Chapter 25

28.9K 922 150
                                    

Chapter 25

The news about me and my so-called boyfriend Alex breaking up traveled really fast and that Jax and I are the new item. I don’t know how to feel about it sometimes. Hindi ko naman hiniling na pag-usapan nila yung buhay ko. Hindi ko rin alam kung bakit kailangan pag-usapan nila ako. I just feel bad about Alex sometimes because, for the most part, wala naman siyang kinalaman sa mga nangyayari pero ngayon kasama pa talaga siya sa gulo. Si Cal lang naman ang umakbay sa akin sa hallway at binulungan pa ako, “Ang hirap pala maging Zoe Aldana no? Usap-usapan na lang parati sa campus…” sinabi niya as if teasing me, “Mukhang may magiging karibal ka sa spotlight. May bagong girl sa school and she’s smoking hot.”

I didn’t really pay much attention kay Cal at sa totoo lang wala naman talaga akong pakialam. Masyado na akong napa-praning dahil hindi ko alam kung malungkot ba ako or worried na hindi ko maintindihan. Matapos kasi yung away ni Jax at ni Alex sa labas ng coffee shop, nawala na naman si Alex at hindi na naman nagpapakita sa akin. Only this time, for an extended period of time.

I saw him once nung nagising ako at an awkward time para kumuha ng tubig sa kitchen namin. I saw him doon sa living room bago pa ako makababa. He looked like he was talking to somebody na hindi ko nakikita. I don’t know what to make out of it. He was shaking for a reason.

“I…I can’t. H-hindi ko alam kung bakit…” he started pacing around tapos humarap siya doon uli sa kausap niya, “I’m trying and it’s hard. Anong nangyayari sa akin?”

Hinawakan niya yung ulo niya as if hindi niya talaga alam kung anong gagawin niya sa sarili niya. I saw him sit down for a few seconds, tumayo uli and argued with whoever he was talking with. “I don’t know what to do. What’s wrong with me?” tinanong niya uli yung kausap niya, “Tell me!”

Kahit na sinubukan kong hindi gumawa ng ingay doon, alam ko na malalaman at malalaman niya na nandun ako. It’s like I have a built in tracker inside of me na nag-iingay para alam niya kaagad kung nasaan ako. “Alex…” yun lang ang lumabas sa bibig ko nung malapit na ako sa kanya.

He looked straight at me at wala siyang sinabi. He disappeared in a second.

***

            “Have you seen him? Si Alex?” tinanong ko si Wally nung isa sa mga araw na nakita ko siya at nakiupo siya doon sa mini-park ng school, “Hindi ko siya nakikita lately and I miss him.”

            Parang nagulat si Wally doon sa sinabi ko, “Hindi mo siya nakikita? Nakikita ko siya araw-araw. Nakita ko lang siya kaninang umaga.”

            Hindi ko alam kung masasaktan ba ako sa sinabi ni Wally. Mabuti pa siya nakikita niya si Alex samantalang ako hindi. Is he trying to avoid me? Pero bakit? Hindi naman siguro dahil akala niya na tama naman siguro si Jax about this rule thing that he’s about or supposedly already has broken.

            Alex isn’t in love with me is he?

            I asked Wally kung sa tingin niya okay lang ba si Alex after kong maalala kung anong yung nakita ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin para tulungan ko siya. Hindi ko pa siya nakakausap. “Actually mukhang pagod siya. Pwede pala yun no?” sinabi ni Wally sa akin, “Akala ko hindi sila napapagod.”

            Wally had to bounce nung makita niya na paparating si Jax kung nasaan ako. May dala-dala pang inumin siya noon na galing yata doon sa vending machine at binibigay niya sa akin. Naupo siya sa tabi ko in full smiles tapos nakita niya na nagre-retreat si Wally, “Bakit umalis yun?” ngumuso siya doon sa direksiyon ni Wally.

            “Well, let me see…” I said sarcastically, “It’s not like you didn’t give him a threat na papatayin mo siya? No. Of course not.”

The Sacred Rule of Love - (PUBLISHED 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon