AFO CRITIQUE SHOP [BATCH 2...

By allforoneph

5.4K 683 899

Good day to all! Our Critique Shop is open to all aspiring writers who wants an honest feedback about their s... More

FOUNDER'S NOTE
Rules and Payments
Critique Request Form (BATCH 2-FULL)
Critic Mentors
Things We Critique
Customer's List (Paid)
B2-Single By Choice (Mshanuelkim)
B2-Remember Me, Memory(KyriaArtemisa_)
B2-Sa Mundo Ng Erindina (FernCano)
B2-Who's The Culprit (BL__UE)
B2- The Ghost Angel [joaneverth]
B2-Sky Bully (Heywaddles)
B2-Royale Academy: School of Elites (Unavailable_Me)
B2-Apple Cheeks, Orange Lips (TwoSpoonfulsOfSugar)
B2- 0218: Love Warning (engrmarshmallow)
B2- The Faded Spark (ArkitekNikkowl)
B2- When I Was Your Girl (ElleCueto)
B2- Teen Lust (Amyltary)
B2- Smoke City (BangtanFan9513)
B2- Obscure Identity (MsMsMysteriousGirl)
B2 - Missing Pieces (babyghelo)
B2- The Ghost's Angel
B2- The Lost Years (gery_anne)
B2 - Brothers Over Sunflower (joaneverth)
B2-Bully and Bullied (Aniway_Arad)
B2-The Bad University (WhatsOnMyMindx)
B2- Behind The Pages (PinkShadow97)
B2-Immortal (joaneverth)
B2-Sa Ilalim ng Buwan (gere_anne)
B2: Trapped (Maria_Morenaaa)
B2-Chasing the Void (KyriaArtemisa_)
B2-Adrestia Trefoil: Asphodel (KyriaArtemisa_)
B2- Enigmatic Trip (ElleCueto)
B2- Flames Path (joaneverth)
B2-The Enigmatic Boss Is My Husband (WhiteTofu28)
B2- The Gifted (engrmarshmallow)
B2- Minstrelsy (kindEmpress)
B2-Malaya Ka Na (Annica_Samonte)
B2-SUGAL (SATA_KA)
B2- I Found You (CalysLee)

B2-Make Him Fall (AteLollyPopz)

70 8 16
By allforoneph

📕Requester: AteLollyPopz
📕Title: Make Him Fall
📕Critic Mentor: Lureylie_new

➡️Ang iyong mababasa ay pawang opinyon lamang na may pinagbasehan.

➡️Nawa'y makatulong ako upang mas mahasa mo ang iyong kakayahan.

➡️1-5 chapters lang ang pinagbasehan ko ng critique na ito. Wag sanang dibdibin ng sobra.

⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩

💥Book Cover:

✔ The cover was very nice. The image really captured the situation of Jackie wanting Jazzen. Ramdam ko ang salitang WANTING YOUR LOVE sa cover mo at effective nitong binigyan ng hustisya ang kwento ni Jackie. Hurrray! 🙌🙌

     ✔ Fonts was simple yet appealing. Simplicity is always attactive kaya YES na YES ako sa title fonts.

     🔰 Ang tanging napansin ko lang ay ang kulay sa background, why gray? Like what I said sa mga teen fiction books na nabasa ko na, YA and TF stories must be in vibrant colors cuz it represent transistion from teens to adulthood pero acceptable na 'to.

     Overall, positive ang dating sa akin ng cover kaya nakuha mo ang atensyon ko. Hurray! 😄😄😄

💥Title:

     🔼 MAKE HIM FALL
   It sounded like an objective of the protagonist. Kung titingnan ang title makikita na kaagad ng mga mambabasa ang daloy o takbo ng kwento.

     🔼 And also, gasgas na rin ang title for me since marami na akong nakita na ganyan ang title. Now, try to simplify this, subukan mo lang na isa imbes tatlo. Let's see how creative you are. 😉😯

💥Opening:

    ~ Lets have your blurb.

🔼Minor fixing lang sa blurb at magiging okay na 'to sa panlasa ko.

      (-) Tinadtad mo naman ng comma ang unang talata. Maawa ka kay Mr. Comma, give him a break. 😀.

    "...Sabi nila NA kapag nagmahal ka RAW, dapat AY handa kang masaktan. Handa ka sa maaring mangyari sa iyo sa kasalukuyan. Masaya man o masakit, kailangan mo itong tanggapin. "

     (-) May mga pangungusap na kailangan nang pagsamahin para ma-attain amg unity ng thought.

    "...Pinili mo ang mundo ng pag-ibig, kaya wala ka nang magagawa KUNG HINDI sundin ang lahat ng naging desiyon mo at tanggapin ang kahihinatnan nito.

    (Another paragraph...)

    "...Paano kung isang araw, namulat ka na lang sa ideyang ayaw mo nang umibig? Paninindigan mo ba ang naging desisyon mo o pipiliin mo na lang ang sa tingin mo ay tama? " 

    🔼 May mga thoughts ka na pwede sanang isang bagsakan lang. Remember kapag gumawa ka ng blurb, see to it na kuha kaagad sa isang salitaan ang ideya ng kwento. Nakuha mo naman but konting polish lang para kumintab. ✌

    Sa Unang chapter naman. There were few things na kailangan kong sabihin.

(1.) SORRY SA MGA ERRORS?

    🔼 I don't get the point why you stipulate this phrase at the beginning of your chapter. May mga errors ka? then so what? Let them discover that. Wag maduwag sa pagpupuna dahil ito ay isa sa mga paraan na malalaman mo na ang readers mo ay nagbabasa talaga. Omit that cuz I don't view it effective. 😐 

     (2.) ✔ This is one of the starting strategy na gustong-gusto ko. You tease the reader with a dialogue. Maganda ito KAYA LANG nabawi naman nang hindi mo ipinakita ang scenario. Sayang! Tingnan ang version ko.

    "Yes!"

     Mahina kong sinambit ang salitang iyon habang napangiti sa tila musikang pagbagting ng bell. Uwian na pala! Masayang akong dinala ng aking mga paa sa labas ng aming classroom...

    Before into narrating, bigyan mo muna ng imahe ang kwento para may kakapitan ang mga mambabasa. You don't need to tell na nasa classroom sila, just let us feel na andyan kami sa loob ng classroom. 😊😉

      (3.) Introduction. You forgot to introduce your character. The function really of chapter 1 is introduction. Hindi lang sa karakter kung hindi pati na rin sa lugar at konting pasilip sa maaring mangyari sa kwento. You got option number 3 but you missed the other two. 😑 Yun lang naman napansin ko sa kwento mo.

💥Conflict:

    MAN VS MAN ✔
    MAN VS HIMSELF ✔

    🔼 There was less emotion that I could grasp to the conflict. Isa lang ang nakita kong medyo appealing sa akin, ang effort ni Jackie kay Jazzen na 'di nasusuklian. ✔

    🔼 Pero 'yong conflict ni Jazzen trying to hate Jackie Jackie, it was off. Kulang na kulang sa timpla. Lagyan mo ng MAGIC SARAP para sumarap pa. Add some details and force (means emotion to create tension). Mas klaruhin mo pa ang dahilan kung bakit nagtutunggali sila.

💥Plot:

    ✔ Natural ang takbo ng kwento. Hindi ito pilit at minamadali. Dahil dito, mas nakikilala ko pa ang karakter ng kwento mo. Natutuwa ako kina Ash at Akie, mas nabibigyan kasi ng oras ang kulitan nilang dalawa which gives the feels of being in a school kasama silang nagkukulitan. 😆👍

    🔼 Subplots . . . 50/50. Some where effective and some where not. Nakukulangan kasi ako sa paglalarawan kaya 'yong ibang subplots hindi gaanong nabibigyan ng buhay. Describe! 'Yon lang 😉

    🔼Overall naging realistic naman, konting paglalarawan lang at magiging okay rin ito.  👍👍👍

💥Setting:

    🔰 Vague. . . You missed to describe the place and time. Though sometimes you tend to take us to the scene pero hindi ko talaga sapat, kailangan talaga na maisip ng eksakto ang lugar.

    🔰Ilarawan mo my dear, 'wag mong sayangin ang adjectives sa isipan mo. Dahil kung vivid lang 'tong kwento mo, paniguradong isa ako sa magiging reader mo.

   🔼  Practice Drill: Sige nga ilarawan mo ang setting sa GIF na 'to. Tingnan natin. . .

💥Characterization:

     ~ 50/50 ako rito.
     Why?

    (1.)  You missed to describe the physique. Remember na kailangan natin ng description sa mga karakter para naman may distinct tayong naiisip sa kanila. Ang nangyayari kapag hindi natin inilarawan, di namin nagagawang mag-formulate ng scene with these people.

     May setting ka nga, may dialogues pero paano naman ang mukha ng mga karakter? Ang pangit kasi kung iba ang iniisip namin dapat kasi aligned ang lahat ng ito sa scene at sa dialogue.

     (2.) ✔ Hindi naman lugi dahil hulmang-hulma ni writer ang pagkatao ng mga MCs niya. At may mga magagandang at masasayang punto ang kwento na nagbibigay kulay sa karakter ng mga MCs. 😄😊

     (3.) ✔ Their names were common pero nagbibigay ito ng kakaibang saya sa akin. Hindi kasi ako fanatic sa mga kakaibang mga pangalan. Hihihi. Click na click ito sa akin. 😆

💥Dialogue:

    😑 Alam mo na siguro na sablay ka rito. May mga corrected inlines ako sa kwento mo.

DIALOGUE TAGS - ito 'yong buntot ng dialogue na kung saan nagsasaad ito ng impormasyon sa kung SINO ang nagsasalita. Ito ay ginagamitan ng comma (,) kuwit sa hulihan ng dialogue at salitang nagsasaad ng dialogue.

HAL: "Galit ka. . . alam ko," sabi ni Efren sa dalaga.

NOTE: Vary your dialogue tags at wag mong patayin si "sabi ni" dahil mamamatay iyan pag na-over use.

🔼 ACTION TAGS - buntot din ito ng dialogue na nagsasaad ng aksyon, galaw ng taong nagsabi ng dialogueo sa taong sinabihan ng dialogue. Ito ay ginagamitan ng tuldok (.) period sa hulihan ng dialogue at ang askyon na isinasaad.

HAL: "Tumakbo ka." Suminghal si Jenny pagkatapos ay tumakbo na rin siya.

Let's look at your dialogue endings. Sablay di ba?

    ➡ I glanced my wristwatch is an action, di ba? So dapat you use period instead comma.

    ➡ Hinila ko si Ash is also an action tag so dapat period ang gagamitin.

    Kuha ba? 😄

    🔼✔ Realistic ang mga dialogues mo at hindi ito 'yong mga pilit style para magkaroon lang ng impact. Kaya lang may ibang dialogue na hindi bagay. I suggest na piliin mo 'yong direct to the scene dialogues and illiminate those unnecessary ones. Nagbibigay lang ito ng delay sa usad ng kwento. What are those? 'Yong mga kyaaah, Tsk at Psh! Di ko makuha sense ng mga 'yon.
  
💥Point of View:

    ✔ Makulay mong isinulat sa third person ang buhay ni Jackie. Hindi ito naging boring dahil na rin sa kabibo niya pati na rin sa mga kaibigan niya. Ang mga panghalip ay naayon sa POV na ginamit at wala akong nakita na problema tungkol dito. 😊

💥Show versus tell:

    🔰 Tagilid tayo rito. Kinulang ka rin sa pagpapakita ng mga lugar at kaganapan at maging sa facial expression mo sa dialogue.

    🔰 Nasabi ko na sa settings na kailangan may vivid images tayo kaya ayaw ko nang paulit-ulit. Mas mag-focus tayo sa facial expressions. Dahil sa palagian mong paggamit ng "sabi niya",  nawawala ang pagpapakita sa facial expression ng nagsabi ng dialogue.

    EX1: "Hindi ikaw ang mama ko!" sigaw niya. ❌ (di ito nagpapakita ng facial expression kaya dull, walang emosyon.)

   EX2: "Hindi ikaw ang mama ko!" gigil na sigaw niya, nakatitig siya at na may puot sa kanyang puso. ✔

    So wag matakot kahit na dumami ang buntot ng tags mo, di mahalaga 'yon. Ang importante, napakita mo ang emosyon at kahit ang expression sa mukha. 😄 Okay?

💥Format of the text:

   🔼 Maayos mo namang nairaos ang pagiging malinis ng iyong akda. Wala akong masyadong nakitang kamalian sa larangan na 'to. Maayos din ang haba ng mga paragraph kaya hindi ito mahirap basahin o di kaya boring  sa pakiramdam.  Good job 👍

💥Grammar and spelling:

   (1.) Baybay ng mga salita. Marami akong napansin, but paulit-ulit lang ang mga 'to.

    a. ang paggamit ng gitling.
     * seperating tagalog panlapi at english word.

      nagbabake = nag-babake
      nagsstalk = nags-stalk
      isurprise = i-surprise nakakamoveon = nakaka-move on

     *kapag ang idinudugtong sa panlapi ay vowels ang simula.

      magingat = mag-ingat

    b. mga binawasang salita, medyo mali ang baybay.

    'yung = 'yong
     n'un =  n'on
     n'ung = n'ong
(Just don't be confused w/ U to O)

    c. Maling baybay:
      letrato = litrato.

   2. Capitalization issues.
      Minimal lang 'to. Wag lang kalimutan na kapag hindi proper noun ang salita it should be in the lower case. May lumusot lang na isa baka error lang "Plaza ~ plaza.

    3. Confusion sa comma at period. Remember mo lang na kapag kalakip pa siya sa ideya, use comma. At kapag may panibagong idea na, period ka na dapat.

    EX: Ako ay may lobo. Lumipad sa langit. Di ko na makita. Pumutok na pala. ❌ Para kang robot nyan. Hihihi

    EX: Ako ay may lobo, lumipad sa langit. Di ko na makita. Pumutok na pala. ✔

    (4.) Interrobang (!?) maling-mali iyan sa conposition writing. Isa ang ang paggamit. Dadaanin na rin sa pagnarrate.

    (5.) NANG vs NG -May confusion ka pa dyan konti.

    VERB, Degree (gaano) at Adverb will always use NANG

    NANG dahil sa pag-ibig, umiyak ako.
    Talon NANG talon siya NANG makita ang ama.

     NG nouns lang.

    Sarap ang bico NG Mindanao.
    Nanalo NG pera si Pedring.

    (6.) VARY your words. Marami akong nakitang paulit-ulit na salita at parang nagbibigay ito ng paulit-ulit na ideya na nagtutunog clichè. Ang potek na word isa sa halimbawa. Expression siya so dapat doon lang siya sa dialogues. Wag isali sa narration.

   Ex: Naglakad ako sa may silid. Nakita ko si Leya at naglakad ako papalapit sa kanya. Nag-usap kami pagkatapos ay naglakad kami papalabas. ❌

    Ex: Dinala ako ng mga paa ko sa loob ng aming silid at nakita ko roon si Leya. Nag-usap kami at pagkatapos ay lumabas na kami. ✔

   Just be creative. Marami namang pwedeng gawin dyan. Maraming pwedeng gamitin na salita kaya wag matakot na maubos ito. 😆 Okay?

💥Style:

    😊 Cool ang style mo. I like when you try to make the scenes funny. Isa kasi akong frustrated comedian (HAHAHA XD) kaya hangang-hanga ako sa mga taong napapatawa niya ang mga readers niya. Isa ka sa mga taong 'yon. Good job! 👍

💥Conclusion:

    May talent ka sa pagsusulat at nakita ko iyan sa iyo. You make things into extraordinary kaya lang kinapos lang sa pagpapakita. I suggest you master that one para naman may matibay kang draft, nagpapatawa ka na, may vivid descriptions ka pa. You can do it! Aja! 😂😂😂😅

💥Rating

5 Excellent
4 Above Average    ✔ (4)
3 Average
2 Below Average

🔉Comment inline your feedback about my critic to the following category.

👑Very Satisfied

👑Satisfied

👑Not Satisfied

⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩
Message from Lureylie_new

   Lollies,

      I can't get rid of your book. I'm really enjoying the plot so far. Aasahan mong paminsan-minsan ay makikita mo comments ko. Sana maging kaibigan tayo. 😊

Luren 🌟

Posted by:
¤Founder Seb.¤

Continue Reading

You'll Also Like

180K 2.9K 50
ON-GOING Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid...
1.2M 24.1K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
174K 6.6K 55
(ʀᴇɪɴᴄᴀʀɴᴀᴛɪᴏɴ sᴇʀɪᴇs 1) Lalaine died in a car accident on her way to her sister's shop. but when she woke up she was already on the rooftop, she tho...
95.9K 2.4K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...