Grims Do Fall In Love (Publis...

By JoeBeniza

671K 23.6K 9.7K

Grim Reaper Series #1 (Story Completed) Si Van Kyle Chua ay isang lalaking "happy-go-lucky" at kung magpalit... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Epilogue
Extra

Chapter 22

12.4K 495 290
By JoeBeniza

Saydie



I MADE a mistake. Hindi ako dapat lumapit kay Van. I should have known that this Grim Reaper was after the kid, and not him. Bakit ba kasi parang masyado akong nag-aalala sa kanya? At bakit nakikita ni Van ang iba pang mga Grim Reaper? I should have thought this could happen when he said that he met Master Reeve. Now I had to deal with this Grim.

Kung hindi ako nagkakamali, puwede akong isumbong ng Grim na ito sa mga Death Grim Reaper bilang isang alagad ni Death God na gumamit ng ipinagbabawal na crystal. Kapag nangyari iyon, parurusahan ako sa impiyerno, papalya ako sa challenge at uulit sa simula. I couldn't afford that. Now that I have loved being a human and Van showed me how.

"Let's talk," sabi ko at hinawakan sa balikat si Haleina. Sa isang iglap, nag-warp ako sa gitna ng isang kagubatan.

"Pardon me, Senior Grim Saydie. Sino ang lalaking iyon? Bakit niya ako nakikita at bakit parang... isa kang tao?"

"Haleina, kasalukuyan kong hinaharap ang challenge ng Death God para sa 10,000th killer's soul ko kaya napilitan akong gumamit ng isang crystal. Ngayon, isa akong kalahating tao at kalahating Grim Reaper para protektahan ang lalaking kausap mo kanina hanggang sa nalalapit niyang kamatayan," sagot ko.

Nakatingin lang siya sa akin habang hinihintay ko ang magiging sagot niya. Kapag bigla siyang nawala, hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Naalala ko ang isang eksena sa movie na pinanood ko. May sinabi ang mga karakter para mapagbigyan sila ng isa pang karakter. Mukhang iyon ang dapat kong gawin.

"Pakiusap! Gusto kong hilingin na ma-reincarnate kaya desperado akong pumasa sa pagsubok ng Death God. Kaya sana huwag mong sabihin ang nakita mo ngayon." Hindi ko alam kung nagawa ko nang tama at kung may epekto ba iyon sa kanya. Kapag wala, baka mapilitan akong gamitan siya ng lubid ni Kamatayan para hindi makatakas.

"Hindi ba bawal ang ginagawa mo?"

Hindi ako nakasagot. Inihanda ko ang sarili ko para kung sakali mang tatakas siya ay mabilis kong mapapalitaw ang lubid para igapos siya. Then I would call Master Reeve to help me with this matter.

"Kailan siya mamamatay?" tanong uli niya.

"October 30."

"Malapit na rin pala. Kilala kita, Senior Grim Saydie. Ikaw ang sinasabi nilang pinakamagaling na Grim Reaper dahil sa bilis mong makapaghatid ng 1,000,000 normal souls para maging Senior Grim Reaper. Ngayon, makukuha mo na pala ang ikasampung libong killer's soul mo. Akala ko pagkatapos niyan ay pipiliin mong maging Death Grim Reaper pero gusto mo pala ng reincarnation. Sayang ang abilidad mo."

Hindi ako sumagot. Seryoso kasi si Haleina. Katulad ko siya noon na wala ring emosyon. Sa palagay ko, hindi gumana ang mga sinabi ko sa kanya.

"Huwag kang mag-alala. Hindi kita dinala dito para itakas mula sa 'yo ang soul na pakay mo. Gusto ko ring magtagumpay ka kagaya ko," sabi ko. "Pero sana tulungan mo rin ako."

Nabalot ng katahimikan ang paligid. Tanging hangin at kaluskos ng mga dahon ang maririnig. Nakatingin ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. Hindi ko mabasa kung ano ang gagawin niya dahil sa malamig niyang ekspresyon. Nagsimulang kumabog na parang tambol ang dibdib ko. Pero hindi dahil masaya ako at hindi dahil sa tinitingnan ako ni Van, kundi dahil sa maaaring mangyari na masama.

"Hindi mo ba ako naaalala?" biglang tanong ni Haleina.

Kunot-noo ko naman siyang tiningnan. I tried to recall her face but I couldn't seem to remember her.

Ngumiti siya nang bahagya. Something that I never did when I was a Grim Reaper. Mukhang hindi pa tuluyang nawawala ang emosyon niya. "Mukhang hindi mo na ako naaalala. Tinulungan mo ako noong dapat ay may buburahin akong isang kaluluwa sa death book. Sa kadahilanang naawa ako sa kanyang pamumuhay na puro kamalasan. Pero dahil sa payo mo, nagawa kong siyang ihatid sa kabilang mundo. Naipamukha mo sa akin na sa kabilang buhay, mas magwawakas ang paghihirap niya kapag napunta siya sa paraiso," paliwanag niya.

Hindi ko maalala kung kailan ko siya nakausap noon kaya ngumiti na lang ako. Pero sa totoo lang, para sa akin, ngayon ay tila mas masarap na yata ang mabuhay kahit ano ka pa. Ipinakita 'yon sa akin ni Van.

"At dahil tinulungan mo ako noon, makakaasa kang mananahimik ako sa pagkakatuklas ko na gumamit ka ng ipinagbabawal na crystal."

Tumango ako at huminahon na ang kalooban ko. Nakahinga ako nang maluwag.

"Pero kailangan ko talagang sunduin ang bata. May malubha siyang sakit na walang lunas. At ngayon, mamamatay na lang siyang bigla dahil sa heart failure."

"Understood," sagot ko.

Hinawakan ko si Haleina sa balikat at nag-warp kami pabalik sa malawak na bakuran ng bahay-ampunan. Pero si Van na lang ang naroon at wala na ang bata. Ang ibang mga bata ay abala sa paglalaro sa malayo.

"Van, where's the kid?" tanong ko.

"Hindi! Hindi puwede! Paalisin mo siya, Saydie! Maawa kayo sa bata. Sobrang bata pa niya para mamatay," katwiran niya.

"You have to understand, Van. Hindi puwedeng pakialaman ang tadhana ng isang mamamatay. Kapag oras mo na, oras mo na."

"Oo tama ka diyan! Pero sobrang kaunti pa lang ang oras na nagamit niya dito sa mundo! Saydie, please. I know may emosyon ka nang nararamdaman. Maawa ka naman sa bata, o," pakiusap pa niya. "Bigyan ninyo pa siya ng kahit kaunting oras!"

Nag-iwas ako ng tingin at bahagyang napayuko. "Van... the kid will die at wala na tayong magagawa doon. May malubha siyang sakit na walang lunas."

"No..." bulong niya at lumuhod sa harap ni Haleina. "Please. Let her live. Alam ko na kaya ninyong ipagpaliban ang pagkamatay niya. All you have to do is to erase her name on your stupid book. So please..."

Natigilan ako sa sinabi ni Van. Bakit alam niya ang tungkol sa death book?

"Senior Grim Saydie," pagtawag ni Haleina sa akin na gumising sa diwa ko. Ibinaling ko ang atensiyon sa kailangang gawin.

"Go on. I know you can feel her. Ako na ang bahala dito," sagot ko.

Naglaho si Haleina sa harap ni Van. Tumayo si Van at susubukan sanang tumakbo paalis pero agad ko siyang nahawakan. "Van, makinig ka muna," sabi ko, saka hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. Huminto naman siya pero hindi humarap sa akin. Tuwing ganitong malungkot siya, tila nalulungkot din ako. At ayoko ng ganitong pakiramdam. Kailangan kong sabihin sa kanya ang mangyayari kung iyon ang paraan para maintindihan niya.

"Sa tanang buhay ng batang 'yon, pinahihirapan siya ng sakit niya. Pero ngayon, magwawakas na ang paghihirap niya. Ang isang musmos na kagaya niya ay hindi pa nakakagawa ng mabigat na mga kasalanan kaya... Hindi ako sigurado pero malakas ang pakiramdam ko na mapupunta siya sa paraiso. Kung saan siya magiging mas masaya at hindi na maghihirap pa."

Hindi sumagot si Van at nanatili lang na nakatalikod sa akin. Binitawan ko ang braso niya at hinintay ang susunod niyang gagawin. Tahimik lang siya habang hindi ako mapakali. Parang gusto ko agad na maging maayos siya at bumalik sa dati.

Ano ba'ng kailangan kong gawin? Dapat ko ba siyang paluin katulad sa pelikula? Pero ikinatakot niya 'yon at mukhang hindi 'yon ang dapat. Siguro dapat kong ulitin ang ginawa ko noon kung saan napahinto ko siya sa pag-iyak?

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at mula sa kanyang likod, siya ay aking... niyakap. Narinig ko siyang napasinghap. Parang ang sarap sa pakiramdam na ganito ang ginagawa ko sa kanya. Hanggang sa kusa ko na lang isinandal ang ulo ko sa likod niya. Gusto kong iparamdam sa kanya na magiging maayos din ang lahat at hindi niya kailangang mag-alala.

"I'm sorry, Van." Dahil sa mga taong nakapalibot sa akin, lalo na dahil sa kanya, napagtanto ko na may mga bagay na dapat kang sabihin bilang isang tao kapag may nagawa kang mali at kapag may nakagawa sa 'yo ng maganda. Ang paghingi ng tawad at ang pasasalamat.

"Saydie..." dinig kong bulong niya. "Sigurado ka bang mas nakakabuti sa batang 'yon ang mamatay?"

"Kung wala nang magagawa ang mundo ng mga tao para sa kanya, 'yon na lang ang tanging paraan para maalis sa paghihirap ang kaluluwa niya."

Ilang saglit na nanahimik lang si Van hanggang sa bumuntong-hininga siya. Tila biglang huminto sa pagtibok ang puso ko nang hawakan niya ang kamay kong nakayakap sa kanya. Pagtingala ko, nakalingon na siya sa akin at bahagyang nakangiti. "Salamat sa yakap mo. Gumaan ang pakiramdam ko."

Bumitiw agad ako na para bang bigla akong naduwag sa ginawa ko. Napaatras ako nang kaunti. Hindi rin ako makatingin sa kanya at nag-init ang mga pisngi ko. At heto na naman... 'yong dibdib ko, bakit kabog uli nang kabog?

"Pero, Saydie... bakit ba importante talaga sa inyo ang maghatid ng kaluluwa? I know you told me something but I want to know everything. Gusto ko na mas maintindihan ka at ang ginagawa mo. Para na rin mas maintindihan ko kung bakit hindi ninyo puwedeng iligtas ang bata."

Seryoso si Van at kita sa mga mata niya na desperado siyang malaman ang lahat. Kung ito lang ang paraan para malinawan siya at hindi na malungkot, siguro mabuti pa nga na sabihin ko na sa kanya.

"I came from a place called the Death Collector Society. It's in another realm, not here in your world. It acts as a pit stop of souls from the human world before going to the afterlife. Isa iyong napakataas na building. Sa mundo ninyo, you call it a skyscraper. Pero ang sa amin ay napapalibutan ng mga patay na kabundukan at malawak na kadiliman. Ang sabi ng Death God... kaming mga Grim Reapers ay mga dating tao na napili niyang magsilbi sa kanya. Kung anong klase kaming tao noon ay hindi namin alam. Wala kaming memorya ng aming nakaraan at hindi rin namin alam kung bakit niya kami pinili."

Huminto ako saglit at tiningnan si Van. Wala siyang imik at parang hinihintay lang ang mga susunod ko pang sasabihin.

"Ang misyon namin ay tulungan siyang ihatid ang mga kaluluwa ng mga namatay sa kabilang buhay. Kami ang tagakolekta at tagahatid. Siya ang maghuhusga kung saan pupunta ang kaluluwa—sa impiyerno o sa paraiso. Kapag kasi hindi naihatid ang kaluluwa sa kabilang buhay, maaari silang maging ligaw na kaluluwa dito, o hindi kaya ay mga vengeful spirit."

"Nasabi mo na sa akin ang tungkol sa kabilang buhay. Interesado akong malaman ang tungkol sa 'yo. I mean sa inyo," singit niya.

"Kaming mga Grims ay hinahati sa tatlong ranggo: una ay Grim Reaper, sunod ay sa Senior Grim Reaper at Death Grim Reaper. Kapag matagumpay naming naihatid ang partikular na bilang ng mga kaluluwa na itinalaga ng Death God, tumataas ang ranggo namin hanggang sa magkaroon kami ng pagkakataon na makahiling sa kanya," patuloy ko.

"Anong klaseng kahilingan?" tanong niya. "As in kahit ano?"

"Puwede kaming humiling na magligtas ng kaluluwa na mapupunta sa impiyerno o hindi kaya ay bumuhay ng namatay nang walang katumbas na parusa sa amin. Puwede rin na piliin naming maging Grim Reaper pa rin. Ang isa pang kahilingan ay ang reincarnation. Mabubuhay kaming muli bilang tao na walang alaala bilang Grim Reaper. Magsisimula sa umpisa," sagot ko.

"Ano ang kahilingan mo?"

"Noong una, hindi ko alam. Pero ngayon na ipinakita mo sa akin kung gaano kasaya at kasarap ang maging tao... My wish is to be reincarnated."

"I see... at mangyayari lang 'yon kapag matagumpay mo akong naihatid sa kabilang buhay, tama ba?"

Tumango ako. Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Van. Muling bumilis ang tibok ng puso ko. Ang sarap sa pakiramdam at gustong-gusto ko ang amoy at ang init ng katawan niya. Kusang yumakap sa kanya ang mga braso ko hanggang sa lalong nagdikit ang aming mga katawan.

"Now I understand why. Don't worry. Tutulungan kita at tanggap ko na rin talaga na mamamatay na ako. Hanggang sa huli kong sandali, mas ipapakita ko sa 'yo kung gaano kasarap ang mabuhay. Pero sana... when you get what you wish for is you'll be happier than what you are right now."

Tila may kung anong tumama sa puso ko matapos marinig ang sinabi niya. Bigla akong napaisip. Ano nga ba ang magiging buhay ko kapag reincarnated na ako? Magiging kasinsaya nga ba ako kumpara sa nararanasan ko ngayon?

Continue Reading

You'll Also Like

10.3M 140K 81
Kung sa "My Boss is a Freak" ay napatunayan niyong posibleng magkaroon ng isang unbelievably handsome, smart, and mega-rich na freak, dito naman sa p...
1M 13.1K 61
COMPLETED. I'M 20 BUT STILL NBSB SEQUEL. "Hindi naman sa wala akong tiwala sa asawa ko. Wala lang akong tiwala sa mga nakapaligid sa kanya. At kahi...
12.2M 415K 52
All is fair in love and war even among the bekis.
11.2M 505K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...