Legend of Divine God [Vol 1:...

By GinoongOso

556K 32.3K 1.6K

Nang makapasok si Finn Doria sa Sacred Dragon Institute, ang tanging gusto niya lang ay malaman ang katotohan... More

Legend of Divine God [Vol 1: Struggle]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
NOTE

Chapter XVIII

11.4K 742 28
By GinoongOso

Chapter XVIII: Golden Lion Family

Mataas na ang sikat ng araw nang marating ni Finn ang Mulberry City, ito ang lungsod kung saan matatagpuan ang teritoryo ng Golden Lion Family.

Sa lungsod na ito, ang Golden Lion Family ang kinikilalang panginoon at ang bawat salita nila ay ang batas na dapat sundin ng mga mamamayang naninirahan sa lungsod na ito. Kilala ang Golden Lion Family bilang isang mabuting angkan dahil lagi silang handa kung sakaling may maganap na pagsalakay sa kanilang pinamumunuang lungsod.

Hindi rin sila humihingi ng napakalaking buwis sa mga mamamayang narito kaya naman malaki ang respetong natatanggap ng angkan ng Golden Lion Family sa mga mamayang nakatira rito. Kahit ang mga adventurer na may negosyo rito ay nagbibigay ng diskwento kapag nalaman nilang ang makikipag-transaksyon sa kanila ay nagmula sa Golden Lion Family.

Sa ganitong paraan ay mababayaran nila ang pagprotekta at kabaitang ipananamalas sa kanila ng Golden Lion Family.

Nang makatapak si Finn sa lungsod na ito ay hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at agad niyang pinuntahan ang kaniyang pakay sa lugar na ito.

Mabilis niyang tinungo ang eksaktong lokasyon ng teritoryo ng Golden Lion Family. At nang makarating na siya sa harap ng tarangkahan, agad siyang pinahinto ng isang guwardiyang nagbabantay rito.

"Tigil!" malakas na bigkas ng malaking guwardiya, taimtim nitong tiningnan si Finn mula ulo hanggang paa at nang mapansing isa lang itong ordinaryong binatilyo, tiningnan niya si Finn at muling nagwika, "Ang lugar na ito ay pag-aari ng Golden Lion Family at mahigpit na ipinagbabawal ang pagtapak sa lugar na ito ng mga taong hindi panauhin ng Golden Lion Family. Pakiusap, iminumungkahi kong umalis ka nalang."

Ang guwardiyang ito ay nasa 5th Level Gold Rank lang at kahit na naramdaman niya ang antas ng lakas ng binatilyong nasa harap nito ay hindi pa rin ito nagpatinag at walang takot na pinakita niya ang ugaling ipinapakita nito sa lahat ng hindi miyembro ng Golden Lion Family.

Hindi naman nagalit si Finn sa pag-uugali ng guwardiyang ito dahil alam niyang ginagawa lang nito ang kaniyang tungkulin bilang tagabantay.

Marahang yumuko si Finn at nagwika, "Ako nga pala si Finn Doria, mula sa Azure Wood Family."

"Anong ginagawa ng isang miyembro ng Azure Wood Family sa teritoryo ng Golden Lion Family?" bago pa man makapagsalita ang guwardiya ay isang matandang boses ang parehong narinig ng guwardiya at ni Finn.

Nang matapos magsalita ng matandang boses ay agad namang lumitaw ang isang matandang may purong puting buhok.

Taimtim itong tumingin kay Finn at seryosong ininspeksyon ang binatilyo, "Hindi ba't ikaw ang kaibigang ipinakilala sa amin noon ni Young Master Isake sa Heavenly Auction House?"

"First Elder!" agad namang lumuhod ang guwardiya ng makita ang matandang ito.

Siya ay isang hamak na guwardiya lamang ng Golden Lion Family, tungkulin at dapat niyang igalang ang mga mahahalagang miyembro ng Golden Lion Family dahil isa ito sa panuntunan ng angkang kinabibilangan niya.

Nang makita ni Finn ang matandang ito, agad siyang napangiti. Kilala ni Finn ang matandang ito, ito lang naman ang kasama ni Family Head Augustus noon sa Heavenly Auction House, ang First Elder ng Golden Lion Family!

Lahat ng angkan ay may tinatawag na First Elder at ito ang may pinakamalaking awtoridad sa lahat ng mga Elders sa loob ng isang angkan. Ang kanilang opinyon at desisyon tunkol sa buong angkan ay napakahalaga at hindi dapat baliwalain.

Marahan namang yumuko si Finn at nagwika, "Isang karangalan, hindi ako makapaniwalang makikilala pa ako ni First Elder."

"Mn. Kaibigan ka ni Young Master Isake at--Sandali...Ang iyong lakas, isa kang 9th Level Gold Rank?! Paanong nangyari iyon? Malinaw na isa ka lang 7th Level Bronze Rank noong una tayong nagkita." gulat at hindi makapaniwalang tanong ni First Elder.

Hindi naman ito sinagot ni Finn, bagkus ay muli siyang nagsalita, "Maaari ko po bang makita si Family Head Augustus? Mayroon lang po akong mahalagang sasabihin."

"Si Family Head Augustus ba kamo? Dahil kaibigan ka naman ni Young Master Isake, ihahatid kita patungo kay Family Head Augustus." wika ni First Elder. Muli niyang taimtim na tiningnan si Finn at pinuri ang binatilyo, "Hindi ako makapaniwalang sa iyong murang edad ay naabot mo na ang iyong kasalukuyang lakas, masuwerte ang Azure Wood Family dahil miyembro ka nila."

Agad namang tumalikod si First Elder at agad na naglakad papasok sa kaloob-looban ng teriyoryo ng Golden Lion Family. Agad namang sumunod si Finn at ang tanging naiwan nalang ay ang nakaluhod pa ring guwardiya.

--

Sa isang malawak na pasilyo, isang may katandaang lalaki ang matuwid na nakatindig sa harap ng isang bintana. Siya ang pinuno ng Golden Lion Family at ama ni Isake Reeve, si Family Head Augustus Reeve!

"Family Head, mayroong isang panauhin ang gusto kang makita at siguradong magugulat ka rin sa malalaman mo." malumanay na wika ni First Elder.

"Oh? Sinong panauhin ang gusto akong makita?" humarap ito kay First Elder at nagtatakang nagwika.

"Family Head Augustus." lumabas naman si Finn sa likuran ni First Elder at marahang yumuko.

"Ikaw ang kaibigan ni Isake sa institusyon tama? Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ni Augustus kay Finn.

"Tama po kayo. Ako si Finn Doria mula sa Azure Wood Family." nakangiting wika ni Finn.

"Family Head, wala ka bang napapansin sa antas ng kaniyang lakas?" tanong ni First Elder kay Family Head.

"Siya ay nasa 9th Level Gold Rank...Sandali...9th Level Gold Rank?! Paanong nangyari iyon?!" gaya nang reaksiyon ni First Elder kanina, gulat at hindi rin makapaniwala si Augustus sa kaniyang naramdaman.

"Ganyan din ang tanong ko ngunit kahit anong isip ko ay hindi ko pa rin malaman kung paano nangyari ito." seryoso namang saad ni First Elder.

Seryoso namang napatingin si Augustus kay Finn.

"Hindi ko pa rin natatanggap ang balita tungkol sa naganap na kompetisyon sa pagitan ng mga baong Outer Students, ngunit kung hindi ako nagkakamali, sa lakas mong 'yan, ikaw ang nagwagi at nagkamit ng unang puwesto. Kahit ang Core Students ay hindi maikukumpara sa kasalukuyang ikaw." kalamadong pagkakabigkas ni Augustus.

"Salamat po sa inyong papuri, Family Head." wika ni Finn. Kinuwento niya rin ang naganap sa kompetisyon. Habang nagkukuwento si Finn ay hindi naman maitago ang ngiti ng dalawang matanda sa kanilang mukha.

"Dahil ipinahiya mo sa harap ng maraming Adventurers ang anak ni Frederick at ang pangalan ng Black Tiger Family, sigurado akong umuusok na ang ilong niya sa sobrang galit. Talagang pinahanga mo ako sa iyong katapangan bata." wika naman ni Augustus.

Tumango-tango naman si First Elder bilabg pagsang-ayon. Matagal nang mayroong alitan sa pagitan ng Black Tiger Family at ng Golden Lion Family kaya hindi na nakapagtatakang masaya ang dalawang ito sa pamamahiyang ginawa ni Finn sa angkan ng Black Tiger Family.

Kahit na hindi mismo nagmula sa kanilang angkan ang gumawa nito, hindi pa rin maikakaila na lubos na napahiya ang angkan ng Black Tiger Family sa harap ng ilang adventurers.

"Mabuti na lang talaga at naging kaibigan ka ni Isake. Tama, ano nga pala ang iyong pakay sa pagparito sa aming teritoryo?" tanong naman ni First Elder.

Gusto nilang malaman kung ano ang mahalagang bagay na sasabihin ni Finn.

"Family Head Augustus, First Elder, gusto kong magmungkahi ng alyansa sa pagitan ng ating dalawang angkan." seryosong wika ni Finn.

Nang marinig ito ng dalawang matanda ay agad na nabura ang ngiti sa kanilang mga labi at napalitan ito ng hindi makapaniwalang ekspresyon. Hindi nila inaasahan ang lalabas na mga salita sa bibig ng binatilyong ito. Nagkatinginan ang dalawang matanda bago muling tumingin kay Finn.

"Nagbibiro ka ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Augustus.

Ang pagbuo ng alyansa sa pagitan ng dalawang angkan ay hindi na bago sa pandinig ng karamihan. Ang alyansa sa pagitan ng dalawang angkan ay nagpapatunay na magkasama at magkatuwang nilang haharapin ang panganib na darating alinman sa kanilang dalawang angkan. Pero sa sitwasyong ito, mas makikinabang ang Azure Wood Family dahil pag nalaman ng iba ang alyansa nila sa Golden Lion Family, magdadalawang isip muna ang mga ito bago gumawa nang hakbang laban sa angkan ng Azure Wood Family. Kahit ang ibang Aristocrat Clan ay hindi magpapadalos-dalos kung susubukin nilang atakihin ang Azure Wood Family.

Ang Golden Lion Family ang isa sa pinakamalakas na Aristocrat Clan at kapantay nila ang Black Tiger Family. Kung poprotektahan nga nila ang Azure Wood Family, siguradong mapapaisip ang Black Tiger Family sa kanilang mga kilos.

"Ipagpaumanhin niyo ngunit hindi ako nagbibiro. Sa susunod na dalawang buwan ay makakapasok na ako bilang core member ng Cloud Soaring Sect at sa mga oras na iyon, kailangan ko ang lakas at impluwensiya ng Golden Lion Family upang protektahan ang aking angkan." diretsang wika ni Finn.

"Cloud Soaring Sect?" gulat na tanong ni First Elder. Seryoso siyang tumingin kay Finn at muling nagsalita, "Totoong sa kasalukuyan mong lakas ay madali na para sa'yo ang makapasok sa Cloud Soaring, ngunit paano ka makakapasok bilang core member?"

Ngumit naman si Finn at magalang na nagsalita, "Mayroong isang adventurer ang tumulong sa akin upang makapasok."

'Sino?' tanong ng dalawang matanda sa kanilang isipan.

Gustuhin man nilang malaman kung sino ang tumulong kay Finn, ngunit malinaw namang gustong itago ito ng binatilyo sa kanilang dalawa.

Napailing naman si Augustus at mahinahong nagwika, "Hindi pa rin sapat ang maging isa kang miyembro ng Cloud Soaring Sect upang mapapayag kami sa gusto mo. Alam mo naman sigurong nanalo si Frederick sa subastang naganap sa Heavenly Auction House sa Heavenly Sky City. Napanalunan niya ang isang Profound Nurturing Pill at sigurado akong sa susunod na pagkikita namin ay isa na siyang Profound Rank Adventurer."

"Mayroong alitan sa pagitan ng inyong angkan at sigurado akong mas papahirapan niya pa kayo. Isa pa, walang makukuhang benepisyo ang aming angkan sa pagbuo ng alyansa sa pagitan ng ating dalawang angkan, kaya naman ipagpaumanhin mo ngunit hindi namin mapagbibigyan ang iyong kahilingan." pagpapatuloy pa ni Augustus.

Kahit na narinig ni Finn ang malinaw na pagtanggi ng dalawa, kalmado at seryoso niya pa ring tiningnan ang dalawang matanda. Bumuntong hininga siya at mabagal na nagwika, "Family Head Augustus, First Elder. Alam kong sa mundong ito ay walang libre kaya naman gusto kong maghandog ng kabayaran upang mapapayag kayo sa aking kahilingan."

--

Continue Reading

You'll Also Like

287K 39.6K 42
Pagkatapos ng isang taong pagsasanay sa Spring of Dreams, sa wakas ay nagbalik na si Finn sa Dark Continent upang maghiganti kay Puppet King Hugo at...
1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
565K 114K 102
Synopsis: Sa bagong yugto ng buhay ni Finn, isang panibagong pakikipagsapalaran at paglalakbay ang kanyang mararanasan kasama sina Poll, Eon, at Paul...
485K 34.9K 42
April 20, 2019 - May 31, 2019 Former Bookcover by @MISTERGOODGUY Current Bookcover Illustration by Maria+Arts --