The Last Pogi (BXB 2019)

By Ai_Tenshi

402K 16.5K 1.2K

At ngayong 2019, malugod kong inihahandog sa inyo ang pinaka huling miyembro ng grupo. Si Gorien Merrick Rava... More

NOTE:
TLP Part 1
TLP Part 3
TLP Part 4
TLP Part 5
TLP Part 6
TLP Part 7
TLP Part 8
TLP Part 9
TLP Part 10
TLP Part 11
TLP Part 12
TLP Part 13
TLP Part 14
TLP Part 15
TLP Part 16
TLP Part 17
TLP Part 18
TLP Part 19
TLP Part 20
TLP Part 21
TLP Part 22
TLP Part 23
TLP Part 24
TLP Part 25
TLP Part 26
TLP Part 27
TLP Part 28
TLP Part 29
TLP Part 30
TLP Part 31
TLP Part 32
TLP Part 33
TLP Part 34
TLP Part 35
TLP Part 36
TLP Part 37
TLP Part 38
TLP Part 39 END

TLP Part 2

12.5K 502 48
By Ai_Tenshi


PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

The Last Pogi

AiTenshi

Dec 21, 2018

Part 2

"Ernest, tawagin mo na si Gorien, bakit hindi pa siya bumabangon? Wala ba kayong pasok?" ang tanong ng kanyang ina habang abala ang mga ito sa pag kain ng almusal.

"Meron po, kaso ay napagod yata siya sa activity nila kahapon sa campus." ang tugon ko habang nag sasalin ng tsaa sa kanilang mga tasa.

"Umuwi raw ito ng lasing at susuraysuray kagabi, totoo ba iyon?" ang tanong ng kanyang ama.

"Natural lang naman po siguro yung mag kasiyahan sila ng kanyang mga kaibigan." depensa ko

"Oo nga naman hon, saka hayaan mo nang uminom paminsan minsan iyang anak mo. Ang mahalaga ay hindi niya pinababayaan ang kanyang pag aaral, top student pa rin siya at achiever sa campus." ang wika ng kanyang ina.

"Aba e dapat lang. Pamilya tayo ng propesyonal, iginagalang at hinahangaan ng lahat. Basta Raval ay mataas ang expectation ng mga tao sa paligid natin. Ayokong madumihan niya and ating reputasyon." ang sagot ni Mister Raval

"Too much pressure ang ibinibigay mo sa anak mo. Hayaan mo siyang mag enjoy." naka ngiting ng kanyang asawa.

Habang nasa ganoong pag uusap kami ay siya namang pag baba ni Gorien, puyat na puyat ito, gusot ang buhok at pulang pula ang mata. "Good morning ma, pa." ang bati niya sabay upo sa lamesa.

Agad naman akong lumapit para ayusin ang kanyang plato at tasang pag sasalinan ng tsaa.

"Bakit naman nag papakalasing ka ng todo? Delikado ang mag drive ng naka inom, dapat ay alam mo iyon." bukod ng kanyang ama.

"Hindi naman ako lasing kagabi. Masyado lamang exaggerated mag kwento yung mga katulong. Kahit itanong pa dito kay Alipin, hindi ako lasing." pag tatanggol niya sa kanyang sarili.

"Hindi lasing? Wasted ang itsura mo anak. Pati ang mata mo ay sabog na sabog. At isa pa ay hindi alipin si Ernest. Mag pasalamat ka sa kanya dahil tinutulungan ka niya at sinusuportahan sa lahat ng bagay na ginagawa mo. Malaki ang utang na loob namin sa kanyang ina kaya hindi mo dapat siya tawaging ganoon." tugon ng kanyang ina.

Hindi sumagot si Gorien, nag kibit balikat lang ito sabay dakot ng ulam gamit ang kanyang mga kamay na ikinagulat ng kanyang magulang. Mga bagay na ngayon lang niya ginawa. "Anak, nandyan ang kutsara at tinidor, bakit dinakot mo ang ulam?" tanong ng kanyang ina

"Eto ang uso ma, kain na kayo!" naka ngiting wika nito sabay sumpak ng itlog at manok sa kanyang bibig saka ngumiti.

Susyalin pa naman ang kanyang mga magulang, ang ibig kong sabihin ay sanay sila sa pino at kagalang galang na kilos ng kanilang anak kaya medyo na sshock pa sila sa mga pasabog nito.

Ala 1 ng hapon noong pumasok kami sa Campus, katulad ng dati agaw pansin nanaman ito sa kanya suot na unipormeng body fit, pakat ang kanyang matipunong dibdib at ang pantalon ay hapit sa kanyang hita. Nakasuot pa ito ng salamin sa mata na parang genius na gwapo ang datingan. Pag pasok palang sa department ay agad na siya inabutan ng regalo ng beking taga hanga.

Naka ngiti naman niyang kinuha ang mga ito bago pumasok sa student center kung saan naroon ang kanyang opisina sa SSC. Samantalang ako naman ay dumiretso na sa aming silid aralan. Ganyan talaga ang buhay ni Gorien, marami itong trabaho at projects sa council, kung minsan ay talagang hindi na ito nakaka attend ng discussion dahil sa sobrang abala niya pero lagi pa rin siyang nag t-top at namamayagpag. Kabilang naman ako sa top 10, sadyang talo lamang ako sa mga extra curricular activities na may puntos sa ilang piling subjects kaya madalas ay bumabasak lamang ako sa pang 7 o 8 pwesto.

"Himala, hindi ka yata naka buntot sa amo mo?" bungad ni Yel noong umupo ako sa kanyang tabi

"Nandoon siya sa opisina ng council, inaayos yung mga activities ng SC sa darating na foundation day." tugon ko naman

"Alam mo, mahirap maging jowa iyang si Gorien, bukod sa mataas na level ng pamumuhay niya, matalino pa at tiyak na mawawalan siya ng oras sa iyo. Ilang babae na rin dito ang naka flirt niyan, alam mo yun, iniyot lang tapos ay hindi na pinansin. Lalo na yung mga miss campus natin na bumibigay agad. Gwapo kasi, maganda ang katawan at pinapatasya ng lahat." sagot niya.

"Iyon ang mga bagay na hindi ko maaaring pang himasukan sa buhay ni Gorien, basta kung anong gawin niya ay nakasuporta lamang ako." ang wika ko habang inaayos ang aking mga gamit.

"Alam mo kapag palagi kang naka dikit dyan kay Gorien ay hindi malabong mag kagusto ka sa kanya." biro niya

"Hindi ako bakla, hindi ako mag kakagusto sa isang lalaki." ang sagot ko naman.

"Hindi mo masasabi iyan, yung mga siga nga at maton ay nag nakakagusto sa kapwa niya lalaki e. Walang pinipiling kasarian ang pag mamahal, basta tumama iyan sa iyo, BOOM! Sapul! Wala kang magagawa kundi ang hawakan ang puso mo at sisihin ito dahil sa abnormal na pag tibok na mararamdaman mo. Para kang tinamaan ng imbisibol na bala, at mamalayan mo nalang na patay kana, patay na patay sa kanya." naka ngising wika nito.

"Hindi mangyayari iyon. Gusto ko pa rin sa babae ako babagsak at babae rin ang makakatuluyan ko." ang tugon ko naman.

"Hindi natin masasabi iyan." naka ngisi niyang hirit.

Alas 5 ng hapon noong matapos ang aming klase, katulad ng dati ay pupunta ako sa students center para daanan si Gorien. Tiyak na marami nanaman itong dalang alay, ang ibig kong sabihin ay regalo ng mga estudyanteng lubos na humahanga sa kanya.

Malayo layo pa ako sa center ay nakikita ko na ang maraming estudyante na naka pila dito. Nag kakagulo sila, karamihan ay mga babae at beki. Ang iba ay kilig na kilig at napapa tili pa habang nakatayo sa kanilang mga pwesto.

"Anong meron?" ang tanong ko sa isang freshman na beki na nakatayo sa pinaka likod.

"May pa special event si President Gorien ngayon. Nag bebenta sila ng super surplus cellphone 50% OFF! Parte raw ito ng fund raising event nila. At saka mahaba talaga ang pila lalo't dumating yung kaibigan niyang super hot at super gwapo! Hay hindi ko na kaya, parang aatakihin ako sa heart mga bakla!!" ang maarteng salita nito

"Hoy, pumila ka nga dito. Baklang to. Di ka naman vavaihan noh!" ang wika ng isang beki sa akin noong makita akong nakatayo sa kanyang harapan.

"Hindi naman ako pipila." ang sagot ko

"Dapat lang no, di ka naman vavaihan, ang laki pa ng katawan mo. Eww!! Lalakihan ka e!" ang wika nito sabay patalsik sa akin sa kanyang tabi at nag titili nanaman ito noong masilayan sina Gorien at ang kaibigan nitong naka upo sa harap ng lamesa na may mga cellphone na nakalatag.

Iyon ang kaibigan ni Gorien, gwapo rin, maputi, makinis at maganda ng tabas ng katawan ayon sa kanyang bilugang braso at putok na dibdib. Idagdag mo pa yung magandang ngiti niya na nakaka silaw kapag naka ngisi na parang isang loko loko. "Ayos to pareng Gomer! Ganda ng idea mo! Malaki benta natin nito!!" ang masayang wika nito.

"Ayos! O, pumila kayo ng maayos. Huwag kayong mag kagulo mga classmates!" ang wika naman ni Gorien sabay senyas sa kanyang mga tao na ayusin ang pila ng mga nag wiwild na beki.

"Sige naman na Kuya Johan, ibigay mo na sa akin ng 3500 itong Oppo A37. Please!! Saka pa kiss na rin!" ang wika ng beking bumibili.

"4700 bagsak preso na iyan. Saka kapag humalik ka pa sa akin mag kaka charge ka ng 500 pesos. Gusto mo hahalikan kita magiging 5200 ang halaga ng cp na iyan. Saka bagong bago iyan, pinag hirapan kong kuhanin iyan este bilhin iyan. Bagong dating iyang galing bulsa!" ang wika ni Johan

"Baka naman nakaw to kaya mura?" ang pang uusisa ng isang bumibili

"Tang ina, itong mukha kong to? Gwapo at pagwapo ng pagwapo habang tinititigan, mukha ba akong mag nanakaw? Ano bibili ka ba? Sayang yung pila oh, nasisira ang business ko sa iyo." ang wika ni Johan.

"4200, tawad na yung 500. Wala na akong allowance papa Johan. Kundi ka lang gwapo e." ang wika ng beki.

"Sige pwede na iyan. Kunin mo na." ang wika ng binata sabay abot ng cellphone. Agad nitong kinuha ang pera at isinilid sa kanyang bag. Tumayo ito at nag pahalik sa beking bumili ng cellphone.

Halos tumagal ng isang oras ang kanilang pag bebenta hanggang sa masold out ang lahat ng kanilang paninda. Tiba tiba itong si Johan dahil ang kanyang negosyo ay talagang nag click gamit lamang ang kanyang karisma at pambobola sa mga beking estudyante. Abot tenga ang ngisi nito habang nag bibilang ng salapi sa loob ng student center. Si Gorien naman ay nag aayos ng mga papel at gamit sa kanyang table. "Salamat pareng Gomer! Laki ng kita ko ngayon! Hindi na kita papartehan ha, mayaman ka naman e." ang wika nito

Natawa si Gorien. "Ayos lang, ilibre mo nalang ang mga tropa mamaya." ang wika nito

"Syempre mag lilibre ako ng inuman mamaya! Ano, tara na!" ang excited na wika nito.

Habang nasa ganoong usapan sila ay pumasok ako sa center upang yayain na si Gorien na umuwi. Maagang darating ang mga magulang niya kaya tiyak na hahanapin siya sa oras ng hapunan. "Gorien, umuwi na tayo. Maagang uuwi yung mama at papa mo. Sumabay ka raw sa kanilang sa hapunan." ang wika ko.

Napahinto si Johan sa bibilang ng pera. "Boyfriend mo?" kaswal na tanong nito kay Gorien

"Tang ina, hindi ah. Alipin ko iyan. Saka huwag mo nga akong tinatawag na Gorien, masyadong pormal! Simula ngayon ay Gomer na ang itatawag mo sa akin." ang wika nito.

"Tama, mas maganda ang Gomer! Iyon ang tawag namin sa kanya sa Compound!" ang sabad naman ni Johan.

"Saka hindi ako sasabay mag hapunan kina mama. May set kami ngayon sa compound. Umuwi kana at sabihin na malalate ako ng dating. At huwag mong sasabihin na sa barkada ako pupunta maliwanag ba? Kapag sumablay ang dila mo na iyan at ipapakagat ko iyan sa aso hanggang sa maputol." pananakot niya.

"Iyutin mo ang bibig niyan kapag sumablay!" ang hirit ni Johan

Tawanan sila..

"Umuwi kana at ikaw na bahalang mag imbento ng dahilan, dapat yung hindi ako mapapahamak ha." ang wika ni Gorien sabay hagis ng kanyang mga gamit. "Uwi mo na rin iyan at ilagay mo sa kwarto ko." dagdag pa niya

Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Sino ba naman ako para mag pumilit e isa lamang akong hamak na alipin, iyon ang tingin niya sa akin at mukhang hindi na ito mababago pa. "Oy, ano pang tinatayo tayo mo dyan, alis na! Eto dalhin mo pa itong mga bag ko, may mga lamang mahalagang papel diyan, huwag mong hahayaang malukot." utos pa niya sabay patong ng bag sa mukha ko dahilan para matakpan ito na tipong hindi na ako halos maka kita dahil sa daming dala.

Nag tawanan silang dalawa..

Lumapit pa sa akin si Johan at saka nag lagay ng bente pesos sa bulsa ng aking polo. "Pang miryenda mo pre, kawawa ka naman. Sundin mo nalang itong amo mo para walang gusot. Hayaan mo pag na lasing siya mamaya at papainumin ka niya ng mainit na gatas." ang naka ngising wika niya sabay tapik sa aking balikat.

Lahat ng gamit na ibinigay ni Gorien a.k.a Gomer ay inilagay ko sa isang malaking bag at iniayos ko sa likod ng aking motor. Halos nakasanay ko na rin ang ganitong senaryo, na kinakailangan kong tanggapin ang kanyang mga sinasabi alang alang na lamang sa pag tanaw ng utang na loob sa pag papaaral sa akin ng kanyang mga magulang. Kailangan ko rin kasing mag tiis dahil bukod sa allowance na natatanggap ko ay nag kakaroon rin ako ng karagdagang kinikita sa pag tulong sa kanilang bahay iyon ang pinapadala ko sa aking ina sa Nueva Ecija para may pang gastos siya lalo't ang katawan niya ay hindi na ganoon kalakas para mag trabaho.

"Ernest, nasaan si Gorien bakit ginagabi nanaman yata?" tanong ni Misis Raval, ina ni Gomer

"Ah e, may inaayos pa po sa council, mag upcoming projects sa parating na foundation day." tugon ko naman habang inaayos ang lamesang kainan.

"Ganoon ba? O sige umupo kana diyan at sabayan mo nalang akong kumain. Iyang si Gorien ay katulad ng papa niya, masyadong subsob sa trabaho." tugon nito.

Mabait sa akin ang ina ni Gomer, iyon nga lang ay naguguilty ako dahil madalas akong nag sisinungaling sa kanya para lamang mapag takpan ang kanyang anak na nagpupumilit maging astig at cool katulad ng noong mga kabarkada niya sa compound ng Bagong Buhay.

"Ah Ernest, sa susunod na linggo ay mag kakaroon kami ng business trip sa Canada, siguro ay mga two weeks ang itatagal noon at pag katapos may trip rin kami sa ilang bansa sa asya. Ikaw na sana ang bahala kay Gorien. Kapag may problema ay ireport mo agad sa akin."

"Eh bakit po ako? Este ang ibig kong sabihin ay hindi naman po ako sinusunod ni Gorien."

"Kung hindi ka niya sundin ay ayos lang. Ang mahalaga ay mayroong mata at kamay na naka agapay sa kanya. O, heto tanggapin mo, para ito sa nanay mo. Ipadala mo agad sa probinsya." ang naka ngiting wika ng ina ni Gomer sabay abot sa akin ng isang sobrang nag lalaman ng pera

"H-hindi pa naman po katapusan ng buwan. Ibawas nyo na lamang po ito sa allowance ko." ang nahihiya kong tugon.

"Ano ka ba, sa iyo iyan. Sana ay huwag kang mag sawa sa pag tulong sa amin. Kung kailangan mo pa ay huwag kang mahiyang mag sabi sa akin." naka ngiti niyang wika samantalang ako naman ay nag bitiw rin ng matamis na ngiti bilang tugon. "S-salamat po."

Alas 11:30 ng gabi noong dumating si Gomer, ang totoo noon ay sinadya ko talaga siyang abangan sa balkunahe dahil tiyak na lasing nanaman ito.

At hindi nga ako nag kamali dahil pag baba palang niya sa kanyang sasakyan ay susuray suray na ito at hindi makatayo ng maayos sa kalasingan.

Agad ko siyang sinalubong at inalalayan sa pag akyat sa hagdan kung saan naroon ang kanyang silid. Maingat ang aming ginawang pag panhik upang walang magising at walang makapag sumbong na umuwi nanaman ito ng lasing.

Pag pasok namin sa kwarto ay bigla niya akong niyakap dahilan para kapwa kami mabuwal sa kanyang kama. Dito ay napahiga ako at siya naman ay nakapatong sa akin.

Tahimik..

Napatitig kami sa isa't isa..

Kakabigin ko sana ang kanyang katawan ng bigla niya akong sinunggaban ng halik sa labi na aking kinabigla..

Itutuloy..

Continue Reading

You'll Also Like

171K 7K 25
Juni had been crushing on Storm for millions of years. But didn't have the courage to confess his feelings 'coz Storm was quite popular-- and unfortu...
7.1K 585 39
RAIN.BOYS VII [Teen Fiction|Yaoi|BXB] "Sa tuwing umuulan nakakaramdam ako ng matinding takot at lungkot. Para sa akin tanging masasamang alaala lang...
6.6K 503 67
Suddenly, the heart wants trouble.
548K 8.2K 27
Si Louis Castro ang mayabang na Varsity player mahuhulog ang puso sa isang Conservative Church Boy/Theater Performer at napakabait na mala Angel na s...