The Sacred Rule of Love - (PU...

By j_harry08

2M 56K 7.9K

Zoe Aldana cannot catch a break. In her anger and grief, she summons the man in her portraits - ang kaniyang... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 34

28.9K 880 151
By j_harry08

Chapter 34

            We left that place with a heavy heart. Parehas kaming nanahimik ni Alex all the way sa airport dahil hindi namin alam kung paano na ang gagawin namin. Yung last straw ng sinasabi kong pag-asa eh parang nawala pa na parang bula. I guess it was wrong of me to put a lot of my hope doon kay Armando. Maybe Alex and I can never be.

            “Guardian angel? G-guardian angel po kayo?” tinanong ko sa kanya after kong marinig yung sinabi niya.

            “Dati, hindi na ngayon…” sinagot niya kaagad, “I was reborn and I grew up like you.”

            Naaalala ko pa yung mukha nung Armando. Nakatingin lang siya sa akin nung sinabi niya na pinanganak siya na katulad ko at nagkaroon siya ng pamilya na katulad ko. He started over like all of us.

            Tinignan pa niya si Alex nun, “Ipapanganak ka uli habang siya,” tumango siya sa side ko, “--tatanda. Oo nga magiging mortal ka pero hindi ibig sabihin na kung ano ka ngayon, ganun ka rin kapag hiniling mo. Lahat may kapalit.”

            “How did you remember all of this if you were reborn?” tinanong ni Alex sa kanya ng deretsahan, “If you started over?”

            Walang hesitation na sumagot yung Armando, “Dahil lahat ng mortal may anghel na sumusunod. I was assigned one. Professor na ako sa university nung simulang makita ko siya.” Inilayo niya yung tingin niya sa amin at ipinakita niya yung isang charcoal sketch ng isang napakagandang mukha ng isang babae, “Nung mga panahon na may naaalala ako na mga mukha ng mga taong hindi ko kilala, siya ang nagpaliwanag sa akin ng lahat. Na anghel daw ako dati at mukha ng mga taong tinulungan ko ang nakikita ko. Pero siyempre, wala naman akong matandaan. Alam ko lang, naniniwala ako sa kanya.” He bit his lip for a little bit, “Hindi ko alam kung hiniling ko bang maging mortal para sa sarili ko, o katulad mo na gustong maging mortal para makasama ang isa pang mortal. Does it matter?” tinanong niya kay Alex, “I don’t know if there ever was someone in that point of my existence. Because I just. Don’t. Remember.”

            Nakita ko nun si Alex na hinawakan yung ulo niya. Gusto ko nun na yakapin siya pero hindi ko nagawa. It’s one thing to be reborn at hindi kami mabubuhay ng sabay, but it’s also one thing na hindi niya ako matatandaan. Walang luha na gustong lumabas sa mga mata ko dahil alam ko—kahit papaano—may paraan naman siguro. There has to be.

            “I’ll see you later…” narinig ko na sinabi ni Alex nung malapit na akong mag-board sa plane. He looked really down, and he didn’t seem to want to talk about it. Hindi pa ako nakakalayo nun, he disappeared.

            I tried to sleep off yung maikling flight ko nun pero hindi ko pa rin nagawa. I kept playing the conversation over and over doon sa ulo ko. I think I was psyching myself out. Gusto kong makatulong at makahanap ng paraan, pero parang wala akong magawa.

            As soon as I landed doon sa airport at kakalabas ko pa lang, nakita ko na may malaking cardboard sign doon sa mga taong naghihintay na nakalagay eh, ‘Waiting for my beautiful girlfriend, Zoe Aldana’ at may heart pa doon sa dulo. Kahit na maraming tao doon, hindi  mo mami-miss dahil malaki yung sign at yung may hawak pa eh sobrang tangkad na tao na parang poste. Naka-sunglasses pa siya at ngiting-ngiti na kumakaway sa akin. Lumakad naman akong papunta sa kanya, “Hoy anong kalokohan yan? Ibaba mo nga yan!” kinuha ko naman yung cardboard sa kanya, “At anong ginagawa mo dito sa airport ha Jax?”

            “Sinusundo kita, hindi ba halata?” nakangiting pagsabi niya sa akin.

            Nagtinginan naman yung mga tao na kasabayan niya at nagsimula na kaming asarin na dalawa. Feel na feel naman ni Jax yung mga sinasabi dahil umakbay pa sa akin at panay ang sabi na ang ganda daw ng girlfriend niya at ang swerte daw niya. Ngumiti na lang ako bago ko pa siya piningot at hinila doon sa gilid.

            “Umuwi ka na nga!” sinigawan ko naman siya, “Magpapasundo ako sa Daddy ko no…”

            “Your Dad called me to pick you up…” sinagot niya naman kaagad, “Close na kami ng future father-in-law ko.”

            “Father-in-law mo yang mukha mo…” I answered back.

            Inagaw naman niya sa akin yung maleta ko. Wala na akong magawa dahil ini-lock niya na kaagad doon sa trunk ng kotse niya at pinagbuksan pa ako ng pinto, “Sakay na, Your Highness!”

            Natawa na lang ako sa kanya. Somehow, kahit na madalas akong magalit kay Jax, yung kakulitan niya ngayon eh tumutulong na makalimutan ko kahit papaano yung nangyari sa Davao.

Are you around Alex? Okay lang namang kasama ko si Jax ngayon ‘di ba? Hindi ka naman siguro magagalit.

            Ganun na nga yung nangyari. Sumakay ako sa kotse ni Jax and he played this really loud music at panay pa ang tap niya ng kamay niya doon sa steering wheel. Napansin ko naman na hindi siya lumiko doon sa direksiyon papunta sa bahay namin, “Hoy doon kami ah!” sinigaw ko sabay turo doon sa kanto. Sumagot naman siya at tumingin sa akin saglit, “Kain muna tayo. Gutom na ako! Ihahatid kita pagkatapos.”

            I didn’t argue with him kung kakain lang naman. We ended up at this small Thai-Chinese fusion restaurant na hindi ko pa nakakainan. Mukhang okay naman. “Libre mo ko ha. Wala akong wallet…” I told him right ahead bago pa siya umorder para sa aming dalawa. He just gave me a thumbs up.

            “Kumusta naman ang trip niyo sa Davao?” tinanong niya ako ng walang paliguy-ligoy, “Nakuha mo naman ba yung sagot na gusto mong marinig?”

            Hindi naman ako nakasagot. Instead, uminom na lang ako ng juice doon sa harapan ko. So ito pala ang ibig sabihin ng pagsundo niya at pagyaya niya sa akin. Gusto lang pala niyang malaman kung ano yung sinabi nung Armando sa amin ni Alex. “Okay lang” I answered back.

            He leaned on the table at ngumiti lang ng nakakaloko, “It sounds like it wasn’t a very good trip…” sinabi naman niya, “I’m guessing there’s no way your angel-boyfriend can be a mortal?”

            “Do you know something we don’t?” tinanong ko naman siya, “Kasi kung alam mo naman na kung anong sinabi sa amin nung Armando, bakit hindi mo na lang sabihin sa amin kung may alam ka?”

            He turned defensive after that, “I don’t know anything okay? Besides, I warned you already na hindi pwede yung gusto mong mangyari. Just give it up, Zoe.”

            “No.” I firmly answered, “Marami ng imposibleng nangyari. Ngayon pa ba ako mawawalan ng pag-asa na wala ng iba pang paraan?”

            “You’ll get hurt, and this will not end well.” He told me. “When you can just like me and be done with it.”

            Hinawakan ko naman siya sa pisngi niya, “Jax… don’t. Okay?”

            Dumating naman yung pagkain at nilagay nung babae sa harapan namin. Kinausap lang ni Jax yung nagse-serve na okay lang kami at saka naman umalis yung babae. He started eating in front of me at parang totoo yung sinabi niya kanina na gutom na gutom na siya, “You’re getting him in trouble you know that right?” tumingin siya sa akin, “He’s bending rules for you and that’s not supposed to happen.”

            “Anong gusto mong gawin ko?” Alam ko na tama si Jax kaya nasasaktan ako. He is bending rules at ako ang dahilan. I’m creating this one big mess na hindi naman talaga dapat. “Iwan ko si Alex?”

            “Do you think that’s possible?” umiling naman si Jax sa akin, “Hindi ba ikaw ang tumawag sa kanya simula pa lang? You created this connection with him kaya mo siya nakikita. You’re the only one who can stop it. Stop the connection with him. You won’t be an oculus and you can return to how you were before.”

            Parang nagagalit na naman si Jax nun at nakita ko na sinubukan niyang pigilan yung outburst niya. I was surprised with him sa pagco-control niya sa sarili niya. Malaking improvement na yun sa kanya considering he gets ahead of his emotions and he just goes out of whack sometimes.

            “I love him Jax…” inamin ko naman kaagad sa kanya, “Mahirap bang paniwalaan yun?”

            “I don’t doubt that you do!” sinagot naman niya sa akin, “But does he love you back? Genuinely?” I was appalled by what he just said kaya napatayo akong bigla at gusto ko ng umalis doon sa restaurant. He suddenly grabbed my wrist at mahigpit niya akong hinawakan, “Listen to what I have to say. You do that all the time Zoe!” tinaas niya yung boses niya kaya napatingin yung ibang mga kumakain sa gilid, “Just hear me out. I’m not just an asshole you always see me as.”

            Mukhang seryoso naman siya doon sa sinasabi niya kaya naupo ako uli. Saka lang niya binitawan yung kamay ko nung nakasigurado siya na hindi na ako aalis. Nilagyan pa niya ng pagkain yung plato ko at pinipilit niya akong kumain. I don’t understand why he does that all the time. Okay sa simula and then he turns it into a chaos. “Anong sinasabi mo? Sinungaling si Alex?” tinanong ko siya, “I think he feels the same way about me.”

            “You don’t get it, do you?” binaba niya yung tinidor niya at tumingin siya sa akin, “He does not feel the same way.”

            “What makes you so sure? Bakit umaarte ka na parang alam mo ang lahat? It’s really irritating.”

            Iniwas niya yung tingin niya sa akin. Pinikit pa niya yung mata niya before he started talking again, “Zoe, you have a connection with him. I’m sure sinabi niya na yun sa iyo?”

            “And so?” I asked him again.

            “So? He feels what you feel. Kung mahal mo siya, iniisip niya na yung pakiramdam na iyon eh sa kanya rin, when in reality, he’s just feeling yours. What happens if you take that connection away?” Napahinto ako nung sinabi ni Jax yun. My shoulders dropped at the realization nung sinabi niya. Wala akong masabi dahil naisip ko na baka may katotohanan yung sinasabi niya. Para akong nabibingi nun sa narinig ko. I thought I was going to pass out nung sinabi niya na, “When you take that away, he’ll feel nothing.”

***

            “Ang pogi talaga nung TA! Tignan mo!” usap-usapan na naman sa school nung pumasok ako at kakarating ko pa lang sa building. Marami na namang nag-aabang kay Alex doon sa labas na hindi naman talaga students ng building namin. Puro tumatambay lang doon para makita siya, “Hindi ba girlfriend niya si Zoe Aldana? Hindi kaya nilandi ni Zoe sa klase?”

            Tatalikod na sana ako para pagsabihan sila dahil hindi maganda ang umaga ko nung maunahan ako ni Alex na lumapit doon sa dalawang babae na nakatayo. They started freaking out dahil nasa harapan nila si Alex—which made it funny. May sinabi si Alex sa kanila at nakita ko na lang na tumatango sila parehas bago pa sila umalis. They didn’t seem upset. Mukhang masaya pa silang dalawa.

            After nun, lumapit na siya sa akin at sumabay lumakad. Diretso lang ang tingin ko nun at hindi ko pa siya tinitignan habang siya naman eh naka-lean sa akin sa gilid, “Saan ka nagpunta kahapon? After you landed?”

            Tinignan ko siya bigla, “Are you seriously asking me that? O nagloloko ka lang?” tinanong ko naman siya, “You’re my guardian angel. Hindi ba dapat alam mo?”

            Nag-iba naman yung expression ng mukha niya bigla, “Oh. That.” Sinabi niya kaagad, “I had a hard time finding you yesterday.”

            “Ano? Is that normal? Hindi kaya dahil diyan sa--- ” hindi ko natuloy yung sinasabi ko, “Did you ask somebody tungkol diyan sa markings mo?”

            “No.” He answered right ahead. Nakita niya siguro yung galit ko doon sa sinabi niya, “But I will. Soon.”

            Humarap naman ako sa kanya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanya. Matigas din ang ulo. Ayaw niya akong mag-worry pero gumagawa siya lagi ng bagay-bagay na dapat ika-worry  ko, “Kung ayaw mo magtanong sa archangel mo, can we try to find somebody else?”

            “Huh?” parang nagtataka siya sa akin nun.

            Hinila ko nun si Alex at kahit na nalilito siya, sumunod na lang din siya sa akin. I kept hearing him say na wala daw makakaalam kung anong nangyayari sa kanya dahil ang tanging may alam lang nun ay yung mga angels na katulad niya. But still, I want to try. At dahil isang tao lang ang alam ko na may alam sa ganun—it never hurts to ask.

            “Zoe nandito ka!” sabi nung isang babae na kumaway pa sa akin nung nakarating na kami sa kabilang building. Nabaling yung tingin niya kay Alex and she seemed to have been shocked, “K-kasama m-mo si….si…”

            I cut her off, “Si Jax? Pumasok na ba siya?”

            Hindi pa rin siya makapagsalita at nakatitig lang siya kay Alex. She absentmindedly pointed doon sa loob ng room. I looked around doon sa loob ng classroom at saka ko nakita si Jax na mukhang natutulog pa doon sa desk dahil hindi pa nagsisimula yung klase niya. Pumasok pa ako habang hila-hila ko pa rin si Alex at huminto ako doon sa harapan ng upuan ni Jax. I’m pretty sure maraming nanonood nun na para kaming nasa palabas na tatlo. “Jax! Hoy!” ginising ko naman siya while poking his head with my index finger, “Jax!”

            Tumayo naman si Jax nun at nakita ko na namumula pa yung noo niya sa pag-lean niya doon sa forearm niya. Parang antok na antok pa siya nun at nagulat siya nung makita niya kami ni Alex na nakatayo sa harapan niya, “Samahan mo kami…”

            “Para maging third wheel? No, thank you.” Sagot niya kaagad at sinubukan niyang isandal uli yung ulo niya pero napigilan ko, “What Zoe? Natutulog yung tao.”

            Wala ako sa posisyon para magalit sa kanya, so I tried to be as calm as possible, “He needs your help.” I jerked my head sa direksiyon ni Alex.

            “Him?” tinuro pa niya si Alex and he gave that disinterested look, “I don’t want to help him.”

            Ang hirap talaga pakiusapan nito. I don’t know kung ano pa ba ang dapat kong gawin just to actually get him to be nice to Alex. Talagang wala siyang pakialam at mukhang wala siyang balak tumulong. “Fine. I need your help. Will you help me?”

            It was as if magic word kay Jax yun dahil bigla siyang tumayo. Napatingala pa ako dahil sa katangkaran niya, “I guess I should comply. Your Highness awaits!”

            If eyes were lasers, I probably would have multiple holes sa ulo ko dahil sa lahat ng mga babaeng nakatingin sa aming tatlo especially yung masasamang tingin sa akin. Minsan nga nasasanay na ako. Yeah, sure, I guess I’m liked enough. Pero kapag kasama ko siguro itong dalawang ito na maraming may gusto—it’s asking for a certain number of girls to hate on you. I just ignored them at sinabi ko kay Jax na kailangan naming pumunta sa isolated na lugar na walang tao.

            Like last time, pumunta kami doon sa restroom area at dumeretso si Alex at si Jax doon sa restroom ng mga lalaki.  Si Jax ang unang pumasok at narinig ko na sumigaw pa siya, “Out! Get out!” I heard noises doon sa loob na parang mga taong nagmamadali, “Now!”

            A good amount of guys ang lumabas at humawak siya sa kamay ko at hinila ako sa loob with a tight grip sa wrist ko. This caused Alex to be jealous—or maybe just worry—dahil kinuha niya yung kamay namin parehas at inalis niya yung paghawak ni Jax sa akin, “Don’t touch her like that.” Narinig ko na sinabi niya.

            Nung nasa loob na kami, Ni-lock ni Jax yung pinto at tumayo pa siya doon. Natatawa-tawa lang siya for some reason at hindi ko alam kung bakit. Tumingin siya kay Alex tapos sa akin and then he said, “Threesome lang pala gusto niyo? Dapat kanina niyo pa sinabi. I don’t do that shit.” He joked to us, “I still prefer just having the girl…”

            “Jax hindi kami nakikipagbiruan sa iyo…” sinabi ko naman kaagad.

            “Then what? This better be good dahil natutulog ako kanina…” nagseryoso na yung mukha niya, “And I’m doing this for you…” tinuro niya ako.

            I heard Alex chuckle a little bit doon sa gilid, “You don’t want to admit it but you’re a good guy too and you actually want to help me out.”

            “Fuck no.” sinagot niya kaagad kay Alex, “Kung ayaw mong umalis ako dito, don’t ever repeat that again.”

            “I like good guys…nice guys…” I said. “What’s wrong with being a good guy?”

            Tumingin si Jax sa akin, “Please Zoe. Just get to the damn point.” He told me off, “I don’t want to stand in a smelly bathroom.”

            Nagtinginan kami ni Alex nun. He was wearing a black v-neck shirt na hinubad niya sa harapan namin ni Jax. Jax looked somewhat surprised so he took a step back, “And this is necessary because…?”

            “Jax… chill.” I told him.

            Pumunta si Alex doon sa kabilang side ng restroom malapit doon sa mga lababo. He stood there for a little bit and then he slowly changed into his angel form. A bright blue light came out at nasilaw kami parehas ni Jax habang nakatayo doon. It was kind of weird seeing the change because it didn’t happen all at once. He slowly changed part by part like he’s some kind of puzzle na nabubuo. “That is some freaky shit…” lumabas sa bibig ni Jax nung naging angel form na si Alex.

            Tinignan ko naman siya, “Akala ko nakakita ka na?”

            “I’ve seen an angel, yeah…” sumagot siya sa akin, “But I’ve never seen them actually changing right in front of me.”

            Nakatayo lang si Alex sa harapan namin, blazing blue, and half naked. Tumingin siya sa akin saglit bago tumingin kay Jax. “Lately, I’ve been seeing marks on my body…” narinig ko na sinabi ni Alex kay Jax, “They’re all over my back and they’re getting bigger. I… I have never seen them on a guardian angel before.”

            “And this concerns me because...” tinanong naman ni Jax sa kanya using the same tone he’s been using kanina pa na may hint ng sarcasm.

            “Kasi gusto ka naming tanungin kung nakita mo na siya before…” I said out loud.

            Nung tumalikod si Alex, I saw new markings sa likod niya and I saw the old ones getting wider. It was parallel to his spine na parang may nag-print doon. Although this time, they look… worse.

            Hindi pa nakakalapit si Jax kay Alex, bigla na lang niyang sinabi, “No. I’ve never seen that before.”

            “Sigurado ka?” tinanong ko naman siya, “Please Jax. Kung alam mo kung ano yan, tulungan mo naman kami.”

            He crunched his forehead at tumingin sa akin, “I’ve never seen them before, Zoe. I’m telling the truth…”

            Sasagot na sana ako kay Jax nung nagsimulang uminda si Alex na parang may masakit sa kanya. He was about to scream, pero parang nakita ko na sinubukan niyang pigilan yung sarili niya na sumigaw.

            Sa sobrang sakit siguro kung ano man yun, I saw him try to hold his head with his right ahnd and then he tried to reach sa likod niya with his other hand. Alex suddenly dropped on the ground kneeling. “Alex!!!” sinigaw ko naman at doon na kami lumapit na dalawa ni Jax sa kanya.

            I didn’t know if it was possible—or if there was such a thing—but Alex looked like he was losing his consciousness. Does that happen? Pwede ba yun as angels?

            “Alex!” tinapik-tapik ko naman yung mukha niya. His eyes were very droopy for some reason, “Okay  ka lang?”

            He tried to smile at me, “O-okay lang…” sinagot naman niya, “It just… hurts. Really bad.”

            “Itayo mo siya dali!” sinigaw ni Jax sa akin so I tried to grab Alex by his shoulders at sinubukan kong itayo siya to a sitting position. Hawak-hawak ko pa rin siya sa balikat niya and his head just lolled down.

            “Alex! Hoy!” I tapped him sa cheek niya just in case na magising siya uli.

            Nakita ko na nakatingin si Jax doon sa likod ni Alex as if he was studying it. I saw his eyes widen in surprise, and he sat down doon sa sahig, “Z-zoe…”

            “What?!?” I answered back sa sobrang panic ko, “Do something! What’s going on?”

            Bago pa nakasagot uli si Jax sa akin, I felt something cold, and somewhat smelled familiar sweet scent. I had goosebumps all over my arms for an unknown reason.

            Without an effort, I saw Alex’s body lift right in front  of my eyes. Naka-angat lang without me and Jax holding him. Napatayo ako at si Jax din. I saw Jax face on his right side and he started talking as if somebody was there, “Is he done?” narinig ko na tinanong niya sa kung sino man yung nanduon.

            Wala akong makita. I only see Jax standing in front of me and Alex’s body floating in midair. Pero sa nakikita ko, Jax is talking to someone. Meron pa kaming kasama dito…

            I just assumed one thing, so I said out loud, “Archangel ka po ba ni Alex?” I faced the direction Jax was facing kahit hindi ko siya nakikita, “Please! Please do something! Nakikiusap po ako. Anong nangyayari sa kanya?”

            I didn’t hear any answer, and I just saw Jax looking at me. In a split second, Alex’s body was gone. Saka ko lang naramdaman na may luha na pala ako sa mga mata ko. I was shaking.

            “They’re not here anymore…” sinabi ni Jax sa akin.

            “Alex… he’s…” hindi ko matuloy yung sasabihin ko, “He’s getting those markings dahil sakin. Ako… ako may kasalanan…”

            Hinila ako ni Jax and he hugged me really tight. Naramdaman ko na lang yung kamay niya sa likod ko as if he was consoling me. “It’s okay! The guy said he’s going to be okay…” narinig ko na sinabi ni Jax, “He’ll be fine.”

            Nagsimula na akong humikbi doon. I don’t know what’s going on. Hindi ko rin alam kung naiintindihan ba ni Jax kung anong nangyayari. He let me go a little bit, at saka ko nakita yung mukha niya. “They’re not just markings Zoe…” I heard him say nung tumahan na ako sa kakaiyak ko.”

            I must have looked surprised sa sinabi niya, “Hindi lang markings? A-ano yun? Ano yung nasa likod niya?”

            I couldn’t read Jax’s expression. It fell flat, like he didn’t want me to know what he thinks or feels. Humawak lang siya sa kamay ko before he told me, “He’s starting to have wings.”

Continue Reading

You'll Also Like

130K 9.7K 36
A girl who dreams to be a painter, suffering from grief and loss due to her best friend's sudden death and unable to move on. A boy made of light and...
1.5M 63.1K 52
Emily Devereaux had everything...until it was stolen from her on the night she found her parents dead and their mansion burning. She almost died in t...
188K 553 57
Chords for Flute. Tagalog songs only. ~shiandreiaxx