TLP Part 6

9.6K 431 9
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

The Last Pogi

AiTenshi

Jan 4, 2019

Nag tatakbo ako palabas ka kanilang subdivision para makalayo kay Gomer na bayolente. Parang pinasok na ng kung anong virus ang kanyang utak kaya nanakit na ito. Ito ang unang pag kakataon na sinaktan niya ako ng pisikal, yung mga panlalait na salita ay kaya ko pang tiisin ngunit saktan ako ay hindi dapat.

Noong mga sandaling iyon ay patuloy ako sa pag takbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at wala rin akong pera sa bulsa. Halos 11:30 na ng gabi kaya't wala nang masyadong tao sa paligid maliban sa mga sasakyang dumaraan sa kalsada.

Mabuti na lamang at nakita ko si Yel na bumibili ng pag kain sa 7/11. Agad ko siyang nilapitan at humingi ng tulong dito.

Part 6

"Magang maga yung mukha mo o, nangingitim." ang wika ni Yel habang nilalagyan ng yelo ang aking pisngi

"Lasing si Gomer kaya siguro ay napalakas ang suntok niya." tugon ko

"Ke lasing kay hindi ay mali ang ginawa niya. Muntik pang mabura ang nguso mo. Paniguradong mag kakapasa iyan bukas. Ang mabuti pa ay dito kana muna umuwi dahil tiyak pag bubuhatan kana naman ng kamay ng amo mo."

"Paano bukas? Dapat ba na iwasan ko na siya? O dumistansiya kaya?" tanong ko

"Aba e dapat lang na iwasan mo na siya dahil baka sa susunod ay hindi kana makilala kapag patuloy ka pa niya pinag buhatan ng kamay. Hindi ka naman OFW na naninilbihan hano. Mag li-lo ka sa pag sunod sa kanya. Para kang anino e. Ang tanong ay kung kaya mo ba? Baka naman kasi nahuhulog kana dyan kay Gorien."

Natahimik ako at hindi agad naka sagot. "May feelings kana ba dyan kay Gorien? Kung sa bagay hindi na talaga nakapag tataka iyan dahil madalas kayong mag kasama."

"Wala akong ibang nararamdaman sa kanya kundi purong pag kainis! Gago siya!" ang galit kong tugon sabay patong ng ice bag sa aking pisngi.

Dahil nga sa ginawang pananakit sa akin ni Gomer ay nag pasya akong sumama muna kay Yel. Naka tira siya dito sa apartment kasama ng kanyang mga pinsan. Mabait naman ang lahat sa akin dahil halos ilang taon na rin kaming mag kaibigan ni Yel simula pa noong lumipat ako dito sa siyudad para mag aral. Halos siya lang yata ang madalas kong mag sabihan ng aking mga problema o sikreto kaya palagay na rin ang aking loob sa kanya.

Kinabukasan..

Pag pasok ko sa gate ng campus ay nag tuloy tuloy agad ako sa aming classroom. Pansin na pansin ng lahat ng malaking pasa sa aking mukha dulot ng pag suntok ni Gomer. Hanggang ngayon ay kumikirot pa rin ito at magang maga.

The Last Pogi (BXB 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon