan ko. 

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang pinagbabayo ang dibdib ko pati na ang tiyan ko. Napangiwi ako pati ang sundalo ko nahampas nito. Gusto kong mapasigaw, pero nakita ko ang taong umiiyak sa ibabaw ko walang iba kung hindi si Aven. Hinayaan ko lang na umiyak ito para nag-alala lang siya sa nangyari sa akin.  Gusto ko sana mapaubo ng marinig ko ang sinasabi niya. 

What the fuck!

"Noah, bakit mo ako iniwan nagpromise ka sa akin na babawi ka."iyak na sabi nito. Binagbabayo niya ang dibdib ko habang nakasubsob sa tiyan ko. Hindi ako makahinga hindi dahil sa nakdagan sa tiyan ko kung hindi sa sinasabi ni Aven. Anong iniwan hindi naman ako nawala at lalong buhay pa ako. "Sinungaling ka Noah sinungaling ka!!! Paano ko pa masasabi sa iyo na mahal na mahal pa din kita. Pero wala ng silbi kasi wala ka na." gusto ko sana mapangiti sa narinig ko dahil mahal pa din ako ni Aven ko. 

Tanginang Isaac iyon! Ano ang sinabi niya kay Aven? Sinabi niya ba na namatay na ako? Parang gusto kong bumangon at sugurin ang pinsang kong siraulo! Pinaiyak niya ang mahal kong Aven. Ayokong nakikitang umiiyak ang mahal ko. Humanda talaga sa akin iyong siraulo na pinsan ko. Puputulin ko etits niya!

Hindi ko na kayang makitang umiiyak si Aven. Hinaplos ko ang kanyang buhok. Biglang napaangat ang ulo ni Aven. Nagkatitigan kaming dalawa isang matamis na ngiti ang binigay ko sa kanya.

"Noah? Oh my god you're alive!" bigla niya akong dinamba ng yakap. Iyak ito ng iyak.

"Sweetheart I am alive. Don't cry I will never leave you kahit ilang bala pa ang tumama sa katawan ko sisikapin kong mabuhay para sa iyo mahal ko. Kasi ayokong iwan kang mag-isa. I love you so much sweetheart." sabi ko habang mahigpit ko itong yakap. 

Bigla niya akong sinampal kaya napabaling sa kabila ang mukha ko.

"Sinungaling ka! Bakit nagkunwari kang namatay hindi naman pala? Hindi mo ba alam kung gaano ako nasaktan ng malaman kong namatay ka! Walanghiya ka!"hinampas niya ako at sinalag ko ang braso ko para hindi niya mahampas ang tama ko sa dibdib. Shit! Baka bumuka ang tahi ko. Buwisit na Isaac! Humanda talaga ang gago na iyon sa akin.

"Hey, sweetheart, Stop! Ouch!" napangiwi ako ng makaramdam ng sakit sa bandang dibdib ko. Natigil si Aven sa paghampas sa akin. Pag-aalala ang rumehistro sa mukha nito.

"Okay ka lang?" umiling ako dahil sumakit ang sugat ko. Napapikit ako.

"I'll explain sweetheart just calm down. Tinamaan ako sa puso ko buti hindi umabot sa pinakaloob ng puso at may tama din ako sa may tagiliran pero daplis lang. Okay naman ang naging operasyon ko kaya hindi na ako kinabitan pa ng mga tubo. Kinausap ko si Isaac para puntahan ka. Alam kong mag-aalala ka kapag nalaman mo ang nangyaring engkwentro ng mga sundalo at ang terorista. Kaya sabi ko puntahan ka nga para papuntahin dito sa Zamboanga Medical Hospital. Hindi ko alam kung ano ang sinabi ng gagong iyon. Wala naman akong sinabing sabihin sa iyo na patay na ako? Hindi ko magagawang lokohin ka sweetheart. Ayokong nakikita kang umiiyak." sabi ko. Hinaplos ko ang pisngi nito. Namumula ang mga mata nito dahil sa pag-iyak. Baka doon pa lang sa Lanao Del Sur iyak na ito ng iyak.

"Hey, bro! Okay na ba kayo?" bungad sa amin ng salarin na si Isaac. 

Napalingon si Aven sa kanya. Nanlilisik ang mata nitong tiningnan ang pinsan ko. Parang natakot ang pinsan ko ng tumayo si Aven.

"Isaac, magbabayad ka sa ginawa mo!" galit na sabi ni Aven sa pinsan kong siraulo.

"Uh, oh! I think I have to go!" bigla itong kumaripas ng takbo. Tarantado talaga!

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13



Continue Reading

You'll Also Like

379K 10.7K 40
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
232K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
1M 33.2K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.5M 34.6K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...