Legend of Divine God [Vol 1:...

By GinoongOso

556K 32.3K 1.6K

Nang makapasok si Finn Doria sa Sacred Dragon Institute, ang tanging gusto niya lang ay malaman ang katotohan... More

Legend of Divine God [Vol 1: Struggle]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
NOTE

Chapter XIV

12.2K 752 20
By GinoongOso

Chapter XIV: The Truth

Nang malaman ni Finn kung nasaan ang Adventurer na 9th Level Profound Rank, agad siyang umalis sa kaniyang silid at nagtungo sa Contribution Hall.

Hindi siya makapaniwala na ang institusyong ito ay mayroong isang 9th Level Profound Rank!

Ayon sa ama ni Finn Doria na si Third Elder Creed Doria, sa buong kaharian ng Sacred Dragon Kingdom, tanging kakaunting adventurer lang ang nakatungtong sa Profound Rank dahil hindi ganoon kadali ang maabot ang antas ng lakas na ito.

Syempre, kahit ito ay mahirap, mayroon pa ring ilang paraan upang maabot ang antas na ito at yun ay ang pagkain ng isang Soul Enhancing Pill gaya ng Profound Nurturing Pill na napanalunan ni Family Head Frederick Marren sa Heavenly Auction House.

Gaya nang paliwanag nang namamahala sa Heavenly Auction City na si Alicia, mayroong tatlumpung porsyento lang na tumaas ang antas ng isang 9th Level Scarlet Gold patungong 1st Level Profound Rank at ito ay dumepende pa sa talento ng Adventurer na kakain ng Profound Nurturing Pill na ito.

Nang malaman ni Finn na mayroong malakas na Adventurer sa loob ng institusyon, hindi niya mapigilang makaramdam ng galit at poot. Dahil isang palaisipan ang tumatakbo ngayon sa kaniyang isipan.

Ilang minuto lang na kaniyang mabilis na paglalakad ay agad rin niyang narating ang Contribution Hall. Binagalan niya ang kaniyang paglalakad nang makapasok siya sa loob ng gusali at hindi niya inaasahan ang adventurer na kaniyang maaabutan sa lugar na iyon.

Hindi niya inaasahang ang inaakala niyang mahinang Elder ay siya palang pinakamalakas na Adventurer sa buong institusyon!

Ang Outer Elder na nagbigay panimula sa mga bagong estudyante. Si Outer Elder Kiden!

"Elder Kiden." malumanay na wika ni Finn.

"Finn...Anong ginagawa mo rito? May kailangan ka ba?" nagtataka at nabigla namang tanong ni Kiden sa binatilyo. Malalim niyang tiningnan ang binatilyo at nagpatuloy sa kaniyang sasabihin, "Narinig ko na isa ka palang malakas na 9th Level Gold Rank! Hindi ako makapaniwalang mas malakas at mas bata ka sa akin. Isa ka talagang talentado--"

Bago pa man matapos ni Kiden ang kaniyang sasabihin ay pinutol na siya ni Finn, "Hindi ka isang Outer Elder."

Nabigla naman si Kiden sa sinabi ni Finn ngunit agad rin siyang nakabawi. Hindi niya alam ngunit pakiramdam niya ay mayroong alam na si Finn sa kaniyang totoong posisyon sa institusyong ito.

Pilit siyang ngumiti sa harap ni Finn at nagwika, "Huh? Anong sinasabi mo?"

"Hindi mo na kailangan pang magkunwari, Elder Kiden. Hindi ka isang 9th Level Silver Rank, ikaw ay isang 9th Level Profound Rank!" pagbubunyag ni Finn.

Nanlaki ang mga mata ni Kiden sa mga salitang pinakawalan ng binatilyo. Hindi siya makapaniwalang alam nito ang kaniyang totoong antas ng lakas.

Ngunit paano?

Huminga siya ng malalim at ikinumpas niya ang kaniyang kanang kamay. Nabalutan naman ng harang na gawa sa soulforce ang buong Contribution Hall at tanging si Finn lang at Kiden ang nagkakarinigan.

Sound Concealing Skill!

Ang skill na ito ay tanging mga nasa Profound Rank pataas lang ang may kakayahang makagawa, ginagamit ito upang maitago at maiwasan ang kahit anong ingay na makalabas at marinig ng ibang nilalang. Sa tulong nito, mas magkakaroon ng pirbadong pag-uusap ang dalawa.

"Wala ng kwenta kung itatanggi ko pa sa'yo ang totoo kong pagkatao. Ako si Kiden Sylveria, ang Institution Master ng Sacred Dragon Institute." malumanay na wika ni Kiden. Makalipas ng ilang segundo, muli siyang nagwika, "Hindi ko maisip kung paano mo nalaman ang totoong antas ng lakas ko."

Hindi naman ito sinagot ni Finn, sa halip ay muli siyang nagbitaw ng isang salita, "Bakit?"

Syempre kayang-kaya ni Finn na pakiramdaman ang antas ng lakas ng mga Adventurer na nasa paligid niya dahil sa lakas na ipinagkaloob sa kaniya ni Kurt Bautista. Kaya niyang malaman ang totoong antas ng lakas ng Adventurer, ngunit hindi naman kayang alamin ng mga Adventurer na nasa paligid ni Finn ang totoong antas ng lakas niya dahil sa kaniyang Concealing Ring.

Kaya nitong itago at palitan ang totoong antas ng lakas ng nagsusuot nito kaya naman madali lang kay Finn na ibahin ang kaniyang totoong antas ng lakas, pero syempre, hindi maiitago ni Finn ang kaniyang totoong lakas kung ang kaharap niyang Adventurer ay 'di hamak na mas malakas sa kaniya ng sampung beses.

Medyo naguluhan naman si Kiden sa tanong ni Finn. Bahagya siyang ngumiti sa binatilyo, "Bakit ako nagpapanggap na Outer Elder? Lagi kong ginagawa ang ba--"

"Bakit hinayaan niyong mamatay ang tiyuhin ko? Bakit kayo nagbulag-bulagan noong nilason siya?! Bilang Institution Master ng institusyong ito, alam kong alam niyo kung sino ang nasa likod nang pagkalason sa tiyuhin ko, pero bakit wala kayong ginawa?! Hindi ko maintindihan, isa kang Profound Rank pero bakit natatakot ka sa isang Aristocrat Clan?!" galit na galit namang saad ni Finn.

Natahimik naman si Kiden at naging malumanay ang kaniyang mga mata. Taimtim niya lang na tiningnan si Finn habang patuloy itong naglalabas ng kaniyang mga katanungan.

"Yung pagtatangka sa buhay ko, alam mo rin yun tama?" habol pang tanong ni Finn.

Gustong malaman ni Finn ang lahat nang katotohanan. Kung noon ay hindi siya kwalipikado dahil mahina lang siya ngayong may sapat na lakas na siya gusto niyang maghiganti sa lahat ng nagpahirap sa kaniyang angkan.

"Tama ka, alam ko ang lahat ng mga bagay na sinasabi mo." malumanay naman na sagot ni Kiden.

Kung ibang tao ang magtatanong sa kaniya ng ganito, hindi magdadalawang isip si Kiden na turuan ito nang leksiyon. Kahit ang mga Core Elders ay magalang sa kaniyang harapan, ano pa kaya ang isang Outer Student? Pero ibang sitwasyon ang nangyayari ngayon. Kalmado niya pa ring hinahayaan si Finn na tanungin siya sa ganitong paraan, yun ay dahil ramdam na ramdam niya ang galit, poot at hinanakit sa puso ng binatilyong ito. At isa pa alam niyang naging duwag siya noong mga oras na 'yon.

"Sino siya? Gusto kong malaman kung sino ang lumason sa tiyuhin ko at nagtangka sa buhay ko." seryosong wika ni Finn.

Nagtitigan silang dalawa hanggang sa mapabuntong hininga nalang si Kiden. Pumikit ito at marahang nagsalita, "Si Inner Elder Xuan. Pero hindi mo siya mahahanap sa loob ng institusyon dahil ipinadala ko siya sa isang misyon."

"HAHAHAHA. Ano? Isang Elder ang lumason sa aking tiyuhin at malaya pa siyang nakagagawa ng misyon? Talagang pinapahanga mo ako, Institution Master." nagpipigil galit na saad ni Finn.

"Hindi mo naiintindihan." iling namang saad ni Kiden.

Napataas ang kilay ni Finn at napangiwing nagwika, "Ano ang hindi ko maintindihan? Malinaw namang pinoprotektahan niyo ang kriminal na nasa likod ng pagtatangka sa buhay ko at pagkamatay ng tiyuhin ko. Institution Master Kiden, hindi na ako bata para lokohin niyo pa."

"Hindi si Elder Xuan ang pangunahing salarin sa mga pangyayaring iyon. Mayroon pang mas makapangyarihan at maimpluwensiya ang nasa likod ng lahat ng ito na kahit ako ay hindi mangangahas na kalabanin sila." mapait na ngumiti si Kiden kay Finn.

"Alam ko. Ang Black Tiger Family, tama?" kinuyom naman ni Finn ang kaniyang kamao.

Pero bakit hindi mangangahas si Kiden na kalabanin sila? Ang pinakamalakas sa buong Black Tiger Family ay isa lamang 9th Level Scarlet Gold Rank at iyon ay si Family Head Frederick na ama ni Seve Marren.

Nagsimula lang naman ang lahat ng ito ng magsimulang manggulo ng Black Tiger Family sa kanilang angkan. Gusto ng Black Tiger Family na makuha ang teritoryo at ari-arian ng Azure Wood Family pero hindi nila alam kung bakit sa dinami-rami ng ordinaryo at mahinang angkan, ang Azure Wood Family pa ang napili nilang guluhin.

Nang tumanggi ang mga Elders at Family Head ng Azure Wood Family, doon na nagsimula ang kamalasan na naganap sa ordinaryong angkang ito. Marami sa kanilang mga miyembrong nangangaso ng Vicious Beast ay hindi na nakakabalik ng buhay. Hindi nila alam kung bakit ito nangyayari dahil iyon ang unang beses na malagasan sila ng ganoon karaming miyembro. At noong makapasok si Altair sa institusyon, ilang araw pa lang siya sa loob ay nabalitaan na agad ng Azure Wood Family ang kaniyang pagkamatay, ngunit hindi nalaman at hindi ipinaalam kung sino ang salarin.

Sa mga oras na 'yon, nawalan na ng pag-asa ang Azure Wood Family na makakamit pa nila ang hustisya. Wala silang magawa kung hindi kimkimin ang kanilang hinanakit sa Institusyon.

Pero ang inaasahang sagot ni Finn mula kay Kiden ay hindi niya nakuha dahil marahan nitong iniiling ang kaniyang ulo at nagwika, "Hindi ang Aristocrat Clan na 'yon ang nasa likod ng lahat ng 'to. Kung sila, hindi ako magdadalawang isip na gumawa ng hakbang laban sa kanila. Isa lang silang Aristocrat Clan, bakit ko sila katatakutan? Pero noong oras na pupunta na sana ako sa Black Tiger Family para humingi ng eksplanasyon, isang Elder mula sa isang Noble Clan ang bumisita sa Institusyon. Sampung taon na ang nakakalipas ngunit tandang-tanda ko pa ang sinabi niya na huwag akong makikialam sa gulo sa pagitan ng Black Tiger Family at Azure Wood Family."

"Nang mga oras na 'yon wala akong nagawa kung hindi manahimik na lang sa isang tabi. Isa lang akong 5th Level Profound Rank noon habang ang Noble Clan naman na 'yon ay mayroong tatlong 7th Level Profound Rank. Hindi ko sila kayang labanan, at hindi ko rin gustong ibuwis ang aking buhay para lamang sa isang ordinaryong angkan na wala namang relasyon o kaugnayan sa akin." malumanay na pagpapaliwanag ni Kiden.

Lahat nang sinabi Kiden ay totoo. Noong gagawa na sana siya ng hakbang ay agad namang may dumating at bumisita sa kaniyang Elder mula sa isang malakas na angkan para balaan siya na huwag nang makisangkot sa gulo ng dalawang angkan.

"Noble Clan? Alin sa apat na Noble Clan ang gustong sumira sa aming angkan? At anong rason nila?" naguguluhan namang tanong ni Finn.

Kung isang Noble Clan nga ang gustong sumira sa kaniya, at mayroon itong tatlong Profound Rank Adventurer, ibig sabihin kahit ang kasalukuyang si Finn ay hindi kakayanin ang Noble Clan na ito.

Kung antas ng lakas ang pag-uusapan, hindi hamak na mas mahina pa rin si Finn kay Institution Master Kiden. Napangiwi nalang si Finn sa kaniyang bagong nalaman, isa lang ang ibig sabihin nito, wala pa ring kasiguraduhan ang kaligtasan ng Azure Wood Family.

Habang iniisip ang mga 'to, hindi mapigilan ni Finn na maikuyom ang kaniyang kamao. Mapait siyang ngumiti habang naghihintay ng kasagutan mula kay Institution Master Kiden.

"Kilalang kilala mo sila, Finn. Gustong-gusto na nilang wasakin ang angkan ng Azure Wood Family, lalong lalo na ikaw." wika ni Kiden. Malalim at taimtim siyang tumingin kay Finn at marahang nagwika, "Dahil ito ang angkan ng babaeng itinakda upang iyong mapangasawa, ang angkan na Nine Ice Family."

--

Continue Reading

You'll Also Like

287K 39.6K 42
Pagkatapos ng isang taong pagsasanay sa Spring of Dreams, sa wakas ay nagbalik na si Finn sa Dark Continent upang maghiganti kay Puppet King Hugo at...
33K 4.1K 45
January 10, 2035. The first-ever virtual reality game in the Philippines; Crescent Online developed by AstroGame Corporation. Miracle Salvador is a...
71.9K 1.8K 27
HIGHEST RANK: #1 in Virtual, #1 in gaming THIS BOOK HAS BEEN TRANSFERRED TO A DIFFERENT ACCOUNT. Please follow @haruirui if you still wish to embark...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...