Rodavlla Samiera University:...

By BraveJoan01

21.8K 2.1K 153

June 13, 2020 Rank #1 Unreliable June 3, 2023 Rank #1 wpawards Amira had always been close to any tr... More

CAST AND CHARACTERS
Prologue
CHAPTER 1: Hello Philippines
CHAPTER 2: Mall
CHAPTER 3: First day of trouble
CHAPTER 4: Demonic Eye Gang (D.E.G)
CHAPTER 5: Meet Kevin Steeford
CHAPTER 6: Fight or Trouble?
CHAPTER 7: Infirmary
CHAPTER 8: Chester & Arzi
CHAPTER 9: S. Fire
CHAPTER 10: Ace of Spade (You're Dead)
CHAPTER 11: Dangerous way
CHAPTER 12: Invitation
CHAPTER 13: Punishment
CHAPTER 14: The truth
CHAPTER 15: Acquaintance Bloody Party
CHAPTER 16: In Hospital
CHAPTER 17: Blush
CHAPTER 18: Gangsters Group
CHAPTER 19: With them
CHAPTER 20: I miss you!
Ms. BraveJoan01's Note
CHAPTER 21: History
CHAPTER 22: Volleyball
CHAPTER 23: New Group of Gangsters
CHAPTER 24: Under the Rain
CHAPTER 25: Underground Battle
CHAPTER 26: Star Bravierz
CHAPTER 27: Star Bravierz vs. Black Angel
CHAPTER 28: Boyfriend
CHAPTER 29: DIE
Chapter 30 : Tape
CHAPTER 31: Looking for Amira
Chapter 32: Poor Amira!
Chapter 33: I'll court you!
Chapter 34: Date
Chapter 35: James & Joanna
Chapter 36: Christoff
Chapter 37: Death Threat
Chapter 38: Star Bravierz vs. Red King Warrior
Chapter 39: Finding Joanna
Chapter 40: Lover's Quarrel ( Jealous )
Chapter 41: Star Bravierz vs. Demonic Eye
Chapter 42: Suspicious
Chapter 43: Big Reveal
Chapter 44: Take the chance
Chapter 45: Letting go
Chapter 46: Keychain
Chapter 47: Kienna in danger
Chapter 48: Painful
Chapter 50: The Bloody Clash
Chapter 51: Her Last word
Chapter 52: After a few days
Epilogue
Miss BraveJoan01's Note

Chapter 49: Debut

228 15 1
By BraveJoan01

Amira's POV

Bumukas ang lahat ng ilaw sa court na nagbigay ng liwanag sa kaninang madilim na paligid. Naiharang ko pa ang kaliwang kamay ko sa mukha ko at napapikit dahil nakakasilaw ito sa mata dala ng pabiglang pagbukas ng mga ilaw.

"Happy birthday, Princess Young Lady."

Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa harap ko ang sangkaterbang confetti at ang pagbagsak ng mga lobo mula sa itaas.

Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang mga nakatayo at nakapalibot na estudyante. Ang iba ay nasa hagdan at ang iba ay nasa baba. Marami ding mga lamesa at upuan na binalutan ng puting mantle at nakaribon ang kulay pink, blue, violet, at red na ribbon sa mga upuan. At may mga nakapatong na flowers sa bawat lamesa. Nakita ko si Lolo, si mom and dad, si kuya Mike at si Cath na nakangiti habang nakatingin sa 'kin. Nasa taas sila ng stage. Oo, nagkaroon ng stage sa loob ng court. Ang galing 'di ba? Malamang pinalagay ni Lolo 'yon. Nilagyan ng harang yung isang basketball ring tapos doon inilagay yung stage. Malamang gawa sa kahoy 'yon. Alangan namang semento, eh 'di hindi naalis.

Ngayon ko lang narealize na nasa gitnang parte pala ako ng court. At nasa tabi ko itong dalawang baliw na kaibigan ko.

"Ayos ba?" Nakangiting sabi ni Zils habang nataas baba pa ang kilay. Kaya pala. Sabi na 'eh.

Mahimbing akong natutulog sa dorm room namin kanina nang gisingin ako ng dalawang ito. Pinagbihis ako ng fitted na red dress na above the knee. Half half siya. Sleeveless yung kanan, yung kaliwa hindi. Kumbaga kita yung kanang braso ko pati shoulder. Then, yung kaliwang braso ko naman ay hindi kita dahil mahaba yung pangkamay nito, pero off shoulder. So, kita yung shoulders ko. Gets niyo ba? Bahala kayo d'yan. Nakahigh heels ako. Nakaponytail at syempre naka make-up. Suot ko rin yung necklace na bigay ni.. ni Rylie. Gusto kong isipin na sana magkaibang tao na lang sila. Haaay. Then, yun dinala na nga nila ako dito nang nakapiring. At heto na nga ang dinatnan ko.

I sighed.

"What's this?" inis na tanong ko.

"Surprise." pang asar na sagot nung dalawa.

Alam nila at alam din nina Lolo na ayaw kong magparty. Hindi na ako bata. Sabi ko sa kanila yung ipangpaparty ko, peperahin ko na lang. Charr.. Pero ayoko talaga ng party, lalo na't ganito. Nakakahiya, ang daming estudyante. Tsaka, sabi ko rin na baka may hindi magandang mangyari. Hindi naman sa ang nega ko pero iniisip ko lang rin kasi yung kapakanan ng mga estudyante. May iba kasi akong nararamdaman. Hindi maganda. Naalala ko lang kasi yung letter na natanggap ni Lolo, yung Death threat. Anumang oras pwedeng sumugod ang kalaban. Hadlang sila sa anumang kasiyahan ng Salvador. At ngayong magsasaya ang lahat hindi imposibleng may mangyaring hindi kaaya aya.

"Don't worry, my granddaughter. Maraming reapers sa labas. Nakapalibot ang mga tauhan ko. And if there's something wrong nagpahanda na ako ng mga military. Kaya ligtas tayo. Gusto mo magpahanda na rin ako ng ambulance eh."

"Joke lang apo. Masyado naman kasing seryoso ang mukha mo." sabi ni Lolo gamit ang microphone nang mapansin niyang seryoso pa rin ang mukha ko.

"Don't worry, Mirs. Handa rin ang mga gangsters." sabi ni Sandy.

Hinanap ko ang mga kapwa ko gangsters. Nakapwesto sila malapit sa kung saan nakapwesto ang stage. Nagthumbs up pa nga sa 'kin si Mike at ang grupo nito.

Wala na akong nagawa kaya nakisakay na lang ako sa mga pakulo ng pamilya ko. Naglakad ako papuntang stage kung saan nandoon ang pamilya ko. Binati ako ni mom and dad, pati si kuya Mike. Na-miss ko sila.

Hanggang sa nagsimula na ang event. Teka.. anong oras na ba? Tiningnan ko ang wrist watch ko. 8:25pm.

Kumain muna ang lahat dahil gutom na daw sila. Well, ako din naman.

Nang makakain na kami at makapagpamahinga ay nagsimula na yung mga 18 keme. Dapat ganito muna yung una eh, hindi yung kainan. Pero, bayae gano'n din naman 'yon.

Naganap na nga ang 18 gifts. 18 pandas. 18 candles.

I have no idea na mangyayari 'to. Nagawa talaga nilang magplano ng ganito 'to ha. Nakakatuwang malaman na naisip nila na mahilig ako sa panda. Kahit ano basta panda.

Hanggang sa 18 roses na.

Unang isinayaw ako ni dad, sumunod si kuya Mike, tapos si lolo. Sumunod ang R.K.W. na sina Cydell, Skyler, Jack, Nike and Phildom. Pagkatapos nila ay ang D.P.G. naman na sina Mike, Frank, Lance, Kyze. Hindi ko rin inaasahan ang pagdating ni Christoff, pang 13 siya na nagbigay ng rose at nagsayaw sa 'kin. Sino kaya ang kukumpleto sa 18 candles ko? Eh, wala na naman akong ibang close dito. Sayang lang at wala sila sa espesyal na araw ng buhay ko.

Nang matapos akong isayaw ni Christoff ay bumalik na siya sa kaninang pwesto niya.

Nagkaroon ng kasunod na tugtog at nag aantay ako kung sino ang susunod na magbibigay ng ika- 14 na rose at magsasayaw sa 'kin. Tumingin ako kina dad na nakatingin sa may pinto ng court at gano'n din yung mga estudyante. Nagkaroon din ng konting ingay at tila kinikilig pa ang ilan sa mga kababaihan na nandito, kaya tumingin din ako doon sa kung saan sila nakatingin. Bahagyang nagsalubong ang kilay ko ng makita ko ang isang pamilyar na mukha na naglalakad palapit sa 'kin.

"Jeff?"

"Hi, Amira. Happy Birthday!" sabi ni Jeff nang makalapit sa 'kin at ibinigay ang isang red na rose at isinayaw ako.

"What are you doing here? Paanong... bakit..."

"Pwede bang mawala ako sa pinakaimportanteng araw sa buhay mo? Friends tayo 'di ba?" nakangiti niyang sabi.

Hindi pa rin ako makapaniwala na si Jeff ang kaharap ko. Posible kaya na nandito din yung iba.

"Nasaan yung iba?" tanong ko na ikinakunot ng noo niya.

"What the?... I'm here, then hahanapin mo 'yong wala. Respeto naman d'yan." pabiro niyang sabi dahilan para matawa ako ng bahagya.

"Sorry na." napatawa din siya sa sagot ko.

Nang matapos ang tugtog nag hug kami at nagpaalam na siya na uupo na siya dun sa kung nasaan ang mga kapwa gangsters namin na sina Cydell. Nag apiran pa nga sila at mukhang na-miss ang isa't isa.

Napatingin ako sa likod ko ng may nanguwit sa 'kin.

"Happy Birthday!" masayang bati ni...

"Niel." nakangiting sabi ko at napayakap pa ako sa kaniya.

"Halatang na-miss mo 'ko ah."

"Ofcourse."

Oo. Na-miss ko itong makulit na ito. Parang kapatid na ang turing ko sa lalaking ito 'eh sa sobrang close namin. Madali kasi siyang pakisamahan simula una palang.

Nang matapos niya akong isayaw ay sumunod naman si Kiel, then sumunod ay si Zach. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.

"Miss me?" tanong ni Zach.

"Ofcourse. Ikaw? Na-miss mo ba ako?"

"Sobra." nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin dahil sa naging sagot niya. Ang sincere kasi nung pagkakasabi niya. Parang may iba.

"Amira."

"Hmm." tugon ko habang nakatingin sa kaniya.

"Ngayon ko lang ito sasabihin."

"Alin?"

"I like you. Matagal na."

*Speechless

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Okay lang. No need to speak. I just want you to know that I like you umpisa pa lang. Do you still remember our first met at the mall? Yung inaabot mo yung marshmallow?"

Ay Oo, I still remember that. Si Zils kasi gusto ng pasalubong kaya marshmallow yung binili ko.

"You got my attention at that time. Na- love at first sight ata ako sa 'yo nun 'eh. Ang taray mo pa nga noon." sabi ni Zach habang natatawa. Napangiti naman ako. Ang daldal niya ngayon ah.

"Then, the second time na nakita kita dito sa University. I'm shock at that time. Nag assume pa nga ako na maybe destiny tayo. Funny right?" sabi niya. Hindi pa rin ako makapagsalita. Nakatingin lang sa 'min ang mga tao habang nagsasayaw kami dito ng sweet dance.

"Matagal ko nang gustong sabihin sa 'yo na gusto kita, but was afraid kasi baka layuan mo 'ko. We're friends, right? And I don't want to come the day na may magbago sa relationship natin. Kaya itinago ko na lang." ngumiti siya ng mapait.

"Until, I found out that there's something between you and him."

Mula sa pagkakatitig ko sa kaniya at ibinaba ko ang tingin ko sa sahig.

"You like someone but that was not me, and it hurts."

Bumalik ang tingin ko sa kaniya. Nasasaktan ako  sa nakikita ko. Nasasaktan ako dahil nasasaktan siya ng dahil sa 'kin. At ang mas masakit pa ay matagal na pala siyang nasasaktan pero hindi ko alam.

"But the most painful is.. that 'someone' is my bestfriend."

"I'm sorry!"

"It's okay." Napangiti siya ng mapait. "I know that you are not only like him. You love him, right? Even if you don't say that, even if you hide it. I still can see that through your act. And it's obvious, that Kevin have feelings for you."

Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko.

"No. He doesn't love me."

"How did you know?"

"He said that."

Napangiti siya.

"Words can lie but not the action."

"What do you mean?"

"I know Kevin. Simula bata pa lang kami magkasama na kami. I know every act of him. I know if he lied or not. I know how he think. And I know who's in his heart."

"But he said that--"

"I know your both situation. I see how Kevin suffered without you. Kung alam mo lang kung gaano niya kinukumbinsi si Tito, ang dad niya. Kevin was so desperate."

"Why did you tell this to me?"

"I just want you to be happy and I want my bestfriend to be happy. And you two will embrace the true happiness.. together. So that, I'll be happy for the both of you."

Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya pero iniintindi ko na lang din. Gulo 'no?

"What time is it?"

"Huh?"

Yung nagdadrama siya tapos biglang magtatanong ng oras. Tiningnan ko naman yung wrist watch ko. Nailaw 'to eh kapag pinindot sa tabi.

"11: 30pm na pala?"

Pagkasabi na pagkasabi ko ng oras ay biglang namatay ang lahat ng ilaw. Hindi lang sa court kundi sa buong University. Wala akong makita. Malamang.

Tumigil din ang pagtugtog ng music. Ang tahimik ng paligid. Nawalan kaya ng kuryente? O...

"What happened?" nakaramdam ako ng kaba. Ito na ba yung kinatatakutan ko? Ang pagsugod ng mga kalaban.

"Good luck." bulong ni Zach at binitawan na niya ako. Tinawag ko pa siya pero hindi na siya sumagot pa.

Heart beats fast

Sa panimula pa lang ng kantang narinig ko ay nadagdagan na yung kaba na nararamdaman ko kanina. I know that voice.

Colors and promises
How to be brave?

Nagpatuloy lang ang kanta pero nananatili pa rin na madilim. At nandito pa rin ako, hindi umaalis sa kaninang pwesto ko.

How can I love when I'm afraid to fall?
But watching you stand alone
All of my doubt suddenly goes away somehow

Tanging ang mga tunog ng sapatos lang niya ang naririnig ko papunta sa direksyon ko.

One step closer

Biglang bumukas ang lahat ilaw.

I have died everyday waiting for you

Hindi nga ako nagkamali. It's him. Standing in front of me, holding red rose. At may lapel sa may bibig niya na nagsisilbing mic niya.

Darling don't be afraid I have loved you
For a thousand years

Iniabot niya ang pang eighteen na red rose sa 'kin habang kumakanta siya.

I love you for a thousand more

Pinunasan niya ang luhang tumulo mula sa mata ko gamit ang right thumb niya. Umiiyak na pala ako.

Kinuha niya yung dalawang kamay ko at ipinatong sa balikat niya. Then, hinawakan niya yung bewang ko. I'm now dancing with him. Hindi ako makapagsalita. Napipe na ata ako. Nanatili lang akong nakatitig sa mga mata niya na tila nagungusap at gano'n din siya sa 'kin. Nakalimutan ko na nga rin na may mga tao nga pala sa paligid pero feeling ko may sarili kaming mundo ngayon.

"I'll love you, Amira, for a thousand more," sabi ni Kevin at pinunasan niya ulit yung luha ko. Nagtuloy tuloy na kasi ang pagbagsak ng mga luha ko. "I'm so sorry for everything." Tuluyan na nga akong napaiyak pero dahil sa tuwa.

"Nakakainis ka." sabi ko sabay suntok sa dibdib niya dahilan para matawa siya.

"Why?"

"Why bagang.." sabi ko at pinunasan yung luha ko. Ba't ba ayaw tumigil ng luha ko. Kainis. "Why are you here?"

"Obviously. I'm here to surprise you, to see you. I know I have a lot of mistakes that made you hurt, and I'm sorry for that. I know that you'll never going to hurt Kienna. My mind was closed because of my dad. Everyday, every night you're always in my mind. At kahit sa panaginip ko, nandoon ka. Ang hirap mo palang kalimutan." sabi niya sabay tawa. "Until one day, I realized that I just don't like you, because I love you. And I think I can't live without you. So, I talked my dad and we argued. Sinuway ko siya. That's why I'm here. I know na hindi niyo siya mapapatawad pero humihingi pa rin ako ng tawad sa mga maling ginawa ni dad sa pamilya niyo. And I am sorry again for my mistakes. Can you forgive me, Amira?" Napangiti ako.

"God forgive us. Who are me to not forgiving you?"

"So, pinapatawad mo na ako?" tumango ako.

"Amira, in front of this people around us, in front of your family and friends,  can you be my girlfriend, again?"

Tumingin ako sa family ko na ngayon ay nakangiti. Mukhang alam talaga nila na mangyayari ito. Mukhang planadong planado ito ah.

"Can we continue what we--"

"Yes." pagputol ko sa susunod na sasabihin pa ni Kevin. Ang dami pa kasing sinasabi. Eh gano'n din naman yung magiging sagot ko.

"Really? You're now officially my girlfriend, again?"

"Ayaw mo ba? Bahala ka. Baka magbago isip k--"

"YES! KAMI NA NI AMIRA. SHE'S MINE." sigaw ni Kevin at itinaas ang magkahawak naming kamay dahilan para magsigawan ang mga tao.

"Sshh.. don't shout."

"Why? Kung alam mo lang kung gaano ko gusong isigaw sa buong mundo na tayo na." Halata sa mukha niya ang kasiyahan. "Ay, wait. Wear this." sabi niya at isinuot sa wrist ko yung bracelet na ibinalik ko sa kaniya noon. Akala ko itinapon na niya. "You're always important to me 'cause you're my happiness, my life, my world and my everything."

"Thank you!" sabi ko.

"I love you too." sabi naman niya habang nakatawa. Napangiti tuloy ako. Niyakap ko siya sabay sabing "I love you, Kevin."

Nagbitaw kami nang tumunog yung phone ko. Kinuha ko.

Unknown number
Don't be happy. The enemy's are there. You only have 60 seconds. Tik tak tik tak.

_____

07-01-19

A/N:

Braveeeeeers, R.Siaaaaaaans, ilang chapter na lang. Yieeeh haha.

Epilogue is on the way. BWAHAHAHA!!

Thank you for the votes and comments! Love you, guys. Mwaaah!

Time check: 12:55am

Continue Reading

You'll Also Like

96.7K 4.3K 38
LOVELY BUT DANGEROUS. [📚BOOK #1: COMPLETED][STILL UN-EDITED] 📚BOOK # 1 Title: The General Gangster Academy. ✒Genre: Action-Romance. 📌Finished Date...
18.2K 581 25
**BOOK #2 of The Promise Series** ❝ We finally escaped the maze, but with what costs? I miss Ben. I miss Clint. I miss Zart. I miss Jeff. I miss A...
281K 19.2K 32
will you remember that i existed, and that i stood next to you here like this? athazagoraphobia written by ella 2016
68K 2.3K 57
In this PANDEMONIUM WORLD, so many questions that finding the answers can kill you. EVERYTHING WAS DIFFERENT. It's a different time, different place ...