The Boss Affair

By QueMaLdita

124K 1.9K 222

Minsan na akong napaso sa pag-ibig. Hindi na ako magpapakatanga pang muli. Men. Tss. They don't know what com... More

The Boss Affair
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20

CHAPTER 12

4.4K 76 3
By QueMaLdita

CHAPTER 12

HARLEY.

Mababaliw na yata ako kapag di ko pa sya naangkin. I have to put in extra effort to get her to agree with me. By hook or by crook, she’ll be mine.

Kaya heto kami ngayon, may company outing. Kung ako ang masusunod, gusto ko kami lang dalawa ang mag-a-outing pero alam kong sa sobrang stubborn ng babaeng yan, hindi ko sya malalansi upang sumama sa aking mag-outing.

Ayaw nya, eh di gawin nating company outing.

Nung una, nahirapan akong kumbinsihin ang presidente na kailangan ng kompanya ng outing. Pero sabi ko sa kanya, mas magiging efficient ang mga empeyado kung may R & R din naman paminsan-minsan. Baka ma-burn out sila kung wala, di ba?

At dahil ang convincing prowess ko ay malakas (kay Jewelle lang medyo pumapalya), nandito kami ngayon sa isang private resort sa Batangas. Dahil all expenses paid naman, karamihan sa mga empleyado ay sumama.

Si Jewelle, ayaw pa nga sana kasi daw walang kasama ang kapatid nya sa bahay. Overnight kasi kami. From Saturday morning to Sunday afternoon.

Syempre papayag ba naman akong hindi sya sasama eh sya nga ang dahilan kung bakit may company outing ngayon! Kaya maaga pa lang, nambubulabog na ako sa apartment nila, wala na syang nagawa. Hindi na kami sumabay sa shuttle, instead dinala ko na lang ang kotse ko para masolo ko sya sa loob ng tatlong oras na byahe. Tanghali na kami nakarating sa resort habang yung iba ay tiyak na kanina pa dahil madaling araw sila umalis sa Manila.

“Naku, MJ, sabi mo kahapon hindi ka sasama, walang naka-assign na room sayo,” agad na lumapit ang dati kong sekretarya na si Miss Kim kay Jewelle.

“Eh kasi, hindi ko naman talaga-”

“Enough of that, ladies. Halika na Jewelle, mag-check in na tayo,” bago pa sya nakapag-protesta, nahila ko na sya sa kamay patungo sa reception ng hotel.

“Teka, Sir.”

Hindi ko sya pinansin at bumaling na ako sa receptionist upang ipa-check in si Jewelle. Hindi ko naman balak na isama sya sa kwarto ko dahil ayoko rin naman na maging tampulan sya ng tsismis sa office.

Yeah, yeah, I’m a gentleman, right? I know I’m great.

“Mheg!”

Kapwa kami napalingon sa lalaking tumawag. At alam nyo na kung sino ang epal na yun.

She shifted on her feet and avoided his eyes.

“Yes Sir?” she asked coldly. Whoa, kudos to you Jewelle!

“Nakita ko ang room arrangement kanina, wala kang room. So I checked for you earlier.”

Nagsalubong ang mga kilay ko.

“You don’t have to do that, Mr. Vicencio. I will check her in,” singit ko.

“Oh, good morning Sir,” bati ng lalaki na akala mo ngayon lang ako napansin. Umbagin ko kaya sya. “Fully booked na ang hotel Sir. Isn’t that right, Miss?” baling nya pa sa receptionist.

Tumango ang babaeng nasa desk.

Lihim kong naikuyom ang mga palad. Why in blazes does he keep on meddling??

“And besides,” muling nagsalita si Vicencio. “Naipa-check in ko na si Mheg kanina pa. It would be a waste kung walang gagamit nung kwarto.”

Nag-clear ng lalamunan si Jewelle bago nagsalita.

“Sir, tutal nai-check na yung room, doon na lang-”

“No!” mariin kong putol.

“Pero Sir, let’s be realistic here..” halos pabulong na sagot ni Jewelle. “Ayokong mag-camping sa tabing dagat ha.”

Naiinis na tiningnan ko sya saka bumuntong hininga.

“Use my room. It’s more comfortable.”

“But Sir-”

“Stop, Jewelle,” I growled and gave her a warning look. Agad syang tumahimik at tumango. Inilahad ako ang palad kay Vicencio. “The key.”

Walang imik nyang dinukot ang keycard sa back pocket at inilagay sa palad ko.

“Thanks, we can manage from here,” pagtataboy ko sa kanya.

Sumulyap muna siya kay Jewelle na hindi naman sya tinapunan ng tingin bago sya tuluyang tumalikod at umalis.

Ipinag-check in ko si Jewelle sa naka-book kong kwarto at nang makuha namin ang keycard niyon, inihatid ko na siya doon. Nasa iisang palapag lang ang mga kwarto namin ilang pintuan lang ang layo.

“That idiot!” inis kong ibinagsak ang katawan sa kama niya.

“Hindi ka pa ba pupunta sa kwarto mo?” tanong ni Jewelle sa akin.

“What’s with you?” iritado kong tanong.

“What what’s with me?”

“Bakit tinanggap mo agad yung offer nya?!”

“Sir, weird naman kung hindi ko tatanggapin, di ba?”

Naiinis kong inihilamos ang mga palad sa mukha. Napu-frustrate ako na nasisingitan ako ng James na yun.

“Nagseselos ako!” Tiningnan nya ako na para akong may tatlong ulo kaya pinandilatan ko sya ng mga mata. “Bakit, hindi pa ba obvious? That guy’s trying to impress you!”

Pinaikot nya ang mga mata.

“Unang una, wala na akong pakialam sa kanya. Pangalawa, sya ang pumutol ng ugnayan namin kaya hindi nya gagawin ang magpa-impress lalo na at kilalang kilala ko na sya. At pangatlo, bakit ka naman magseselos??”

ABA MATINDEEE! Nagtatanga-tangahan ba ang babaeng ito?!

“Jewelle, inuubos mo ang nalalabi ko pang manipis na manipis na pasensya,” ipinikit ko ng mariin ang mga mata.

“Ibibili kita.”

“Ng ano?”

“Pasencia,” tapos nginisihan nya ako.

Tinitigan ko sya ng ilang saglit. Heto ako, nanggigigil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, tapos sya, ginagawa lang akong joke time.

Walang babala ko syang hinila sa kamay kaya muntik na syang bumagsak sa ibabaw ko kung hindi niya maagad na naitukod ang tuhod sa kama.

“Sir!” protesta niya. I smiled mischievously and inched closer. Hindi sya makalayo dahil pigil ko sya sa magkabilang braso.

“Nakalimutan mo na ba kung anong parusa ng pagtawag mo sa akin ng ‘Sir’?” I can almost touch her lips if I so much as reach a centimeter further.

“H-Harley.. T-Teka lang..”

Her tongue darted out to moisten her lips and she took big gulps.

Nahigit ko ang paghinga sa tanawin.

“Jewelle, do you know what you’re doing to me?” anas ko.

Her shallow breathing told me that more or less, we are feeling the same right now.

“Har..ley..,” she whispered as if having a hard time fighting with herself.

Hindi ko na sya pinag-hintay pa ng matagal, tuluyan ko ng inangkin ang kanyang mga labi. My eyes closed automatically when I felt her lips.

“Know what? The bed looks inviting,” bulong ko sa pagitan ng aming mga labi. Hinila ko siya pahiga at pinagpalit ang aming posisyon without breaking away from her.

I wouldn’t give her logical mind to catch up with her desires again. Dahil pag nangyari yun, she’ll run away again.

I pinned her hands above her head and trailed my lips down her neck. She moaned. Lalo akong na-arouse sa tunog na nilikha niya. Napapaliyad siya kaya naman lalong na-emphasize ang matayog niyang dibdib sa suot niyang manipis na sweatshirt.

“Harleyhhh..!”

The sounds she makes were distorted by the shrill ring of the phone on the side table. Napapitlag si Jewelle na tila natauhan at pabigla akong naitulak.

“Shit!” I cursed. “Ignore the damn phone!”

“I-I’m.. sorry. Excuse me!” tuluyan na syang bumangon.

“Jewelle..” pinigilan ko sya sa kamay at tiningnan. I know I look like I’m almost begging her. But hell, I want to beg her!

“B-Baka sila yan..” nag-iwas sya ng tingin at iniangat ang receiver. “Hello?”

Gumulong ako palayo at umupo sa gilid ng kama, feeling more frustrated than before. I can still feel my body heat trying to consume me away. Why does it always turn out this way?

“Yes, we’ll be right there,” narinig kong sinabi niya bago tuluyang ibinaba ang phone. Bumaling siya sa akin. “Tayo na lang daw ang wala sa assembly area.”

Marahan akong tumayo at dinampot ang gamit ko saka hindi lumilingon na lumabas ng kwarto nya.

Hindi ako galit, ayoko lang syang lingunin dahil kailangan kong kontrolin ang sarili. I can seduce her back to bed, but by doing that, I might put her in a compromising situation, dahil tiyak na kung hindi kami makakababa after a while, they might send someone to pick us up.

I wouldn’t mind kung anuman ang sabihin ng kahit sino sa kompanya. But until Jewelle decided she wants to be with me, I can’t risk people to make speculations about us.

Pero ang hirap nyang kumbinsihin. Argh!

Ihinagis ko lang sa ibabaw ng kama ang bag na dala ko at tumuloy sa banyo upang maligo.

I need to take a shower. A shower that lasted for almost an hour.

Kaya naman pagbaba ko, tanghalian na. Sa dining hall na ako tumuloy at nabungaran ko ang eksenang magpapabalik na naman ng init ng ulo ko.

JEWELLE.

“I wanna take a little time

A little time to think things over

I better read between the line

In case I need it when I’m older.

In my life, there’s been heartache and pain,

I don’t know if I can take it again

Can’t stop now, I’ve travelled so far-”

Napahinto ako sa emote na emote na pagsabay sa kanta nang biglang pinatay ni Harley ang music player.

Hinampas ko sya sa braso.

“Ano ba? Ang kj mo!”

“Mga pinapatugtog mo naman kasi!”

“Maganda naman ah! Slow rock nga eh, ansarap pakinggan!” sagot ko.

“Hindi ko naman sinabing pangit,” tugon nya.

“Oh eh bakit mo pinatay! Okay nga yan, masarap makinig ng mga ganyan, pampatulog. Mahaba naman byahe natin di ba?” giit ko.

“Ikaw na rin nagsabi, pampatulog. Eh kung makatulog kaya ako habang nagda-drive?” pinandilatan nya ako ng mga mata. Iningusan ko sya at muling binuhay ang music player.

“Sige, iba na lang,” nag-scan ako ng playlist. “Aha! Ito!”

I rocked my body as the heavy sound of the instruments filled his car.

“I wanna push you down, well I will, well I will-!”

Muli nyang pinatay yung music player.

“Ano ba?!” sigaw ko.

“Mga kantang trip mo eh noh? Ke bago.”

“Yabang mo ah!” sinuntok ko sya sa braso. “Pagulungin kita dyan eh.”

Bigla nyang inihinto ang sasakyan at bumaling sa akin ng nakangisi.

“Gusto mo gumulong muna tayo ng konti dito sa kotse ko? I won’t mind.”

Napanganga ako.

“Ang aga-aga, ang horny mo!” bulyaw ko habang namumula ang mukha.

Lalo syang napangisi.

“Ooppps, trivia. Men are usually hornier in the morning-”

“SHADDAP HARLEY! Huwag mong i-pollute ang isipan ko!”

Humalakhak sya sa reaksyon ko and I found the scene fascinating. Napatitig ako ng ilang saglit sa kanya. He’s beautiful.

Nang huminto siya, maagap akong nagbalik ng paningin sa unahan.

“Hoy, mag-drive ka na, baka tanghaliin na tayo!” paingos kong sabi.

Tumatawa pa rin sya ng pabugso-bugso habang nire-restart ang kotse.

“Don’t turn on the music,” maya-maya ay wika nya sa seryoso pero conversational na tono. “I want you to talk to me.”

Napatingin akong muli sa kanya. Bahagya syang sumulyap sa gawi ko at nginitian ako.

And I found myself unable to say no to him.

“Ow.. ahm.. What do you want to talk about?” tanong ko.

“About you. Your likes, your dislikes, your childhood, your experiences..”

“Likes. I like slurpee.”

“Ehem.. I came to like it too,” ngumisi sya ng nakakaloko na tila may naalala. Namula ang mukha ko na may nag-pop-up din sa memory ko.

“Nowadays, I have nothing much that I like. But I used to like doinga lot of mischievous silly things..” my voice trailed.

“So, what happened? Not anymore?”

“Not anymore.”

“Bakit?”

Because my partner in crime left me, is what I want to say, pero iba ang lumabas sa mga labi ko.

“Syempre naman noh! Na-outgrow ko na ang mga kalokohan! Ikaw lang naman ang hindi nagma-mature!” buska ko.

“You think I’m not mature enough?”

“Are you even slightly matured?” tudyo ko.

“Hey, don’t look down on me, lady.”

Tinawanan ko sya. I might not voice it out, but right now, I feel good about going to this trip with this man. The air between us is friendly enough. I like the way we can comfortably sit and talk like this na para bang matagal na kaming magkakilala.

“Ikaw, bakit ganyan ang disposisyon mo sa relationships?” tanong ko.

Nagkibit sya ng balikat.

“Would you rather I promise things I’m not sure about?”

“It’s not like that. But you see, it’s human nature to make promises and breaking them one after another. Lies, deceit, betrayal, aren’t they part of being human?” sagot ko.

Ngumiti syang muli.

“My life was bland and boring. Ipinanganak akong mayaman, ang mga magulang ko hindi naman mahigpit, ang talino ko pa,” napatawa ako sa sinabi niya.

“Wow ha, hindi naman buhatan ng sariling bangko yung hinihingi ko,” singit ko.

Tumawa syang muli.

“Nagsasabi lang ako ng totoo ha! At idagdag mo pa dyan, gwapo ako. Ni hindi ko nga kailangang manligaw para magka-girlfriend-”

“Ipinamumukha mo talaga sa akin yan? Na makukuha mo ako kahit hindi mo ako ligawan? Hamon ba yan, mister?”

“Oy, oy, oy! Hindi ha! Ang sinasabi ko, maraming mga babae na sila na yung lumalapit sa akin. Sayo pa nga lang ako um-effort eh.”

“Nasan ang effort? Um-effort ka?”

“At bakit sa palagay mo may company outing ngayon?”

“Company outing nga, di ba? Malamang, may activities and team building!” sagot ko.

“First time na nagkaroon ng company outing, di mo ba alam? At yun ay dahil brinainwash ko ang presidente na kailangan ito ng mga empleyado.”

“Yabang mo talaga. Ikaw na ang anak ng presidente!” irap ko. “Anong kinalaman nyan sa effort thingy?”

“Kasi gusto kitang makasama. Eh alam ko namang malutong na HINDI ang isasagot mo kung yayayain kita ng diretso.”

Namilog ang mga mata ko.

“So are you telling me that this is an elaborate trap to catch me??”

“Bingo!”

Hindi makapaniwalang tinitigan ko sya.

“Oh, nahuli na ba kita? Bibigay ka na ba? Napabilib na ba kita?” nakangising tanong nya pa.

Napailing-iling ako. “You’re really horrible!”

“Is that your ‘YES’?”

“Ansakit mo sa ulo, Harley.”

“Para sabihin ko sayo, Jewelle, mas masakit ka sa ulo,” yumuko sya ng bahagya.

It took me a while bago ko naintindihan na ibang ulo ang tinutukoy nya.

“Salbahe ka! Bastos!” hinampas ko sya ng malakas sa kamay.

“Oy, huwag kang malikot, baka mabangga tayo!” saway nya at napahinto naman ako.

“Ang perv mo!” turan ko bago muling umayos ng upo.

“Jewelle..” maya-maya ay seryosong wika niya.

Napatingin akong muli.

“Bakit?”

“Seryoso ako sayo.”

Umangat ang isang kilay ko.

“Seryoso?” gagad ko.

“I mean, I really like you. This, I’ve never liked someone this way. Inaamin ko, happy go lucky ako. I always live for the moment, always trying to cause trouble just to add spice to my oh-so-boring life. I lose interest quickly. That’s why I don’t want to make empty promises. I think it’s unfair to promise something that is not certain. But what I am sure of is this moment. What I’m sure of is that this moment, I really like you. Hindi ko kailangan ng commitment, hindi ko kailangan ng exclusivity o ng titulo, ikaw lang.”

Natahimik ako sa sinabi niya. His words were uttered in complete sincerity. Straightforward, unadorned, not sugar coated. Plain and simple.

Funny, I can hear the other side of my mind whispering to me.

‘Let’s take the plunge.’

-

“Earth to Mheg!” napaigtad ako sa gulat at napalinga, saka bahagyang napanganga.

Bakit katabi ko toh? Si Desiree ang katabi ko kanina ah!

“S-Si Des?” tanong ko.

“Hey sis, I’m here,” napalinga ako sa kabilang side.

“Oh, bakit nandyan ka na?”

“Dito mas malapit sa lechon eh,” balewalang sagot ni Des. Ay pambihira, ipinagpalit ako sa lechon.

“Mheg, you’re getting thinner. Eat more.”

Tiningnan ko ang lalaking katabi ko at pinanliitan ng mga mata.

“What’s your game, James?”

Nagkibit sya ng balikat at walang salitang nilagyan ng pagkain ang plato ko.

“Teka! Andami na nyan!” protesta ko.

Dumukwang sya papalapit sa tenga ko.

“May dala akong plastic,” bulong niya at muntik na akong nasamid dahil sa hindi inaasahang tawang kumawala sa bibig ko.

Tinapik-tapik nya ako sa likod.

“Shh.. huwag ka namang magpahalata! Mahuhuli tayo dahil sayo eh!”

Di ko mapigilang mapangisi. Pucha, galit ako sa lalaking ito eh, pero di ko mapigilang matawa.

“Oh, damihan mo pa ang lechon, paborito ni Alessa yan,” dinagdagan nya pa nga ng lechon yung plato ko.

“Eh ang paborito ko yung embutido!” paanas din na sagot ko.

“Walang problema,” inabot nya ang tatlong nakabalot pa sa foil na embutido at inilagay lahat sa ibabaw ng plato ko. Nagsimula na kaming pagtinginan ng mga kasama namin dahil kung ano-ano na ang nasa plato namin.

Napangisi ako. Tarantado talaga ang ugok na ito ha. Gusto mo yan ha!

“Oh eto na! Di ka mapakali para pinya lang!” kinuha ko yung isang buong pinyang hindi pa nababalatan na mas malapit sa side ko at inilagay iyon sa ibabaw ng plato niya.

Nanlalaki na talaga ang mga mata ng mga kasama namin habang pinapanood kami. Tila hindi sila makapag-decide kung alin sa mga plato namin ni James ang mas maraming laman.

“Waiter!” tawag ko sa lalaking dumaan sa gilid namin. “Ikuha mo nga ng plastic si Sir. Ite-take out nya daw ito!” malakas na anunsyo ko at tuluyan ng napasinghap ang mga tao.

“Make that two, para sa babaeng ito yung isa,” dagdag ni James at itinuro ako.

Tapos sabay kaming nagtawanan.

“Abnormal ka pa rin eh, noh?” komento ko nang mag-subside ang tawa ko, saka bumaling sa waiter na naghihintay ng seryosong instruction. “Joke lang yun.” Tumango ang pobreng waiter at lumayo na.

“Kayong dalawa, lakas ng trip nyo!” naa-amuse na komento ni Desiree.

Napangiti na lang kami sa kanya at ipinagbabalik ang mga inilagay namin sa isang plato. Hindi naman puro pagkain yun. May baso, may kutsara at tinidor din. Yung plato nga ni James, may flower vase pa.

“How’s Alessa? Bakit hindi mo isinama?” tanong ni James kapagdaka.

“Hmm.. May klase sya eh. Bawal daw mag-absent.”

Ngumiti ng pilyo si James, tila may naisip na namang kalokohan.

“Pwede nating gawan ng paraan yan, naalala mo nung high school tayo?”

Kunot noo ko syang tiningnan.

“Tsk! Nangangalawang na ba ang memorya mo? Ano bang ginagawa natin kapag absent ang isa?” wika niya.

“Meaning, ME. Dahil ako lang naman ang laging absent nun,” sagot ko.

“Oo, at anong ginagawa natin para maka-absent din ako?”

My eyes narrowed.

“Sinasakal ako ni Alessa habang kausap kita sa telepono na nasa faculty room para maniwala silang may emergency na kailangan mong puntahan?”

Humalakhak si James at pumitik sa hangin.

“At ako naman ay aarte na shock na shock at malalaglag ko pa ang receiver. Dadamputin iyon ni Mam Tobias at maririnig nya pa ang nangangapos mong hininga sa kabilang linya!”

Nag-apir kami sa ala-ala. Oh, those were the days!

“Tama, tama! Kaya halika, sasakalin na kita!” umakma akong aabutin ang kanyang leeg.

“Oy, oy! Ako ba ang kapatid?” natatawa niyang iwas at tumayo saka humakbang palayo.

“Kapag mamamatay ka na, hindi na nila malalaman yun kung kapatid ka o hindi!” tumayo rin ako upang habulin sya pero napahinto ako dahil pag-ikot ko..

Ang walang ekspresyong mukha ni Harley ang nakasalubong ko.

Crap.

Continue Reading

You'll Also Like

346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
75.7K 4.4K 18
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
169K 5.9K 54
The S's #5 Z
9.2M 283K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...