Legend of Divine God [Vol 1:...

By GinoongOso

552K 32.1K 1.6K

Nang makapasok si Finn Doria sa Sacred Dragon Institute, ang tanging gusto niya lang ay malaman ang katotohan... More

Legend of Divine God [Vol 1: Struggle]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
NOTE

Chapter XXXVII

11.4K 703 40
By GinoongOso

Chapter XXXVII: Start of the Second Round

Matalim na tumingin si Todd kay Finn at naiinis na sumigaw, "Huwag kang masyadong mayabang Finn! Ano naman kung natalo mo ako? Bakit ako, na isang miyembro ng Noble Clan ay luluhod sa isang gaya mong nagmula lang sa isang mahinang angkan?"

"Hindi ka kwalipikado upang ako'y lumuhod sa'yo!" nahihirapan mang tumayo ng ayos ay malakas niya pa ring isinigaw ang mga salitang 'to.

Lahat ay tinitigan si Todd nang may pangungutyang tingin. Hinahamak nila ang ganitong uri ng adventurer dahil hindi ito marunong sumunod sa usapan. Isa pa, hindi siya marunong tumanggap nang pagkatalo kaya naman ang tingin nila kay Todd ay isang malaking kahihiyan. Maging si Ashe at ang mga Elders ay malamig siyang binigyan ng tingin.

Naramdaman naman ni Todd ang lahat ng tingin mula sa mga adventurers na nasa paligid niya at hindi niya mapigilang mailang at mamula ng dahil sa kahihiyan.

"Ibig sabihin ba ay ayaw mong sundin ang napagkasunduan? Hmph. Wala akong pakialam kung ganoon na nga." malamig na bigkas ni Finn.

Sa ika-limampung baitang naman, hindi maipinta ang hitsura ni Lore dahil sa pinaggagagawa ni Todd. Iniangat niya ang kaniyang paningin at matalim na tiningnan si Todd.

"Ashe, Elders at Sect Master Noah. Ipagpaumanhin niyo po ang kamangmangan ni Todd." magalang na wika ni Lore habang nakatingin sa direksyon ng mga Elders. Muli niyang ibinaling ang kaniyang paningin kay Todd at malakas na sumigaw, "Todd! Dahil ikaw ay natalo sa inyong pustahan, harapin mo ang kaparusahan mo. Talagang ipinapahiya mo ang ating angkan!"

Namutla si Todd nang marinig ang sigaw ni Lore. Hindi niya inaasahang magagalit ng ganito si Lore, "Pero pinsan isang malaking kahihiyan ang lumuhod ako sa kagaya niya..."

"Manahimik ka! Huwag mo akong matawag-tawag na pinsan. Isa pa, hindi pa ba isang malaking kahihiyan ang inaasal mo? Dinadagdagan mo lang ang kahihiyang maidudulot nito sa ating angkan!" namumula sa galit na putol ni Lore kay Todd.

'Basura! Bakit ba ako nagkapinsan na ganito?! Hindi man lang siya umubra sa isang 9th Level Gold Rank!' sa isip ni Lore.

"Pero..."

"Wala ng pero-pero, tanggapin mo ang iyong pagkatalo at humingi ka ng kapatawaran kay Finn Doria! Sa oras na umabot ang pangyayaring ito sa pamunuan ng ating angkan, siguradong hindi ka makakaligtas sa matinding kaparusahan." muling pagputol ni Lore sa sasabihin ni Todd.

Napatungo si Todd ng marinig niya ang sinabi ni Lore. Kung mayroon mang kinatatakutan si Todd sa mundong ito, yun ay ang pamunuan ng kaniyang angkan. Ito ay dahil napakahigpit at napakatindi ng kanilang pamamalakad sa Wind Lightning Family.

Kahit na ayaw ni Todd na tanggapin ang katotohanan, wala siyang nagawa kung hindi ang lumuhod sa direksyon ni Finn, matalim niya itong tinitigan at nagwika, "Naiintindihan ko ang aking pagkakamali, humihingi ako ng kapatawaran Finn Doria!"

Ang kaniyang puso ay puno ng pagkasuklam kay Finn dahil iniisip niyang si Finn ang dahilan kung bakit nasa ganito siyang sitwasyon.

"Mn. Maliit na bagay." nakangiting wika ni Finn.

Natigilan naman ang lahat ng nasa paligid ng sabihin ni Finn ang mga salitang ito.

"Hmph. Nakakairita talaga ang bawat kilos at mga salitang sinasabi niya!" naiinis na wika ni Ashe sa kaniyang sarili.

Kahit ang pamunuan ng Cloud Soaring Sect ay hindi mapigilang mapailing dahil kay Finn. Hindi talaga nila maintindihan ang binatilyong ito.

Kinuyom ni Todd ang kaniyang kamao at agad-agad na tumayo. Naglakad siya patungo sa nagkukumpulang mga Adventurers at nagtago sa kahihiyang natanggap niya. Sa ngayon, sagad sa buto na ang kaniyang galit kay Finn.

Matapos ang pangyayaring iyon, muling nagpatuloy ang pagsusukat ng talento. Hinabol din ni Finn ang nasa panglabing apat na puwesto at maya't mayang sinundan ito. Gaya ni Todd nakaramdam din ito ng inis ngunit sa huli, nang makatapak na siya sa ika-tatlumpu't dalawang baitang ay sumuko na rin siya dahil napansin niyang wala siyang pag-asang makipagtunggali kay Finn.

Hindi na rin nagpatuloy si Finn sa pag-akyat kahit na wala naman siyang nararamdamang puwersa, sa halip ay taimtim at tahimik lang siyang umupo sa ika-tatlumpu't tatlong baitang.

Nagtaka naman ang karamihan sa kilos ni Finn, malinaw naman na kaya niya pang umabante ngunit bakit siya huminto sa pag-akyat?

"Finn Doria, malinaw naman na hindi pa 'yan ang iyong limitasyon. Bakit hindi ka umakyat ng mas mataas pa?" nagtatakang tanong ni Ashe.

Habang si Lore naman na nasa hindi kalayuan ay napangiwi. Palagi siyang gumagawa ng paraan mapansin lang ni Ashe ngunit lagi siyang isinasantabi ng dalaga. Hindi niya rin alam kung bakit parang interesado si Ashe kay Finn. Dahil dito hindi niya mapigilang makaramdam ng inis at inggit sa binatilyo.

Pilit namang ngumiti si Finn sa dalaga at marahang nagwika, "Nagbibiro ka ata Binibining Ashe, hindi ko na maigalaw ang aking mga paa dahil sa sobrang puwersang pumipigil sa akin sa pag-akyat. Narating ko lang ang baitang na ito dahil sa suwerte."

Nagulantang naman ang iba sa sinabi ni Finn. Hindi na sila tatlong taong gulang kaya naman sino ang maloloko ni Finn sa lugar na ito? Malinaw namang kayang-kaya niya pang umakyat ngunit bakit sinasabi niyang hindi na niya maigalaw ang kaniyang mga paa.

Syempre ay may rason si Finn tungkol sa bagay na ito. Ito ay dahil ayaw niyang maka-akit ng sobrang atensyon upang hindi siya makaakit ng gulo.

"Hmph. Niloloko mo ba ako? Kahit sino ay hindi maniniwala sa mga sinasabi mo." naiinis na wika ni Ashe.

'Bakit ba ako nalang lagi ang nakikita ng babaeng 'to?!' sa isip ni Finn.

Ngunit syempre, hindi niya ito sinabi sa halip ay mapait siyang ngumiti at muling nagwika, "Wala namang magbabago kung aakyat pa ako. Pasok na ako sa susunod na kompetisyon at masaya na ako roon."

Habang pinagmamasdan ng mga Elders at ni Sect Master Noah ang diskusyon sa pagitan ng dalawa, hindi nila mapigilang mapailing.

"Ang kompetisyong ito ay upang maipakita ang buong kakayahan ng bawat isa sa atin. Hindi sapat na masaya ka lang na nakapasok ka sa susunod na kompetisyon. Ngayon, maaari bang umakyat ka at ipakita mo sa amin kung hanggang saan ang maabot mo?" wika ni Ashe.

Gustong-gustong malaman ni Ashe kung hanggang saan ang kakayahan ni Finn. Kahit na kumbinsido na siya na hindi pangkaraniwan ang binatilyong ito, hindi pa rin siya masaya na masyadong masikreto ito.

Mapagmataas siya at mayabang kaya naman hindi siya mapakali nang mapansing hindi man lang nahihirapan si Finn sa pag-akyat. Simula pagkabata pa lang niya ay iniisip niya ng napakatalentado niya at tanging mabibilang lang sa kaniyang kamay ang maikukumpara sa kaniya. Pero habang pinagmamasdan ang mga kilos ni Finn, pakiramdam niya ay hindi niya mabasa ang binatang ito.

"Ipagpaumanhin mo Binibining Ashe ngunit sapat na sa akin ang puwestong ito." pilit-ngiting wika ni Finn.

Ang tanging layunin lang naman ni Finn ay makuha ang proteksyon para sa kaniyang angkan. Hindi pa siya handang ipakita ang totoo niyang kakayahan, hindi pa ngayon. Pero sa oras na ipakita niya na ang kaniyang totoong kakayahan, yun ang araw ng kaniyang paghihiganti sa Nine Ice Family at Black Tiger Family.

Nang makitang wala talagang balak na umakyat pa si Finn, napabuntong-hininga nalang si Ashe. Dahil hindi niya naman mapipilit ang binatilyo, hindi na siya muling nagsalita pa.

Dahil wala nang nangyayaring pagbabago sa mga puwesto, inanunsyo na ni Elder Marcus ang mga nagkamit ng labing apat na puwesto.

Ang nakakuha ng unang puwesto ay si Ashe samantalang pangalawa naman si Lore. Nasa pangpitong puwesto naman si Leo habang si Finn naman ang nakakuha ng kahuli-hulihang puwesto.

Habang dahan-dahang bumababa ang mga nakakuha ng puwesto, lahat ng bumagsak ay tinitigan sila ng may halong inggit at paghanga, lalong-lalo na kay Finn.

Wala pang kalahating taon mula ng makapasok siya sa Core Division ngunit ang taas na agad ng naabot niya. Matagal ng nasa Core Division ang karamihan sa mga core members at hindi nila matanggap na matatalo sila sa isang baguhan lamang. Gayunpaman, wala silang magagawa dahil hindi sila kasing talentado ng binatilyong ito. Tanging kapalaran at sarili lang nila ang maaari nilang sisihin sa pangyayaring ito.

"Finn, ako'y nagagalak dahil pareho tayong nakapasok sa susunod na kompetisyon." nakangiti at masayang wika ni Leo ng makalapit siya sa binatilyo.

"Ako rin." nakangiti namang tugon ni Finn.

Nahinto naman sa pag-uusap ang dalawa ng biglang magsalitang muli si Sect Master Noah, "Binabati ko kayong labing apat sa pagpasa niyo sa unang pagsubok. At ngayon na tapos na ang unang pagsubok, magsisimula na ang totoo at pinakamalagang parte ng kompetisyon at yun ay ang aktwal na paglalaban!"

Napuno naman nang pagkagalak ang labing-isang nakapasa. Maliban kay Ashe, Lore at Finn, bawat isa sa kanila ay umaasang makakapasa at mapipili sila upang lumahok sa Seven Great Faction Games.

Si Ashe at Lore ay tiwalang makakakuha sila ng puwesto kaya naman hindi na nila masyadong binibigyang halaga ang kompetisyong ito. Maging si Finn ay ganoon rin ang iniisip, ito ay dahil hindi naman siya isang totoong 9th Level Gold Rank at patuloy pa ring itinatago ng kaniyang Concealing Ring ang totoo niyang antas ng lakas.

"Makinig kayo dahil ipapaliwanag ko ang patakaran sa ikalawang pagsubok." marahang wika ni Sect Master Noah. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa labing-apat at muling nagpatuloy sa pagsasalita, "Sa pagsubok na ito, sa oras na manalo kayo ng dalawang laban, awtomatiko na kayong makakakuha ng isa sa pitong puwesto. Maaari niyo lang matalo ang inyong kalaban kung sakaling mahuhulog sila sa entablado, boluntaryo silang susuko o kaya naman ay hindi na nila kayang lumaban. Ang pagkain ng Recovery Pill o kahit anong Forbidden Pill ay mahigpit na ipinagbabawal. Pero maaari kayong gumamit ng armament. Mahigpit ding ipanagbabawal ang pagpatay sa katunggali."

Nang marinig ni Finn ang salitang 'Forbidden Pill' mayroon siyang naalala sa kaniyang isipan. Ayon sa alaala ni Kurt Bautista, ang Forbidden Pill ay isang uri ng pill na pansamantalang nakapagpapataas ng antas ng isang Adventurer. Ipinagbabawal ito dahil sa oras na mawala ang epekto ng pill na ito, magkakaroon ng masamang epekto sa katawan ng kumain ng ganitong uri ng pill. Kaya naman hindi pinapayagan ang pagkain ng ganitong uri ng pill sa mga kompetisyon at ginagamit lang ito sa totoong labanan kung saan buhay na ang nakataya.

"Lumapit kayo sa akin upang bunutin ang inyong numero. Kung sino ang makakapareho niyong numero ay iyon ang makakalaban niyo." seryosong wika ni Sect Master Noah.

Agad namang lumapit ang labing apat habang nagsusukatan ng tingin. Karamihan sa kanila ay ipinagdadasal na sana ay hindi nila mapili ang numerong makukuha nina Ashe at Lore.

Isa-isa silang kumuha ng kani-kanilang numero.

"Ipakita niyo sa akin ang inyong mga numerong nabunot."

Agad namang ipinakita ng labing apat ang kanilang nabunot na numero at nang silipin nila ang numero ng kanilang mga kalahok, mayroong ilan na hindi maipinta ang mukha.

Mayroon din namang nag-iisang masaya at iyon ay walang iba kung hindi ang nakabunot kay Finn.

Siya si Roy Lilytel, miyembro rin ng Wind Lightning Family. Gayunpaman wala siyang relasyon kay Lore at Todd. Siya rin ang nasa ika-labing dalawang puwesto sa pagsukat ng talento.

'Kahit na talentado ka, ano naman? Isa ka pa ring 9th Level Gold Rank at isa akong 2rd Level Scarlet Gold Rank. Hindi ako naniniwalang matatalo mo ako' ngisi ni Roy habang iniisip ang mga bagay na ito.

Nakita naman nila ang mga numero at napansin nila ang makakalaban ni Finn.

"Hindi ba't si Roy Lilytel 'yon? Kahit na 2nd Level Scarlet Gold Rank lang siya, hindi maitatangging isa siya sa pinakamabilis na Adventurer sa mga core members."

"Mukhang walang pag-asang manalo si Finn sa labang ito."

"Kahit naman sinong makatunggali ni Finn ay hindi siya mananalo. Talentado nga siya pero hindi maikakailang isa lang siyang9th Level Gold Rank."

Kaniya-kaniyang diskusyon ang bawat adventurers sa paligid. Si Finn ang pinaka-nakapukaw ng kanilang atensyon dahil siya lang ang nag-iisang Gold Rank sa mga ito.

"Makinig kayo, mayroon tayong dalawang entablado kaya naman magkakaroon ng dalawang laban."

"Unang entablado, Ashe Vermillion laban kay Ezekias Sieve!"

"Pangalawang entablado, Roy Lilytel laban kay Finn Doria!"

--

Continue Reading

You'll Also Like

10.3M 476K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
8.2K 993 59
"Tired of your country? then prove your worth and create your own." Ito ang mga katagang nakaimprenta sa isang kahon. Nasa loob noon ay isang virtual...
119K 4.1K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
10K 1.6K 64
This book is the Volume 3 edition of my finished story entitled "War Of Rank's Online". Find and read first the volume 1 and 2 is on my profile befor...