Always Be His Baby (COMPLETED)

By AtingPotangting

96.1K 1.9K 97

Book 2 na po ito ng 'ALWAYS BE MY BABY' So basahin po muna ang book 1 para maintindihan ang storyang ito. #Ai... More

Always Be His Baby
Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Author's Note

Chapter 43

1.4K 29 0
By AtingPotangting

Jozh POV

Nauna akong nagising sa kanya. Nagkaroon pa ako ng oras para bumili ng cake, balloon at pati narin ang birthday hats. Pagpasok ko sa kwarto ay saktong-sakto na kakagising lang niya. Kinukusot pa niya ngayon ang kanyang mata habang nakayuko. Magulo din ang kanyang buhok. Hahahaha. Mahina akong kumanta.

"Happy birthday to you, Happy birthday to you~"

Napalingon siya sakin. Una niyang dinapo ang mata sa cake at balloons na hawak ko. Tapos sa mukha ko at huli ay napatingin siya sa party hat na nasa ulo ko.

"Happy birthday, Happy birthday. Happy birthday baby"

Tumawa siya habang nakatakip ang kamay sa kanyang bibig. Nilagay ko sa gilid ng kama ang balloons at nilagyan din siya ng party hats na kinatawa niya pa lalo.

"Wish ka na, then hipan mo ang kandila"

"Ehh! Hindi pa ako nakapagmumog"

"Hahaha tanggap naman kita kahit mabaho ang hininga mo eh"

Nakatanggap kaagad ako ng hampas sa braso.

"Sige na" sabi ko at inilapit ko sa kanya ang cake pero tinitigan niya lang ako.

"Mag wish ka na, wag ako yung tititigan mo"

"Ikaw yung wish ko"

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Pinikit niya ang kanyang mga mata at hinipan ang kandila. Nagningning ang mata ko at ngumiti.

"Sana maging masaya ka" dugtong pa niya.

"Happy birthday baby" sabay halik ko sa pisngi niya.

Umupo ako sa tabi niya at nilabas ang cellphone ko.

"Picture tayo"

Pagkatapos naming mag picture ay iniwan ko muna siya sa kwarto para makapag-ayos. Inabala ko nalang ang sarili para sa agahan namin. Pagbaba niya ay suot niya parin ang party hats.

"Oh, ba't hindi mo na suot ang party hats?" natatawang tanong niya.

"Hahaha nasa gilid"

Kinuha niya ito at nilagay sa ulo ko.

"Birthday ko kaya suotin natin ito hahaha"

"Ano ang gusto mong gawin? Hapon pa naman ang party mo"

"Nah! Dito lang ako sa bahay. I'm fine here"

"With me?" sabay lagay ko ng kamay sa baywang niya.

"Feeling mo" piningot pa niya ang ilong ko.

"Anong gagawin ng dalawang tao kapag sila lang ang nasa iisang bahay?"

"Matutulog lang tayo. Wag kang green" hinampas pa niya ang dibdib ko.

"Matutulog lang? talaga?"

"Syempre!"

"How about cuddling?"

"How about sapakin kita?"

Napatawa nalang ako sa reaksyon niyang nanlalaki ang mata. Hayy! Kahit buong araw pa tayo sa bahay basta ikaw ang kasama ko, Baby.

Pagpatak ng alas kwatro ng hapon ay nag-ayos na kami kaya saktong alas singko ay pumunta na kami sa resort na gaganapan ng birthday niya. Nakasuot siya ng floral na dress at sandals na abot hanggang tuhod ang tali. Inilugay niya lang ang blonde niyang buhok na kinatingkad ng kutis niya.

Nang marating namin ang resort ay kaagad akong bumaba para pagbuksan siya. Madami nang naka park na sasakyan kaya sigurado ako na madami naring tao sa loob. Pinaskil niya ang matamis na ngiti sa kanyang labi at napangiti narin ako. Inakbayan ko siya at sabay kaming pumasok.

"Momma's here" patakbong sumisigaw si chambie.

Natatawang tumakbo din si Empire para tawirin ang espasyo sa kanila. Saktong pagyakap at pagkarga niya kay chambie ay pumutok ang confetti.

"Woahh!!"

Nilibot niya ang kanyang kumikinang na mata. Nagsimula naring tumunog ang malakas na music sa buong resort.

"Happy birthday momma"

"Thank you baby" sabay halik niya sa pisngi nito.

"Happy birthday Ms. Stellar" sabi ng kuya niya kasama ang asawa nito. Ibinaba niya si chambie at niyakap ang kuya niya.

"Aw! Thank you kuya. I know ikaw ang utak ng lahat ng ito"

"Hahaha anything for my beloved sister. I love you" mahigpit na niyakap siya ito at hinalikan ang ulo.

"I love you too kuya"

"Wala din ba akong 'I love you' diyan?"

Napatingin ako sa lalakeng umambang yayakap. Tantya ko ay nasa mid 60's na siguro ito. Nakangiti ito pero karespe-respeto parin ang itsura. Isang maawtoridad na tao.

"Dad!" bulalas niya at yumakap kaagad.

"Happy birthday Empire"

Ang lalakeng orihinal na tumatawag sa kanya ng pangalang Empire.

"Thank you dad. I thought hindi ka makakapunta" pinahid niya pa ang luha sa mga mata.

"It's your special day iha. And I can't miss the chance"

Makikita talaga sa yakap ni Empire na miss na miss niya ang papa niya. Sa sobrang busy ba naman nito, I doubt kung palagi pa silang nagkikita.

"Tell me, who's this handsome man behind you"

Nagulat pa ako ng diretso akong tingnana ng papa niya. Lumapit sakin si Empire at pinakilala ako.

"Dad, Si jozh nga pala"

"Royal Joziah Ybasco? I'm Empire Miguel Stellar. I'm the father of this beautiful girl beside you"

Nilahad niya ang kamay sakin na tinanggap ko naman kaagad. Bakit alam ng papa niya ang buong pangalan ko?

"Oh! Don't look at me that way iho. You're too famous"

"Po? Hindi po ako—"

"Famous ka sa bahay hahaha palagi ka kasing pinag-uusapan" singit ng kuya ni Empire.

So that's explain why?

Tungkol saan naman ang pinag-uusapan nila sa akin? Tiningnan ko si Empire para humingi ng sagot pero umiwas lang siya at nakuha din ng papa niya ang atensyon ko ng nagsalita ulit ito.

"And besides masyadong matunog ang pangalan mo sa business world"

"Hindi naman po" nahihiya ko pang bigkas.

"I didn't know that my daughter likes a humble man huh"

"Dad!!" pagbabanta ni Empire sa panunukso ng daddy niya. Tumawa lang ang papa niya at hinalikan siya sa pisngi.

"Okay! Okay! Let's start your party"

Naglakad na kami papunta sa venue ng party. Sa gilid pala ng beach nila nilagay ang party imbis na sa loob. Eh occupied pa naman nila ang buong resort. Inilibot ko ang aking mata. Nakakamangha ang dekorasyon, pinag-isipan talaga. Madaming nakakalat na tables at marami ang mga waiter na nagse-serve. Madami naring bisita na napatingin sa direksyon namin kung nasaan si Empire.

"Waaaahhhhhh!!!!! Ate"

Napalingon ako sa sumigaw at nakita ko ang tumatakbong babae na kaagad niyakap si Empire ng mahigpit at sinabayan pa ng pagtalon.

"O M G!!! Goshh! I really miss you ate" hindi parin makapaniwala ang babae at hanggang ngayon ay tumatalon parin.

Hyper naman!

"Hahaha I miss you too Abbei"

Abbei?

Abbei na pinsan niya?

Kumalas sila sa pagkakayakap kaya mas nakita ko ang mukha ng babae. Oo nga! Si Abbei! Tumangkad siya at mas gumanda. Kulot narin ang buhok niya.

"O M G! You're so pretty. Happy birthday may kakambal"

"Hahaha thank you Abbei. Kailan ka pa dumating? Sino ang kasama mo?" Luminga-linga pa siya.

"I'm sorry to tell you na hindi siya makakapunta ate" bigkas ni Abbei ng namataan na parang may hinahanap si Empire sa likod niya.

Sino?

Continue Reading

You'll Also Like

314K 17K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
989K 34K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
927K 30K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...