Brother's Obsession [EDITING]

By EiseuPalansaek

958K 14.3K 1.9K

Warning: Mature content. Not suitable for very young readers. What will you do if you found out that your bro... More

BO - Prologue
BO - Chapter 1
BO - Chapter 2
BO - Chapter 3
BO - Chapter 4
BO - Chapter 5
BO - Chapter 6
BO - Chapter 7
BO - Chapter 8
BO - Chapter 9
BO - Chapter 10
BO - Chapter 11
BO - Chapter 12
BO - Chapter 13
BO - Chapter 14
BO - Chapter 15
BO - Chapter 16
BO - Chapter 17
BO - Chapter 18
BO - Chapter 19
BO - Chapter 20
BO - Chapter 21
BO - Chapter 22
BO - Chapter 23
BO - Chapter 24
BO - Chapter 25
BO - Chapter 26
BO - Chapter 27
BO - Chapter 28
BO - Chapter 30
BO - Chapter 31
BO - Chapter 32
BO - Chapter 33
BO - Chapter 34
BO - Chapter 35
BO - Chapter 36
BO - Chapter 37
BO - Chapter 38
BO - Chapter 39
BO - Chapter 40
BO - Chapter 41
BO - Chapter 42
BO - Chapter 43
BO - Chapter 44
BO - Chapter 45
BO - Chapter 46
BO - Chapter 47
BO - Chapter 48
BO - Chapter 49
BO - Chapter 50

BO - Chapter 29

13.5K 247 23
By EiseuPalansaek

[PAOLO's P.O.V.]


Pagkababa ko ng jeep ay bumungad na sa akin ang malawak na syudad ng Tagaytay. Kitang-kita ko mula sa pwesto ko ang iba't-ibang kainan dito at may mga nagtitinda rin ng iba't-ibang prutas.


Naramdaman ko na lang ang paghampas ng malamig na hangin sa balat ko.


Bakit ganon? Pakiramdam ko, narating ko na ang lugar na 'to dati? Unang beses ko lang naman na makarating dito. Hays. Ipinilig ko na lang ang ulo ko sa naiisip at ipinagsawalang bahala na 'yun.


Dala-dala ang backpack sa likod ko ay lumapit ako sa isang ale na nagtitinda ng mga prutas.


"Ate, may kilala po ba kayong Dara na nakatira dito?" Nangunot naman ang noo niya sa tanong ko.


"Aba, iho. Eh marami kako ang Dara ang pangalan. Sino ba 'yang tinutukoy mo?" Napa-tch na lang ako sa sarili.


Nakalimutan ko 'yung apelyido niya. Paano na 'to? Paano ko siya mahahanap dito?


"'Di bale na ho, ate. Maraming salamat na lang po." At pagkatapos ay naglakad na muna ako papunta sa isang kainan. Kakain na muna ako dahil ginutom rin ako sa byahe papunta dito.


Pagkarating ko sa isang kainan, ay dumiretso na ako sa may babae na naka-itim at naka-hairnet. Pagkalapit ko ay umorder na ako ng makakain ko. Hindi naman ito sumagot at nakatulala lang na nakatingin sa akin habang nakangiti. Kinunutan ko siya ng noo.


"Uy, sabi ko, oorder ako. Narinig mo ba ako?" Parang nabalik naman siya sa huwisyo niya.


"A-ah. S-sige po, sir. Ano pong o-order nila?" Lalong nagsalubong ang dalawang kilay ko sa tanong niya. Wala nga siya sa sarili niya kanina.


Napatingin ako sa maliit na nameplate niya. Precious pala ang pangalan niya. Hindi bagay sa pagiging tulala niya kanina. Tch. Maganda siya, kaya lang tulala..


Napailing na lang ako at pinili na lang sagutin ang tanong niya, "Sabi ko, isang order ng sinigang na bangus at dalawang kanin. Samahan mo na rin ng isang maliit na softdrinks."


Sinulat niya ang order ko. "R-right away, sir."


Hindi na ako sumagot at naghanap na lang ng bakanteng lamesa. Agad naman akong nakakita ng bakante malapit dito sa kinatatayuan ko at pinili kong doon na lang umupo.


Pagkaupo ko ay napasandal na lang ako sa pader at pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib ko. Napansin ko naman na halos lahat ng babae ay napapatingin sa pwesto ko. Hindi ko maiwasang mailang. Tch ano bang problema nila? Bakit nila ako pinagtitinginan?


Nag-iwas ako ng tingin at tinuon na lang ang atensyon ko sa pag-iisip kung paano ko mahahanap si Dara dito sa tagaytay. Hays. Ang lawak din naman kasi ng tagaytay. Saan kaya sila nakatira dito? Ang tanga ko rin naman kasi. Bakit ba nawala sa isip ko na alamin ang apelyido niya?


Nag-aaral kaya siya dito? Ano kaya kung magtanong-tanong ako kung saan ang mga eskwelahan dito? Para na rin kung sakaling nag-aaral man siya dito ay madali ko siyang mahanap.


Dumating na ang inorder ko at nilapag ito ng isang binata sa lamesa ko.


"Enjoy your meal, sir." At pagkatapos ay umalis na ito. Ako naman ay nagsimula nang kumain.


-


"Sir, ito na po ang bill niyo." Nilapag nung binata 'yung isang pahabang booklet na itim na may nakaipit na puting papel sa loob. Pagkabukas ko nito ay inipit ko na rin doon ang bayad ko sa kung magkano ang nasa papel.


Pagkaalis niya ay hinihintay ko na lang ang sukli ko. Pagtingin ko sa orasan na nakasabit sa may dingding malapit sa akin ay mag-aalas dos na pala nang hapon. Bumalik 'yung binata dala pa rin ang booklet na itim na 'yun.


"Here's your change, sir."


"Okay." Inabot ko na at pagkatapos ko makuha ang sukli ko ay umalis na ako doon.


Hindi ko dapat sayangin ang oras ko. Nandito ako para hanapin si Dara. At umaasa akong makikita ko siya.


Naglakad-lakad lang ako nang may makasalubong akong isang naka-itim na lalaki na sa tantya ko ay nasa 30s na. Nakatingin lang ito nang seryoso sa telepono nito. Pero naisip ko na magtanong sa kanya, dahil mukha naman siyang mapagkakatiwalaan.


"Kuya?" Tawag ko sa atensyon niya. Nag-angat naman ito ng tingin sa akin, at maya-maya lang ay napansin ko ang pagkunot nito ng noo. Siguro nagtataka kung bakit ko siya tinawag. "Pwede ho bang magtanong?" Nang hindi ito sumagot ay nagpatuloy ako. "Saan po ba dito ang mga malapit na eskwelahan? May hinahanap ho kasi ako eh. Hinahanap ko po ang kaibigan ko." Napaiwas ako ng tingin sa kanya nang mapansing mataman lang itong nakatingin sa akin na tila kinikilatis ako.


Hanggang sa marinig ko na lang ang sagot niya. "Ah," Nag-angat ulit ako ng tingin sa kanya. "Pasensya ka na. Hindi rin ako taga-dito." Napatango-tango na lang ako. "May hinahanap lang ako dito." Seryoso siyang nakatingin sa akin at para bang may sinasabi ang mga mata niya pero hindi ko ito mabasa.


"Ah sige. Salamat po." Sagot ko na lang at nagpatuloy na sa paglalakad. Pero napatigil ako nang tawagin niya ako.


"Sandali lang." Nilingon ko siya at hinintay ang sasabihin niya. "May kilala ka bang Celso De Merced?" Nangunot ang noo ko sa seryosong pagkakatanong niya. Hindi ko alam kung bakit niya tinatanong sa akin 'to. Parang narinig ko na ang pangalan na 'yun pero hindi ko lang maalala kung saan at kailan ko 'yun narinig.


Kaya pinili ko na lang ang sagot na alam ko, "Pasensya na po. Pero wala po akong kilalang ganong pangalan." Napansin ko ang kalituhan sa mga mata niya pero binalewala ko na lang.


"Ganon ba?" Narinig ko ang paghinga niya nang malalim. "Kung ganon, pwede ko bang malaman kung may tinutuluyan ka ba dito?" Sa tanong na 'yun ay napaisip ako. Wala pa nga pala akong matutuluyan dito. Hindi ko agad naisip 'yun bago ako pumunta sa lugar na 'to.


"Wala pa po. Maghahanap pa lang po ako." Napatingin-tingin siya sa paligid. Naisip ko magtanong sa kanya, "May alam po ba kayo na pwedeng matuluyan kahit mga tatlong araw lang po?" Namamag-asang tanong ko.


Ngumiti siya bago sagutin ang tanong ko, "Doon ka muna sa tinutuluyan ko. Doon sa kapatid ko." At pagkatapos ay lumapit siya sa akin at may inabot na isang card. "Heto ang calling card ko. Tawagan mo na lang ako mamaya. May kailangan lang akong asikasuhin." Bago pa ako makasagot ay nagpaalam na siya at tuluyan nang umalis.


Tch. Hindi ko nasabi sa kanya na wala naman akong cellphone. Kaya paano ko kaya siya matatawagan?


Bahala na nga mamaya.


-


[THIRD PERSON's P.O.V.]


"And when we were in the Philippines, my son told us that Dara and Luke are with him in his villa. So, we have nothing to worry about, they are both in safe arms." Nakangiting pahayag ni Liam sa mag-asawa at saka sumimsim ng kape na nasa tasa.


"I don't know, pare. Kinakabahan pa rin ako for our children. That's why I commanded my assistant na umuwi muna sa Pilipinas para mag-imbestiga sa Tagaytay."


Sa kalagitnaan ng pakikipag-usap ni Liam sa mag-asawang De Merced, narinig nila ang pagring ng telephone nito na nasa sala ng mga ito. Si Mrs. De Merced ang tumayo para sagutin ang tawag.


"So, when are we going to reschedule their engagement party?" Tanong nito pagkaraan.


Nilapag niya muna ang tasa sa maliit na glass table bago sagutin ang tanong nito.


"Hm, tatawagan ko muna siguro si Darko to ask him when are they planning to go home. At saka natin pagplanuhan ang bagay na 'yan."


"Sa birthday na lang kaya ni Luke? Next next month is his 19th birthday." Suhestiyon nito.


Napaisip naman siya at saka napatango-tango.


"Tama ka, pare. And besides, I want to thank your son for saving my daughter back then when they were still kids." Nakangiting sagot niya. "It's been what? Ten or twelve years since that day happened. Nagpapasalamat ako dahil hindi tuluyang nalunod si Dara nung nag-outing tayo sa beach resort namin. It's good to know that your son knows how to swim." Buong pasasalamat niyang saad.


"Yeah. After what happened at that time ay mas napalapit sila sa isa't-isa." Nakangiti nitong tugon na tila inaalala rin ang nangyari noon. "Pero ngayon, they can't remember what happened years ago. Maybe because they were so young at that time."


Naputol ang pag-uusap nila nang bumalik ang nakangiting si Mrs. De Merced.


"Celso," Umupo ito sa tabi ni Mr. De Merced, at katulad ni Mr. De Merced ay hinihintay lang din ni Liam ang sasabihin nito. "Good news." Kumikislap ang mga mata nito.


"What is it, darling?" Tanong naman ni Celso na tila hindi na makapaghintay sa sasabihin nito.


"Your assistant called at sinabi niyang may nakita daw siyang kamukhang-kamukha ng anak natin. Cels, I can feel it." Hinawakan nito ang braso ng asawa bago ituloy ang sasabihin. "He was talking about our son. We have to go back to Philippines now."


Maging si Liam ay nagulat sa pinahayag nito. "What about Dara and Darko? Did he said that they are with Luke?" Hindi na niya napigilang itanong dahilan para mapatingin ito sa kanya nang may pagtataka.


At sa mga sinagot nito ay mas lalo siyang naguluhan.


"No. He just said that when he met Luke, ang sinasabi lang nito ay hinahanap nito ang kaibigan nito."


What? But Darko told me.. Napailing-iling siya sa naiisip. No. I trust my son. I trust him.


"But Celso," Nag-angat muli siya nang paningin dito nang marinig itong magsalita muli. Nakatingin na ito sa asawa nito na bakas ang pag-aalala sa mukha. "Sinabi rin ng secretary mo na parang wala itong maalala."


Mas lalong napakunot ang noo niya sa sinasabi nito.


Ano bang nangyari? Damn. We really need to go back to Philippines. Nag-aalala na rin ako sa mga anak ko, knowing that Luke is not with them.


At saka siya nag-excuse sa mag-asawa para tawagan si Rian.



-



"Kuyaaaa." Agad siyang lumabas ng kusina para puntahan si Dara sa kwarto na kasalukuyan pa ring nakaposas ang isang kamay nito sa headboard ng kama.


Umupo siya sa tabi nito sa kama.


"Yes, love?" May pag-aalala niyang tanong dito pagkatapos ay nilagay niya ang ilang hibla ng buhok nito sa may likod ng tainga nito.


Napangiti siya nang makitang nag-pout ito.


"Kuya, gusto ko ng pasta na sinabawan ng toyo." Parang batang request nito sa kanya. Napangiwi naman siya sa gusto nitong kainin.


Saan naman siya kukuha nun?


"Ah. Dara. Iba na lang ang hilingin mo. Huwag na lang 'yun. That combination of food is so weird." Malambing niyang saad dito habang sinusuklay ng mga daliri niya ang buhok nito.


Hindi niya alam pero nakita na lang niya ang pangingilid ng mga luha nito sa mata.


"Eh kuya! Basta! Gusto ko 'yun. Ayaw ko ng iba!" Narinig na niya ang paghikbi nito dahilan para magsimula siyang mataranta.


"Okay. Okay. Ssh. Stop crying, okay? I'm going to cook that food na, hm?" Mahinahon niyang saad na nagpangiti dito, at pagkatapos ay pinahid na niya ang mga luha nito sa pisngi.


Hindi niya maintindihan kung ano bang trip nito at gustong kumain ng mga weird na pagkain.


Huminga siya nang malalim at nagpaalam na babalik na ng kusina para ipagluto ito ng gusto nitong kainin.


Apat na araw na ang nakalipas nang makabalik ulit sila sa villa house niya. At sa mga nakalipas na araw, nakikita niya ang unti-unting pagbabago ng pakikitungo sa kanya ni Dara, nagiging malambing na ito sa kanya. Dahil siguro patuloy pa rin niya itong pinapainom ng gamot na binigay sa kanya ng kaibigan niya. 'Pag nagtatanong ito kung para saan 'yun ay sinasabi na lang niya na vitamins 'yun para sa bata.


Sa mga araw din na nagdaan, paiba-iba ito ng gustong kainin. Nung isang araw lang, gusto nitong kumain ng tinapay na ang palaman ay ubas na niluto sa patis. Tapos ngayon, pasta naman na may toyo.


Ayaw niya sana pakainin ito ng mga ganong pagkain dahil baka makasamá pa sa baby nila, pero pumapalahaw lang ito ng iyak 'pag hindi naibibigay ang gusto. Kaya sa huli, wala siyang magawa kundi pagbigyan na lang ito sa gusto nito.


-


Lumipas pa ang isang araw nang malaman ni Darko na bumalik ulit sa Pilipinas ang kanyang mga magulang. Alam niya na sa mga oras na ito ay nag-aalala na ang mga ito. Alam niya rin sa sarili na hindi siya mako-contact ng mga ito. Pero hindi pa rin siya dapat mapanatag. Dahil alam niyang maraming connection ang mga magulang nila.


Napatingin siya kay Dara na sa mga oras na 'yun ay kasalukuyang natutulog, kakatapos lang nitong maligo. At habang naliligo ito ay nakabantay lang siya sa may labas ng pinto ng banyo hanggang sa matapos ito.


Sa kabila ng mga pagbabago nito ng pakikitungo sa kanya, hindi pa rin siya tiwala na hindi ito tatakas. Nagawa na nito nung una, posibleng magawa nito ulit 'yun.


Kailangan muna na maramdaman niya ang malalim nitong pagmamahal sa kanya katulad ng pagmamahal niya dito, bago niya ibigay ang buong tiwala niya.


Natatakot na siyang mawala pa ito ulit sa kanya. Hindi niya na hahayaan pang mangyari 'yun.


Dahil nalaman niya mula sa tauhan niya na pinaghahandaan ng mga magulang nila ang engagement party ni Dara at ni Luke. At galit na galit siya nang malaman 'yun. Nasa isip niya na hindi na pwedeng magpakasal si Dara sa iba dahil ikinasal na sila.


Nang makarinig siya ng katok mula sa pinto ng entrance ng kanyang villa house ay napatingin siya sa pinto ng kwarto nila ni Dara. Hinagkan muna niya sa noo ang dalaga bago siya tumayo para maglakad papunta sa pinto. Pagkabukas niya nito ay dumiretso na siya sa may entrance ng villa house at saka niya binuksan rin ang pinto doon. Bumungad sa kanya ang isa sa tauhan niya. Armado ito at may naka-ipit na kwarenta'y singko na baril sa may tagiliran nito.


"What?" Walang emosyon niyang tanong dito. "What is it this time?" Sinabi niya dito nun na pumunta lang sa villa kapag may balita na ito sa kanya.


"Sir, Nabalitaan po namin na sumabog ang sinasakyan ni Sandel bago pa man siya makarating sa city hall para irehistro ang kasal mo." Baritono ang boses na pahayag nito.


"Ano?!" Galit na galit na siya. "P-tang inang Dave 'yan! Alam kong siya ang may kagagawan nito!" Napasuntok siya sa may pader dahilan para magdugo ang kamao niya, ang tauhan naman na nakatayo sa may bukana ng pinto ay kalmado lang na nakatingin sa kanya habang magkapatong ang dalawang kamay sa may harapan nito. Sanay na kasi sa kanya ang mga tauhan niya.


Sunud-sunod na ang pagbuga niya ng malalalim na hininga para pahinahunin ang sarili at saka muling nag-angat ng tingin sa tauhan, pagkatapos ay tumayo siya nang maayos.


"Maghanda kayo. Dalhin niyo nang buhay ang lalaking 'yun sa hide out. I'll be the one to end his life." Mababakas ang awtoridad sa kanyang boses.


"Yes, boss!"


"And one more thing, I want you to make sure na ang engagement party na pinaghahandaan ng parents ni Dara ay hindi matuloy."


"Copy, sir!"


Pagkaalis nito ay napahawak siya sa magkabilang baywang niya. At tila naglalaro na sa isipan niya ang mga plano niya.


Walang ni isa man sa mga tauhan niya ang nakakaalam na magkapatid sila ni Dara. Ang alam ng mga ito ay kasintahan niya ang dalaga, dahil 'yun ang sinabi niya. Ayaw niyang may ibang maka-alam ng totoo dahil baka masira pa ang mga plano niya.


Bumalik na siya sa kwarto kung saan natutulog si Dara at pagpasok niya dito ay naabutan niya itong nakaupo na sa higaan at para bang balisang-balisa.


Nilapitan niya ito para alamin kung anong nangyayari dito.


"Love? Are you okay?" Bakas ang pag-aalala sa boses na tanong niya sa naluluhang si Dara.


At saka siya naupo sa tabi nito.


"K-kuya," Napangiti siya nang lihim nang maramdaman ang pagyakap nito sa kanya, "Nanaginip ako! A-at.. at natatakot ako! A-ayaw ko mangyari ang panaginip ko." Humihikbi nitong pahayag sa kanya na kinakunot ng noo niya kaya humiwalay siya ng pagkakayakap dito, at saka niya kinulong ang mga pisngi nito sa magkabilang palad niya.


"What? It's just a dream. That would never happen, okay?" Pagpapakalma niya kahit na hindi niya alam kung ano bang panaginip ang tinutukoy nito. Pagkatapos ay hinagkan niya ito sa may tungki ng ilong nito dahilan para mapapikit ito.


"P-pero kuya. Napa.. Napanaginipan ko na i-iniwan mo daw ako. At nag.. nagpakasal ka na sa i.. sa iba." Humihikbi pa rin ito.


Sa mga narinig ay tila gusto nang kumawala ng puso niya dahil sa sayang nararamdaman. Anong ibig sabihin nito? Natatakot na rin ba itong mawala siya at mapunta sa iba?


At dahil doon ay hindi niya maiwasang mapangiti na hindi naman nakita ng dalaga dahil nakayuko lang ito.


"Of course not! I will never let that happen. I will never get married kung hindi rin lang naman ikaw ang mapapang-asawa ko." Malambing niyang saad dito.


Kung tutuusin nga, ito pa ang nakatakdang ikasal sa iba. Kaya ang gusto niya sanang sabihin ay he will never allow her to be married by someone else aside from him.


Pero sa mga nakikita niya ay hindi na nito nababanggit si Luke, pati na ang engagement na noon ay binabanggit nito sa kanya.


At masaya siya dahil doon, dahil parang nawawala na ang atensyon nito sa iba. At napupunta na sa kanya ang buo nitong atensyon.


Niyakap niya ito nang mahigpit at hinaplos ang likod ng ulo nito para patahanin.


Ngunit naisip niya na kahit ganito na ito na tila natatakot na rin na mawala siya ay hindi niya pa muna aalisin ang pagkakaposas nito. Hindi pa buo ang tiwala niya na hindi siya nito tatakasan ulit. Baka kasi mamaya, nagpapanggap lang ito.


Darating din ang time na babalik sila sa Tagaytay. Pero hindi muna sa ngayon. Kailangan niya munang marinig ang matagal na niyang gustong marinig mula dito. Ang tatlong salita sa ingles at dalawang salita sa tagalog, bago niya ibigay ang buong tiwala dito na hindi na siya ipagpapalit pa nito sa iba. Bagkus ay ipaglalaban siya kahit pa sa mga magulang nila.


'Yun ang hinihintay niyang mangyari. At alam niyang malapit na nitong sabihin sa kanya ang mga salitang hinihiling niya na marinig mula sa mga labi nito.


And when that day comes, I know that we will both fight for each other. Kahit pa na alam kong dahil lang sa gamot na pinaiinom ko sa'yo kaya ka ganito sa akin. Nalungkot siya sa naisip. Ganon pa man, at least, you're not gonna leave me again. Despite the fact that your love for me is not true love. Yes. I'm crazy enough to let you drink that medicine just for you to love me back. I just love you this much that I will do everything for you not to leave me again, for you to choose me over and over again.


-


-

Continue Reading

You'll Also Like

5.8M 22 1
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
26.8M 930K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
29.7M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
22.1M 714K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...